40
FACEBOOK MESSENGER
[Anarry Buenaventura]
Momma 💅•
Active Now
01/18/2022, 08:00 am
Gloria:
Nak, kapag tumawag Dada mo mamaya, sagutin mo, okay?
Gloria:
May sasabihin daw siyang importante sa ’yo. Mag behave ka, Anarry
Anarry:
oo na lang, ma. bakit ka pa ba kasi nakikipag communicate d’yan sa taong ’yan?
Anarry:
he cheated on you na nga
Gloria:
Daddy mo pa rin siya, bigyan mo pa rin siya ng respeto, Anarry
Anarry:
itong pamilya ba natin binigyan niya ng respeto? Hindi. Bakit natin siya bibigyan, ano siya siniswerte??
Gloria:
Past is past, Anarry. Bumabawi na nga sa ’yo ang dada mo, ganyan ka pa rin
Anarry:
wow. bawi? In what part, ma?
Gloria:
Ako nga naka move on na, bakit hindi mo magawa?
Anarry:
wow. anak ako, ma, normal lang sa akin na masaktan about sa parents ko, kahit sinong tao ayaw ng broken family :')
Gloria:
Try to understand your dada, Ana. He cheated on me because I treated him less
Anarry:
you don’t understand, ma
Gloria:
Make me understand, nak
Anarry:
u don’t understand the frustration, ma, bata pa lang ako never ko na naramdam ang pagkakaroon ng buong pamilya. Hindi naman kayo hiwalay no’n, mahirap bang iparamdam sa akin ’yon?
Anarry:
ngayong hiwalay na kayo, nakagitna na lang ako sainyong dalawa. ni kahit isa sainyo wala man lang umako sa akin, e!
Anarry:
nasaan ba kayo? nasa sari-sarili ninyong bagong buhay, samantalang ako nanlilimos na lang ng atensyon sainyo
Gloria:
Hindi pa ba sapat ang suporta namin sa ’yo?
Anarry:
hindi ko kailangan ng pera ninyo, you won’t get that, ma
Anarry:
gusto ko rin naman magkwento sa ’yo, gusto ko rin magsumbong kung gaano ako napapagod at nasasaktan ngayon, but where are you, ma?
Gloria:
I’m sorry
Anarry:
kaya siguro deserve ko rin masaktan kasi manloloko iyong sarili kong ama
Gloria:
Anarry! Don’t say that! He’s still your father.
Anarry:
whatever, ma.
Anarry:
I’ll try my best to talk to him later. Don’t give him my private number. Bye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro