Chapter One
TUMIGIL si Cahira sa harap ng malaki at malawak na kapitolyo. This is it. Apat na oras din ang ibiniyahe niya sakay ng eroplano mula Manila hanggang dito sa lalawigan ng Salvacion Norte. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
Halos abala ang mga tao sa loob. Dalawang araw na lang kasi ay eleksiyon na. Talagang masusing pinaghahandaan ng mga ito ang paparating na halalan.
"Anya ti masapol yo, ma'am?" Pukaw sa atensiyon niya ng guwardiyang lumapit sa kanya.
Nagtatakang hinarap niya ito. "Ano po?"
"Ano po ang kailangan niyo, ma'am?" ulit nito sa tanong kanina. Marahil iyon ang ibig sabihin nito kanina.
Nginitian niya ito. "Nasa opisina po ba ang Governor? Kakausapin ko po sana siya kung puwede."
"Naku, ma'am! Wala po si Gobernor pero nasa opisina pa yata si Ma'am Malou," sagot nito.
Napangiwi siya. Mukhang wrong timing ang dating niya. "Sino po si Ma'am Malou?"
Napakunot-noo ang guwardiya. "Ang secretary po ni Gobernor. Saang bayan po kayo ng Salvacion Norte galing?"
"Hindi po ako taga rito, Manong. I badly need to talk to the Governor."
Natawa ang kausap. Ano ang nakakatawa? Nagmumukha ba siyang clown? Baliw na yata ito.
"Isa po ba kayo sa mga babae ni Gob?" tanong ulit nito habang titig na titig sa kanya.
Napasinghap siya. Ano ang pinagsasabi nito? Oo, babae siya pero hindi babae ng gobernador.
"Ho? Hindi po," mariing tanggi niya.
"Talaga ba? Hindi ako naniniwala dahil ganyang-ganyan ang mga tipo niya," sabi pa nito at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Hindi sa judgemental siya pero parang kakaiba ang paraan ng pagtitig sa kanya ng guwardiya. Kung makapagsalita rin tungkol sa gobernador ay parang naninira ang dating sa kanya.
"Ah, salamat na lang po. Nasaan po ang office ng Governor?"
"Sa second floor, Ma'am. Kaliwang bahagi."
"Salamat po." Agad siyang tumalikod at iniwan ang guwardiya.
Nang maka-akyat sa ikalawang palapag ay hinanap niya ang opisina ni Governor Max Serrano. Malawak na napangiti si Cahira nang makita ang pinto kung saan nakasulat ang office of the governor at ang buong pangalan nito.
Marahan siyang kumatok pero walang tugon mula sa loob. Napatingin siya sa kaliwang bahagi ng pader. Isang bond paper ang nakadikit doon kung saan may naka-print na 'press the buzzer' at arrow na itinuturo ang buzzer sa itaas na parte.
Pinindot niya iyon at itinapat ang tainga sa pinto. Narinig niya ang boses ng isang babae at pinapapasok siya. Walang atubiling pinihit niya ang seradura at pumasok sa loob.
"Ano po ang kailangan nila?" bungad na tanong sa kanya ng middle age na babae.
Tumikhim siya at diretsong nagtanong. "Kayo po ba si Ma'am Malou? Nasaan po si Governor? Puwede ko po ba siyang makausap?"
Napataas ito ng kilay. Bakit? May mali ba sa tanong niya?
"Oo, ako nga. Bakit mo hinahanap si Gov? Are you one of his unknown women?"
Nagsalubong ang kanyang mga kilay na ilang minuto niyang ginuhitan. Teka lang! Ang guwardiya sa ibaba ay ganito rin ang tanong sa kanya kanina. Ngayon nga lang niya makikilala ang governor ng mga ito kung papalarin siya. Tapos babae siya nito agad? Iba rin!
"No, Ma'am. I'm here to talk to him about the— basta mahalaga po ang pakay ko." Hindi niya itinuloy ang sasabihin baka mas hindi nito sabihin kung nasaan ang gobernador.
"Really? Saan kayo nagkakilala ni Gov? Gaano kahalaga ang pakay mo, Miss?" hindi naniniwalang usisa pa nito.
"Ha? Hindi ko po kilala ng personal ang Gobernador. Between life and death po ang pakay ko. So, please tell me where is the Governor, Ma'am." She begged.
Nakatingin lang ito sa kanya na parang sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi niya. "I'm sorry but the Governor is not here. If you want, you can come back early tomorrow, Miss."
"Please, just tell me where he is, Ma'am. Pupuntahan ko na lang po siya." Pilit niya pa rito.
Hindi na siya pinansin pa at parang nainis na rin sa kanya. Tumayo ito at iniligpit ang ginagawa. Naalarma siya. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito sa ginagawa.
"Please, set me an appointment today kahit po sa pinakahuli. Promise, I will not bother you anymore if you do so." Itinaas niya pa ang kanang kamay na parang nanunumpa saka ito matamis na nginitian.
Napapikit naman ito nang mariin at humugot ng hininga. Mukhang nawawalan na yata ito ng pasensiya sa kanya.
"Nagsulping met daytoy nga babaen," bulong naman nito.
"Ha? Ano po 'yon? Please, Ma'am Malou. Ang ganda niyo pa naman po sa red color ng buhok niyo. Bagay na bagay." Gatong niya pa at nagbabasakaling lumusot.
"Miss, marami akong ginagawa at hindi basta-basta sinasabi sa iba kung nasaan si Governor kaya bumalik ka na lang bukas."
"Sige na po kahit thirty minutes lang."
"No, Miss. You can leave now." Matigas pa ring tanggi nito.
Ang hirap naman nitong pakiusapan. Mamumuti muna yata ang mga mata niya bago siya pagbigyan.
"Sige po. Maraming salamat. Aalis na ako." Bagsak ang mga balikat na paalam niya at tinungo ang pinto.
Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto bago muling humarap sa ginang.
"Talaga po bang hindi puwede? Sige na, Ma'am. Isingit niyo na po ako sa schedule niya ngayon. Sa kanya nakasalalay ang lahat sa akin." Sinadya niyang pagaralgarin ang boses para kunwari maiiyak na siya.
"Sigurado ka bang hindi ka naging girlfriend ni Governor? Kung naghahabol ka, pasensiya pero hindi ko sasabihin kung nasaan siya. Kung ayaw nang magpakita sa 'yo, huwag mo nang ipilit pa. Let go, Miss."
Siya naman yata ang nawalan ng pasensiya sa maling akala nito. Oo, naghahabol siya pero hindi relasyon ang habol niya. At isa pa, never pa niyang na-meet ang governor ng mga ito.
Lakas maka-maling hinala ang mga tao rito, ah!
Napa-ikot ng mga mata si Cahira. "Hindi nga po, 'di ba? Hindi ko pa nga nakasalubong ni sa panaginip ko si Governor Serrano tapos naging girlfriend agad? Lakas din po ng tama niyo pati na hugot. Broken po ba kayo?"
Nawalan ng emosyon ang mukha nito.
Okay, she's out of here.
"Thanks again. Bye!"
Dali-dali siyang lumabas. Inismiran niya ang nakasarang pinto. Lugong-lugo siyang lumabas ng kapitolyo. Sobrang pinaghandaan pa naman niya ito, bihis na bihis siya. Sayang ang pustura niya.
Cahira stands with composure then looked at the capitol with a smile.
"Wait for me Governor. I will get a chance to talk to you," she swears before leaving and assuring that one of these days, she can meet him.
If you want to catch up with me. You can follow and interact with me on INSTAGRAM, itsreal_venzy
ENJOY READING! ❤️
ALL RIGHTS RESERVED 2020
©velenexia_06
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro