[1] First Encountered
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏
MARDUX POINT OF VIEW
"Wake up beks! Huwag ka ng tulog mantika!"
Kahit natutulog damang-dama ko ang pagyugyog at ang pagtapik sa pisngi ko. "Mardux, wake up! May pupuntahan pa tayo!" Dahil sa sobrang lakas ng pagyugyog sa magkabilang balikat ko, wala na akong nagawa kung hindi ang magmulat ng mga mata at bumungad sa'kin ang bagong ligong si Shirley.
Kumunot noo ako bago dahan-dahang bumangon sa kama.
"Anong meron?" Inosenteng tanong ko.
Nagsalubong ang magkabilang kilay niya bago namewang. "Don't you remember?! May lakad tayo ngayon! Bibili tayo ng mga school supplies at bag na gagamitin natin! Baka nakakalimutan mong bukas na ang simula ng klase." Nakasigaw na sabi niya.
Bakit kaya palaging nakasigaw itong si Shirley? Para siyang nakalunok ng megaphone!
Huminga ako ng malalim. Ayokong makisabay sa ingay ng bibig niya kaya pinakalma ko ang sarili ko. "Arasseo! Maliligo na ako. Just give me 20 minutes," Tinatamad pa ang boses kong sabi.
I waited for her to react, but she didn't do anything. Lumingon ako sa kanya at nakita ko kung gaano kasama ang tingin niya na nakapukol sa'kin.
"Anong 20 minutes?! I'm only giving you 10 minutes to prepare! Bilisan mo kasi nagluto na ako ng breakfast!" Hindi man lang ako nakasagot sa sinabi niya dahil mabilis niya akong tinalikuran at pabagsak na sinarado ang pinto ng kwarto ko.
Tamad akong tumayo at pumunta sa banyo. Natapos akong maligo within seven minutes kaya naghanap na ako ng maisusuot ko. I chose to wear black fitted jeans, Denim sleeveless top with tied ribbon in front. I paired my outfit by wearing a white Adidas shoes.
Naglagay ako ng pink lipstick sa labi ko at baby powder sa mukha at leeg ko. Hinayaan ko naman na matuyo ng natural ang buhok ko saka na ako bumaba papunta sa kitchen area.
Naabutan ko si beks o mas kilala sa pangalang SHIRLEY REBECCA AGUSTIN, sa dining table habang nag-aayos ng mga plato at baso. Dumiretso ako sa may kitchen cabinet para kumuha ng dalawang coffee mug at magtimpla ng kape.
Mabilis akong umupo pagkatapos magtimpla ng kape. Naglaway agad ako nung makita kong lahat ng mga pagkain na nakahain sa lamesa ay mga paborito ko.
"Grabe! Bigla akong naglaway sa mga pagkain!" Suddenly, my mood became cheerful.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. May korean egg roll, sausage, Cheese Pandesal, coffee at ang specialty ni beks, ang kimchi fried rice with cheese.
"Ano kayang mga bibilhin natin?" I asked.
"Basta kailangan natin ng notebook, ballpen, ruler, pencil, scissors, yellow pad, index card, highlighter at higit sa lahat yung bag," sagot niya bago sumimsim sa kape na tinimpla ko.
Nagliwanag naman kaagad ang mukha ko. "Arraseo! Excited na akong mamili ng mga gamit!" I said in a cheerful tone.
Pagkatapos namin kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan habang si beks ang nag-aayos sa lamesa. Natapos na kaming maglinis kaya nag-retouch na lang kami. Pagkatapos, nag-abang na kami ng Jeep na hindi kalayuan sa bahay namin.
"Peste! Ang lamig ah," ani ni beks.
"Dapat pala nagsuot tayo ng jacket," sabi ko at pareho kaming napabungisngis.
"Let's go," Ani niya.
Napalingon ako kay beks nang hilain niya ako papunta sa National bookstore. Naghiwalay kami ni beks pagkarating at pagkapasok sa NBS, mas gusto kasi namin 'yon para makapili kami ng maayos. Pareho kaming may dalang cart at maliit na listahan. Mabilis akong pumunta sa section ng mga notebooks.
Lumipas ang isang oras at nakuha ko na lahat ng mga sa tingin ko ay gagamitin namin this school year. Ten notebooks, Ten random highlighter, ballpen. Nakakuha na rin ako ng pencil, bond paper, yellow pad, index card, construction, ruler, sketch pad at drawing book, and finally painting materials.
Nakangiti ako habang naghahanap ng magandang libro na pwede kong basahin. Pumunta ako sa teen fiction section dahil nakuha nila ang atensyon ko.
"Beks, anong mas maganda? Eto o eto?" Sabi ko habang pinapakita sa kanya ang mga napili kong libro.
Napataas ang kilay niya habang pinagmamasdan ang dalawang librong hawak ko. Nilagay niya ang kamay sa ilalim ng baba na parang nag-iisip ng mabuti. Sus!
"Ano nga?" Naiinip na tanong ko.
"Maganda pareho pero... Mas maganda ako." I rolled my eyes before I proceed to the counter to pay for my things. Pareho ko na lang bibilhin ang dalawang librong nakakuha ng atensyon ko.
"So, Saan tayo?" tanong ko habang bitbit ang dalawang plastic ng mga binili namin.
Tinuro ni beks ang isang store na malapit sa Forever 21 which is Tommy Hilfiger. "Tara doon." sabi niya.
Naglakad kami papunta sa international store na 'yon nang mahagip namin ni beks ang isang matangkad na lalake na mukhang pamilyar sa amin.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang lalakeng walang habas kung makagawa ng public display of affection sa kasama niyang babae. He's quite tall, maybe about 5'11 or taller. He has fair skin and, his eyes are monolid eyes. His hair is dyed with brown shade but with a mix of dirty blonde. Nakasuot siya ng itim na pantalon at checkered flannel jacket. May dalawang agaw pansin siyang hikaw sa magkabilang tenga na kanina pa kumikinang.
"Omg! Is that Blake Alexandrei Ong?" Tanong ni beks sabay pisil ng braso ko kaya napangiwi ako.
"Yeah, I guess?" Walang ganang sagot ko.
"Selos ka?"
I rolled my eyes. "Bakit ako magseselos?"
"Dahil hindi na ikaw ang baby niya," She smirked at me.
"Dakchyeo!" (Shut up!)
''Blake! Yahooo!" Nanlaki ang mga mata ko ng agawin niya ang atensyon nila.
Nagtama ang mga mata namin at halatang nabigla siya nang makita ako. So do I... Naglakad sila papunta sa direksyon namin at mabilis siyang niyakap ni beks nang mahigpit. Kitang-kita ko ang pagsama ng timpla ng mukha nung kasama niyang babae sa ginawa ni beks.
Mabilis na nalipat sa'kin ang atensyon ni Blake. "What are you guys doing here?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.
"Bibili kami ng mga school supplies at bag namin," Shirley answered.
Napatango siya bago napalingon sa babaeng kasama niya. Hinapit niya ito sa bewang na ikinangiwi ko. "Babe, this is Shirley Rebecca my cousin." He stated before pointing at me.
"And, this girl is my younger sister, Hillary." He introduced me, but I didn't smile.
Yes, Unfortunately, he's my one and only brother. He's studying Engineering and his in Junior year. Habang ako naman, 4th highschool at malapit na rin ako maging college student. Mabuti nga at wala pang k-12 sa Pilipinas, eh.
"Girls, Meet Nadine, she's my girlfriend."
"Scumbag! Who the hell is Nadine?! I'm not Nadine! My name is Nathalie!"
Shirley and I gasped in horror when she slapped Blake in the face. Not just once, but twice!
"Aww! Let me explain, Nadia!"
"Playboy!" She pushed Blake on the chest before storming out, full of tears.
Well, Blake deserved that slap for being a playboy.
"Naks! May live show, eh?" Mapang-asar na sabi ni beks.
"Psh! That Girl is annoying!"
I immediately hit him in his hard chest. His lips parted because of what I did.
"Oppa!" I frustratedly brushed my hair up. I glared at him. "Bakit kasi ang dami mong babae?! And when did your brain get weak?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mapasigaw sa sobrang inis.
"Baby, bakit ka nagagalit sa'kin?" Naging maamo ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.
I took in a deep breath, still glaring at him. "Aish! Jeoneun Oppaneul sileohaeyo! Beks, Let's go!" (I hate you, Oppa!)
Mabilis ko silang iniwan at dumiretso na lang ako sa loob ng isang international store. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga magagandang bag at sapatos na nakadisplay. I need to divert my attention or else I don't know what I can do to my playboy brother!
Napalingon ako ng may tumawag sa akin and, I saw beks. "What?" I mouthed.
Napakamot siya sa ulo. "Look at your brother," sabi niya sabay turo sa labas ng store.
I saw Blake na naglalakad paalis habang nakaharap sa amin. Bale paurong siyang naglalakad. Parang tanga!
"He's annoying!"
Nagpalinga- linga na lang ako sa mga display bag hanggang sa may makuha ang atensyon ko. Isang korean style bag pack na kulay pink, black at white. Kulay pink ang strap habang kulay black yung bulsa sa labas at color white yung mga zipper.
Ang cute naman!
Tumawag ako ng isang sales lady. "Miss, how much is this?" I asked her.
Ngumiti naman ang babae tapos kinuha ang bag na tinuro ko. "Ma'am, this bag is worth 3,899 pesos but as of today, Sale po siya and it will only cost you 2,699 pesos na lang."
"I want to buy it." Walang alinlangan na sagot ko.
Napangiti naman siya. "Sure Ma'am."
"Thanks," Tipid na sagot ko.
Napalingon ako kay Beks, dala na rin niya ang napili niyang bag. Isang shoulder bag na kulay maroon na may gold plate sa gitna. Ngumiti kami sa isa't-isa at sabay nang naglakad sa counter.
"Thank you po for buying, Ma'am!" Ngumiti na lang kami ni beks at sabay ng lumabas sa store habang bitbit ang mga nabili namin.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni beks kaya nagpalinga-linga ako hanggang sa tumigil ang mga mata ko nang makita ang favorite fast food chain namin.
''Mcdo! I'm craving for spaghetti and big mac!''
SI BEKS ANG pumunta sa counter para bumili ng two chicken ala king, Fries, two large coke float, Mcflurry, Mcnuggets, Mcspaghetti with 1 pc chicken and, lastly Big mac value meal. Nakangiti ako habang hinihintay na matapos si beks.
Masyado kaming nagutom dahil sa mga ginawa namin ngayong araw. Isama mo pa ang agaw eksena na nangyari sa pagitan nina Blake at Nadine. I mean, Nathalie.
MABILIS akong tumayo para tulungan si beks sa pagdadala ng dalawang tray ng pagkain. Pagkaupo, Mabilis namin inayos ang lahat ng mga pagkain sa itaas ng lamesa pero bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba.
''Beks.''
Mabilis siyang lumingon sa akin habang nakakunot ang noo. ''Bakit? May kulang ba sa order?''
Umiling ako. ''I need to pee,'' Bulong ko sa kanya dahil baka may makarinig.
''Hawak ko ba yung banyo? Joke! Sige na, Pumunta ka na muna sa comfort room at baka dito pa sumabog 'yan.'' I nodded, at mabilis na naglakad-takbo papunta sa malapit na comfort room.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo ng biglang may bumunggo sa'kin. Hindi sinasadyang natapon lahat sa sahig ang mga gamit ko. Tumigil ako sa akmang paglalakad saka humarap sa bumunggo sa akin.
''Bulag ka ba?!'' Naiinis na sabi ko sa nakabunggo sa akin.
Unti-unti naman siyang humarap sa akin at hindi ko maiwasan ang hindi mapanganga at hindi agad ako nakapagsalita nang makita kung gaano kagwapo ang lalakeng bumunggo sa'kin. He looks like a greek god!
May dalawang lalakeng sumulpot sa likod ko at nilapitan ang lalakeng bumunggo sa akin. ''Is there something wrong?'' Tanong nung isa yung mukhang prinsipe.
Lumingon sa'kin yung lalakeng bumunggo sa akin at ngumisi na ikinabigla ko. ''Nothing. Nagpapapansin lang.'' He arrogantly said.
My mouth parted in shock and, I instantly glared at him. Nakatingin silang tatlo sa'kin. Nakangisi ang isa sa mga kasama niya habang pinagmamasdan ako ng isa niyang kasama.
Kapal ng mukha para sabihing nagpapapansin ako?! Grrrr!
Huminga ako ng malalim bago tumawa ng malakas. Nakakunot noo at nagtatakang tumingin sila sa'kin. ''Sesanghe! Ang kapal ng mukha mo! Ako nagpapapansin sayo? Ha! Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin, tapos Ikaw pa itong malakas yung loob na magsabi na nagpapansin ako sayo! Ang dami talagang lalakeng assuming! Akala nila porket gwapo sila o mayaman, Makukuha na nila lahat ng mga babae sa mundo!'' Sarkastikong sabi ko bago ko siya sinamaan ng tingin.
"Teka lang, Miss. Hindi lahat ng lalake ganyan, 'a? Don't generalized us." The guy with black hair and sparkling cross piercing said. I just lifted my eyebrows at him.
''Hey, Ako na ang humihingi ng sorry kung nabunggo ka ng kaibigan ko,'' The one who looked like a prince in the middle spoke. Why is he the one apologizing instead of his friend?
Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin nila na nagwa-gwapuhan ako sa kanilang tatlo. Over My Dead Sexy Body!
Lumingon ako sa lalakeng nakabunggo ko, halata sa mukha niya na wala siyang balak humingi ng tawad sa'kin pero isinawalang bahala ko na lang 'yon.
''Mabuti pa itong kaibigan mo marunong humingi ng tawad kahit wala naman siyang ginagawang masama!" I scowled. "I hope next time you should learn how to say sorry especially if you are at fault!' sabi ko saka sila tinalikuran at mabilis na naglakad pabalik sa pwesto namin ni beks.
''Oh?! Sobrang tagal mo naman umihi!'' Mabilis na reklamo ni beks.
''Mianhe,'' I said before looking at the glass wall of the fast-food chain.
Nakita ko ang tatlong lalakeng nakausap ko sa comfort room na naglalakad papunta sa loob ng arcade. Katapat lang ng fast-food chain ang arcade kaya agaw pansin ang mga pumapasok sa loob. Pogi nga siya hindi naman marunong magsorry! Major turn off!
I lifted my eyebrows while looking at them. One of them has black hair and pale skin. He's tall, maybe about 5'8 or 5'10 but compared with the two, he's the smallest. He has two deep sets of dimples and a sparkling cross piercing. He looks like a notorious playboy.
The guy who looked like a prince has a brown shade of hair. The guy who looks like a prince has a brown shade of hair. His lips are full, and they look very proportional. Ang mga mata niya ay kulay brown. Between the three of them, He's the only person that looks nice and decent. He can be a prince charming because of his aura.
And lastly, The guy who just bumped me. He's taller than his friends, and has a pale skin. He has butterscotch eye color, a rare eye color. His lips are pinkish and moist. He has pointed nose and a perfect sculptured jawline. His hair is dyed blonde with a mix of a light shade of brown. Sa kanilang tatlo, siya yung parang may deadly at intimidating vibes.
Saglit akong napatigil bago napalingon sa mga babaeng kasama namin sa loob ng Mcdonald. They're all following their movements as if they're watching a freaking Calvin Klein fashion show!
''Stop staring at those people and, let's start eating, Mardux Hillary.'' Beks glowered at me.
I merely shrugged. "Arasseo.''
Mabilis kaming nagsimulang kumain pero hindi pa ako nangangalahati sa pagkain nang marinig ko ang medyo may kalakasang bulungan sa katabi naming table.
"Omg! Did you see them?! Blue Dragons are hot! Excited na akong makita sila sa campus!"
Blue Dragons? What the heck is that?
______♡ ♡ ♡ ♡ ______
#HateOrLoveWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro