
Chapter 3
May narinig akong ingay at nakaramdam ako ng isang madiin na kalabit sa may braso ko dahil doon bigla akong napabangon dahilan para sumakit ang ulo ko
" What the F**ck! " malakas na pagkakasabi ko dahil sa pagmumura kong yun bigla akong sinampal ni Mama sa may pisngi ng sobrang lakas nawala yata ang sakit ng ulo ko eh, Dulot ng hangover dahil sa paginom na ginawa namin kagabi
" Mikey! what a word, yan ba ang natutunan mo sa school. Naku! gisingin mo na yang si Gerard at magready na kayo para sa pagpasok anong oras na at saka ano ba yang amoy ninyo, Huwag ninyong sabihin sa akin na uminom kayo malilintikan talaga kayo sa akin " galit na pangaaway sa akin ni Mama sa umaga siyempre dahil sa ayaw ko ng mas lalo pa siyang pumutok sa galit hindi ko na lang siya sinagot kinalabit ko ng madiin sa may tabi ko si Gerard
" Mikey ano ba antok pa ako istorbo ka naman eh " antok at inis na pagkakasabi niya sa akin
" Buwisit talaga kayong dalawa!, Hay naku! bahala na nga kayo diyan basta bilisan ninyong magayos at bumaba na kayo sa may dinning room para kumain ng breakfast okay. At magready na kayo " galit na paguutos ni Mama sa amin sabay sinara ng pabagsak ang pinto ng kwarto namin
" Gerard! ano ba gumising ka na nga diyan " kinalabit ko siya ulit ng madiin sa may braso para magising pero pinalo niya ang kamay ko at inaway ako
" Buwisit ka antok na antok pa ako eh, kung wala kang magawa lumayas ka na sa tabi ko " inis na sabi niya sa akin sabay kinuha ang unan at tinakip ito sa may mukha niya at bumalik sa pagtulog pinabayaan ko na lang siya at dumiretsiyo na ako sa may Bathroom para maligo at ayusin ang sarili ko
-
"Ano ba Gerard tumayo ka na nga diyan anong oras na oh!, buwisit talaga kayong dalawa " hanggang dito sa may dinning room dinig na dinig ang boses ni Mama dahil sa katigasan ng ulo ni Kuya ayun inaway na siya ni Mama para bumangon. Ako naman ito kumakain na ng breakfast
Nang matapos na akong kumain at kinuha ko na ang babasaging baso para inumin ang tubig na nakalagay dito nakita ko namang umupo na sa may dinning chair si Gerard at kumain na ng breakfast
" Ano napagalitan ka ni Mama no, sinabi ko naman kasi sayo eh bumangon ka na pero ayaw mo ayan naaway ka tuloy " sabay nilapag ko na ang babasaging baso sa may mesa at kinuha ko na ang bagpack ko sa may dinning chair na katabi ko lang at tumayo na ako sa may dinning chair
" Wait lang Mikey, hintayin mo na ako " hindi na niya tinapos ang pagkain niya ng breakfast kinuha na niya ang bagpack niya sa may dinning chair na katabi niya at tumayo na rin sa may upuan
" Excuse me po, ready na po ba sila Mikey at Gerard " nakangiting pagtatanong ni Frank na nakatayo sa may pinto ng bahay namin ngumiti lang sa kanya si Mama at nagthumb's up
" Tignan ninyo may sundo pala kayo ngayon tapos ang bagal bagal ninyo, Oy! nga pala kayong dalawa huwag na huwag kayong uuwi mamaya ng bahay ng lasing ha kung ayaw ninyong sipain ko kayong dalawa diyan sa ano ninyo " pananakot ni Mama sa amin siyempre ayaw naman naming laging nagagalit si Mama sa amin kaya tumango kami ni Gerard sa kanya. Si Frank naman sa may pinto pinipigilan ang tawa niya pero halata pa rin dahil nakangiti ang labi niya
" Sige na Frank ikaw na ang bahala diyang sa dalawa na yan ha " sabi ni Mama kay Frank tumango naman si Frank, sabay bumalik na sa ginagawa niya si Mama at kami namang tatlo naglakad na papunta ng school
-
Habang naglalakad kami papunta sa room namin sa may corridor pinagtatawanan kami ni Frank ng sobrang lakas
" Hays! pinasakit ninyo ang tiyan ko. Dapat naman kasi nagalarm kayo para hindi kayo napagalitan ng Mama ninyo " nakangiting sabi niya sa amin ni Gerard, Huminto sa paglalakad si Gerard hindi ko alam kung bakit pero huminto na lang rin kami ni Frank, Lumapit si Gerard kay Frank at nagcross arm position ito ng nakataas pa ang kilay wala akong idea kung ano ba ang gagawin niya
" Alam mo Frank salamat sa pangaasar mo talagang ulit ulitin mo pa para alam na ng madlang people dito sa corridor na napagalitan kami ni Mama " seryoso si Gerard ng sinabi niya yun kay Frank
" Sorry na Guys, Hindi naman yun ang gusto kong mangyari. Well in fact idea ko rin naman yung uminom tayo eh. sorry na huwag ka ng magalit diyan Gerard " sabay inakap niya ito ng mahigpit pero hindi ko alam bakit parang bigla na lang nawala ang galit ni Gerard kay Frank at nang tinignan ko ang mukha ni Gerard nagblush siya pero wala na akong pakielam doon pinabayaan ko na lang sila doon at nauna na akong pumasok sa room at naupo na sa upuan ko
💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀💀
A/n: Hahahahaha.... ang weird ni Gerard sa chapter na ito... Sana po nagustuhan ninyo ang update na ito
Maraming salamat nga po pala sa read vote and comment ninyo :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro