Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Nagaayos na ako ng mga gamit ko sa loob ng backpack ko, halos lahat ng classmates namin lumabas na ng room. Tumayo naman na sa upuan nila sila Frank at Gerard.

" Mikey tapos ka na bang magayos? " pagtatanong sa akin ni Gerard, tumango naman ako dahil sa wakas natapos ko rin ang pagaayos. Tumayo na ako sa upuan at sinuot ko na ang dalawang handle ng backpack ko sa dalawang braso ko.

" Tara na kayo " pangaaya ni Frank sa aming dalawa ni Gerard, sabay kaming tumango at saka lumabas na ng classroom. Paglabas namin ng classroom naglakad na kami sa may corridor ng building.

" Gerard, Frank Mikey " narinig naming sigaw ni Andy sa may likod kasama niya sila Ashley, Jinxx, Jake at Christian. Napatingin naman kami sa likuran namin para harapin sila.

" Oh Andy " panimula ni Gerard, lumapit naman ang lima sa amin.

" Anong sa atin? " pagtatanong ni Frank, ako naman ito nakatayo lang ng tahimik at naghihintay sa susunod na mga sasabihin nila.

" Gusto sana namin kayong ayain na pumunta doon sa bahay nila Andy magmomovie marathon kami pwede ba kayo ngayon? " sabi ni Jake sa amin sabay ngumiti naman na parang model lang ng toothpaste ang lima. Natawa ako sa ngiti nila pero hindi ko pinahalata kaya yumuko na lang ako, narinig ko naman ang lakas ng tawa ni Gerard siguro sobrang happy siya dahil doon sa ngiti noong lima ito naman si Frank sunod naman kay Gerard tawa din siya.

" Oo naman libre kami sige sasama kami sa inyo " sagot naman ni Gerard.

" Mikey bakit nakayuko ka diyan? " pagtatanong sa akin ni Jinxx dahil doon napatingala ako at tumingin sa kanya.

" Wala lang gusto ko lang " matamlay na sagot ko kay Jinxx parang nawirdohan naman siya sa sinagot ko sa kanya.

" Okay ka lang ba Mikey? " sunod na tanong pa niya sa akin, tapos tumingin sa akin si Gerard para bang tinitignan niya kung may problema ako.

" Okay lang ako " matipid kong sagot sa tanong ni Jinxx bigla namang sumingit si Jake sa usapan.

" Sasama ka ba sa amin Mikey, mukhang parang wala ka sa mood " pagkatapos sabihin ni Jake yun napansin kong tumingin silang lahat sa akin. Ayaw ko ng ganito parang naiilang ako kaya naman yumuko ako ulit para huwag kong makitang tinitignan nila ako.

" Oo sasama ako sa inyo " sagot ko habang nakayuko pa rin mabuti na lang nagsalita si Ashley dahilan para maalis ang tingin nilang lahat sa akin.

" Ano pang hinihintay natin, Tara na kayo " energetic na pangaaya sa amin ni Ashley parang akala mo nakainom ng energy drink. Napailing na lang ako at nagsimula na kaming maglakad ulit sa may corridor palabas ng building para makapagmovie marathon.

Habang naglalakad kami minabuti kong sa may likuran na lang ako nila Gerard at Frank habang nangunguna naman ang grupo ni Andy, naghaharutan sila in short masaya sila parang nakatira ng droga. Di ko na lang sila pinansin sa mga laugh trip nila nabaling ang attention ko sa kamay nila Gerard at Frank na magkahawak, Parang may something eh bakit ganun bakit parang wala akong alam natural lang ba talaga sa magkaibigan yun. Naglakad ako ng mabilis papalapit kay Gerard gusto ko siyang tanungin pero napigilan kami ng biglang may nakasalubong kaming dalawang Mapeh teachers.

Bumati naman kami ng sabay sabay sa kanila, Nagulat ako ng biglang naglakad papalapit sa akin si Mr. Toro

Oh My Geesus!!! Mikey ayan na siya ilang lakad na lang nasa harapan mo na siya. Matatanaw mo nanaman ang maganda niyang mukha lalong lalo na ang mga mata niya.

Para akong tanga na nakatulala bumalik ako sa ulirat ng marinig kong magsalita si Gerard sa may tabi ko.

" Mikey okay ka lang ba parang wala ka nanaman sa sarili mo kanina ka pa namamatanda ka ba? " pangaasar ni Gerard sa akin dahil doon tumingin nanaman ang lahat sa akin kitang kita ko sa mga labi nila na nakangiti sila dahil sa pangaasar ni Gerard sa akin.

" Sorry " yun lang ang nabangit ko sabay yumuko na ako dahil sobrang nahihiya na ako.

" Mikey pwede bang sumama ka sa amin? " napatingala naman ako ng marinig kong magsalita si Mr. Toro na ngayon ay nasa harapan ko na, parang biglang bumibilis ng tibok ng puso ko halos parang nanginginig ang buong katawan ko.

Shit! Mikey umayos ka magkaroon ka naman ng konting kahihiyan sa sarili mo ngayon kanina ka pa napapahiya

Buwisit na sarili ko ito ganun ba naman sabihin sa akin ng utak ko, Ang hirap kayang pakalmahin ang sarili lalo na kapag nasa harapan mo yung pinapantasiya mong teacher.

" O-opo Mr. To-toro pwede na-naman po-po. " utal utal kong sagot sa kanya napatingin naman sa akin ang kasama niyang teacher na kulay blonde ang buhok tapos may lip ring siya, ang lupit di ba sa lahat ng Mapeh teacher na nakita ko siya lang yung may lip ring anyway I don't care pero masasabi kong bagay sa kanya. Kulay blue ang mga mata niya may beard siya pero katamtaman lang naman in fact gwapo siya.

Mikey may Mr. Toro ka na tapos ngayon nakakita ka lang ng gwapo lipat ka na kay Sir or Mr. Unknown

Buwisit talaga itong isip ko eh no sabihan ba naman ako ng ganito anong akala mo sa akin collector ng gwapong teacher siyempre loyal ako kay Mr. Toro nagsabi lang ng gwapo nagpapalit na agad.

" Ayos lang ba yang istudyante mo? " pagtatanong ni Mr. Unknown kay Mr. Toro, sinagot naman niya ito ng Oo ganyan lang talaga yang si Mikey mahiyain kasi siya eh Bob.

" Okay " maliit na sagot naman ni Mr. Bob sa sagot ni Mr. Toro.

" May lakad ka ba ngayon? " tanong ni Mr. Toro sa akin, hindi ko talaga mapigilan na hindi matulala sa tuwing kakausapin niya ako pero siyempre para hindi naman ako mukhang weird pinigilan ko ang damdamin ko at inayos ko ang sarili ko.

" Magmovie marathon lang po kami sa bahay ng kaibigan namin ni Kuya Gerard " mabilis kong sagot kay Mr. Toro mabuti na lang nagawa ko ito, salamat naman.

" Pwede bang maistorbo muna kita Mikey, Doon na lang tayo sa faculty magusap " sabay ngumiti siya sa akin medyo parang matutulala nanaman ako dahil sa ngiting pinakawalan niya sa labi niya pero mabuti na lang biglang nagsalita si Andy.

" Mikey mukhang importante sige na kami na lang muna sa susunod ka na lang namin isasama " aniya ni Andy.

" Magtext ka sa akin kapag uuwi ka na ha para masundo naman kita " dugtong naman ni Gerard, tumango na lang ako bilang sagot sa kanilang dalawa.

" Sumunod ka sa amin ni Mr. Bryar tara na " pangaaya ni Mr. Toro sabay naglakad na sila ni Mr Bryar bago naman ako sumunod nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko at pagkatapos nun sumunod na ako kay Mr. Toro papunta ng faculty room.

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n:  hope you like this chapter

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro