Kabanata 4
"Step, tawag ka ni Manager Rita." Sabi sa 'kin ni Sky na kakarating lang galing sa resort, napabuntong hininga naman ako saka tumayo sa pagkakaupo sa duyan sa likod ng bahay namin.
Ano paba aasan ko? Ipapatawag talaga ako ng Manager ng resort, sipain ko ba naman at suntukin nang malakas si Lawzon na special guest nila.
Pwes, wala akong pakialam.
"Sa kama." Sabi niya saka malaking ngumisi, sa sobrang inis ko ay malakas kong sinuntok ang mukha niya at sinipa ang tuhod at paa niya nakinatumba niya.
"Gaga, Stephanie!" Sigaw ni sky pero wala na akong pakialam basta ang mahalaga sa 'kin nakaganti ako. "Anon- Hey Zon!"
"Nararapat lang 'yan sa 'yo!" Sigaw ko saka inapakan ang paa niya ulit saka tatakbong tumalon sa tubig at mabilis na lumangoy papunta sa kabilang gilid, nang marating ko ang kabilang gilid ay dali-dali ako umahon saka kinuha ang mga damit ko at tatakbong umalis sa talon.
"Sure akong papagalitan ka nang Tita mo." Habol niyang sabi pero, hindi ko na pinansin 'yun at kinuha ko nalang ang cellphone na reglo pa sa 'kin ng mama ko, saka ako nagsimula na maglakad paalis sa likod bahay.
Mabilis ko lang narating ang resort since hindi na mahirap sa 'kin ang pag-punta roon, sumakay agad ako sa elevator ay pinindot ang sixth floor kung nasaan ang office ng Manager ng resort.
Nang bumukas ang pinto ay agad akong lumabas, nilakad ko ang kahabaan ng hallway saka huminto sa dulong pinto, huminga muna ako ng malalim saka kumatok.
"Pasok."
"Good evening, Tita Rita." Bati ko kapatid siya ng Mama ko at ng isa ko pang-tita na ngayon ay nasa manila.
"Step, alam mo naman na wala akong magagawa, tumawag kanina si Mr. Guevas sa tita Cristal mo at nagreklamo ito dahil sa ginawa mo... kaya agad tumawag sa 'kin si Ate at gusto ka raw ipakulong ni Mr. Guevas at ireklamo ang Isla pero..."
"Pero po?" Tanong ko.
"Nagbago ang isip ni Mr. Guevas basta raw ay masunod ang gusto niya mangyari."
Lihim ako napalunok, irereklamo niya ang Isla?! Iniingatan ng pamilya at ng mga tao na nakatira rito!
"Ano po gusto niyang mangyari?" Tanong ko, humanda ka sa 'kin lalaki ka isa ka talagang malas sa buhay ko!
"Step, alam kong hindi ka employee ng resort pero, gusto ka niya maging alalay habang nandito siya sa Isla. Special guest siya ng Tita Cristal mo at malaki ang binayad nito para makakuha ng pass para makalabas pasok siya rito ayaw ng Tita mo masira ang pangalan ng resort ng Isla nang pamilya natin kaya pumayag siya sa gusto ni Mr. Guevas." Paliwang ni Tita, napailing nalang ako, wala naman din akong magagawa masyado ko mahal ang Isla at inaalagaan talaga ito ng pamilya namin lalo na nang Lolo ko, nandito lahat ang ala-ala nila ni Lola at alam kong may kasalanan talaga ako ayokong masira ang maganda pangalan ng Isla at ng pamilya namin dahil sa kalokohan na ginawa ko.
"Okay lang po sa 'kin Tita, ano po ba ngayon ang gusto mangyari ni Mr. Guevas?" Tanong ko, bwisit ka talagang lason ka!
"Pumunta ka raw sa kwarto niya may iuutos daw siya sa 'yo." 'Yun lang ang sinabi ni Tita, tumungo naman ako saka nagpaalam na aalis na. Tumayo na ako saka naglakad papunta sa pinto ng makalabas ng office ay saka ako nagpapadyak sa sobrang inis.
"Step, kailangan mo maging behave this time, pangalan na ng pamilya mo ang nakasalalay rito." Sabi ko sa sarili saka naglakad papunta sa elevator.
Nang marating ko ang kwarto niya ay agad naman ako kumatok.
"Hi Miss kamatis." Salubong niyang bati sa 'kin, peke naman ako tumawa at inirapan siya, bwisit, morena ako paano ako naging kamatis?!
"Hehe, funny mo naman mister Lason."
Tumawa lang siya saka binuksan nang malaki ang pinto ng kwarto niya.
"Pasok." Utos niya mabilis naman ako pumasok saka tumigil sa harap ng kama niya, narinig ko naman sinara na niya ang pinto ng kwarto umupo siya sa kama at deretsyo akong tinignan.
"Ano na?" Pagtataray ko.
"Massage me, masakit ang katawan ko, gawa mo." Aba! Talagang nang bintang pa siya.
"Dapa." 'Yun lang sinabi ko, agad naman siyang sumunod at dumapa inalis ko naman ang suot slippers saka sumampa bahagya sa kama.
"May lotion or wala?"
"Wala."
"Saan ba masakit ha?" Tanong ko, alam mo 'yung feeling na gusto mo siya sakmalin sa inis at mas saktan pa ang masakit na parte ng katawan niya pero, na guilty ka bigla kasi kapag naiisip mo na ikaw dahilan kaya siya nagkaganoon.
"My whole body."
"Sige, likod muna umpisan natin, hubad." Walang gana kong utos.
"Bakit kailangan maghubad?" Nag-angat siya ng ulo, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Para mahilot nang maayos!" Sigaw ko, kung hindi lang talaga para sa Isla 'to at sa pamilya ko nako! Sinakal na kita.
Tumawa lang siya saka hinubad ang suot niyang t-shirt at dumapa ulit. Hindi ko naman pinansin ang katawan niyang walang pang-itaas.
Wala ako sa mood para pagpantasyahan siya, tutal 'di ko rin siya bet!
Sinumulan ko pisilin ang balikat niya pababa sa likod niya, unting-unti kumunot ang noo habang ginagawa ko 'yun pabalik-balik pero, hindi ko maalis ang tingin sa tatlong peklat niya sa likod, dalawa sa kanan, baba at isa sa kaliwang bahagi.
Pilit kong pinipigilan ang sarili kong hawakan ang peklat niya dahil na curious ako bigla. Dahil makulit nga ang kamay ko ay hindi ko napiligilan ang sarili ko at pinadausdos ang hintuturo ko sa peklat niya.
"What are you doing?" Natigilan ako nang mag-angat siya ng ulo at nagsalita.
"Uhm... Tinignan ko lang 'yung peklat mo." Nahihiya kong sagot saka nag-iwas nang tingin at ipinatong ulit ang parehas na palad sa likod niya at sinumulan ulit siyang hilutin.
"Bakit mo tinitignan?" Tanong niya, alam kong nakaangat pa rin ang ulo niya at randam na randam ko na, titig na titig siya sa 'kin ang, pilit kong inilalayo ang mata ko at hindi sinasalubong sa tingin niya.
"Pangit na ba ang katawan ko para sa'yo? Hmm?" Nagulat ko siyang nilingon dahil sa tanong niya, ano naman klaseng tanong 'yan?!
"Hindi." Simple kong sagot saka ulit nag-iwas nang tingin, nakakakilabot masyado ang tingin niya feeling ko matutunaw ako sa inis or sa ewan— basta!
"Hoy ano ba?!" Inis kong sigaw, nang hilahin niya ang braso ko mula sa likod niya at basta-basta nalang ako ihiga sa kama niya.
"Ano ba?!" Inis kong sigaw saka mahina siyang hinahampas sa braso niya.
Gaga Step! Mas malaki ka sa kaniya pero, hindi mo kayang itulak.
"Lawzon, ano ba?!" Galit kona talagang sigaw, nang hindi niya ako bitawan kaya galit kong sinalubong ang tingin niya sa 'kin.
Pantay na pantay ang mukha namin at siya ang nasa ibabaw ko habang ako naman ang nakahiga, hindi man siya nakaragan sa 'kin pero, randam ko ang bigat niya dahil sa pagkakahawak ng braso ko.
"Hindi ka napapangitan sa katawan ko? My body is not perfect."
"Hindi naman perfect ang katawan ko kaya ang kapal ng mukha ko para mapangitan sa katawan mong hindi naman talaga pangit." Pag-sasabi ko ng totoo. Sa true lang.
"Hindi naman pangit ang katawan mo, for me perfect ang katawan mo." Sabi niya kaya natigilan ako, ang kunot kong noo ay mas kumunot at tinitigan siya.
"Huh? Anong perfect sa pagiging mataba?"
"This..." Nanlamig bigla ang katawan ko at halos lunukin ko na ang sariling laway ng lumapat ang isang palad niya sa hita ko at pinadausdos 'yun pababa.
"And this." Gamit ang isa pang-palad ay pinadausdos naman niya iyon mula sa mukha ko hanggang sa leeg ko, hindi ko alam sa sarili ko bakit ko siya hinahayaan parang ang inis at galit na tinanim ko sa kaniya simula ng makilala ko siya ay nawala bigla.
"This is the perfect body for me and Your face is the most beautiful face I see, so don't call yourself fat, because for me you're the most perfect body I see and I love your body shape."
Gumapang pa ang palad niya na nasa binti ko paakyat ulit sa hita ko hanggang sa parating niyang bewang ko at pinisil niya iyon nakinagulat ko talaga.
"This is what i want." Napalunok ako habang tinititigan siyang pinagmamasdan ang katawan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro