Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

74

FACEBOOK MESSENGER
[Anarry Buenaventura]

Gloria Estefan
Active Now

02/11/2023, 07:45 am

Gloria:
Sent you some money. Kuhanin mo na lang, kahit si dada mo, basahin mo raw ang message request niya

Gloria:
Do you want gifts, anak?

Anarry:
Oh wow, naalala ninyo pa ako?
Anak ninyo pa pala ako?

Gloria:
Ano na naman 'to, Ana?

Anarry:
Nakalimutan ninyo yata ang pasko at new year? Nasaan kayo sa mga oras na 'yan? Ni bati wala man lang po ako na receive sainyo, ha?

Gloria:
Busy lang kami, Anarry, intindihin mo naman kami

Anarry:
Ngayon hindi na kayo busy? Kasi tapos na kayo sa ibang pamilya? Ganoon ba, ma?

Anarry:
Hindi ko kailangan ng pera ninyo, kunin ninyo pabalik, I don't care anymore, ma.

Gloria:
Bakit ba ang tigas mo, Ana? Kung ayaw mo sa pera namin, fine, sige, hindi na kami magsasayang ng oras para suyuin ka

Anarry:
You will never understand me, you will never heal the scars you left.

Gloria:
Understand us naman, ana

Anarry:
Sige, let's have a date with dada later or sa 14, kaya mo ba? Free ka ba? May oras ka ba?

Gloria:
Anarry, alam mo namang busy kami ng dada mo

Anarry:
Isang araw lang hiniling ko sa 'yo, ma, ikumpara mo sa ilang taon na inabanduna ninyo akong dalawa ni Dada. Ang bilis mo namang humindi haha.

Anarry:
Para isang araw lang, e, pinagdadamutan mo pa ako, grabe ka, ma.

Anarry:
Kung hindi mo ako kayang ituring na anak ninyo, kayang-kaya naman ng iba, nagawa mo nga sa ibang anak, e. Baka ibang nanay rin siguro magpaparamdam sa akin ng pagmamahal na hinahanap ko sa 'yo.

Anarry:
I hate you, but I need to thank you for bringing me into this world. I wish you all the best in this world, ma.

(Blocked.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro