[12] Basketball Game
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟐
"Dito daw tayo umupo sabi ni bebe Clint!" wika ni beks.
Pagkatapos namin bumili ng mga snacks sa cafeteria ay dumiretso agad kami sa gymnasium para manuod ng basketball game. Since Clint personally invited us, we agreed. Maaga ang naging dismissal ng bawat klase at lahat ng mga estudyante ay nandito, manunuod din.
''Dito talaga tayo sa unahan?'' tanong ni Sabrina. Ramdam ko ang pagiging mahiyain niya.
She became our friend instantly when we learned that she is also half Korean, like us.
Mabilis kaming umupo sa may bandang unahan, sa may ibabang parte na malapit sa mismong court. Maganda ang pwesto namin dahil kitang-kita namin ang buong laro. Ilang sandali pa at nagsimula nang umingay ang buong gymnasium dahil lumabas na ang dalawang grupo. Tilian dito, sigawan doon.
Nakita namin ang dalawang grupo ng basketball players na papalapit sa gitnang bahagi ng court. Nakasuot sila ng kulay blue at black jersey.
"There he is!" Turo ni Shirley kay Clint na papasok na ng court. Nasa likod niya si Lance at isa pang kasama nila sa blue dragon na nakalimutan ko na ang pangalan.
Napangiti ako. He looked so good in that jersey uniform!
"Ang gwapo niya," hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita.
"Omg! Blood, looks so gwapo!" Rinig kong tili ni beks.
Kahit ayokong lumingon ay kusa na akong napalingon. Napatigil ako at bahagyang napanganga. Kausap niya ang mga blue dragon members bago sumali sa warm up.
"Hoy! Natulala kana dyan!"
Napatingin ako kina Shirley at Sabrina na nakatingin sa'kin. Nakangiti silang pareho pero may halong pang-aasar ang kay Beks.
I arched my brows. "Huh? Hindi no!"
She smirked. "Gwapo ni Blood, no?" She leaned closer to me, clutching on my arm. Tinusok niya ang tagiliran ko, nang-aasar.
"Tumigil ka nga,"
"Aminin mo muna..." Pang-aasar niya pa.
I glowered at her. "Jebal geumanhae! I don't like him." Napipikon na sabi ko at nagkatinginan naman sila ni Sabrina.
Napakamot si Sabrina sa noo bago ngumiwi sa'kin. "Wala naman sinabi si Shirley na may gusto ka kay Blood," sabi niya.
My lips twitched. "A-Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay huwag niyo akong asarin kay Blood dahil hindi ko siya gusto." I pursed my lips and averted my eyes.
"Oo na," sagot ni beks.
"Shhh! Magsisismula na..." Sabi nung mga babaeng nasa taas namin.
Nag-umpisa na ang laro. Si Tobias, ang team captain ng Black Jaguars at si Blood naman ang captain ng Blue Dragon. Wala akong alam sa basketball pero napapangiti ako sa tuwing makaka-shoot si Clint. Lahat naman sila magaling, pero na kay Clint lang talaga ang atensyon ko.
"Go, Clint! Go, Blood Jared!"
Napatingin ako sa grupo ng mga babae na nakapwesto sa may bandang itaas. May banner at pompom sila na para sa Blue Dragon. Napangiwi ako dahil ang titinis ng sigaw nila. Ang daming fans.
"Neomu sikkeuleowo!" I mumbled.
Binalik ko sa laro ang atensyon ko. Nasa kamay ni Blood ang bola at hinaharangan siya ni Tobias. Blood is taller and leaner than him, but the captain of Black Jaguars has the shredded type of body. Nagulat ako nang mapagawi sa akin ang tingin ni Blood.
"Number 24, Pemberton..." basa ko sa jersey na suot ni Blood.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa'kin pero ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Mabilis akong niyugyog ng mga kaibigan ko.
"Hala ka! Bakit ka kumaway?!" Tanong ni Beks.
Confusion filled my whole face. "Huh? Anong ginawa ko?"
"Blood didn't make it!" Si Sabrina ang sumagot.
My lips went ajar. "Ano?!"
Napalingon ako sa court at kita kong nakasimangot na si Blood. Tinapik lang siya sa balikat ng mga kasamahan niya. Halatang badtrip na hindi siya nakakuha ng score. Kasalanan ko ba?
"Hindi ko naman kasalanan..." bulong ko.
"Anong hindi? You just waved and smiled at him!"
"So?"
"He got distracted!" Si Sabrina ulit ang sumagot.
Napailing ako. "Hindi naman siguro," sabi ko.
Nagpatuloy ang laro. Nasa kamay ulit ni Blood ang bola at si Tobias na naman ang nakaharang sa kanya. Hindi na ako kumilos, I diverted my attention to somewhere else.
Nagulat ako nang makitang nakatingin sa'kin si Blood. Kumunot ang noo ko. I mouthed something at sinenyas sa kanya ang ring. Nag-iwas siya ng tingin at mabilis na nakalagpas sa pagbabantay ni Tobias.
Blood managed to score. Halos dumagundong ang gym sa lakas ng sigawan na pinangungunahan ng grupo ng mga babae sa itaas. Kinakalampag pa nila ang railings na nagsisilbing harang sa bawat upuan. Masyadong agaw eksena ang ingay.
"Nice one, Blood Jared!" tilian ng mga babae sa may bandang itaas.
"Kahit isang jersey lang sa blue dragon, oks na ako!" dinig kong bulong ng babaeng katabi ko, hindi ko siya kilala.
I shrugged my shoulders.
I looked at the scoreboard. The score is 62 and 67. Lamang ng limang puntos ang Blue Dragon. Mabuti naman at malapit na raw matapos ang laro dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Hindi sapat ang mga chichirya na binili namin kanina sa cafeteria.
Napatayo ako nang makitang naka-shoot si Clint kahit na sobrang layo niya sa ring. Sobra akong na-amaze doon. He just did a three points shoot!
"Nice one, Clint! Ang galing mo!" sigaw ko.
Napatingin sa akin si Clint at ang iba niyang ka-team, kasama si Blood. I've gained attention because of that sudden scream. He gave me a smile before winking at me.
Mabilis akong naupo at tinakpan ang buong mukha ko.
"Shit! Nakakahiya naman..." bulong ko.
Tawa naman ng tawa si Shirley habang ako ay parang gusto nang magpalamon sa lupa. Hinampas ko siya sa balikat pero mas lalo siyang natawa.
Alas singko na rin nung natapos ang laro. Blue dragon won the game. Lamang sila ng pito sa Black Jaguars. Nagkamayan ang dalawang team at nakita kong parang nag-uusap pa sila.
Mabilis akong tumayo para makaalis na nang hilain ako paupo ni Beks.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Huh? Sa banyo sana," pagkukunwari ko.
"Gaga! Huwag ka ngang imbento dyan! Batiin mo si Clint!"
"Huh? Para saan?!" Kinakabahan na sabi ko.
Mabilis niya akong hinila papunta sa gitna. Syempre, kasama namin si Sabrina na nakasunod lang sa amin. Mabilis kaming humalo sa mga players sa court. Lumapit na rin ang ibang estudyante at nakigulo sa mga players.
Napangiwi ako nang itulak ako ni Beks. Napasubsob ako sa isang matigas na bagay. Ang bango! Nagtaas ako ng tingin at mabilis akong napalayo nang makitang sumubsob ako sa pawisan na dibdib ni Blood!
"S-Sorry... Si Shirley kasi," sabi ko, pulang-pula ang mukha.
"Whatever," sagot niya at nilagpasan ako.
Umawang ang bibig ko. "Sungit..." I mumbled.
Mabilis na lumapit sa amin ang hinihingal na si Clint. I smiled and postured myself. "Congratulations!" I sincerely said.
Ngumiti siya sa'kin. "Thanks, Mardux! Thank you at nanuod kayo,"
"Oo naman. Nakakahiya naman kung hindi kami sisipot sa imbitasyon mo, diba?" sabi ni beks, nakahawak siya sa braso ko. "Congrats nga pala,"
"Thanks, Shirley." He smiled.
"Congrats, Clint."
Napalingon kami kay Sabrina. Napangisi ako. I know that she likes him, she's just indenial.
"Thanks," sabi ni Clint bago bumalik sa'kin ang tingin.
"May mini celebration nga pala blue dragon. Baka gusto niyo munang sumama? It's too early to go home,"
"Sure!" ani Shirley, walang pag-aalinlangan. "Sama tayo, beks?" bulong niya sa'kin.
"Sige," I stoically said.
"Great! Teka, I'll go home first to take a shower. Sa condominium pala ni Blood ang venue."
"Condo?! Sa condominium nakatira si Blood?" Gulat na tanong ni beks.
"Not really. May condo lang siya na regalo ng parents niya. Teka, should I fetch you girls?" He offered genuinely.
"Hindi na." Mabilis na putol ko. "Kami na lang ang pupunta. Just send me the address, para makapagpalit pa kami ng damit na babagay sa party mamaya."
"You sure?"
I nodded. "Yes."
"Alright. May I get your number, then?" Tanong ni Clint and I agreed.
Nagpalitan nga kami ng number ni Clint bago kami naghiwalay ng landas. Dumiretso kami pauwi sa bahay at kasama namin si Sabrina. Mabuti na lang at may driver sina Sabrina, siya ang maghahatid sa amin sa party.
Hindi na ako nagtagal sa shower room. Lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya at tanging undergarments lang ang suot. Mabilis akong lumapit sa may closet at pumili ng damit na susuotin ko.
I choose to wear a black denim shorts, a french blue button down polo crop top, a black leather belt with a cc symbol in front, white ankle socks, and my black adidas sneakers. Hindi na ako masyadong nag-inarte sa pag-aayos ng buhok, at hinayaan ko lang na nakalugay ang straight kong buhok. I applied neutral makeup and sprinkle my favorite perfume before I went downstairs.
Sakto ang pagbaba nina beks at Sabrina na pawang nakaayos na rin. Sabrina is wearing a pink off-shoulder dress, Shirley is wearing a denim skirt and a black halter crop top that drapes her curves.
"Nasa labas na si Manong Rudy,'' sabi ni Sabrina.
"Tara na," pagyaya ko sa kanila.
Mabilis kaming sumakay sa kotse nina Sabrina. Mabuti na lang talaga at tinawagan niya ang driver nila at siya ang maghahatid sa amin sa venue. Nagtext na rin ako kay Clint para ipaalam na papunta na kami sa party.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro