HAMARTIA
Maybe none of us knows what is the meaning of life, but we are all hungry for meaning, for our purpose, and we can only answer to life by answering for our own life.
***
"I, Haney Hydes, promise to love you, honor you, but not obey you because that's a little creepy." He widened his eyes dahilan para mapatawa ang mga bisita.
Shine chuckled softly.
"I promise to scratch your back when you are mad." He rolled his eyes again. "She's always mad," his last words were whispered. Natawa uli ang mga tao sa paligid nila pati ang pari ay hindi nakaligtas sa pilyong ugali ni Haney.
"Han!" suway ni Shine sabay napapisil pa ito nang marahan sa mga kamay ng kaniyang kabiyak.
"O-Okay." Pilit sineryoso ni Haney ang natatawang mukha sabay huminga nang malalim.
"With this ring, I give you my life. I promise from this day forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home." Sumabay ang nakakagulat na kidlat at malakas na pagbuhos ng ulan kay Haney. Naghiyawan lang ang mga bisita nang mabasa sila ng ulan pero hindi rin sila nagpatinag katulad nina Shine at Haney na hindi umalis sa kanilang puwesto at hinayaan lang mabasa ang mga kasuotan.
"Tuloy lang ang kasal!" hiyawan ng mga bisita at nagkakatuwaan pa ang mga ito kahit basang sisiw na sa lakas ng ulan.
Sinuot na ni Haney ang singsing sa daliri ni Shine.
"May your first act as a married couple be one of love. You may now kiss the bride," wika ng pari.
Shine smiled just as Haney was doing, gazing straight into his molten amber eyes. "Kiss me now, Mr. Hydes," mapang-akit na wika ni Shine kay Haney.
Nasasabik na hinawakan ni Haney ang baywang ni Shine saka nito nilapit ang kaniyang mga labi. Punong-puno ng pagmamahal ang mga halik na pinagsaluhan nilang dalawa sa isa't isa. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga bisita nila bago tuluyang kumalas ang mga labi nina Haney at Shine.
"Mabuhay ang bagong sakal--- este, kasal!" Nagtawanan ang lahat sa pagbibiro ni Sy, ang bestman ni Haney.
Pasimpleng nilagay ni Haney ang kamay niya sa kaniyang likuran upang hindi makita ng ibang tao at ni Shine, nag-middle finger ito kay Sy. Humalakhak lang nang malakas ang sinukli ni Sy sa kaniya.
Sa wakas at huminto na rin ang ulan pagkatapos ng ilang oras na seremonyas kaya nama'y inumpisahan na nila ang kainan at kasiyahan. Sa dalampasigan lang din ang wedding venue, tanaw ang kulay asul na tubig na payapang paalon-alon sa dagat.
"Para sa ating groom and bride!" ani Sy, sabay-sabay nila tinaas ang hawak-hawak na kopita saka ininom ito.
Hindi rin nagtagal sina Haney at Shine, nauna na silang umalis dahil medyo malayo-layo pa ang kanilang pupuntahan.
Inabutan na sila nang madaling-araw sa biyahe bago makarating sa Villa ng pamilyang Caldwell. Bumungad sa kanila ang malawak na bakuran na may mga puno't halaman at iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nagkalat sa pagilid. Hindi naalis ang paningin ni Haney sa nasisilayan niya ngayon, ang napakagandang white glass house ng mga Caldwell, may dalawang palapag lamang ito ngunit napakalapad naman, kung ito'y susumahin apat na bahay ang katumbas nito. Mula sa taas hanggang sa baba ay talagang babasaging salamin ang matatanaw at talagang mabibighani ang kahit sino mang makakakita rito.
Pagkababa nila sa kotse, napalinga-linga pa si Haney sa paligid. Seryoso niyang pinagmamasdan ang kabuuan nang mala-crystal na bahay ng mga Caldwell. Kamangha-mangha ang buong bahay mas lalo na sa malapitan, lahat ay ginto ang presyo ng materyales na ginamit para lang mabuo ang mansyong ito kaya nama'y hindi maikakaila ni Haney na mayaman talaga ang mga Caldwell. Hindi lang ito basta ma-pera, one of the wealthiest family ang Caldwell sa La Vis Ta Vie.
"Jackpot ka Haney," he mumbled.
"Han?" pagtawag ni Shine ng atensyon ni Haney. Hinawakan ni Shine ang kamay ni Haney at sabay na silang pumasok sa malaking glass door.
Pagpasok nila'y bumungad agad sa kanila ang buong pamilya ng Caldwell. Naka-puwesto ang pamilyang Caldwell sa living room at halatang hinihintay ang kanilang pagdating.
Paglapit nila'y kakaibang ngiti sa mga labi ang sumalubong kina Haney at Shine. Mga ngiting nagpatindig balahibo at nagpabalot nang kilabot sa buong katauhan ni Haney.
"Let me introduce you to my family."
"This is my father Rueben, and my mother Ollie," pagpapakilala ni Shine.
"My son-in-law!" masayang bati ni Mrs. Ollie kay Haney, sabay sinalubong ito nang yakap at halik sa pingi. "Pasensiya na hijo at hindi kami nakadalo sa inyong kasal."
Pilit na ngumiti si Haney.
"Welcome son," bati naman ng walang emosyong si Mr. Rueben kay Haney. Mabilis namang napansin iyon ni Haney. Alam niyang kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ng pamilyang ito.
"This is my older brother, Ax," ani Shine. Matikas, makisig, maganda ang tindig at pangangatawan. Halatang alagang-alaga ang katawan nito. Talaga nga namang mapagmamalaki ang pamilya ng Caldwell, hindi lang sa yaman kun'di pati na rin sa kagandahan ng kanilang angkan.
"Another burden to the family," ani Ax, nasilip ni Haney ang napauwang na labi nito na naging isang malaking ngisi.
"Darling, stop!" biglang awat ng isang babae.
"I'm just kidding, don't get offended," usal pa ni Ax kasama ang nakakainsultong ngisi nito kay Haney.
"No worries," napangiting tugon ni Haney. Nawala ang ngisi sa mga labi ni Ax at napalitan nang seryosong mukha.
Lumapit ang babae kay Haney at humalik sa pisngi sabay yakap nang mahigpit. "I'm Ax's wife. Call me Harriet, Mr. Hydes," nakangiting sambit ni Harriet kay Haney.
"Ihahatid ko na kayo sa kuwarto niyo, alam kong pagod kayo sa inyong kasal," nakangiting sambit ni Harriet sabay hila niya sa kamay ni Haney at sumunod naman si Shine nang sumenyas si Harriet sa kaniya.
"Don't mind my husband. He's a jokester, always laughing and cracking jokes," Harriet wisphered to Haney.
"Ax-hole," Haney whispered under his breath.
Hinatid sila ni Harriet sa dating silid ni Shine at iniwan din naman sila agad nito. Binagsak agad ni Haney ang katawan sa kama pagkatapos nitong makapaghubad ng kaniyang tuxedo at sapatos.
"Han, shower muna tayo," pagyaya sa kaniya ni Shine after hubarin ang suot na wedding dress.
"This family is incredible," sambit ni Haney habang nakapikit ang mga mata. Ramdam na ramdam na ni Haney ang matinding pagod.
Napasilip pa sa kaniya si Shine bago tuluyang pumasok sa loob ng shower room. "Han! It's not cold, come here na," pagpupumilit uli nito habang naliligo. Hindi umimik si Haney.
Pagkatapos ng ilang minuto lumabas din si Shine ng shower room at may naka-pulupot ng tuwalya sa ulo at katawan nito.
"Han... Haney?" pagtawag ni Shine kay Haney na nawala na sa kanilang kama. Natigilan si Shine sa kaniyang puwesto at nilibot ang kaniyang paningin sa loob nang malaking kwadradong silid.
Nagulat si Shine sa mahigpit na yakap sa kaniyang baywang sabay pagdampi nang mainit na mga labi sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang balikat. Kasabay nang pagpikit ng mga mata niya ang pag-angat ng mga kamay niya upang haplosin ang mukha nang mapang-akit na nilalang sa kaniyang likuran. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ng kaniyang mga kamay.
Nagtagpo na ang mga labi nila sa isa't isa at mas nag-init lalo ang kanilang pakiramdam. Sabay nilang tinulak ang mga sarili pahiga sa kama na hindi kumakawala ang mga labi sa bawat isa. Nasilayan na ni Shine ang mapang-akit na nilalang, ang kaniyang makisig na asawa na nasa ibabaw niya ngayon.
Akmang tatanggalin na ni Haney ang kaniyang suot na sinturon nang bigla silang makarinig nang malakas na katok mula sa labas ng pinto.
Tatayo na sana si Haney nang hilahin ni Shine ang sinturon ni Haney palapit sa kaniya. "Don't stop... Mr. Hydes."
Inakit ni Shine ng kaniyang nakakatunaw na tingin at mga haplos sa dibdib ang asawa. Para bang na-hypnotize si Haney para ipagpatuloy niya ang kagustuhan ni Shine. Pumaibabaw muli si Haney kay Shine at sinimulang igapang ang mga kamay mula sa hita papunta sa dibdib ni Shine. Sa bawat haplos at halik ni Haney kay Shine ay damang-dama nito ang labis na pagmamahal sa kaniya ng kabiyak. Naroon pa rin ang respetong nararamdaman ni Shine mula kay Haney sa tuwing gagawin nila ang bagay na 'to.
Muli silang natigilan nang may kumatok ulit at mas malakas na ang pagkatok nito. Tumayo na nang tuluyan si Haney at nagtungo sa pinto para buksan ito. Tumambad sa kaniya ang isang maliit na ginoo. "Hello Mr. Hydes! I'm Third," pakilala nito sa kaniyang sarili.
Medyo nagulat si Haney sa maliit na ginoong naka-eye glasses na nasa kaniyang harapan. "Call me Haney, young man."
"Sure thing, Haney, Good night!" ani Third. Kumaway ito at tumakbo na palayo sa kaniya.
"Who's that?" tanong ni Shine na naka-upo na sa kama pagbalik ni Haney.
"Third?" tugon ni Haney sabay halik sa noo ni Shine habang ina-unbotton ni Shine ang suot na long-sleeve ni Haney. "How old is he?"
"Kuya's son, he is only seven years old. Half bath ka muna, Han," wika ni Shine sabay tanggal ng suot ni Haney.
"Okay, my beautiful wife." At nagbigay-pugay pa ito kay Shine bago tuluyang magtungo sa banyo. "Don't sleep, wait me there." Humiga na si Shine sa kama at tuluyan na itong nakatulog habang hinihintay si Haney.
Napakapa si Shine sa kaniyang tabi sabay napamulat ng kaniyang mga mata, wala si Haney sa kama. Napabangon na lamang si Shine at dumiretso na sa banyo, naligo at nagbihis saka lumabas ng kuwarto at dumiretso sa dining area. Napatingin si Shine sa glass window, tanaw niya ang mga nagga-gandahan at nagta-taasang bulaklak sa labas ng kanilang bahay.
"Malalaki na pala ang mga bulaklak ko," masayang sambit ni Shine.
"Good morning, my beautiful wife." Salubong ni Haney kay Shine at hinagkan siya ng mga bisig nito.
Napangiti si Shine kay Haney bago niya bigyan ng isang matamis na halik sa labi ang asawa. "Good morning too! My handsome, husband."
"I love the view."
Sabay napalingon sa likod sina Haney at Shine sa boses lalaking nagsalita. Napangiti si Shine nang malapad pagkita niya sa taong nagmamay-ari ng boses na 'yon.
"My sweetest brother!" Hinagkan nang mahigpit ni Shine ang tinawag na kapatid. Yumakap din ito pabalik kay Shine at halata ang pagkasabik nila sa isa't isa.
Matangkad at maganda rin ang pangangatawan tulad ng kaniyang kuya Ax. Naiiba rin ang angkin nitong ka-g'wapuhan. Bad boy nga lang ang dating nito kahit maamo ang kaniyang mukha pero ngiti pa lang nito'y kabigha-bighani na. Walang tapon sa pamilyang Caldwell. Miski si Shine na talagang mala-anghel din ang itsura at mala-modelo ang pustura.
"Haney, This is Albie, our youngest brother," pakilala ni Shine.
"Nice to meet you bro, welcome to our family," nakangiting bati nito sabay napa-bro hug na mabilis ding tinugunan ni Haney. "Congratulations to both of you. I'm sorry if I didn't attend the wedding, I'm kind of busy in school and business."
"No problem, thank you bro," ani Haney.
"School and business? Baka busy sa girlfriends?" Napa-irap si Shine kay Albie.
He chuckled. "You know it's not my thing, I'm still a good boy ate," tugon ni Albie.
Isang malakas at nakakapangilabot na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay. Na-alarma ang lahat kaya nama'y hinanap nila kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon.
Nasalubong nila sa labas ng kuwarto si Ax. Tulalang napatingin ito sa kanila Haney, Shine at Albie.
"Dad is dead," he whispered.
Nangilabot ang lahat sa narinig na balita tila'y hindi makapaniwala ang mga ito. Dali-daling pumasok sina Shine at Albie sa loob ng kuwarto at nakita nilang nakahimlay ang kanilang ama sa kama katabi ang nakaupong naghihinagpis na ina.
"Mom!" nag-aalalang wika ni Albie at napayakap pa ito sa ina niyang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sinilip pa ni Shine ang kaniyang ama, isa na itong malamig na bangkay.
Lahat sila'y tahimik nang kunin ang bangkay ng ama sa kanilang mansyon.
"He was poisoned," ani Haney habang nakatingin sa kanilang lahat.
"How did you know?" Tinignan siya ni Ax na may halong paghihinala.
"Ricin," tipid na sambit ni Haney.
"Galing sa castor seeds. Sa loob ng tatlong minuto makakaramdam na ang isang taong makakalanghap, makakakain o matuturukan nito. Seizure, pagsusuka, hirap sa paghinga, at marami pang sintomas. Ginagamit din ito as a weapon. Powder ang ginamit sa pagpatay kay Mr. Reuben, kaya hindi ito mapapansin kapag nilagay sa inuming tubig o sa pagkain," paliwanag ni Haney. Lahat sila'y nagulat sa sinabi nito.
"And one more thing, sino nagtatanim ng castor oil plant sa garden niyo?" dagdag pa ni Haney.
"Garden 'yon ni Reuben, siya lang ang mahilig magtanim sa aming pamilya," biglang sambit ni Mrs. Ollie habang naka-upo at umiiyak sa gilid ng kama ng asawa.
"May nakita akong itim na tuxedo sa garden," pagsingit ni Harriet. "Is this yours, Mr. Hydes?" At sabay angat niya ng damit na kaniyang hawak.
Nagulat ang lahat miski si Haney ay hindi rin makapaniwala sa kaniyang nakikita. Kaniya nga ang tuxedong hawak-hawak ni Harriet.
"That's mine." Sabay kuha ni Haney ng kaniyang tuxedo.
Ax shrugged his shoulders. "Walang dudang si Haney nga ang pumatay kay dad! Siya lang naman ang bagong salta sa pamilyang 'to! Ayan na ang ebidensya," he shouted in a loud voice. Lahat sila'y napatingin sa inasal ni Ax.
Nanlisik ang mga mata ni Ax kay Haney. "His reaction says it all. Hindi pa nga nau-autopsy ang katawan ni dad pero may sarili na siyang konklusyon. How did you do that?"
Kakaibang tingin ang sumilay sa mga mata ni Harriet pero agad niya itong iniwas nang magtagpo ang mga mata nila ni Haney.
"What the fuck kuya Ax! Are you really accusing him?" pagsingit ni Albie.
"You can't blame it on him. He's with me last night," usal ni Shine sabay hawak nang mahigpit sa braso ng kaniyang asawa.
"Aminado akong akin ang damit na 'to, pero hindi ito sapat na ebidensya para mapatunayan na ako nga ang killer. And I'm a physician, kaya alam ko ano ang kaniyang kinamatay. Hindi na bago ang case na 'to sa akin," paliwanag ni Haney. Ang lahat ay gulat pa rin sa mga nangyayari.
Nang kinagabihan, lahat sila'y nag-usap-usap muli sa living room maliban kay Haney na nasa veranda at nagpapahangin.
"Hello Haney, are you the killer?"
Nagulat si Haney sa biglang nagsalita sa kaniyang likuran. Si Third.
Natawa si Haney sa tinanong ng bata. "Why? Are you afraid?"
Sumilip ang bata sa ibaba ng veranda. "Nope. Caldwell is my blood. We are not afraid of anything."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Haney dahil sa kaniyang narinig. Bata ang kausap niya ngunit alam na alam na nito ang totoong pagkatao ng kaniyang pamilya. Tumakbo si Third papasok sa loob ng mansyon at iniwang mag-isa si Haney.
Habang nasa kuwarto na sila Ax at Harriet.
"Salamat at patay na ang matandang matapobre," ani Harriet. "Pero paano natin mapapatunayan na si Mr. Hydes nga ang killer? Kailangan mas malaki ang mana mo na makukuha kay tanda." Patuloy lang siya sa pagsuklay ng kaniyang mahaba at itim na itim na buhok habang naka-upo at nakatingin sa salamin.
"May kagalingan din pala ang hayop na 'yon, pero hindi siya uubra sa akin." Sumilip ang ma-demonyong ngisi sa mga labi ni Ax habang nakaharap din ito sa salamin at nakatingin sa kaniyang asawa.
Tumayo si Ax sa kaniyang kinauupuan. "Pupunta muna ako sa kuwarto ni Third." Naglakad na ito palabas ng kuwarto. Humiga na rin si Harriet sa kama at pinikit na ang mga mata.
Ilang minuto pa lamang ang lumipas nang biglang magbukas ang pinto ng kuwarto at biglang namatay ang ilaw. Hindi ito naramdaman ni Harriet dahil nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog.
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at mabilis na tinaga ang kaniyang dibdib. Dumilat ang mga mata ni Harriet sa labis na pagkagulat at sa sakit nang pagkakabaon ng palakol sa dibdib nito malapit sa kaniyang puso. Bumulwak ang dugo sa bunganga ni Harriet, tulalang nakatingin sa taong gumawa nito sa kaniya, nasisilayan niya ang mukha nito dahil saktong naka-sentro sa kanila ang liwanag ng buwan.
"You..." naghihingalong sambit ni Harriet.
"Nice acting Harriet, the gold digger."
Binitawan ng killer ang hawak na palakol at may kinuha sa kaniyang itim na tuxedo.
Harriet eyes widened in shocked while shaking her head.
Duct tape ang niluwa sa itim na tuxedo ng killer. Nilagyan niya ang bibig ni Harriet papunta sa ilong, mga mata at hanggang tuluyan na nitong binalot ng duct tape ang buong mukha ni Harriet.
"Let's be clear. I'm the victim here," nakangising sambit ng killer.
Pinilit pang huminga ni Harriet ngunit bigo siya, kinatuwa naman ng killer ang hirap ni Harriet sa bawat paghinga.
Kasabay nang malakas na pagtaga sa mukha ni Harriet ang biglang pagliwanag nang paligid. Napatingin ang killer sa kaniyang likuran.
Si Ax.
Nanlalaki ang mga mata nito sa pagtugma ng mga mata nila ng killer. Nakita niya ang asawang si Harriet na tinaga na sa mukha halos hindi na rin ito makilala dahil balot na balot na ang buong mukha ng duct tape.
Mabilis tumakbo ang killer palapit sa kaniya pero agad sinarado ni Ax ang pinto ng kuwarto saka tumakbo pabalik sa kuwarto ng kaniyang anak na si Third.
Nagulat ang batang lalaki nang biglang pumasok at buhatin siya ng kaniyang ama. "Baby, stay here. We are going to play hide and seek."
"What if the killer finds me, dad?" tanong ni Third. Saglit na natulala si Ax sa tinuran ng bata, alam niyang hindi niya maloloko ang anak niya. Alam nito kung anong nangyayari sa kaniyang paligid.
"Kill him," sambit ni Ax sa anak bago niya madiing hinalikan ang noo ng anak. Tinakpan niya ito ng mga damit na nakasabit sa loob ng aparador at saka sinarado nang maigi ang pinto nito.
Lumabas muli si Ax sa silid at dahan-dahang naglakad at nagmasid sa paligid. Tinanggal niya ang suot na sapatos upang hindi makalikha ng ingay. Nakayapak na lamang ito nang pumasok ulit sa isa pang kuwarto, pagkapasok ay marahan niyang sinarado ang pinto saka naghanap ng kahit anong armas.
Nang mapalinga ang paningin sa taas ng aparador ay agad itong napangiti sa kaniyang nakita.
"My Rifle! Nandito ka lang pala baby. Hindi muna tayo maghu-hunting ng hayop. Asal hayop muna ang target natin." Mala-demonyo pa itong napangisi habang hinihimas ang kaniyang baril sa pangangaso.
Tsinek niya ito kung may lamang bala, at mas lumakas ang loob niya nang makitang kargado ng bala ang baril.
"Let's get it on!" nanggigigil na wika ni Ax. Lumabas siya ng kuwarto at palinga-linga sa kaniyang paligid.
"Caldwell is my blood..." bulong niya sa kaniyang sarili habang nakikiramdam. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig na niya ang kaniyang paghinga.
"Come out! Come out! You son of a bitch!" ani Ax, para bang naghahamon pa ito ng away.
"Akala mo ba basta-basta mo na lang makukuha ang kayamanan ng pamilya namin? Nagkakamali ka! Lulumpuhin muna kita! Hinding-hindi mo makukuha ang ari-arian namin!" nanggagalaiting sabi ni Ax sa kawalan.
"Akala mo siguro ang kapatid kong si Shine ang makakapagpaahon sa 'yo sa hirap? Itaga mo ito sa utak mo! Ang mga mahihirap na gaya mo ay mamamatay na mahirap!"
Napahinto siya sa paglalakad at pagsasalita nang biglang lumitaw sa hindi kalayuan ang killer hawak ang palakol. Mas natitigan na niya ngayon ang suspect, naka-sumbrero, tuxedo at mask ito. Lahat ay nababalot sa kulay itim. May ilang hakbang pa ang distansiya sa pagitan nila kaya naman nagawa pang maglakad ng killer palapit kay Ax. Mabilis na tinutok at kinasa ni Ax ang baril sa killer saka niya ito pinaputukan ngunit mas mabilis itong nakailag at tumakbo palapit sa kaniya.
Hinanda rin ng killer ang hawak na palakol upang tagain si Ax. Mabilis ding nakailag si Ax kaya nama'y nabitawan ng killer ang hawak na palakol. Kinasa ni Ax muli ang baril kasabay no'n ang pag-agaw ng killer sa baril.
Pilit hinahatak ng killer sa kamay ni Ax ang baril ngunit mas malakas ang puwersa ni Ax kaya hindi ito agad maagaw-agaw sa kaniya.
Madiing kinagat ng killer ang braso ni Ax kaya napahiyaw ito nang malakas ngunit hindi pa rin binitawan ni Ax ang baril patuloy lang sila sa pag-aagawan hanggang sa maiputok ito.
Nanlaki ang mga mata nila nang mapatingin sa direksyon kung saan lumipad ang bala.
Naghihingalong natumba si Albie sa kanilang harapan, hawak ng dalawang kamay nito ang kaniyang lalamunan na may tama na ng baril.
"Albie..." sambit ng killer. Isang demoniyong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Ax dahil halata sa killer ang pagkagulat kaya naman mabilis naagaw ni Ax ang baril.
Kasabay nang pagkasa ni Ax ng baril ang pagsaksak ng killer sa kaniyang leeg na kinatumba ni Ax. Parang tubig sa gripo ang paglabas ng dugo ni Ax sa kaniyang leeg.
Inagaw ng killer ang baril na hawak ni Ax at agad nitong pinaputukan nang dalawang magkasunod sa dibdib ni Ax.
Habang nakahiga si Ax at naghihingalo na rin, tinignan siya ng killer at tinapakan pa nito nang madiin ang kaniyang dibdib, bumulwak ang dugo sa loob nito. Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Ax.
"Money, fame, power? Hinding-hindi mo ito madadala sa libingan mo Ax. Dekorasyon lang ang mga 'yon dito sa mundong ibabaw, basura ka lang sa impiyerno!" natatawang sabi nito kay Ax.
"Fuck... You..." halos bulong na lamang sa hangin ang pagsambit ni Ax habang sumusuka na ng dugo.
Tinutok ng killer ang nguso ng baril sa ulo ni Ax. Ilang segundo pa siyang tinitigan ng killer kaya nagawa pang mapahakhak nang mahina ni Ax. Nang mainis ang killer sa mga halakhak ni Ax ay walang pag-aalinlangang kinalabit nito ang gatilyo. Tumalsik ang dugo ni Ax sa katawan at mukha ng killer. Binitawan nito ang hawak na baril at pinunasan ang mukha gamit ang kaniyang braso.
Nagsimula na siyang maglakad nang mapatingin sa walang malay na si Albie, nilapitan niya at pinikit ang mga mata nito.
"Rest in peace." Iyon na lamang ang nasambit ng killer bago siya maglakad palayo.
Dumiretso ito sa labas ng mansyon patungo sa hardin. Nakita niyang nakaupo ang matandang babae sa loob ng hardin, puno nang galit sa puso siyang lumapit dito sabay dampot ng itak na nakakalat sa damuhan.
Pagpasok niya sa hardin ay napalingon si Mrs. Ollie sa kaniya at napatingin sa hawak na patalim.
"Kailanman ay hindi ka matatanggap ng pamilyang ito. Kahit ano pa ang iyong gawin ay habang buhay kang magiging isang anino sa likod ng iyong mga kapatid na lalaki. Tanging ang anak na lalaki lamang ang kikilalaning tagapagmana ng pamilyang Caldwell, sila lamang ang makapagdadala ng titulo ng mga Caldwell," wika ni Mrs. Ollie.
"Kahit kailanman hindi ko hinangad ang mga kayamanan ninyo. Tanging pagmamahal lang sana ang hinihiling ko bilang anak niyo pero pinagkait niyo pa? Mas gugustuhin ko pang itakwil niyo 'ko kaysa maging isang kauri niyo!"
"Nakalimutan kong ikaw pala ang nagmana sa kahiligan ni Reuben sa pagtatanim. Nakakalungkot lang isipin na iyon pala ang magiging dahilan ng kaniyang kamatayan." Natatawang napatitig si Mrs. Ollie sa castor oil plant.
Naalala na lamang bigla ni Mrs. Ollie ang asawang si Reuben at si Shine na tinuturuan nitong magtanim noong bata pa ito.
Bumagsak ang mga luha ng killer sa lupa. Puot at galit ang mas nanaig sa kaniyang puso't isipan.
Mabilis na lumapit ang killer at madiing pinasok ang itak sa loob nang sikmura ng matandang babae. Hinatak at muling binalik sa pagkakasaksak sa tiyan ang hawak na itak. Tumagas ang dugo sa kaniyang mga kamay at mas lalo nitong binaon na halos ipasok na niya ang itak sa loob ng tiyan ng matandang babae.
"Wife..."
Natigilan ang killer sa boses na narinig, lumapit at hinawakan ang kaniyang kamay at sabay nilang hinugot sa tiyan ni Mrs. Ollie ang patalim na nakatusok sa tiyan nito.
"Hindi ka man tanggapin ng buong mundo. May isa pa ring taong buong puso't kaluluwang ilalaan sa 'yo ang kaniyang buhay para lamang madama mo ang iyong kahalagahan. Handa akong gawin ang lahat para sa 'yo at sa ating anak d'yan sa sinapupunan mo. Ano man ang mangyari'y hinding-hindi ako tatalikod sa aking mga ipinangako sa 'yo sa harap ng Diyos. Mahal na mahal kita, Shine."
Tinanggal ni Haney ang sumbrero at mask ni Shine, at sabay niyakap niya ito nang mahigpit dahilan para tumulo muli ang mga luha ni Shine at tuluyan nang napahagulgol ng iyak.
"Mga police 'to! Ibaba mo ang hawak mong armas!" Nakatutok ang mga baril ng mga police sa kanila Haney at Shine.
"Please live your life on purpose with no apologies or regrets, my wife," bulong nito sa tainga ni Shine. Hinalikan niya ang noo ni Shine bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap.
Pasimpleng inagaw ni Haney ang hawak na patalim sa kamay ni Shine sabay tinutok kay Shine. Na-alarma ang mga police kaya naman tinutok din nila ang mga baril kay Haney.
"Ibaba mo ang hawak mong armas!" utos ng police.
"Han! Anong ginagawa mo!" umiiyak na saad ni Shine.
Tinangka nitong sasaksakin si Shine nang biglang pumutok ang mga baril.
"Haney!" sigaw ni Shine nang makitang mabaril ang asawa sa kaniyang harapan at dahilan para ikatumba nito. Napaluhod si Shine at inangat ang ulo ng kaniyang asawa. Muling tumulo ang mga luha sa mga mata ni Shine.
"D-Don't cry, my wife..." Pilit paring ngumiti si Haney at inaabot ang mga kamay ni Shine, hinawakan agad ni Shine nang mahigpit ang kamay ni Haney.
"I owe my life to you, my loving husband."
Tumagas na ang dugo sa buo nitong katawan at sumuka na rin ito ng dugo. Hanggang sa unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng kaniyang mga mata kasabay nang pagsambit ng mga katagang...
"You are my sweetest downfall."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro