Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

"Excuse me! Excuse me! Paraan po!"

Hindi magkanda-ugaga si Cahira habang pilit na sumisiksik sa maraming tao na nakikipag-kamay sa newly elected governor ng lalawigan. Katatapos lang ng eleksiyon kaya todo pagbati ang mga tao sa mga politiko. Lalong-lalo na sa partidos ng mga Serrano dahil ang mga ito na naman ang nanalo. Ang mga ito ay matagal nang nanunungkulan sa lalawigan ng Salvacion Norte. Mukha namang maganda ang pamamalakad ng pamilyang Serrano kaya walang dudang aabot ang mga ito ng dalawang dekada sa serbisyo.

Kailangan niyang makausap ang gobernador dahil dito nakasalalay ang kanyang trabaho. Hindi niya puwedeng laru-laruin lang ang bagay na ito. Hindi siya puwedeng pumalpak, kapag nagkataon parang pinatay na rin niya ang sarili.

She badly needs and wants this project. She will do everything to succeed even if it will cost her own life. She had already invested so much effort and she doesn't want to loss everything she has. Cahira felt relieved when she finally reached where the governor is. She immediately walked towards him but the bodyguards didn't let her.

She cursed. "Shit! Please let me get near him! I need to talk to him!"

Ngunit hindi siya pinansin at parang walang nakaririnig sa kanya. Mas malakas ang tunog ng musika at sigawan ng mga tao. What will she do now? Think, Cahira! Malokong napangisi siya. Walang atubiling pinilit niyang lumusot sa mga guwardiya nang lalong magkagulo ang mga tao at umakyat siya sa likod ng pick-up na matuling umaandar kung saan nakasakay ang gobernador. Pakiramdam niya ay nagawa na niya ang ganito noon. Huli na nang mapigilan siya ng mga bodyguard.

Natigilan ang lahat nang makita siya ngunit nariyan pa rin ang malakas na musika. Nawala ang malawak na pagkakangiti ng gobernador nang harapin siya. Bigla siyang tinablan ng kahihiyan. What a desperate move?! Yeah, she's really desperate that she didn't think what to act!

Lumapit sa kanya ang brunette at balingkinitang babae. "What are you doing, girl?"

Hinawakan siya sa braso ng dalawang lalaking bodyguard. Ngunit sinenyasan ng gobernador ang mga ito na bitiwan siya.

"I-I'm sorry. I just want to talk to the Governor," mahinang sabi niya at tumingin sa direksiyon ng gobernador.

"Are you for real? Can't you see that we're in the middle of the road and having a parade?" Nakataas ang kilay na dagdag pa ng babae.

"I can clearly see it madam and I'm so sorry," she replied, her cheeks are turning red. Shit! This is so embarrassing!

"Then? Ano pa ang ginagawa mo? Bumaba ka na."

Bumuka ang bibig niya pero walang ano mang salita ang lumabas. Akala mo kung sino. Kung makapag-taray akala mo may kilay. Litanya niya sa babae sa kanyang isipan. Ang init na nga ng pakiramdam niya dahil sa sikat ng araw ay mas lalo lang nitong dinagdagan, pati ulo niya umiinit sa mahaderang ito. Pinunasan niya ang pawis sa noo pababa sa kanyang leeg.

"What? Go—"

"Stop it, Lianna. You're being rude. She's a guest." Governor Max interrupted. "Come here, Miss." Sinenyasan siyang lumapit para tumayo sa tabi nito.

Tila nabaon sa lupa ang mga paa niya at nag-aatubili siyang lumapit sa batambatang gobernador. Sa huli ay lumapit din siya rito, ito na ang pagkakataon niya. Wala nang dapat sayangin pa.

Hindi naman nakasagot ang babaeng tinawag nitong Lianna. She just looked at her like she's about to kill her. Take that, bitch! Nakatitig lang sa kanya ang gobernador hanggang sa tuluyan niya itong matabihan. Humarap ito sa kanya. Naaasiwa siya sa tingin nito, lalo na sa malalim at itim na itim na mga mata nito.

Inilahad ni Cahira ang kanang kamay para makipagkilala. Her heart is pounding so loud and her hands are sweating. Binawi niya agad iyon dahil nakakahiya kung basa ang kanyang mga kamay. Why did she even offer her hand? 

"H-Hello, Governor. It's nice to meet you in person," she greeted while smiling.

"Hi. It's nice meeting you too. Miss?"

"Cahira Bermudez, Governor."

Sumisingit sa usapan nila ang hiyawan ng mga tao habang binabati ito sa pagkakapanalo. His gaze turned to the group of young ladies then winked at them.

"Thank you, ladies!"

Parang sinilihan ang mga puwet kung maghagikgikan. Kilig na kilig? Teenagers nga naman. Kumaway muna ang gobernador sa mga tao bago tumigil ang sasakyan sa isang open view gymnasium. Marami nang mga tao ang nakaupo sa mga nilinyang monoblock. Talagang hinihintay ang pagdating ng nanalong partidos ng mga Serrano.

Bumaling ulit ito sa kanya. "Pardon? What's your name again?"

"I'm Cahira Bermudez, Governor Max."

His forehead knotted. "Bermudez of Trinidad, Salvacion Norte?

Mabilis siyang umiling. "Po? No, Gov. Hindi ko po sila kilala. Maybe we just have the same surname but we're not related. Hindi rin po ako taga-rito."

Napatango naman ito at nginitian siya. She can clearly see his white set of perfect teeth.

"Drop the 'Po', Miss Bermudez. I think we have the same age. Just call me Governor or much better Max. Where are you from then?"

Napakagat siya sa ibabang labi. "If you say so, Governor. Taga Manila ako at tawagin niyo na lang rin ako sa pangalan ko."

"Sure, no problem. By the way, bakit kailangan mo akong makausap, Cahira?"

"I-If you have a free time, can we t-talk p-privately?" She can't stop herself from stammering. Bahagya pa siyang napahawak sa batok.

The Governor was about to answer but it was interrupted by that woman, Lianna. Shit! What's wrong with this, bitch? This is her final chance! If it's even possible, she will strangle this woman for stealing the governor's attention.

"Max, Congressman is already waiting." The woman simply touched the hand of the governor.

Gustong mapa-ikot ng mga mata ni Cahira sa hindi kilalang mahaderang ito. Kanina pa ito nagpapapansinin sa batambatang gobernador pero halata namang dedma lang si Governor Serrano.

"Yes, Lianna. I know but I'm not yet done entertaining my visitor. Dad can wait," seryosong saad ni Governor Max.

Tila naman napahiya ang babae at napayuko na lang ito. Parang kasing tigas at lamig ng yelo kasi ang tono nitong sagot sa babaeng ito. Siguro kahit siya ay mahihiya kapag gano'n.

She cleared her throat. "Hmm... baka nakakaistorbo na ako masyado, Gov."

"No, it's okay." Umiling-iling pa ito. "I'm free tomorrow morning, you're always welcome to my office."

Biglang nagningning ang mga mata ni Cahira at mas malawak pa sa karagatan ng pacific ocean siyang napangiti. Kulang na lang ay magsisigaw at magtatalon siya sa kagalakan.

"Talaga? Gosh! Got it, Governor."

Sa wakas ay nakapag-set na rin siya ng meeting dito, kahit hindi naman talaga pormal na meeting. Ang mahalaga ay may pagkakataon na siyang makumbinsi ito hanggang sa abot ng makakaya niya.

This is the best day ever!

"We want to acknowledge the presence of our re-elected governor of Salvacion Norte. The one and only young and handsome as ever, Governor Max Serrano! But before that, let us be entertain by Namnama Dancers!" Masiglang pahayag ng emcee na sinundan naman ng malakas na palakpakan ng mga tao.

Nabaling ang atensiyon nila sa stage kung saan nakaupo na roon ang Congressman at mga Sangguniang Panlalawigan pati na rin ang nanalong Mayor, Bise Mayor at mga Sangguniang Bayan ng Valencia, ang sentrong bayan ng Salvacion Norte.

"Kailangan ka na roon, Governor."

"Yeah, I guess. Let's go." Nauna na itong bumaba at hinawakan nito ang mga kamay niya para alalayan siya sa pagbaba.

Kitang-kita niya sa kanyang peripheral vision ang lukot na mukha ni Lianna habang inaalalayan ito pababa ng isa sa mga bodyguard ng gobernador. Ang taas kasi ng heels, ayan tuloy nahihirapang bumaba kahit mababa naman ang pick up. Ang arte pang kumilos habang bumababa. Hinayaan na lang niya at hindi na pinansin pa.

"Kailangan ko nang mauna, Governor. Nakakahiya na po ang pangge-gate crash ko," mahinang paalam niya.

Natawa ang lalaki. "What? No. We are humbly entertaining our guest."

Naudlot ang pagbuka ng bunganga niya nang pumagitna sa kanila ang mahaderang babae. "Max, let's go. You're just wasting your time talking to that woman."

Walng buhay na napatingin si Governor Max sa babae. "Fix your manners, Lianna. You can go without me."

Gusto niya itong talakan ngunit pinigilan niya ang sarili. Panira sa plano at monentum, lalo na ng araw niya. She will not waste her precious saliva just to cursed this bitch. But she's slowly strangling her in her mind. She doesn't exactly know where this bitch coming from and Cahira is so sure that this Lianna girl likes Governor Max Serrano but he doesn't give a damn shit. Her strong instinct never failed.

Lahat ng nakasasalamuha ay ugali niyang obserbahan at aakalaing siya si Madam Auring dahil na-predict na niya kung ano ang mga pangyayari sa buhay ng mga tao na may posibleng kinalaman sa past, present at future ng mga ito. Kulang na lang talaga magtayo siya ng pahulaan sa Quiapo. Subukan niya kaya? Extra income at pampawala rin ng boredom.

"Go, Governor, hindi na rin makapaghintay ang mga taong marinig ang speech mo. They are really waiting for you," aniya at bahagyang itinuro ang mga tao na abala sa panonood ng mga nagsasayaw sa stage.

Napatingin din ito sa mga tao bago bumaling ulit sa kanya. "My apoligies if I can't entertain you any longer."

"It's okay, Governor. Maaga naman akong pupunta sa kapitolyo bukas. Doon na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap para walang istorbo," makahulugang saad niya at sumulyap sa babaeng mahadera.

Umasim ang mukha ng babae. Lihim niya lang itong iniikutan ng mga mata sa isipan.

Ngumiti ito. "Sure, I like that idea. So, aalis ka na?"

Tumango siya. "Yes, Governor. Aalis na ako. See you tomorrow."

"Take care, Cahira."

"Thanks, Governor. Ikaw rin. Bye." She smiled then slowly walking backwards while waving her hands.

Nang makalayo ng ilang dangkal mula sa mga ito ay tumalikod na siya at malawak ang ngiting umalis doon. Habang naglalakad ay kinuha niya ang cellphone sa sling bag at idinayal ang numero ni Marvy.

"What?!" pa-asik na sagot nito mula sa kabilang linya.

Wala ring manners ang babaeng 'to. Buti na lang hindi niya ito kaharap kung nagkataon baka ma-meet nito ang bagsik ng manners.

"What the fuck?!" Ganti naman niya habang nakataas ang kilay at nakapa-meywang na para bang nakikita siya ng kausap.

"Bastos ng bunganga mo, Cahira! Bakit ka ba napatawag?" Mukhang wala ito sa mood. Siguro break na ito at ang kano nitong boyfriend o napagalitan ng boss.

"I got a chance to have a meeting with Governor Max Serrano! Sabi ko na sa 'yo na magtatagumpay ako. I told yah, sis!" Nakatiling imporma niya rito.

Natigilan ito sa kabilang linya at nagpakawala ng malakas na buntong-hininga. Inaasahan na niya ang reaksiyong ito mula kay Marvy, hindi na dapat siya magtaka. Pero umaasa pa rin siyang magsi-sigaw ito sa kabilang linya sa kasiyhan pero salungat ang gusto niyang mangyari sa reaksiyon nito.

"You know what, Cahi? You're hopeless. Ano ka ba naman? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na huwag ka nang pumunta riyan? Huwag mo nang ipilit pa," palatak nito. Akala mo naman sumuong siya sa isang digmaan. Well, partly yes. If it's considered as a war.

"What? I will not just give up like a shit! Ito ang career na pinag-aksayahan ko ng maraming oras at atensiyon tapos hindi lang pala sa akin mapupunta? And that's not acceptable! Never! I will do everything to have it. At alam mong hindi lang din ito dahil sa trabaho. So, please, just support me this one. Kahit ito lang ang mapatunayan ko, Marvy. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito," Cahira desperately said because it is her only last resort.

She heard Marvy sighed again. "Damn, Cahi! You've proven them enough! Nasa kanila na ang problema at hindi na sa 'yo. Sorry if you felt like I'm not supporting you but I am. So, please, do me a favor too, stop it."

Napakuyom siya ng kamao at humigpit ang hawak niya sa cellphone. "No, I can't. I'm sorry. Bye!"

Salubong ang mga kilay na binaklas niya ang baterya ng cellphone at ibinalik sa kanyang sling bag. Sigurado siyang magkakasunod na namang tatawag si Marvy. Yeah, she didn't tell her that she came here in Salvacion Norte. What for? She already knew that she will not let her. Why are they keep on stopping her? Or she's the problem? Why they can't just let her do what will make her happy?

Iyon lang naman ang hinihingi niya. Oo, sinusuportahan siya ng mga ito sa mga pangarap niya at sa bawat achievements na natatanggap pero hindi niya matanggap na hindi niya nakuha ang project na ito. She's very competitive. Lahat para sa kanya ay kompetisyon. Kung hindi siya makikipag-kompetensiya ay mawawala lahat ng mga pinaghirapan niya nang hindi iyon ipinaglalaban.



Follow me on INSTAGRAM: itsreal_venzy

@velenexia_06

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro