
Chapter 6
Habang naglalakad ako nagulat ako nang maramdaman kong may biglang humatak sa akin at biglang tinakpan ang ilong at bibig ko nang panyong puti na may kakaibang amoy sinubukan kong lumaban para makawala pero biglang nawalan ako nang malay.....
-
Pagmulat ko nang mga mata ko wala akong masyadong maaninag hindi clear ang nakikita ko pero parang may grupo nang mga lalaki na nasa harapan ko hindi ko mabilang kung ilan sila pero masasabi kong marami sila. Narinig kong may nagsalita nang marinig ko ang boses niya naalala kong boses ni Patrick yun kaya naman nilakihan ko ang dilat nang mata ko para makumpirma kung siya nga ba talaga yun.
" Pete naman, tama na yan please huwag mo nang saktan si Mikey hayaan mo na siya maawa ka naman sa kanya oh. " pagmamakaawa ni Patrick sa kaibigan niyang si Pete. Pero hindi ito nakinig sa kanya dahil biglang sinipa ako ni Pete sa may tiyan habang nakahiga ako sa may sahig at nakatali ang mga kamay ko sa may likod gamit ang makapal na lubig at ganun rin ang dalawang paa ko
" Pete naman! " malakas na sigaw ni Patrick sa kaibigang si Pete sabay hinawakan niya ito at pinaharap sa kanya.
" Pwede ba Patrick dahil sa Emo Fag na ito napagalitan ako ni Mr. Toro napahiya ako sa mga teachers sa may faculty, At hindi ko pa mas lalong makakalimutan yung sapakin ako nang Gerard na yun sa mukha sa labas nang hallway nang school super nakakahiya kitang kita nang mga babae at lalaking student doon sa labas na napaupo ako... Ngayon gaganti ako! " nakita kong galit na galit ang mukha ni Pete hindi ko akalain na gagawin ni Gerard yun sa kanya. sobrang sakit nang tiyan ko dahil sa malakas na sipang ginawa niya sa akin
" Pete naman kung napahiya ka kalimutan mo na lang yun tama na ito mas lalo lang tayong malilintikan kapag nalaman nang mga teachers na ginawa natin ito sa kanya " mahinahong sabi ni Patrick kay Pete imblis na makumbinsi niya ang kaibigan nagtawag pa ito nang mga lalaking kasama nila na nasa may likuran. Narinig kong tinawag niya ang mga pangalan nito.
" Brendon, Shadow, Rev, Syn, Johnny, Zacky... Alam na ninyo ang gagawin natin diyan sa Emo Fag na yan tignan natin kung paglabas niya dito makapagsumbong pa siya " Biglang lumapit sa akin ang anim na lalaki kasama si Pete itinayo ako nang dalawang lalaking maskolado ang katawan na punong puno nang tato sa braso na tinawag ni Pete kanina na sila Shadow at Rev.
Sila Zacky at Johnny naman ang nagtanggal nang nakataling lubid sa may kamay ko at si Brendon naman ang nagtanggal nang tali sa may paa ko hinawakan ako nang maayos nila Shadow at Rev sa magkabilang braso ko nararamdaman ko pa rin ang sakit nang tiyan ko dahil sa lakas nang sipa ni Pete kanina.
" Mikey gaganti lang ako sa ginawa nang kapatid mo sa akin at sa kapahiyaan na inabot ko sa mga teachers sa may faculty room nang MAPEH. Subukan mong magsumbong ulit after nito dahil sa susunod na dukutin ka nang grupo ko magpaalam ka na sa mundo! " pasigaw na sabi niya sa huli nakaramdam ako nanb takot at kaba naramdaman ko ring mahigpit na ang pagkakahawak sa braso ko nila Shadow at Rev halos parang di ako makapagsalita gusto kong sumigaw para humingi nang tulong pero hindi ko magawa kaya naman naiyak na lang ako dahil sa halo halong emosiyon na nararamdaman ko.
Hinatak ni Patrick si Pete at pinagsihan ulit ang kaibigan.
" Pete maawa ka naman sa kanya tama na ito please tignan mo natatakot na siya nakikita mo bang tumutulo na ang luha niya, Tama na Pete please " pagmamakaawa ni Patrick sa kaibigan. Pero hindi natinag si Pete sa halip sinapak niya ako ng malakas sa mukha dahilan para dumugo ang ilong at bibig ko.
" Pete! " malakas na sigaw ni Patrick. Pero hindi pa nasayahan si Pete doon sa ginawa niya sa akin inutusan na niya ang buong grupo niya na bugbugin ako.
Habang binubugbog nila ako ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko, ang lakas ng mga suntok tadyak at sipa na ginawa nila sa akin. Halos napahiga na ako sa sahig at sumusuka na ako ng dugo. Naupo si Pete sa ibabaw ko at saka ako sinakal, Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Pete halos parang mawawalan na ako ng hininga parang pakiramdam ko mamatay na ako, nawala ang pakiramdam na yun ng biglang hatakin ni Patrick si Pete sa may braso at saka niya ito sinapak ng sobrang lakas sa may kaliwang pisngi. Hinawakan ko ang leeg ko at saka umubo.
" Pete! sinabi kong tama na, Kapag hindi ka pa tumigil dito kakalimutan na kita bilang kaibigan ko " galit na sigaw sa kanya ni Patrick, Tumingin ng nanlalaki ang mga mata niya sa kanya si Pete at saka binuka ang bibig nito para magsalita.
" Alam mo Patrick hindi ko alam kung bakit ba pinagtatanggol mo ang Emo Fag na ito " sagot nito kay Patrick sabay turo sa direksiyon ko, Gumapang ako papalapit sa sulok at saka ako naupo at sinandal ang likod ko sa may pader. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.
" Hindi kasi ako mapagtrip na tulad mo, Pete hindi ako bully na tulad mo hindi ka naman ganyan dati ha pwede ba tigilan mo na siya hindi naman ito ang sagot sa lahat ng kapahiyaan na nangyari sayo eh. Pete makinig ka naman sa akin please tigilan mo na siya " pagpapaliwanag at pagmamakaawa ni Patrick kay Pete. Hindi na sumagot pa itong muli sa kanya tinawag na lang niya ang pangalan nila Shadow, Rev, Syn, Johnny, Zacky at Brendon at umalis na sila sabay sinara ng pabalibag ang pinto.
Lumapit naman sa akin si Patrick saba naupo sa may tabi ko at inakap niya ako ng sobrang higpit.
" Mikey sorry wala akong nagawa sana mapatawad mo si Pete alam kong hindi naman talaga siya masamang tao eh mabuti siya may pinagdadaanan lang siya sa buhay kaya siya ganyan. Doon ka na lang muna sa lugar ko magstay para huwag ng makita ng Kuya mo ang itsura mo huwag ka na lang rin munang pumasok sa school magpagaling ka muna okay " pagaalok sa akin ni Patrick tumango na lang ako bilang sagot sa alok niya.
" Sa-sa-la-lamat Pa-pat-ri-rick " utal utal na sagot ko sa kanya ngumiti siya sa akin bilang sagot at saka ako dahan dahang tinulungang tumayo at inalalayan ako sa paglalakad palabas ng lugar na ito.
💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀
A/n: Sorry ngayon lang po ako nakapagupdate super dami po kasi talagang gawain sa school eh... Anyway sorry din kung trigger ang chapter na ito pero I hope sana nagustuhan po ninyo ang chapter na ito :)
I dedicate this chapter to my two best fren fuentes_katelyn and SaeToshi...
Love you guys :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro