Ika-14 na Kabanata
Rosas
Isang araw na ang nakalipas simula nung kami ay nakarating sa Maynila at kasalukuyan kaming nandirito sa Plaza Mayor. Ito ay kilala bilang sentro ng Intramuros na siyang matatagpuan sa timog ng Manila Cathedral, kanluran ng Palacio del Gobernador, at silangan ng Casas Consistoriales. Dito tatagpuan ang Calle Aduana sa hilaga, Calle Cabildo sa silangan, Calle Santo Tomas sa timog, at Calle Real del Palacio sa kanluran. Ang buong plaza ay punong puno ng iba’t-ibang uri ng mga bulaklak na siyang nabibigay buhay sa buong lugar. Sinabi sa amin ni ama na ang Plaza mMayor daw ay isang pmpublikong plaza lamng na kung saan ginaganap ng mga away ng mga toro, at kung ano ano pang mga kaganapan sa plaza sublit noong taon ng 1797, pinalitan ito ng Goberndaor-heneral na si Rafael Maria de Aguilar at ginawang isang napakagandng hardin.
Magkasama kami ngayong magpinsan na namamasyal dito sa Intramuros kasama sina Rita, Narcissa at Helena na siyang magkapatid na tagapagsilbi nina Ate Bernadette at Betina. Kami ay naglilibot libot sa Plaza Mayor habang masayang nagkukuwentuhan. Si Samuel naman at si Betina ay halos na hindi nag-iimikan kahit na anong mangyari. Napansin kong sila ay nag-usap kahapon at bakas sa kanilang mga mukhakahapon na sila ay may hindi pagkakaunawaan.
“Ang iyong mga ngiti ay kasing tingkad
Ng isang Rosas na namumukadkad
Ang iyong tinig ay tila isang musika
Na taglay ang boses ng isang mystika
Ang aking puso ay sumasayaw sa galak
Habang minamasdan kang suot ay payak
Ang iyong ganda ay labis na nakakahumaling
Sa isang puso na nais na ika’y makapiling
Tayo’y muling ipinagtagpo
Ng tadhnang mapaglaro.”
Ang boses na iyon. Iyon ay boses ni...
Ginoong Carlos. Ako’y agad na lumingon sa buong paligid at ako’y napatigil sa paglingon-lingon nung aking makita sa Ginoong Carlos na siyang papalapit sa akin. Naramdaman ko na naman muli ang mabilis na pagtibok ng aking puso, na tanging sa kanya ko lamang naramdaman, tila ay kami lamang ang tao sa buong paligid at tila ay wala akong ibang marinig kundi ng tanging pagyapak niya papalapit sa aking kinatatayuan, tila ay bumabagal ang takbo ng oras na tila hindi ko namamalayan ang mga ginagawa ng mga tao sa aming paligid.
Bakit muli ko na naman itong nararamdaman? Bakit tila ay bumabalik ang lahat? Ano ang ibigsabihin ng mga bagay na ito?
“Buenas dias Señor y señoras.” Pabgbati ni Ginoong Carlos at hinubad ang kanyang suot na sumbrero at inilagay iyon sa tapat ng kanyang dibdib. “Magandang umaga rin Señor Carlos.” Pagbati pabalik ni Samuel at gayon din ang kanyang ginawa sa kanyang sumbrero. “Magandang umaga rin Ginoo.” Masayang wika ni Betina. Tumayo na muli ng tuwid si Ginoong Carlos at ikinagulat ko ng siya’y biglang tumingin sa akin ng diretsyo dahilan upang ako’y agad na mapaiwas ng tingin sa kanya.
“Magandang umaga Binibining Daniella. Ako’y nagagalak sa ating muling pagkikita. Parang isa lamang siyang panahinip sapagkat sa panaginip na iyon ay nasa isang malawak na lupain tayo ng mga bulaklak at ngayon tayo’y nasa isang hardin.” Masaya nitong wika. Ibigsabihin ay maging siya ay nanaginip din. Iisa lamang ang aming panaginip. Ngunit hindi iyon maaari.
“Magandang umaga rin Ginoo.” Pagbati ko at bahagyang inuyuko ang aking ulo at umarte na parang wala lamang. Sa aking pagtayo ng maayos nakita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi yung ngiting makikita mi ang kanyang mg ngipin. “Tila ay hindi ka nagagalak sa ating muling pagkikita Binibini.” Saad nito. “Nais ko.” Diretsyo kong sabi at mas lumaki ang ngiti nito at napagtanto ko na hindi tama ang aking iwinika. “A-Ang ibig kong sabihin ay, nagagalak ako at tayo’y muling nagkita Ginoo.” Saad ko at tumawa ng pilit upang sabayan ang aking mga sinabi. “Kung gayon maaari ba akong sumamasa inyong pamamasyal?” Tanong nito sa akin. Ako’y naman ay napalingon sa aking mga pinsan at kapatid at sila’y tumango at ngumiti pa. Si Betina naman ang may pinakamatingkad ang ngiti ngayon. Syempre makakasama niya ang kanyang magiging asawa. Sino ba naman ang hindi masisiyahan sa kaganapang iyan?
Kumalma ka lang Daniella tapos na ang lahat huwag mo ng ungkitin ang mga nangyati sa nakaraan. Tapos na yun kaya nga tinawag iyong nakaraan sapagkat ito’y tapos na at hindi na muli pang mauulit.
“Tila ay wala na akong magagawa sapagkat silang lahat ay sang-ayon na.” Saad ko at ngumiti na lamang sa kanya at kami ay nagpatuloy na sa pamamasyal.
“Maaari bang ibilin muna namin sa iyo si Daniella, Ginoo? Meron lamang kaming aasikasuhin para sa aking magiging kasal.” Tugon ni Rita at timango naman si Gunoong Carlos. Magsasalita pa sana ako subalit hindi ako nakapagsalita sapagkat inunahan na ako hi Samuel. “Kung gayon, alagaan mo siya ng mabuti.” Tugon ni Samuel at iniwan ako. Hinabol ko sila subalit agad silang sumakay sa isang kalesa dahilan upang ako’y maiwan sa daan. Narinig ko naman ang yapak ni Gin
oong Carlos habang siya’y papalapit sa akin subalit hindi ko siya nilingon.
“Batid mo bang ako’y labis na nasasaktan sa iying pag-iwan sa akin sa gitna ng plaza kanina?” bulong nito sa akin kung kaya’t ako’y napahawak sa akin dibdib. Batid kong siya’y patungo sa aking kinatatayuan subalit hindi ko batid na bigla na lamang siyang bubulong sa akin ng ganun. Sa aking pagharap sa kanya ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking pusi ng makita siyang bahagyang nakayuko na tila ay bumubulong pa rin sa akin. Agad kong nasilayan muli ang kanyang ngiti at siya’y tumayo na muli ng tuwid.
“Ikaw ay akin na namang nagulat Binibini.” Natatawa nito sabi habang nakatingin sa aking mga mata kung kaya’t ako’y umiwas sa kanyang mga tingin. “Ako’y umaasa na sa susunod na ako’y muling magsasalita ng hindi mo batid ay magiging dahilan ng iyong pagsaya at hindi lamang pagkabigla.” Natatawa nitong saad. “Paumanhin kung aking nasaktan ang iyong damdamin kanina Ginoo.” Tugon ko at sinuot ang aking dalang balabal. “Huwag mi ng suotin ang balabal na iyan. Nais kong masilayan ang iyong kagandahan kung kaya’t huwag mo na itong tabunan pa ng balabal.” Tugon nito at ngumiti.
“Nais ko sanang ibalik sa iyo ang-“
“Kung ang iyong sasabihin ay yung tungkol sa purselas na ipinatago ko kay Betina na siyang ipinatago niya sa iyo, huwag mo munang ibalik iyon sa akin. Sa ngayon, hindi pa handa ang babaeng aking iniibig kung kaya’t nais kong ibilin muna iyon sa iyo.” Tugon nito. Napansin ko na kanina pa ngumingiti ng napakalaki si Ginoong Carlos at tila ay labis ang kanyang kasiyahang nadarama. “Ang aking tula, nagustuhan mo ba iyon?” tanong nito na siyang aking ikinataka. Anong tula ba ang kanyang tinutukoy? “Tila ay hindi mo natatandaan kung aling tula iyon kung kaya’t ito’y aking uulitin.
“Ang iyong mga ngiti ay kasing tingkad
Ng isang Rosas na namumukadkad
Ang iyong tinig ay tila isang musika
Na taglay ang boses ng isang mystika
Ang aking puso ay sumasayaw sa galak
Habang minamasdan kang suot ay payak
Ang iyong ganda ay labis na nakakahumaling
Sa isang puso na nais na ika’y makapiling
Tayo’y muling ipinagtagpo
Ng tadhnang mapaglaro.”
"Ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ay mahilig sa mga tula Ginoo." Tugon ko dito habang sabay kaming naglalakad patungo sa simbahan ng San Agustin. "Dahil sa isang tao ako'y naging majilig sa mga tula. Minsan kasi, merong mga bagay na nais nating ipahiwatig subalit hindi natin iyon nais na malaman nila kaagad ang ating nais ipabatid kung kaya't ito'y ating ginagawang isang talinghaga o di kaya ay sa paraan ng paggawa ng isang tula." Saad nito at ako'y napatango. "Ikaw pala ay isang makata Ginoo." Masaya kong sambit.
"Ngunit, hindi ba't nararapat lamang na iyong samahan ang iyong mapapangasawa Ginoo? Hindiba't nararapat lamang na iyong samahan si Betina sapagkat inaasikaso niya ang inyong magiging kasal sa Nobyembre." Tugon ko af bigla naman siyang natawa dahilan upang ako'y labis na magulohan. Wala namang kahit anong nakakatawa sa aking sinabi subalit napakalakas ng kanyang halakhak na tila ba ako ay nagbibiro.
"Meron bang nakakatawa sa aking iwinika Ginoo?" Tanong ko sa kanya dahilan upang siya'y napayigil sa kanyang pagtawa at tiniganan ako sa aking mata. "Batid kong nararapat na samahan ng isang lalaki ang kanyang mapapangasawa sa pag-aasikaso sa kanilang kasal subalit ako'y labis na natatawa na nararapat na aking samahan ang iyong pinsang si Binibining Betina upang maasikaso ang kanyang gaganaping kasal sapagkat hindi ako ang kanyang mapapangasawa Binibini." Tugon nito at tila ay nagpipigil pa sa kanyang paghalakhak muli dahilan upang ako'y mapatulala dahil sa kahihiyang aking natamasa dahil sa aking mga iwinika.
Kung gayon, kung hindi siya ang mapapangasawa ni Betina, sino naman ito?
"Ako'y labis talagang natatawa sa iyong mga iwinika Binibini." Tugon nito at tumawa na naman muli. "Subalit kung hindi ikaw ang mapapangasawa ni Betina, sino ang lalaking iyon?" Tanong ko sa kanya at siya'y tumigil sa paghalakhak. "Naalala mo ba yung isang tindahan sa palengke na siyang nagtitinda ng mga iba't-ibang uri ng tela at gamit sa pananahi, yung anak ng maari nung tindahang iyon ang siyang mapapangasawa ng iyong pinsan. Si Señor Joaquin." Masaya nitong wika. "Noon pa lamang ay may pagtitinginan na ang dalawa sa isa't-isa noon pa lamang, itinakda pa nga sila ikasal subalit nagkaroon sila ng hindi hindi pagkakaunawaan kung kaya't ito'y kanilang ipanagpaliban." Tugon nito.
"Sampung pilak lamang ang halaga nito Binibini." Tugon ni Senor Joaquin at ibinigay kay Tinang ang lahat ng kanyang binili at napansin kong sila ay nagkatitigan ngunit umiwas din kaagad si Tinang. Ano kayang meron sa kanilang dalawa? Maari bang may nakaraan sila? O di kaya ay magkakilala na sila noon pa lamang. "Ito na ang sampung pilak Ginoo." Tugon ko sa kanya at binigay ang bayad at nauna namang lumabas si Tinang at ako'y sumunod na rin sa kanya.
Iyon pala ang dahilan kung kaya't tila ay may napansin akong kakaiba sa kanilang dalawa nung kami ay nagtungo sa bBtindahan. Sandali paano naman ito nalaman ni Ginoong Carlos? "Paano mo naman nalaman ang bagay na iyan Ginoo?" Tanong ko sa kanya. "Naalala mo pa ba kung bakit nainis si Binibining Betina nung una naming pagkikita sa Ilog ng Sayen?" Natatawa nitong sabi.
"Hanggang dito pa ba naman ay sinusundan mo ako Ginoo?" Tanong ni Betina kay Ginoong Carlos na aming ikinataka ni ate Isabella.
"Magandang umaga Binibini." Saad niya at nagbigay galang kay Betina ngunit inirapan lamang siya nito. Tila ay may hindi pagkakaunawaan ang dalawa, ngunit ano naman ito? At paano sila nagkakilala? "Paumanhin Binibini ngunit ngauon pa lamang kita nasilayan at batid ko na hindi pa kita kailan man nakilala." Seryosong tugon ni Ginoong Carlos at napakunot ang noo ni Betina dahil doon sa kanyang sinabi. "Ginoo hindi ko alam kung nang-iinis ka lamang sa akin o sadyang iniinis mo talaga ako ng sobra." Naiinis na ni Betina habang nakayukom ay kanyang mga kamao habang hinahawakan ang kanyang saya.
"Lo siento senora ngunit hindi ko talaga maalala ang iyong pagkatao. Malamang ay ibang tao pao ang inyong nakilala at sadyang kahawig ko lamang." Seryosong tugon ni Ginoong Carlos habang amin naman ipinapakalma si Betina dahil bakas ngayon sa kanyang mukha ang labis na pagkainis sa Ginoo. Tinignan ko muli si Ginoong Carlos at aking nahuli ang kanyang pagngiti kung kaya't aking na kompirma na tunay nga silang magkakilala.
"Isa ako sa mga kaibigan ni Joaquin kung kaya't nung una naming pagkikita sa Ilog ng sayen ay agaf siyang nairita sa akin." Natatawa niyang kwento. Iyon pala ang dahilan kung bakit palaging naiinis si Betina sa kanya. Ako'y napayuko na lamang dahil sa hiya sapagkat lahat ng aking mga isinambit at inakusa sa kanya ay pawang dulot lamang palang dulot ng mga maling pagkakaintindi ko. Habang aking iniisip na lahat ng aking inakusa ay puro mali ako'y lahis na naiilang na kay Ginoong Carlos na ngiti ng ngiti ngayon.
"Ang simbahan ng San Agustin." Tugon nito at agad kaming huminto sa tapat nito. "Bata pa lamang ako bayid ko na kung sino ang aking nais na pakasalan. Hindi ko pa man siya nakita batid ko na kung sino siya. Bata pa lamang ako noon subalit alam ko na na ang aking puso ay nakatakda lamang na umibig sa isang babae." Tugon nito na siyang aking ikinataka. "Nababadya kong uulan ngayon at medyo makulimlim ang kalangitan Binibini kung kaya't mabuti pa at tayo'y bumalik na lamang dito sa susunod na araw o hindi kaya ay sa misa na lamang mismo sa araw ng pista." Tugon nito.
"Maaari bang tayo'y pumasok muna kahit na ilang minuto lamang Ginoo. Nais ko lamang na magpasalamat sa Diyos." Saad ko at siya'y napangiti. "Kung gayon, mauna na na munang pumasok sa loob Binibini at bibili na rin ako ng kandila upang tayo'y magsindi na rin ng kandila." Tugon nito at ako'y tumango at nauna ng pumasok sa loob ng simbahan.
Pagpasok ko ay agad akong namangha sa istruktura nito. Naalala ko pa ang kwento ni ama sa amin noon tungkol dito.
Taltong beses itinayo ang Simbahan ng San Agustin: ang una ay gawa sa kawayan at nipa; ang pangalawa ay gawa sa kahoy, at ang ikato ay gawa sa bato. Nalampasan nito ang maraming lindol at natupok ng apoy ng dalawang beses. Naging saksi rin ito sa ilang mga giyera o mga pananakop mula sa mga dayuhan. Datapwat ito pa rin ang pinakalumang simbahang bato sa Pilipinas.
Noong 1571, natupok ang simbahan at nasira muli noong 1574 sa nabigong pananakop sa Maynila ng piratang Chinong si Limahong.
Natupok muli ang simbahan noong 1583 nang kumalat ang mga apoy ng kandila habang itinatalaga ang Kastilang gobernador na si Ponquillo de Peñaflora.
Ang simbahang gawa sa bato na nakikita pa rin hanggang ngayon ay ginawa noong 1687 sa pamamalakad ng isang Kastilang sundalong ngaong arkitekto. Gamit ang mga nililok na batong adobe mula sa Meycuayan, Binangonan, at San Mateo, Rizal, natapos ang simagan noong 1607 kahit na mayroong kakulangan sa punod at materyales.
Noong 19 Enero 1607, opisyal na nadeklarang tapos na ang simbahan at binigyan ito ng pangalang St. Paul of Manila. May monastyrong itinayo sa tabi nito na nagbukas noong 1604.
Inayos muli ang simbahan noong 1854 sa ilalim ni Luciane Oliver.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro