Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Naglalakad na ako sa may corridor ng building namin nasa likuran ko sila Gerard at Frank na walang ginawa kanina pa sa may daan kundi ang magharutan, tumawa at magkilitian. Hay naku! ewan ko ba dito sa dalawa na ito parang mga bulate na nilagyan ng asin. Nang malapit na kami sa may room bubuksan ko na sana ang pinto pero nainterrapt.

" Mikes! mamaya na kami papasok ni Frank sa room mauna ka na lalabas lang kami sandali " nakangiting sabi sa akin ni Gerard tinaasan ko naman siya ng kilay

" Magpapalate nanaman kayong pumasok na dalawa. Hay Naku! saan naman kayo pupunta? " taas kilay kong pagtatanong kay Gerard akala mo naman ako ang Kuya sa aming dalawa eh

" Chilax ka lang Mikes, pupunta lang kami sa may bookstore tapat diyan sa may school natin. Papasama lang naman ako kay Gerard, pero promise bibilisan namin para huwag kaming malate. Kaya please huwag ka ng umarte na parang ikaw pa ang kuya niya at payagan mo na siya " sabay hinawakan niya ang kamay ni Gerard hindi ko na lang pinansin yun at sinagot ko na lang si Frank

" Sige basta huwag kayong magpapalate bilisan ninyo, isa pa ingatan mo si Gerard. Frank " paguutos ko kay Frank nagtinginan ang dalawa at ngumiti silang parehas ng sabay sa akin. At saka kumaripas ng takbo habang magkahawak ang kamay nilang dalawa. Bigla akong napatayo ng matagal dito sa may harapan ng saradong pinto ng room namin, may pumasok kasi bigla sa isip ko eh.

Paano kaya kung ganun rin ang itsura namin ni Mr. Toro siguro ang cute namin tumatakbo ng mabilis tapos magkaholding hands parang ang romantic ng dating sabay titingin sa isat isa at ngingiti ng sobrang tamis

Nakatulala nanaman ako at nagiimagine, Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa harapan ng saradong pinto ng room namin. Nasira na parang pinunit na papel sa may harapan ko ang magandang imagination na yun ng marinig ko ang boses ni Pete sa may likuran ko

" Hoy Emo Fag, anong ginagawa mo diyan hindi mo ba alam na nakatulala ka diyan sa may pinto ng room at kung hindi ka papasok sa loob lumayas ka sa dadaanan ko " maangas na pagkakasabi niya sa akin sa totoo lang nainis ako sa sinabi niya sa akin na Emo Fag ako pero dahil sa ayaw ko ng gulo umalis na lang ako sa may harapan ng pinto at pinadaan na siya, nang papasok na rin ako sa may loob ng room nagulat ako ng may humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako sa pagpasok paglingon ko para tignan kung sino yun. Si Patrick pala yun

Nakatitig ako sa kanya na para bang tinatanong kung bakit niya ako hinawakan sa may braso. Bubuksan ko sana ang bibig ko para sabihin sa kanya ang tanong sa utak ko pero sinara ko na lang ang bibig ko ng makita kong nauna na siyang magsalita sa akin.

" Mikey pagpasensiyahan mo na yang si Pete talagang ganyan lang yan. mahilig magtrip eh, trip niyang mangbully intindihin mo na lang siya " nakangiting sabi sa akin ni Patrick tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at sabay na kaming pumasok sa loob ng room, parehas kaming naupo na sa mga assign desk namin nilapag ko na sa may upuan ko ang bagpack na nasa may likuran ko sabay nilabas ang notebook na lagi kong pinagsusulatan ng kung ano ano lang

Mayamaya dumating na sila Gerard at Frank at sabay naupo sa assin desk na katabi ko hapong hapo ang dalawa ng sabay silang naupo sa may seat

" Mikes, nakakapagod tumakbo super may dala ka bang tubig diyan? " hapong pagtatanong sa akin ni Gerard kinuha ko na lang ang lalagyanan ko ng tubig sa may bag sabay inabot ito sa kanya. Pagkakuha niya ng lalagyanan ng tubig ko uminom na siya dito pagkatapos siya na mismo ang nagbalik sa may bag ko.

" Ano ang binili ninyo sa may bookstore? " pagtatanong ko kay Gerard habang nagsusulat ako ng kung ano ano lang dito sa may notebook na nasa harapan ko.

" Wala naman bumili lang si Frank ng nobel " sagot sa akin ni Gerard. Binuka ko ulit ang mga bibig ko dahil may sasabihin pa ako sa kanya.

" Mukhang mas close na kayo ng bff kong si Frank kaysa sa akin ha, madalas na kayong magkasama kaysa sa akin parang nakakaselos naman " pangaasar ko kay Gerard tumawa naman siya at umiling saka sumagot sa sinabi ko sa kanya kanina.

" Ano ka ba Mikes, yep close ko na si Frank ngayon dahil hindi naman siya mahirap maging kaibigan, masayahin siya masarap kasama. Huwag ka ng magselos dahil kahit naman lagi kaming magkasama bff ka pa rin niya, isa pa hindi naman ako nawawalan ng time sayo eh still bff at the same time brother pa rin tayong dalawa. Okay kaya huwag ka ng magtampo sa akin at huwag ka ng magselos sa aming dalawa ni Frank " sa totoo lang sweet naman talaga sa akin si Gerard eh. Tama naman siya hindi nga siya nawawalan ng time para sa akin kaya siguro okay na rin yun, ngumiti na lang ako sa kanya at bumalik na ulit sa pagsusulat ng kung ano ano lang hanggang sa dumating na sa room namin ang pinakahihintay kong gwapo na teacher namin si Mr. Toro

-

Nasa kalagitnaan na kami ng pagtuturo ngayon nagtanong naman si Mr. Toro sa amin about sa idea namin kung ano ba ang Health para sa amin, tinaas ko ang kanang kamay ko para sagutin ang tanong niya. Natuwa naman ako at parang nagblush ng marinig kong ako ang pinili niya para sumagot sa tanong niya. Siyempre hindi ko pinahalata na nagblush ako ng marinig ko ang magandang boses niya.

" Okay you please come here and write your answer on the board and what's your name? " nakangiting pagtatanong niya sa akin sinagot ko naman siya agad ng Mikey Way po ang pangalan ko. Nakita kong ngumiti siya sa akin at tinawag niya ang pangalan ko.

" Okay sige Mikey sumagot ka na sulat mo dito sa may board ang sagot mo " naglakad na ako sa may gitna ng dalawang nakagrupo na mga upuan. Nagulat ako ng maramdaman kong parang natisod ako, nasubsob ang mukha ko sa may sahig ng room namin narinig ko namang tumawa ng malakas ang mga kaklase ko pero nawala rin ito agad dahil sa narinig ko ang pagsaway ni Mr. Toro sa kanila.

" Class huwag ninyo siyang tawanan, maling ugali yan imblis na tulungan ninyo siyang makatayo talagang tumawa pa ang una ninyong naisip " sa totoo lang super nahihiya na talaga ako dahil sa katangahan na nangyari sa akin sa araw na ito pero nang marinig kong ipagtanggol ako ni Mr. Toro sa mga wala kong kwentang kaklase parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Tumayo na ako sa pagkakasubsob ko kanina napatingin naman ako kay Pete na nasa may left side ko lang.

Nakita kong nakaharang sa may dinadaanan ko ang isang paa niya yun pala ang dahilan kaya ako nadapa at nasubsob dito sa may sahig tinignan niya ako ngumiti siya sa akin at umiling. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na ako sa may harapan inabot ko ang chalk na hawak ni Mr. Toro

Naramdaman kong dumampi ang mga daliri ko sa palad niya. Para akong nakokoryente at nararamdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan ko pero alam kong hindi ito ang tamang oras para dito kaya naman hindi ko na lang muna inisip ang bagay na yun at sinagot ko na ang isasagot ko.

-

Nasa may canteen kami ngayon nakayuko at nakatitig lang ako sa sandwich na nasa may tray sa harapan ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang kapahiyaan na nangyari sa akin dahil kay Pete, sa totoo lang mapupuno na ako sa kanya wala siyang ibang trip kundi lagi na lang ako. Nawala ang pagkatulala ko ng marinig kong magsalita si Gerard

" Mikes, nakita ko ang paa ni Pete siya ang may dahilan kung bakit ka napahiya kanina at kung bakit ka napagtawanan ng mga classmate natin. Hindi ako papayag sa ginawa niya sayo " galit ang tono niya ng sinabi niya ang salita na yun sa akin. Bata pa lang ako tagapagtanggol ko na siya kaya suwerte ako na si Gerard ang naging Kuya ko dahil walang nakakalagpas sa mga nangaaway sa akin taob silang lahat kay Kuya.

" Gerard huwag mo na lang patulan si Pete sabi ni Patrick sa akin kanina talagang ganun lang daw yun mahilig mangbully " sabi ko sa kanya sa malumanay na paraan alam kong kapag tumayo na sa upuan niya ngayon si Gerard malilintikan na si Pete sa kanya.

" Mikes, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sayo. Sabihin mo nga sa akin lagi ka bang binubully ng Pete na yan kapag umaalis kami ni Frank " nakatiklop na ang dalawang kamay ni Gerard sa may mesa mataas na ang boses niya. Wala akong imik at tahimik lang hanggang sa sinapak ni Gerard ang dalawang kamao niya sa may mesa dahilan para magulat kami ni Frank ng sabay.

" Gerard kalma lang " sabi ni Frank sa kanya sabay himas sa may likuran niya, pero hindi nakatulong ang ginawa ni Frank magkadikit pa rin ang dalawang kilay ni Gerard sa galit.

" Michael James Way!, sumagot ka! " binuo na niya ang pagtawag sa pangalan ko talagang galit na siya ganun kasing magalit si Gerard kaya naman para huwag ng mas lalong pumutok sa galit si Gerard sinagot ko na lang siya ng. Oo

Tumingin ng tirik si Gerard kay Frank dahilan para matakot si Frank sa expression ng mukha niya pagkatapos ng mga nakakatakot na tingin na yun biglang tumayo sa may upuan niya si Gerard, alam ko nang hahanapin niya si Pete para komprontahin ito kaya tumayo na ako sa upuan ko hinawakan ko siya sa may braso para pigilan sa plano niya. Nakatitig naman sa aming dalawa si Frank at umiling na lang ito.

" Gerard please ayaw ko ng gulo huwag mo ng awayin si Pete sure naman ako magsasawa rin yun eh, titigil rin siya " pagmamakaawa ko kay Gerard mabuti na lang at napaupo ko na siya at umupo na rin ako sa upuan ko.

" Mikes, sisiguraduhin kong hindi na mauulit pa ang bagay na ito. Lagot sa akin kung sino man ang manakit sa kapatid ko " huling salita ni Gerard nabalot na ng katahimikan ang puwesto namin.

-

Habang naglalakad ako sa may corridor magisa dahil uwian na huminto ako sa may tabi ng bintana dahil doon ko na lang hihintayin sila Frank at Gerard dahil nagpunta pa sila sa comfort room para alam mo na maglabas ng dapat ilabas dahil puputok na daw talaga eh. Nilabas ko ang cellphone ko na nasa may pocket ng black jeans na suot ko, nakita kong may nagtext sa akin binasa ko naman agad ito

To: Mikey Unicorn Way

  Hello Mikes, musta na punta naman kayo dito sa bahay namin sa Sunday magkakaroon lang kami ng konting katuwaan sama mo ang kuya mo na super bff ko pwede mo ring sama si Frankienstien kung gusto mo. Hahaha paano aasahan ko kayo sa Sunday ha

From: Andy Sixx <3(•̀ᴗ•́)و

nagulat naman ako ng makita kong nagtext sa akin ang bff ni Gerard na si Andy naisip kong sasabihin ko na lang kay Gerard at Frank mamaya ito kapag naglalakad kami pauwi ng bahay. Nagulat naman ako at natigil sa pagtype ng marinig kong may nagsalita sa may likuran ko.

" Kaibigan mo ba yang nagtext sayo, sorry kung nabasa ko ha " napalingon ako parang huminto ang oras, parang huminto rin ang mundo ko ng makita kong nasa harapan ko ang pinakagwapong teacher na pinapatansiya ko.

" A-h-ah ahhhh o-okay lang po yu-yun Mr. To-toro " utal utal na sagot ko sa kanya nakita kong ngumiti ang labi niya kaya naman nagblush ako sa cute na ngiti niyang yun pero hindi ko na lang pinahalata. Para huwag niyang mahalata na nagblush ako nagtanong ako agad agad sa kanya.

" Bakit po kayo nandito Mr. Toro may sasabihin po ba kayo sa akin? " pagtatanong ko sa kanya, nakita kong umiling siya kaya naman napakunot noo ako.

" Mikey kung may nangbubully sayo sa room ipaalam mo agad sa akin ha. Dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung may nabubully sa class ko napansin ko na si Pete ang nangtisod sayo, kakausapin ko siya ngayon para bukas humingi siya ng sorry sayo. Kaya magsabi ka sa akin ha " halatang concern si Mr. Toro sa akin tumango na lang ako sa kanya bilang sagot napansin kong nasa tabi na ni Mr. Toro sila Frank at Gerard.

" Hello po Mr. Toro " sabay na sabi nila Frank at Gerard ningitian naman sila ni Mr. Toro.

" Paano Mikey sige mauna na ako sa inyo magiingat kayo sa paguwi ha " naglakad na palayo sa aming tatlo si Mr. Toro, tinanong naman ako ni Frank bigla dahilan para tumingin ako sa kanya.

" Mikes, anong mayroon. Anong sinabi sayo ni Mr. Toro " paguurirat nito sa akin sinagot ko naman siya agad.

" Wala about lang kay Pete napansin daw niya si Pete ang dahilan kung bakit ako nadapa kakausapin daw niya ngayon para bukas magsorry sa akin si Pete " lumapit naman sa akin si Gerard at hinawakan ako sa may balikat.

" Mikes, masaya ako na concern si Mr. Toro sayo. Atlis bukas malay mo hindi ka na niya bulihin pero ipagtatanggol rin kita, basta bukas makikita mo ang resulta. Okay " sabi sa akin ni Gerard hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Gerard sa akin, normal naman na lagi siyang ganyan kapag naaway ako eh. Bigla kong naalala ang text ni Andy sa akin, kaya naman sinabi ko na kay Gerard at Frank ang invitation niya sa amin sa Sunday.

" Tara na nga kayong dalawa uwi na tayo, may sasabihin pa ako sa inyo about sa text ni Andy sa akin kanina. Tara na kayo " pangaaya ko sa kanilang dalawa. Habang naglalakad na kami sa may daan pauwi ng bahay. sinabi ko na ang text ni Andy sa akin.

💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀

A/n: sorry guys ngayon lang nakapagupdate super naging busy kasi ako sa school eh.. anyway thanks for your read votes and comments.... sana po magustuhan ninyo ang chapter na ito

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro