[14] Epic Flip Cup
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟒
Pumalibot kami sa isang pahabang lamesa kung saan nakapwesto ang mga alak, red solo cup, asin, lime, at ibat-ibang chichirya. May mga iilan na naiwan sa pool area pero halos ang mga babaeng bisita ay nakisali sa amin.
"So, what's the consequences kung hindi tumayo yung cup?" Tanong ni Calvin habang nakaakbay siya sa babaeng nakasuot ng puting bikini.
"Each player has three chances to flip the cup. If you fail to flip the cup, you need to pick your consequence in this container. It's either truth or dare." Sagot ni Paul, member ng blue dragons.
"But before that, each player has to take a shot. Then, If ever you didn't flip the cup, you need to take another shot before picking a consequence," Rajie stated.
"Bale, dalawang shots..." Dinig kong bulong ni Sabrina.
Mabilis kaming pumwesto. Nasa magkabilang gilid ko sina Shirley at Sabrina, habang nasa harapan ko si Blood. Binigyan ng tig-isang shot ang lahat, may kasamang lime ang bawat cup.
"Sandali lang, baka may underage pa dito, ah?" Biglang hirit ni Paul.
"Mardux is still underage!" Shirley talks like the hind legs of a donkey.
Pumula ang pisngi ko. Really? Kailangan ba talagang ipangalandakan ang edad ko? I will turn eighteen next month!
"I'll be eighteen next month!" I stated, defending myself.
"Are you allowed to drink?" Tanong ni Clint.
I nodded. "Yes!"
"Don't worry about her, guys! Nung nasa Korea pa kami ay halos gabi-gabi kaming pumupunta sa club... She can drink five bottles of soju without even flinching." Shirley said, grinning like she's proud of me.
"Y-You don't have to tell them that..." Pigil ko sa kanya.
"Mianhe..." bulong niya at napailing na lang ako.
Nagsimula na ang laro at enjoy na enjoy ang lahat.
Ang mga members ng blue dragons ang nauna sa pangunguna ni Calvin. Sumunod si Rajie, napatayo niya agad ang cup sa isang subok kaya hindi niya na kailangan bumunot sa bowl. Sumunod si Paul at hindi niya napatayo ang cup kaya nagtake siya ng isang shot bago bumunot sa bowl. Hanggang sa naging sunod-sunod na ang mga naglaro.
May sumayaw, may kumanta, may pinatalon sa pool, may uminom ng pinaghalo-halo condiments. Hanggang si Blood na ang humawak ng cup. He first took a shot before flipping the cup. Naghiyawan ang lahat nang hindi napatayo ni Blood ang cup. He cussed before taking another chance, but he failed.
"Anong nabunot mo? Truth or dare?" pang-aasar ni Calvin.
"Darn! It's a Dare!" Sabi ni Blood.
Inagaw ni Rajie ang papel sa kanya at binasa ang nakasulat. "Hold hands the person in front of you for 10 minutes." Basa niya sa papel.
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Shit! Ako lang naman ang kaharap ni Blood!
Wala kaming nagawa kung hindi gawin ang nakasulat sa dare. Napalunok ako nang mahawakan na nang tuluyan ang kamay niya. His hands are soft, and big compare to my hands. I bit my lip when I felt my hands are slightly trembling.
"Your hands are trembling," He muttered.
Tumingin ako sa kanya. "Pwede ba? Manahimik ka," bulong ko pabalik.
Napansin kong nakatingin sa amin si Shirley. Nagtaas-baba ang kilay niya na halatang nang-aasar. Kung wala lang mga tao sa paligid namin ay paniguradong pinaghahampas niya na ako sa kilig.
Nagpatuloy ang laro at si Clint na ang sumunod na naglaro. Napangiti ako nang makitang napatayo niya ang cup. Si Shirley ang sumunod at hindi niya napatayo ang cup kaya bumunot siya sa bowl.
"Kiss the most attractive person you see here." She read it out loud.
Mabilis na naghiyawan ang lahat nang umakyat si Shirley sa lamesa at mabilis na ninakawan ng halik si Clint. Napanganga ako. Hindi ko namalayan na humigpit ang hawak ko sa kamay ni Blood.
Everyone shouted even more raucous when Clint kissed her back. Just a few seconds, she came back, giggling. "He's a good kisser!" She said.
"Ikaw na, Mardux Hillary!" Sabi ni Sabrina at ngumiti na lang ako ng tipid.
I tried flipping the cup but after all the chances I had, hindi ako nagtamgumpay. I took a shot before picking a paper from the bowl.
Nawalan ng kulay ang mata ko nang makitang dare ang nakalagay. Napatingin ako sa lahat na naghihintay sa kung ano gagawin ko.
I swallowed hard. "B-Body shot with the person opposite from your direction." I read it out loud.
Everybody hyped me up.
Napalingon ako nang magsigawan ang sa may bandang gilid ko. "Nice one! Captain Tobias, this is your moment to shine!" Pinagtulakan ng mga lalake si Tobias papunta sa'kin.
"Mga gago! Hahaha!" Tumatawang sabi niya sa mga kaibigan niya. Naglakad siya papunta sa direksyon ko habang nakangisi. "What's up," Mayabang na sabi niya.
Nung nasa harapan ko na siya ay hindi ko alam ang gagawin.
"Ahh... H-Hello." I stammered because of nervousness.
He smirked while staring at me. "So, body shot, huh?"
"Wait..."
Napalingon kami kay Blood. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I believe she's underage. She's not allowed to do this not until she reaches legality. Just pick another paper." He stated while looking at Tobias.
"What?! Are you kidding me, Pemberton?" Tobias greeted his teeth. I can felt his irritation.
The athmosphere became awkward and tense.
"She's still a fucking minor, De Lavin... A minor." Blood stated while giving Tobias a death glare.
''B-Blood...'' I called him to get his attention but I failed.
"She'll turn 18-"
"Ahhhhhhhhhh!!!" Everyone screamed when the lights and the music suddenly shut down.
Nagtakbuhan ang lahat. Nabigla ako nang maramdaman kong may humila sa akin paalis. Napangiwi ako nang mabangga ako sa isang matigas na bagay na naging dahilan para matalisod ako, at ang huling naramdaman ko ay ang malakas na pagkahulog ko sa pool!
Kasabay ng pagkahulog ko sa pool ay ang pagbukas ng sunod-sunod na ilaw. Ilang beses akong naubo dahil may pumasok atang tubig sa ilong ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at hindi ko maiwasan ang hindi mabigla sa tumambad sa akin.
Blood is in front of me, staring at me while I'm strangling at his neck! Pareho kaming basang-basa habang yakap ko siya sa kanyang leeg. Mabilis akong sininok nang alisin niya ang mga nagkalat na buhok sa mukha ko.
"You're really clumsy. Don't you know that?" He said while staring at me, still fixing my hair.
"Ah-"
Hindi na ako nakasagot dahil mabilis na nagsilapit sa amin ang mga miyembro ng blue dragons.
"Shit! Captain Blood at Mardux, Ayos lang kayo?" Tanong ni Calvin Klein.
Lumapit sa gilid ng pool si Shirley at kinausap ako. "Mardux! Ayos ka lang?! May masakit ba sayo? Nakainom ka ba ng tubig?! Tell me!"
Napailing ako. "D-Don't worry, I'm all good."
"Jeongmal gwaenchanh-euseyo? Dangsin-i gwaenchanhji anhdamyeon na-ege malhaejuseyo." Paninigurado niya gamit ang salita namin sa Korea.
I nodded. "Oo nga... Ayos lang ako,"
"Teka, magbihis na kayo at baka magkasakit pa kayo," sabi ni Rajie.
Mabilis na umahon si Blood kaya sumunod ako sa kanya. Hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito kaya nakasunod lamang ako sa kanya.
Napataas ang kilay niya nang makita ako sa likuran niya. "Where are you going?" he asked.
Napasinghap ako. "I'm wet, and cold..." I almost whispered.
He rolled his eyes. "Come with me..." Wala itong pasabi na naglakad palayo. Hindi na ako nagtanong at sumunod na lamang ako sa kanya.
Noong sumakay siya sa elevator ay sumakay din ako. Hinintay ko siyang pumindot sa button pero hindi siya gumalaw kaya nilingon ko siya.
"Anong floor tayo?" I bit my bottom lip.
"The highest..."
I was about to press a button when the door suddenly opened. Bahagya pa akong natigilan dahil hindi man lang kami nagtagal sa loob. He stepped out of the elevator at sumunod lang ako sa kanya.
Malawak na living room at chandelier ang sumalubong sa akin. Nakataas ang mga bintana kaya kitang-kita ko ang mga nagtataasang building at ang buong city lights. Dumiretso papasok sa isang kwarto si Blood kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang paligid.
Whoa. Ang ganda.
"Here..." Mabilis akong kumilos nang ihagis niya sa akin ang isang paper bag. ''You can change using the other room. It's on your left side." Saka siya pumasok sa kwarto na pinasukan niya kanina.
Dumiretso na ako papaunta sa kabilang kwarto gaya ng utos ni Blood. Katulad kanina ay hindi ko maiwasan ang hindi mabigla sa nakita. Pumasok ako sa may cr at halos mapatalon ako sa tuwa nang makitang may bathtub.
Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. I'm just wearing a black over-sized shirt and red adidas sweatpants. Binanlawan at piniga ko ang mga nabasa kong damit bago nilagay sa paper bag. Pagbalik ko sa living room ay naabutan kong naglalakad papalapit sa mahabang sofa si Blood. He's wearing gray sweatpants and a white muscle shirt. His hair is still dripping, and he has a towel around his neck.
I cleared my throat. "Tapos na ako..."
Napalingon siya sa akin. Mabilis siyang umupo sa may sofa at binuksan ang malaking flatscreen TV. "Maupo ka muna. I made you a coffee."
Hindi ko maiwasan ang hindi mabigla.
"Huh? S-Sige."
Umupo ako sa tabi niya. I sniffed when I smelled a pleasing aroma coming from Blood's hair. Probably his shower gel.
Sumandal ako sa sofa habang humihigop sa kapeng ginawa ni Blood para sa'kin.
"Did you enjoy the party?" he suddenly asked.
Napalingon ako sa kanya. "Yes, Masarap yung mga pagkain. I enjoyed dancing and playing," sagot ko.
"Hmm..." Blood shook his head.
Lumipas ang ilang minuto na tahimik kami. Humigop ulit ako sa kape bago dumausdos pasandal sa mahabang sofa. Napahikab ako.
Napapikit ako nang hagisan ako ni Blood ng kumot.
"Cover yourself and sleep."
"Thanks..." I bit my bottom lip before closing my eyes. I took a deep breath. "I... I enjoyed this night. Thanks to you," I said before I dozed off.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro