Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Malayo pa lang ay tanaw na ni Stephanie ang kaniyang Lolo na tahimik na nagkakape sa harap ng bahay nila sa dulong bahagi ng Isla. Mabilis siya tumakbo palapit sa kaniya Lolo at nagmano rito.

"'Lo, bakit na naman kayo nandito sa labas? Ang aga pa po." Sabi niya sa kaniyang lolo saka ngumiti, kumuha siya ng upuan sa tapat lang ng pinto ng kanilang bahay saka bumalik sa tabi nang kaniyang Lolo at naupo roon.

Gusto niya muna kausapin ang Lolo niya bago siya pumunta sa pinaka dinadayong parte sa Isla, ang maliit na resort sa bandang gitna. Ipinatayo iyon ng kaniyang mga magulang bago namatay ang mga 'yon kaya ang kaniyang mga Tita, Tito, at ang iba pangkamag-anak ang naghahawak sa resort na 'yon.

Inilipat ni Stephanie ang tingin sa kulay asul na dagat, doon nakatingin ang kaniyang Lolo, alam niya 'yon sa sarili niya, halos mag-sixty-nine na ang kaniyang Lolo pero, lagi pa rin ito nakatingin sa asul na dagat kung saan mahilig maglangoy ang kaniya Lola noon dalaga pa ito. Nilingon niya ang kaniyang Lolo saka ngumiti nang malaki. Palitaw pa lang ang araw pero, nakaupo na agad ito rito kaya natutuwa siya.

Alam niya kasi sa sarili niya na hindi siya na niniwala sa true love pero, kapag nakikinig siya sa Lolo niya at masaya nito ikwinekwento sa kaniya ang pagmamahalan ng Lola at Lolo niya ay bigla nagbabago ang pananaw niya sa pag-ibig, paminsan nga lamang.

Bata pa kasi siya ng kinuha ng Diyos ang Lola niya kaya hindi niya ito masyado nakasama.

"Apo, kailan kaba ulit magnonobyo?" Nagulat siya sa tanong ng kaniyang Lolo, sa isip-isip ay ngayon lang ulit siya tinanong ng Lolo niya sa maraming nagdaan na taon, akala niya ay ayos na sa kanya Lolo na maging single siya habang buhay.

"Luh 'Lo, bakit niyo na tanong bigla 'yan?" Peke siyang tumawa saka nag-iwas nang tingin, hindi na kasi siya umaasa na mayroon iibig sa kaniya muli, maliban sa kababata niya noon na pinagpalit siya sa pangarap nito.

Eigth-teen years old siya ng magka-boyfriend siya, si Johnson, ang kababata niya na mas pinili ang pangarap na makarating sa manila.

Okay lang naman kay Stephanie 'yon, dahil alam niya simula bata pa lang sila matagal na 'yun gusto ng lalaki at nangako naman ito sa kaniya na babalikan siya nito sa Isla at isasama sa manila.

Pero, hindi niya akalain sa nagdaan apat na taon simula nang iwan siya ng lalaki ay isang invitation card ang matatanggap niya at nalaman nalang niya ikakasal na ito sa isang mayaman na babae taga manila.

Nasaktan siya pero, wala siyang magagawa, dahil naghiwalay naman sila nito nang maayos bago ito umalis sa Isla, meaning hindi ito nagloko sa kaniya. Hindi naman niya kasalanan kung nawala ang love ng lalaki para sa kaniya. Hindi siya niloko pero, pinaasa siya sa wala.

Twenty-Nine na si Stephanie pero, hindi pa ulit siya nagkaka-boyfriend hindi sa ayaw niya na ulit masaktan, gusto niya kung may magmamahal ulit siya ay kusang dadating 'yon sa buhay niya, baka sakali maniwala na siya kung bakit Island Of Love, ang tawag sa Isla nila.

"Apo... matanda na ang Lolo mo syempre... Ayaw naman niyang maiwan... Mag-isa ang... Apo niya." Hirap na hirap na sabi sa kaniya ng Lolo niya, napabuntong hininga naman siya saka mahinang umiling.

"Lolo, para kayong namamaalam na, Lolo kaya ko ang sarili ko, I don't need a King. I'm a Queen at hindi lahat ng Reyna ay kailangan ng Hari sa buhay nila." Proud na sabi niya sa Lolo niya, ngumiti nalang ang Lolo niya bilang sagot dahil alam niyang hindi niya magbabago ang isip ng Apo niya.

Nagpaalam na muna siya sa Lolo niya na pupuntahan lang ang pinsan na si Erica para samahan siya magpulot ng mga bottle at iba pangkalat na makikita sa dalampasigan, may sampong tao na rarating ngayon sa Isla kailangan malinis pa rin tignan ang Isla at 'yun naman kasi madalas ang gawin nilang mag-pinsan ang limutin ang pakalat-kalat sa isla.

Para kasi silang mga batang hamog na pagala-gala lang kung saan-saan.

***

Perenteng nakaupo si Lawson sa Yate na maghahatid sa kanila papunta sa Isla.

Masyado magulo ang utak niya kakahiwalay pa lang niya sa girlfriend na niloko siya at gusto ng mga magulang niya ay siya ang magmana ngWwine company ng Lolo at Lola niya kahit ayaw niya.

Pumikit siya saka sinandal ang ulo sa bintana ng kinauupuan niya, gusto niya magpahinga agad pagkarating sa Isla.

May hang-over pa siya dahil nilaklak niya ang lahat ng alak na nasa penthouse niya. Mabuti nalang ay pumasok bigla ang kaibigan niya sa penthouse niya at sinabi sa kaniya ang tungkol sa isla.

Lawzon just wake up. Wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid niya dederetsyo siyang bumaba mula sa Yate at hinintay niyang ibaba ng assistant niya ang bagahe niya. Bad mood na bad mood siya, akala niya ay kapag narating na niya ang Isla ay magbabago ang mood niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong Isla, malaki, maganda, at halatang naingatan ang buong Isla kaya medyo napangiti siya kahit papaano.

Hindi siya madalas pumunta sa mga dagat or Isla lagi lang siya nasa mga City ang mga lugar na maraming sasakyan at mga building.

Sawang-sawa na siya sa tunog ng mga sasakyan kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya nang marinig niya ang mga alon ng tubig dagat at ang mga huni ng ibon.

Paatras siyang naglakad para mas makita niya ang kabuan ng Isla nang hindi sa inaasahan ay may naapakan siya dahilan nang pagtumba niya.

***

Naiinis si Stephanie habang naglalakad sa dalampasigan, hindi niya nakita ang pinsan sa bahay ng Tita niya kaya medyo nawala siya sa mood wala kasi siyang kausap habang mamumulot ng nga bottle.

"Nasaan naman kaya ang babaitang 'yon?" Bulong na tanong niya sa sarili habang nakayukong naglalakad sa dalampasigan mahina niyang sinisipa ang puting buhangin na dinadaanan niya.

"'Wag mong sabih-" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may bigla may umapak sa paa niya dahilan ng kawalan niya ng balance.

Bumagsak sa ibabaw niya ang isang matipunong lalaki at gano'n nalang kalaki ang mata niya nang maglapat ang mga labi nila.

Parehas nanlilisik at nanlaki ang mata nilang dalawa. Marahas na tinulak ni Stephanie si Lawson na nasa ibabaw niya.

"Hayop!" Sigaw ni Stephanie nang makatayo siya sa pagkakabagsak sa lupa, inis niya nilingon ang lalaking bumagsak sa kaniya at ang lalaking humalik sa kaniya.

"The hell!" Inis na sigaw ni Lawson saka diring-diri pinupunasan ang labi.

"Kadiri ka!" Sigaw ni Stephanie na kinalingon ni Lawson gano'n nalang ang inis niya nang makita niya ang kabuoan ng babae.

Sa isip-isip ay hindi ito maganda pero, hindi rin ito pangit para sa kaniya hindi rin payat pero, hindi rin mataba. Morena at hindi gano'n katangkad.

"Tinitingin mo!" Sigaw sa kaniya ni Stephanie na mas kinakakunot niya ng noo.

Doon lang din niya napansin na mahaba at kulot ang buhok nito at halatang naalagaan ng maayos, itim na itim ang mga iyon.

Nanlilisik na sa inis si Stephanie lalo na sa paraan nang tingin sa kaniya ng lalaki. "Bwisit kasi sino ba 'to? Katanga maglakad bumagsak tuloy sa'kin," sabi niya sa kaniyang isip.

Inilipat ni Lawson ang tingin sa mukha nito hindi bilugan ang mukha nito dahil makikita mo pa ang panga niya mapula ang labi at bilugan ang pisngi at mata.

"Stupid." Bulong ni Lawson na narinig ni Stephanie, sa inis ay kinuha niya ang plastic bottle na nilimot niya kanina at binato iyon sa lalaki bago tatakbong umalis.

Mabilis na kumaripas nang takbo si Stephanie papunta sa reception ng resort nila, pinapasok siya rito dahil kilala rin siya ng mga tao, wala ang mga tita niyang nagma-manage ng resort dahil nasa manila ang mga ito dahil sa isang business meeting ng sariling business ng mga Tita niya.

"Step, bakit ka tumatakbo?" Tanong sa kaniya nang matandang ginang na matagal na sa Isla, hinihingal siyang umupo sa sofa sa loob ng reception.

Napagod ako roon bwisit na lalaking 'yon kung halikan ako ang kapal ng mukha! Sigaw sa isip.

Naiinis pa rin siya dahil sa nadaganan siya at nahalikan siya ay naiwan niya pa ang mga bottle na nilimot niya kanina, kailangan pa niya iyon balikan.

Feeling niya ay nabagsakan ng dalawang sakong bigas ang katawan niya kahit naman sa totoo lang ay kapag tinignan nila ang isa't isa ay mas mabigat siya sa lalaki.

32 ang bewang niya hindi siya nagtataka kung bakit mabigat siya mabigat siya, 65kg naman siya tapos 5'5 lang ang height niya. Para sa kaniya ay mataba na siya sobrang taba gawa na rin nang mga taong nasa paligid niya mataba ang tingin sa kaniya kahit chubby lang naman siya. Iyon ang sabi sa kaniya...

"'Nay 'Suz... Pwede po pahingi ng tubig?" Hinihingal niyang pakiusap, madalas siya hingalin lalo na kapag tumatakbo, mabilis siya mapagod dahil na rin sa katawan niya kaya madalas ay naglalakad lang siya pero, napatakbo siya kanina ng dahil sa lalaking humalik sa kaniya.

"Nakakainis kung sino ka man lalaki ka?! 'Wag kanang magpapakita sa 'kin!" Sigaw niya ulit sa isip niya, saka inis na nakatingin sa malaking entrance ng resort.

"Ito, iha." Napalingon siya kay 'Nay 'Suz na may hawak na malamig na tubig agad niya kinuha at ininom 'yun, ininum niya 'yon na parang isang taon siya hindi nakainom ng tubig.

Pagkaubos ng tubig ay pinatong niya ang baso sa ibabaw ng bilog na lamesang nasa harap niya saka inihiling ang ulo sa sofa.

Almost Eight years na akong walang halik tapos mahahalikan lang ako ng isang lalaking hindi ko kilala at mukhang mayabang!

Gusto niyang mag-wala sa inis kapag pinipikit niya ang mata niya ay naalala niya ang mukha nung lalaki, gwapo ito pero, may peklat ito sa kanan pisngi niya hindi 'yun gano'n kalaki pero kapag tinitigan mo sa malapitan ay makikita mo 'yun, doin nacurious si Stephanie.

"Bakit kaya ito may peklat?" Hindi niya maiwasan magtanong.

Mabilis siyang umiling.

"Bakit ko ba siya iniisip?! Sino ba siya para isipin ko?!" Sigaw niya sa sariling isip.

"Good morning, Sir." Rinig niya na sabi ng receptionist kaya itinaas niya ang ulo mula sa pagkakahiling at gano'n nalang lumaki ang mata niya, nang makita niya ang lalaking humalik sa kaniya kanina.

"Step, puntahan mo 'yung lalaki samahan mo siya pumunta sa kwarto niya special guest siya rito." Utos sa kaniya ni 'Nay 'Suz kaya napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwala sa nangyayari.

Special guest? Bakit pa ako ang maghahatid sa kaniya? Baka gera ang mangyari nito.

Wala siyang nagawa at tumayo nalang saka inayos ang sarili at iiling-iling nagsimula maglakad palapit sa lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro