Kabanta 8
"Huh?" Tanong niya sa binata saka malakas na tumawa. Sa isip niya ay baka nababaliw na ang binata dahil sa mga pinagsasabi nito. Ayaw naman niya umasa, ayaw niya paniwalaan ang iniisip ng isip niya, baka kasi sa huli ay mali pala ang akala niya, maiiwan lang din pala siya.
"Totoo 'yong sinabi ko." Sabi ng binata sa kaniya bago pa siya makaimik ay tumayo na ito at lumakad palabas ng kwarto niya.
Paulit-ulit pumikit si Stephanie at hindi maintidihan kung ano ang nangyayari sa binata, gusto niya ito sampalin baka magising, dahil para itong baliw kung ano-ano ang pinagsasabi nito sa kaniya. Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago siya umalis sa pagkakahiga sa kama at napagpasyahan sundan ang binata.
Agad siyang lumabas ng bahay gano'n nalang ang gulat niya na wala na roon ang mga kaibigan, pinsan, at ang binata. Nainis siya medyo dahil iniwan siya ng mga ito.
Mga bwisit. 'Yun nalang ang nasabi niya bago naglakad palabas ng bahay niya, mabilis ang ginawa niyang lakad papunta sa resort.
Pupuntahan nalang niya ang binata, alam niya kasi na hindi niya makikita ang mga kaibigan niya dahil pagala-gala ang mga ito sa Isla, at hiwalay-hiwalay pa.
Halos bente minuto rin ang ginawa niyang paglalakad bago narating ang kwarto ni Lawzon, agad siyang kumatok dito at gano'n kabilis bumukas 'yun. Agad nanlaki ang mata ni Stephanie at pinagsisihan na pumunta siya sa binata, wala itong pang-itaas at tanging shorts lang ang suot nito kaya ganoon nalang ang gulat niya ng makita niya ang topless na katawan ng binata.
Hindi na naman bago sa kanya na makitang topless ang binata pero, hindi niya pa rin maiwasan mailang. Gwapo at maganda ang pangangatawan ni Lawzon parang inaakit siya nito.
"What are you doing here?" Tanong ng binata sa kaniya, hindi agad siya nakasagot at iniwas ang mga mata sa magandang katawan nito.
Huminga siya nang malalim at pilit inilalayo ang sarili sa mahalay na isipin. Oo mahalay ang isip niya pero, ayaw niya sa paraan na naiisip niya.
Gusto niya sampalin ang sarili dahil ang halay na ng pagkatao niya.
"Ano... Bakit mo 'ko iniwan doon?" Tanong niya agad sa binata at tumingin dito nang deretsyo na para bang hindi siya naiilang. Tinaasan siya ng isang kilay ng binata na ginantihan niya ng pataray na irap.
"Miss me?" Malambing at nang-aakit ang tono ng boses ni Lawzon, biglang tumaas ang balahibo ni Stephanie dahil sa paraan ng pag-imik nito.
"Eww... Yuckie..." Pag-iinarte ni Stephanie habang kulukot ang mukha, humalakhak naman ang binata kaya gano'n nalang ang sama ng mukha ni Stephanie nang pagkatitigan niya ito.
"Bakit ka natawa?" Medyo inis niyang tanong sa binata, wala naman nakakatawa pero tumatawa ito, may saltik ba 'to? Tanong ni Stephanie sa sarili kanina pa niya iniisip kung kailangan na niya dalhin sa mental ang binata.
Mabilis kumunot ang noo niya na g dahan-dahan bumaba ang mukha ng binata at inilapit ang mukha sa tainga niya, randam niya ang paghinga nito bigla siya ng lamig nang daplisan ng labi nito ang tajnga niya.
"I want to kiss you..." Nang-aakit na bulong ng binata sa kaniya, walang sabi-sabi hinawakan ang makabila niyang pisngi saka marahan na siniil ang labi niya.
Hindi agad siya nakagalaw ng dahil sa gulat, nagtataka siya dahil madalas naman sila maghalikan kahit pana'y sila nag-aaway, ngunit hindi niya maintidihan ang sarili bakit pa siya nagulat sa ginawa ng binata sa kaniya ngayon.
Marahan niyang pinikit ang mga mata saka isinabit ang magkabilang braso sa batok ng binata at gumanti ng halik.
Gano'n nalang ang impit niyang sigaw nang marandaman niyang inangat siya ng binata. Binuhat niya ako! Sigaw niya sa isip. Mabigat siya kaya natatakot siyang mabitawan ng binata.
Agad siyang umalis sa paghahalikan nila saka tinignan ang binata, gano'n nalang ang pagtataka sa kaniya ni Lawzon dahil bumitaw si Stephanie sa labi niya.
"Mabigat ako..." Sabi ni Stephanie habang hindi inaalis ang tingin sa binata. Tinaasan lang siya ng kilay nito at walang ano siniil muli ang labi niya at mas hinalikan siya lalo.
***
Marahan na kinakagat ni Lawzon ang labi ni Stephanie habang buhat niya ito. Hindi maintidihan ng binata pero gustong-gusto niya ang labi ng dalaga. Medyo nainis siya ng pansinin na naman ng dalaga ang pagiging ang katawan nito, ayaw na ayaw niyang sinasabi nito sa kaniya ang mga gano'n. Kaya imbes sagutin niya ang dalaga ay siniil niya nalang muli ito ng halik para matigilan sa pag-iisip. Nagsimula siya humakbang papasok ng kwarto niya at saka marahan iyon sinara.
Paulit-ulit niya muna kinagat ang pang-ibabang labi ng dalaga bago nagsimula maglakad papunta sa kama niya.
Marahan niyang hiniga iyon doon habang hindi binibitawan ang labi ng dalaga, natutuwa siya dahil hindi siya pinipigilan nito tuwing hahalikan niya si Stephanie at gumaganti pa ito ng halik sa kaniya na mas kinatuwa niya.
Nara daman niya ang paghigpit ng paghawak ng dalaga sa batok niya sa bawat pagkagat na ginagawa niya. Akmang kakagatin niya muli ang pang-ibaba nito labi ng bigla itong humiwalay sa labi niya at itulak siya palayo.
"Masakit na!" Sigaw nito saka hinawakan ang pang-ibabang labi namumula, lihim siyang natawa habang pinapanood niya ang reaction ni Stephanie habang hinahaplos nito ng paulit-ulit ang kinagat niyang labi.
"Ayoko na nga." Randam niya ang inis sa boses ng dalaga bago siya nito tinulak paalis sa ibabaw niya. Umusod-usod si Stephanie papunta sa sandalan ng kama at humiga roon nang maayos. Alam ni Lawzon na gabi na kaya hindi niya siguro kung sa kwarto niya matutulog ang dalaga, baka mamaya ay maisipan nito umuwi sa bahay nito.
Pero, alam niyang ayaw ni Stephanie mag-isa kaya nga minsan ay nagkukusa na ito pumunta sa kwarto niya para sunduin at patulugin sa bahay nito. Natutuwa naman siya, ang kinabwibwisit niya lang ay sa sofa lang siya pinapatulog ni Stephanie.
"Inaantok na ako." Sabi ng dalaga habang ang mga mata ay nasa daliring pinaglalaruan nito.
"Matulog kana." Utos niya rito pero, umiling ito.
"Gising kapa." Sagot nito sa kaniya, mariin niyang kinagat ang labi para itago ang ngiting gustong lumabas sa labi niya.
"Ayos lang, matulog kana." Muli niyang utos dito pero muli itong umiling.
"Sabay tayo matulog, pwede?" Yaya sa kaniya ni Stephanie bago nag-taas ng tingin. Lihim siyang bumuntong hininga saka tumungo at umusod patabi sa dalaga. Wala pa siyang balak matulog dahil gusto niyang mag-isip.
Humiga siya sa tabi ng dalaga at umayos naman nang higa si Stephanie. Humarap ito sa kaniya ipinikit nito ang mata bago siya niyakap, hindi na niya napigilan ang sariling ngumiti. Gumanti rin siya ng yakap dito saka mas hinapit ang dalaga sa dibdib niya.
Sa ilang buwan niya pag-stay sa Isla ay roon niya naramdaman ang totoong pagiging masaya. Kahit panay asaran, away, at bangayan silang dalawa ni Stephanie ay masaya naman siya tuwing kasama niya ito, at alam niya sa sarili na matagal na siya nakapag-move on sa ex-girlfriend niya.
Pero, naguguluhan siya kaya gusto niya mag-isip ngayon ngunit, si Stephanie mismo ang pumunta sa kwarto niya para roon matulog.
Nilingon niya ang dalagang natutulog sa dibdib niya, alam niyang tulog na ito dahil halos pag-hinga nalang ng dalaga ang naririnig niya at alam niya talaga na mabilis lang matulog ang dalaga. Hinaplos niya ang pisngi nito nang paulit-ulit.
Hindi niya akalain na ang morenang kulay ng balat nang dalaga lalo na ang pisngi nito na biliguan ay namumula sa tuwing tinatawag niya itong kamatis, hindi niya akalain na ang isang morena na katulad ni Stephanie ang magpapagulo sa isip niya.
Hindi siya mahilig sa mga morena babae mas gusto niya ang mga mapuputi, hindi niya gusto ang babaeng mga plus size mas gusto niya ang babaeng kitang-kita ang curve ng katawan, mas gusto niya ang mga babaeng kung mag-suot ng mga damit ay animo'y pupunta ng fashion show, mas gusto niya ang tipo ng mga babaeng maalaga sa sarili at mas gusto niya ang mga babae na mahihin magsalita at hindi nagmumura.
Pero... Hindi niya akalain na mahuhulog siya sa kagaya ni Stephanie, na parang walang pakialam sa buhay. Ang babaeng morena, plus size, burarang babae kung magsuot ng mga damit, kung makapagsalita kala mo may mic at ang babaeng palamura kagaya ni Stephanie. Hindi niya akalain na ito ang gugustohin niya, na malayong-malayo sa tipo.
Kapag tinamaan ka nga naman ni Cupid pero, this time hindi na stupid si Cupid.
"I like you... I hope you have a same feeling too." Bulong niyang sabi habang walang tigil sa paghaplos ng buhok ng dalaga.
Alam niya sa sariling gusto niya ang dalaga, hindi niya lang talaga maintidihan pero, alam niyang hindi magtatagal ay hindi nalang iyon basta pagkagusto.
Pero, natatakot siya na, hindi sila parehas ng nararamdaman ni Stephanie.
Natatakot na siyang masaktan muli lalo na kay Stephanie, hindi man niya aminin ay alam niyang iba ang epekto ni Stephanie sa kaniya. Oo minahal niya ang ex-girlfriend niya pero, iba para sa kaniya si Stephanie. Mas higit pa bilang girlfriend niya kung iisipin. Basta ang alam niya special ang dalaga para sa kaniya.
Sa sobrang halaga ni Stephanie sa kaniya handa siyang lumuhod dito at yayain ito ng kasal...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro