[10] A New Friendship
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟎
ANOTHER MORNING came, mabilis akong dumiretso sa banyo para maglinis ng buong katawan. Ilang minuto lang ang itinagal ko at lumabas na ako ng banyo para pumili ng maisusuot ko. I chose to wear a denim jeans, a purple button-down blouse that has a ribbon design in front. I'm now applying light makeup on my face before fixing my hair into French Braid Pigtails.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kitchen. Naabutan ko si Shirley sa kusina, Naghahain na siya ng mga pagkain na niluto niya sa lamesa. I quickly approached her and helped her. Ilang minuto lang at nagsimula na kaming kumain ng almusal habang nagdadaldalan.
"The symbol B on the periodic table stands for what?"
Mabilis akong nagtaas ng kamay nang marinig ko ang tanong ng lecturer. I did some advanced reading last night before I went to sleep. That's why I'm a bit confident to participate in every recitation.
"Stand up, Miss Ong!"
"Boron po," sagot ko.
"Very good!"
Mabilis lumipas ang oras at lunch break na. Niyaya ko si beks na pumunta sa cafeteria para kumain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.
"Deo ppalli geol-eo baegopa!"
"Teka lang naman! Gutom na gutom?!" Sabi sa'kin ni beks dahil halos kaladkarin ko siya papunta sa cafeteria.
"Kanina pa ako gutom, eh."
"Ay sus! Nagbreakfast naman tayo kanina."
"Kahit na, beks! I'm still hungry..." sagot ko habang hinihimas ang tyan ko.
"Tumakbo ka— H-Hello, Clint! Hi Boys!"
Mabilis akong napalingon sa tinawag ni beks at mula sa likuran ko, lumabas si Clint kasama sina Blood at Lance na pawang nasa amin ang mga tingin.
''Hello!'' Bati ni Clint habang may ngiti sa labi.
"Hi, boys! Kumain na kayo?" Feeling close na tanong ni beks.
"Not yet." Si Lance ang sumagot.
"Baka gusto niyong sumabay sa amin kumain? Gutom na gutom na itong kasama ko, oh!"
Nanlaki ang mga mata ko saka napapahiyang napaiwas ng tingin. Nalipat kasi sa'kin ang atensyon nila dahil sa sinabi ni beks.
"Sure! The more the merrier!"
"Oo nga naman. Sabay-sabay na lang tayong kumain. Don't worry, Libre naman daw ni Blood." Pagbibiro na sabi ni Lance kaya nakatanggap siya ng suntok sa braso mula kay Blood.
''Gago. wala akong sinabing manlilibre ako." Blood said while giving Lance a death glare.
''Biro lang, bro.''
"Don't worry, Girls. Dahil simula ngayon, Libre na lahat ng mga pagkain na gusto niyong orderin. Sinabihan na namin yung mga staffs na kapag kayong dalawa ang mag-oorder, Free na lahat ng expenses dahil friends kayo ni Blood." Mahabang sabi ni Clint.
Hindi ko nagawang makapagsalita sa gulat. Since when it started that Blood and I are Friends?!
"N-Nakakahiya naman, Clint. May pambayad naman kami ng mga pagkain namin, eh." Sabi ko habang umiiling pa.
"I know and, I'm sorry for not telling you before doing anything."
"Okay na, Clint. Wala na rin naman tayong magagawa saka maganda na siguro 'yon para makatipid kami."
"Shirley! Ano bang pinagsasabi mo? Mahiya ka nga," bulong ko kay beks.
"Anong nakakahiya doon? Si Clint na nga ang nagsabi, eh."
"Kahit na..."
''Tss! Let's eat na! Tama na ang daldalan niyo dyan dahil hindi naman kayo mabubusog sa mga pagtatalo niyo." Biglang nangibabaw ang boses ni Blood kaya tumahimik na kami at hindi na lang nagsalita.
"Tara na at galit na si boss," sabi ni Lance at wala naman kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila.
Dahil sa sinabi ni Clint, Hindi na ako nagulat nung sobrang dami ang order ni beks. She ordered almost for two people while I ordered the usual. I chose to eat a bowl of rice, burger steak with mashed potato, two slices of Cassava cake, and a bottle of soda.
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami hindi napigilan ni Lance at ni beks ang magdaldalan na akala mo, sobrang tagal na nilang magkakilala.
"So, marunong kayong magsalita ng Korean diba?" Tanong ni Lance.
"Malamang! Half Korean nga kami diba?" Sarkastikong sagot ni beks.
"Sungit mo!"
"Hindi ako masungit no! I'm just mataray but with a heart." Biglang sabi ni beks kaya sabay kaming napailing ni Clint.
Nakikinig lang ako sa pag-uusap nina Lance at Beks nung mapansin ko si Blood. Grabe! Sobrang tahimik niyang kumain! Parang siyang kumakain sa fine dining restaurant kung makaasta!
''Hindi ka talaga kumakain ng gulay no?'' Hindi ko na napigilan ang hindi magsalita. Instead of saying anything, he just glared at me.
Napailing na lang ako sa inasta niya bago inilapit ang plato sa kanya saka sinandok lahat ng mga gulay sa plato niya na hindi niya kinakain.
Mabilis siyang napalingon sa gawi ko. "What do you think you are doing?" His lips parted.
"Hindi mo naman kinakain, eh. Ako na lang ang kakain, ha?" sabi ko.
"Baka gusto mo pati itong dessert ko sayo na?" he said sarcastically.
Napailing ako habang may ngiti sa labi. "Hindi na. Dalawa na itong dessert ko, eh." Mapang-asar na sagot ko.
"Food stealer." I heard him murmured.
"Atleast hindi ako nagsasayang ng pagkain." I said before sticking out my tongue to make fun of him.
"Tss."
"Girls, Before I forgot! I want to invite you to watch us later at the gymnasium." Biglang sabi ni Clint kaya natigil kami ni Blood sa pag-aasaran.
"Anong meron, Clint?"
"Basketball game."
"Talaga?! Nice! Sige, Manunuod kami," sagot ni beks.
"Sure" sabi ko naman.
''So, I'm expecting you two later," sabi ni Clint.
I nodded. "Oo."
"Great! See you later Mardux, and Shirley."
Mabilis na kaming bumalik ni beks sa classroom habang sa gymnasium dumiretso yung tatlo. Ilang segundo lang at pumasok na ang lecturer namin kasama ang dalawang Student Council Officers.
"Class! Please settle down! I'll give you 5 minutes to do the announcement," sabi ng lecturer na bahagyang nakangiti.
"Thank you, Sir!"
"Hello! Good Morning, Everyone! I'm Tine, The Student Council President of Blue Academy." Pagpapakilala nung babae na pumasok. "Gusto ko lang sabihin na pwede niyo nang makuha ang mga school uniform and p.e uniform niyo after dismissal."
"I'm Jazh, The Student Council Secretary. Sa Admission Office niyo pwedeng makuha ang mga uniforms niyo. And, starting on Monday, It's mandatory to wear the school uniform or else you can't enter the school premises."
Dahil sa mga sinabi nila, hindi na napigilan ng mga kaklase namin na humiyaw sa saya.
"I'm so excited to wear our uniform!"
"I bet I look pretty on our uniform!"
"I need to buy a brand new black shoes later!"
"Shh! Class, Observed silence, please!" Pagbabawal ng lecturer kaya biglang tumahimik ang mga kaklase namin.
Nag-usap pa saglit ang lecturer at ang mga members ng student council bago sila nagpaalam na aalis na. Nagsimula na ang lecturer sa discussion at nagbigay na rin siya ng short quiz. "That's all for today! Class dismissed! See you on Monday, Class!" Sabi ng lecturer bago lumabas sa classroom namin.
Pagkatapos ng dalawang subject namin dumiretso na kami ni beks sa office para kumuha ng uniform. Habang naglalakad kami, marami ang mga excited makita ang uniform namin at isa na kami doon.
"Ano kaya ang itsura ng uniform natin? Same style ba sa Korea or Japan?"
"I don't know but, I don't mind if it's a new style," tugon ko sa tanong ni beks.
Mabilis kaming pumila ni beks sa may pinakadulo dahil sobrang daming estudyante ang nakapila para kumuha ng uniform. Nung makapasok kami sa loob ng office, nagpirma lang kami at hinanap na agad namin yung mga pangalan namin.
"Sana Monday na dahil excited na ako suotin itong uniform natin!"
"Sana bagay sa akin! Dalhin na kaagad natin sa laundry shop mamaya itong mga uniform natin," sabi ko habang nakangiti.
"Sure!"
"Tara, ilagay na muna natin itong mga books sa locker tapos order na tayo ng snacks para may kinakain tayo habang nanunuod ng basketball game nung tatlo," sabi ko at pumayag naman siya.
"Order na lang tayo ng maraming chips and, drinks tapos bilhan na rin natin sina bebe Clint."
"Okiedokie."
Pumunta na nga muna kami sa locker para ilagay ang mga books namin. Tapos dumiretso na kami sa cafeteria para umorder ng snacks.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro