Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

hand-me-down your name

play the media for a
better reading experience!

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Abala ako sa pagsusulat ng panibagong kabanata nang abalahin ako ng isang katok-ay mali, tatlong katok pala. Inasahan kong si Lolo ito. Tama lang, sinundan kasi ito nang pagsungaw ng ulo niya. Kumaway kaagad ang pag-aalinlangan sa mata nito. Takot sigurong makaistorbo sa akin.

"'Lo, bakit po?" bungad ko sa kaniya at inalis ang nakasalpak na earphone sa tenga. Bahagya ko ring inipit sa likod ng tenga ko ang kakarumpot na baby hair. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Hindi ba ako nakakaistorbo?" Sabi ko na nga ba, kahit kailan talaga si Lolo. Ang pag-iling ko ay siyang pagkawala ng kaba sa kaniyang mukha. "May mga damit kasing binigay ang Tita Carla mo. Baka raw kasya sainyo ni Royce."

Inabot niya ng bahagya ang isang plastik ng damit. Natatantsa kong nasa mga sampu ang dami nito at puro de color? Eh. Himala nalang siguro kung may magugustuhan ako diyan. I prefer white shirts and dresses and jeans and everything! I want to show the world that I am still pure, never been in anything that needs a partner to do, pfft.

Nang mapadaan ako sa salamin sa kwarto ko, nakita ko ang dahilan kung bakit nananatili akong dalisay: isang babaeng hindi na halos makita ang cycling shorts dahil sa laki ng suot na white shirt; nakapuyod ang buhok pataas sa isang walang kaayos-ayos na estado; dinagdagan pa ng mabibigat na eye bags.

Ano na Joyce, paano ka pa mabibinyagan sa lagay na 'yan? Hindi ka na pabata.

Umirap ako at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Umalis rin kaagad si Lolo kaya ako nalang ulit ang tao kakwentuhan ang katahimikan. Inayos ko ang pagkakaupo sa harap ng laptop at huminga ng malalim. . . kaso nauwi pa rin sa inaasahan kong bagot na pagsandal sa matigas na upuan. Nawala na 'yung momentum, hindi ko na mafeel 'yung sinusulat ko. Kainis.

Imbes tumulala ay nakanguso ko nalang na hinalungkat ang plastik ng mga pinaglumaan o inayawan ng mayaman kong kamag-anak. Sa totoo lang ay hindi naman ako mahilig sa mga branded na damit pero kung nandito na naman sa harapan ko, bakit pa ako tatanggi diba? Swerte lang kami dahil halos lahat sa damit na ibinibigay sa amin ay unisex kaya makakapili kami ng kambal ko.

Pantalon na beige? Pwede. Neon hoodie? Nah, kay Royce 'to. Tokong? And tokong? And another tokong? Nah, not my type. Ewan ko kung magugustuhan ito ni Royce. T-shirt na maroon? Eh, kay Royce 'yan. And t-shirt after t-shirt after t-shirt after. . .

"Hala fudgebar?!" kinagat ko ang labi ko sa tuwa at agad idinikit sa aking katawan ang isang pull over sweater, "Pakening dope ang ganda!!!"

Plain white pullover with a printed animation of a boned couple with their hands intertwined. May maliit na quote sa baba na 'will never change until death.' Namangha rin ako kasi over-sized ito-gaya ng karamihan sa mga damit ko-at malambot din ang tela niya! Saktong-sakto para sa tag-ulan na panahon ngayon.

Ilang minuto akong nagpaka-fangirl sa isang bagong hand-me-down nang walang habas na pumasok ang kambal ko sa kwarto. Nakabusangot ang mukha nito at mukhang nasermonan na naman ni Lola. Mukha siyang leon sa mala-tupa kong kwarto-hindi nababagay, dapat paalisin. Atsaka hindi ko kailangan ng nega vibes ngayong nasa alapaap ang kasiyahan ko.

"Ano 'yan?" he crossed his arms and arched his brows. Mas mataray pa ito sa akin eh. "Galing ulit kina Tita Carla?"

"Yes sir," sagot ko at inagat ang hoodie na alam kong swak sa panlasa niya, true enough, lumiwanag ang mukha niya nang makita ito. "Sa'kin 'to~" pang-aasar ko sa kaniya.

Natawa ako nang muling umikot ang mata niya bago pabalang na hinablot sa akin ang alam kong bago niyang favorite na hoodie. May maliit ngunit kuntentong ngiti sa kaniyang labi ngunit sa sunod niyang ginawa ay nawala ito.

"Tang'na, ambaho!" reklamo niya matapos amoyin ang hoodie, pero hindi hinagis palayo sa kaniya. Tinawanan ko siya bago tinignan ang sarili kong pullover. Hindi ko na binalak na yakapin, baka masira lang ang mood ko.

"Ba't ka nandito?" sinimulan kong hatiin sa amin ni Royce ang mga damit na nagustuhan ko at sa tingin kong magugustuhan niya.

"Sabi ni Mama magwithdraw ka raw ngayon, wala na raw tayong pambili ng bigas." Pagkadinig ko ng sagot ni Royce ay ako naman ang napairap. Lalabas na naman ako, kahit na may virus pa. Tsk.

"Bakit hindi kaya ikaw nalang, diba? Sa ibang babae gentleman kuno ka tapos sa akin biglang nowhere to be found?" sarkastiko kong saad kahit na alam kong wala naman akong laban.

"Osige, sabihin mo sa akin ang pin ni Mama nang gastahin ko 'yan lahat!" hamon niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Minsan na niyang totohanin ito nang magkasagutan sila ni Papa.

"Ako na nga 'yung palagi niyong inuutusan, bakit ba gigil na gigil kayo diyan? Para nanghihingi lang ng 300 eh," mahina ang boses ni Royce ngunit may nakakaasar sa tono niya; bukod kay Mama at Papa ay naramdaman ko rin ito dahil alam kong pinariringgan niya ako.

"Lintkik na bata talaga 'to! Sige, gastahin mo lahat ng nandiyan; bilang pasasalamat namin yan sa 'kasipagan' mo," nag-uumapaw ang sarkasmo sa boses ni Papa pero hindi ko ba alam sa kapatid ko kung bakit hindi niya ito nakuha at sa halip ay taos-puso niya pa itong sinunod.

"Siraulo ka talaga, eh 'no?" pulang-pula ang mukha ni Papa noon sa galit habang si Mama naman ay umiiyak habang pinapakalma si Papa.

Pero ngayon, ayos na naman kami. Hindi na mawawala ang ganon dahil sadyang may sapak lang talaga 'tong si Royce. At oo, simula noon, hindi na siya muling pinahawak ng kahit na anong pambayad ng bills sa bahay. Ako ang sumalo na siyang ikinatalon sa tuwa ng bugok.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Dala ang wallet sa braso, cellphone sa bulsa, at pinagsamang face shield at face mask na obviously ay sa mukha-I'm off to go. Wala akong quarantine pass pero ang kasama ko ay meron.

"Oh ano, 'nak? Tara na?" tanong ni Papa. Kung tutuusin ay pwedeng si Papa nalang ang magwithdraw, 'yun ay kung marunong lang siya. Kaso hindi. Si Mama naman ay nasanay nang sa akin inuutos kaya wala na talaga akong kawala kundi ang lumabas ng bahay at irisk ang aking health. Ha ha ha.

Nakakapit ang kamay ko kay Papa habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Kaso naiilang ako kasi kanina pa sila tingin ng tingin sa akin. Ano na naman bang katangahan ang ginawa ko at sa akin kayo nakatingin? Nawala lalo ako sa mood dahil dito pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Walking distance lang kasi ang lahat dito sa amin kaya convenient talagang tumira.

I just realized what's wrong after the barangay officer confronted me, "Iha, social distancing tayo ngayon. Layo-layo muna ng kaunti."

It's for our safety so better follow it. Kaso, may mali sa tingin nila eh. Iniling ko nalang ito.

"Nasaan po pala ang quarantine pass niyo, 'tay?" entrada naman nung isang babae na tanod din. Pinanood ko si Papa na ilabas sa bulsa niya ang kaniyang pass, nagkatinginan ang mga tanod at napatango sa bawat isa.

"'Tay, bawal ho kasing may isasama palabas ng bahay eh. Dapat kung sino lang ang may quarantine pass, siya lang ang lalabas."

Okay, Joyce, bawal uminit ang ulo dahil sumusunod lang sila sa utos ng gobyerno. Let your father handle this. True enough, my father casually tell them our situation, "Wala kasing ibang kayang magpindot sa ATM eh, siya lang kaya siya ang isinama ko. Wala na kasi kaming panggastos. Bawal ho ba 'yun?"

Nakahinga ako ng maluwag ng maayos na naipaliwanag ni Papa ito, nagkanda-bulol-bulol pa kasi siya kanina nung pinapractice namin ang ganitong eksena eh. Akala ko pagbibgyan nila kami pero hindi. . . katapusan ko na pala ito.

"Kung ganon ho ay siya nalang ho ang papuntahin niyo sa banko, kaya niya naman ho siguro, ano?" kinilatis ako ng tanod kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Mabuti't pinatong ni Papa ang kaniyang kamay sa aking ulo kaya't nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.

Kaunting ginhawa lang dahil dadagdagan niya lang pala ng gasolina ang nag-aalab na apoy ng aking nalalapit na kapahamakan, "Oo, kaya niya 'yan."

Naiwan si Papa sa nguso ng aming baranggay kaya't mag-isa kong hinarap ang posibleng panganib-ang pag-iisa.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-


Nakakapagtaka, sa totoo lang. Lockdown pero andaming tao ang pakalat-kalat, 'yung iba ay wala pang suot na face mask; 'yung iba naman ay mayroon ngang suot pero nakalawit naman ang ilong. Mapapailing ka nalang talaga eh.

Siguro dahil katapusan ngayon ng buwan kaya dagsa ang tao, sweldo kasi. Hindi pwedeng hayaan nalang 'yung ganito pero hindi rin naman pwedeng basta-basta ka nalang 'makiepal' sakanila-lalo na kung 'bata ka lang'.

Bagot akong pumila. Medyo hingal pa dahil sa paglakad ng tatlong daang metro; sanay na naman ako kaya medyo lang. Malas kasi akala ko talaga kaunti lang ang pila kaya hindi na ako nag-abalang dalin ang cellphone ko. Malas talaga, may load pa naman 'yun. Buti may upuan dito, may isang metrong agwat ang bawat isa. Maliligo nalang ako pagkauwi para makasiguradong hindi makuha sa damit ang posibleng virus na nakadikit sa pampublikong upuan na ito.

Twenty-eight, twenty-nine, thirty. . . Tsk- tinigilan ko na ang pagbibilang dahil napakahaba talaga. Sana hindi ako maubusan ng pera. . . worst nightmare 'yun pag nagkataon.

I stopped wondering. Kanina pa 'to eh. Kanina ko pa nararamdamang may lingon nang lingon sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali, kanina ko pa siya pinapanood sa peripheral vision ko. Isang teenager na babae, siguro around fifteen ang edad? Hindi ko na siya natiis at gamit ang seryosong mata ay hinarap ko siya. Patay malisya itong umiwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pagkataranta ng mga daliri niya na nagpanggap na sinusuklay ang buhok.

Sa ginawa kong 'yun ay mukhang nahiya na siya at hindi na muling uulit. Kaso, another set of boredom. Wala na akong mapagdiskitahan! Mabuti nalang at sampu nalang ay ako na ang pipindot. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumipat ng pwesto. Nasa kanto na ako ng mahabang linya at ang susunod na linyang kapipilahan ko ay ang mga pinangalanan ko kaninang 'elite line'. Paano ay sobrang lapit na talaga nito sa ATM, kapag nandito ka na ay mapapa-Amen ka nalang sa tuwa.

Ang hindi ko lang gusto sa pwesto na ito ay 'yung teenager na babae, siya na kasi ang sususnod sa pila. At 'yung pasulyap-sulyap niya ay lumala sa mga nauna, naging lantarang titig na kasi ito. Hindi na epektibo ang pamamahiya ko sakaniya kanina dahil ako na ang nahihiya ngayon.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil tuluyan na siyang pumasok sa loob ng maliit na cubicle upang magwithdraw. Seryoso, ano bang problema niya? Hindi naman siguro 'yun aakto nang nganon dahil lang sa trip niya. There must be a reason. . .

And then she came out, nagulat ako sa biglaan nitong pag-nguso sa isang direksyon. Tinitigan ko lang siya. Bukod sa wirdo niyang pagtingin ay naiinis din ako sa kaniya dahil wala siyang face mask, face shield lang! Ako na ang umiwas ng tingin dahil sa kawirduhan ng akto niya.

Nang makaalis siya ay tsaka ko nilingon ang tinuro niyang direksyon, "What the fuck."

Natatawa akong nanlumo sa kahihiyan at agad pinasadahan ng tingin ang suot kong pullover. . . at pabalik doon sa lalake. . . at pabalik ulit sa akin. What the fuck, parehas na parehas kami! Para kaming naka-couple sweater and it's weird kasi tirik na tirik ang araw!

"Don't worry, walong tao nalang at makakaalis ka an sa sinumpaang banko na ito," sinubukan kong pagaainin ang loob ko kaso nalipat ata sa akin 'yung wirdong mata nung teenager na 'yun! Ako naman kasi ngayon ang hindi mapigilan sa pagsulyap doon sa lalake. Mukha namang busy siya sa kaniyang phone kaya mukhang hindi niya ako napapansin.

Medyo magulo ang kaniyang buhok, kwento ko sa aking isipan-baka sakaling magamit ko sa aking future short story, halatang hindi dinaanan ng suklay. Simpleng lalake siya pero maaamoy na may kaya ito sa buhay; yun ay kung pagbabasehan ang kaniyang rolex sa kaliwang braso at iphone sa kaniyang kanang kamay. Pero ang talagang nakaagaw ng pansin sa akin ay ang kaniyang sweatshirt na, ironically, parehong-pareho nang suot ko.

Tumigil ako sa pagkekwento sa aking utak, ay mali, napatigil. Hindi ko kasi namalayang nakatulala na pala ako sa kaniya. Patay malisya akong umiwas ng tingin at puno ng nerbyos akong napahawi sa aking buhok, gaya nung teenager kanina. Nagkatinginan kasi kami!

I'm definitely doomed. Ramdam na ramdam ko ang tulis ng tingin niya habang pinagmamasdan ang malamang sa malamang ay ang suot kong sweatshirt. Lupa, pwede mo na akong lamunin!

Thank the gods, It's finally my turn.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Mabilis ang lakad ko na tila may kung sinong papatay sa akin. Nagmamadali, puno ng taranta, at gutom-kawawa naman ako. Nang makarating ako sa arko ng aming baranggay ay hindi ako roon dumiretso kundi sa katabi nitong 7/11. Wala eh, nakain na ata ng kahihiyan ang lahat ng pagkain sa tiyan ko.

Pasalampak akong umupo sa isang bakanteng pwesto. Nakaharap ito sa glass window ng convenience store at kitang-kita rito ang mga tao sa kung gaano sila nababalisawsawan sa araw. Paano naman ako hindi ba? Tamang sweatshirt lang sa gitna ni haring araw.

Buong atensyon ko ang nakatutok sa hotdog sandwich nang may magsalita sa likod ko.

"Bakit mo suot 'yan?"

Nanlaki agad ang mata ko dahil sa otomatikong pagrereyalisa sa mga pangayayari. Na parang isang bullet train ng Japan ang pagtakbo ng mga isipin sa utak ko, isang derechahan at kuha kaagad sa bilis; na parang 'yung kaninang nasa imahinasyon ko lang ay nangyayari na sa totoo kong buhay. Kabado man ay nilingon ko siya.

Kunot ang kaniyang noo pero walang mababakas na asar o inis sa boses nito, puno lang ito ng pagtataka. "Sa pagkakaalala ko kasi personalized ito, ako mismo ang may regalo niyan kay Seya."

"Huh?" hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari pero. . . "Sino si Seya?"

Mukhang masyado siyang nilamon ng pagtataka dahil hindi niya pinansin ang walang kwenta kong tanong. "Saan ba galing 'yan? Bakit suot mo? Imposible kasing may makakuha ng design ko since ako mismo ang gumawa niyan. Nag-usap naman kami nung may-ari ng shop na hindi niya pwedeng gamitin ang design-"

"Wait!" hindi ko napigilang hindi matawa, ang bilis niya kasing ipasalita ang kaniyang mga iniisip. Tapos gulong-gulo pa ako ngayon dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin. "Hindi ko man alam kung bakit magkaparehas tayo ng suot ngayon at hindi man kita . . kilala?"

Nakita ko kung gaano siya nagulat doon. Parang bigla siyang natauhan, nahiya. Namula pa nga ang tenga niya at kung sigurong mas light pa ng kaunti ang skin complexion niya, kita ko kung gaano kapula ang pisngi niya. Napaatras siya kaya agad akong sumapal sa nararamdaman kong badya ng pag-alis niya, "Saan ka pupunta?"

"Sorry po, Miss," tapos ay nakayuko itong naglakad palayo. Na-offend ko ba siya?

"H-Hoy!" pikit-mata kong sigaw. Hindi naman kalakasan pero agaw pansin pa rin dahil pumiyok ako. Pagdilat ko ay nakadikit na ang mata niya sa akin. Nakatagilid ang ulo niya, nagtataka, ngunit walang binitawang salita. Mas lalo akong nahiya, fair enough, nararamdaman kong hindi rin siya komportable sa nangayyari ngayon.

"Hand-me-down ang sweatshirt na 'to," inangat ko ng kaunti ang isang parte ng pullover na suot ko, dito rin nakatutok ang mata ko. Hindi ko yata kayang salubungin muli ang mata niya. Pero sino ba naman ako para sundin ng sarili kong mata, hindi ba? Taksil ito lalo na sa mga ganitong panahon at ganitong. . . tao.

Naglakad ito palapit muli sa pwesto ko, palapit sa akin. Hindi mabagal, hindi mabilis, sakto lang ngunit nagagawang tunawin ang aking magkabilang hita. Nagtatalo ang kalooban namin sa kung sino ang mas pinaka-naaawkwardan sa sitwasyon. Hanggang sa makabalik na siya sa kanina niyang pwesto at doon tuluyang nakandado ang mata namin sa bawat isa.I nearly died after making an inner squeal.

"Matalik na kaibigan ko si Seya. . ." saad niya, ". . . nakakalungkot lang na ipinamigay niya lang 'yan ng basta-basta."

"W-Wala akong kilalang Seya," lutang pa rin ang isip ko pero pinilit kong magsalita. "Hindi ko rin alam kung paano napunta kina Tita Carla ang damit ng Seya na 'yan."

"Carla? Teka, sa pagkakakaalala ko ay katulong siya sa bahay nina Seya," napahinto ito saglit at agad bumawi ng, "Pero baka coincidence lang."

Hindi na ako sumagot; umiwas ng tingin. So hindi talaga mayaman sina Tita Carla? Lihim akong natawa. Masyado pa namang mataas magsalita 'yun, paminsan sumusobra, paminsan naman ay biruan lang talaga. Well, who cares? It's a moral job.

"So hand-me-down into hand-me-down pala 'yan? From me to Seya, to your Tita Carla, until landed back to you. Ganoon ba kapangit ang design ko para hindi nila magustuhan?"

"Baliw," parang ako ang na-offend sa sinabi niya dahil sa sobrang pagfafangirl ko matapos makita ang minimalistic design ng sweatshirt na ito. "Ang ganda kaya."

He shifted his weight on his back, I unconsciously did the same.

"Siguro nakatandha talagang ayawan nila 'yung gawa mo. . . kasi. . ." nangiti siya. Kinagat ko ang labi ko, umiwas ng tingin papunta sa labas. It was like we're having a blind date, but into other's eyes, we're just this normal couple flirting publicly.

But then his phone rang. Sabay kaming napatingin sa kaniyang cellphone na nakapatong sa mesa habang mahinang tumutunog. Pinanood ko ang reaksyon niya habang binabasa ang pangalan ng tumawag. The way he smile changed differently as to what he did into me a while ago. Mas matingkad, mas masigla. Tila nabura sa isipan niya ang presensya ko. Napangiti ako ng mapakla nang magsalubong ang mata namin.

Akala ko kakausap niya ito sa harapan ko ngunit walang sali-salita siyang umalis. Bago siya makalayo ay narinig ko ang isang salitang nagpainit sa dugo ko, "Seya?" And then he's gone.

"Seryoso?" Sumama ang loob ko. Biglang nabago ang ihip ng hangin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Nasaktan 'yung ego ko.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at tumayo na rin. Kaswal man sa labas pero nag-uumapaw ang pagkapahiya sa loob ko. Sinadya kong sa pangalawang pintuan dumaan nang hindi kami magkasalubong.

Binungaran ako ng maalingasaw na hangin. Maybe I failed to realize how hot it was because of my uplifted mood earlier. Pero ngayong wala akong ibang nararamdaman kundi pagka-badtrip, para bang lahat ng bagay ay nakakainis.

"Sinakto pa talaga sa sweatshirt ko, ayos!" madiin kong bulong. Mas lalong nag-init ang ulo ko. "Mamaya talaga gagawa ako ng tanginang short story sa nangyayari sa akin ngayon-leche talaga!"

Kumukulo pa sa galit ang utak ko nang makaramdam ng kalabit sa aking likuran. Inis ko itong binalingan at napaatras naman ako sa gulat, "Can you hand-me-down your name?"

.

.

.

"Mada kono sekai wa. . . boku o kainarashitetai mitai da~!" pasigaw kong kanta habang nakataas sa ere ang kamay. "Nozomi doori ii darou utsukushiku mogaku yo~!"

Napasapo ako sa aking ulo sa sobrang cringe, "Tangina, wala ka talagang kwentang writer, Joyce! Puro ka teen-fiction! Ugh!!! Anime pa more!" reklamo ko sa aking sarili at inilayo sa harapan ang laptop. Sinabunutan ko ang aking buhok at inuntog ng paulit-ulit ang noo sa mesa.

Himala ata dahil gaya sa unang parte ng maikling kwentong isinulat ko ay may kumatok sa aking pintuan.

"Pasok," nakadukdok ang mukha ko nang sagot. Kailan ba lalago ang writer side ko? Forever na ba akong ganito? Lalo akong nalugmok dahil sa pagkawala ng pag-asang makuha ang nais kong paggaling sa pagsusulat.

"Hoy babae, pinapabawi ni Tita Carla 'yung pullover na may magboyfriend-girlfriend na bungo. Hindi raw sinasadyang isama 'yun, nahulog lang nung nilaban."

"Luh?!"

"Akin na, hinahanap daw kasi nung may-ari. Seya ata pangalan."

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

sooo sobrang sakit ng ipin ko habang tinatype ko 'to ajuhujuh. pero nung natapos ko na siya, nawaley na riin yeeyy!! kaso kinabukasan bumalik na naman ;‹

nga pala, hindi q alam kung anong meron dito pero its serves as my breather since sobrang exhausted ako this past few weeks. and finally, nakapagkwento rin iz mee nyahhaha. kampai!

at ito nga pala 'yung sweatshirt na bigay sakin pfft. ang cute kasi talaga kaya hindi ko napigilan ang sarili kong gumawa ng short story.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro