
Mara
(Prompt story para sa isang writing activity)
Babala:
Maseselang tema.
Mabilis na tumatakbo sa loob ng isang masukal na kakahuyan si Mara, walang ibang ninanais kung hindi ang makatakas at makalayo sa mapagpanggap na Paring Negro na iyon.
Kung kaya't ni hindi niya na inalintana pa ang mga galos na natatamo nya sa pagkakasalabit sa mga sanga ng puno na kanyang nalalagpasan, o ang mga matutulis na bato't tinik na tumutusok at sumusugat sa kanyang walang saping paanan, maging ang kanyang nanghahapdi pang kaselanan.
Nang walang anu-ano'y muling gumuhit sa kanyang isipan ang lahat mga paghihirap na pinagdaanan niya.
Na nagsimula sa kanyang madrasta.
Dahil bata pa lamang siya'y pumanaw na ang kanyang ama, ang kanyang madrasta na ang nagpalaki sa kanya.
Mabait naman ito noon, ngunit nang malulong sa bisyo't maging isang sugalera ito'y sumama na ang turing sa kanya.
At nang mabaon nga ito sa utang at ginawa siyang pambayad kay Mama Ben, may-ari ng isang bahay-aliwan kung saan sa edad niyang labing-anim ay naging isang mababang kalapati na pinagpasa-pasahan siya ng mga kalalakihang hayok sa tawag ng laman.
Pakiramdam niya'y dinaig niya pa ang mga babae sa mga sapilitang pinapanood sa kanilang mga scandal sa dumi at panliliit na nararamdaman.
Kaya't nang makilala niya si Padre Miso nang minsang pinayagan silang mamasyal ni Mama Ben at nag-alok itong tutulungan siya'y hindi na siya nag-atubili pang sumama.
Iyon pala'y ang tulong na alok nito'y may kapalit na mas malala.
Walang araw na hindi siya inabuso nito. Kung sa bahay-aliwan, t'wing gabi lamang sila ginagamit, ito nama'y sa bawat misa na ginagawad nito sa simbahan ay siya ring bilang nang pangbababoy na ginagawa sa kanya ng paring walang kasing-itim pala ang kaluluwa.
Inilabas nga siya mula sa kinasadlakang impyerno upang dalhin sa mas madilim na parte nito.
Kaya't nang makahanap ng tiyempo ay tumakas siya't napadpad na nga sa masukal na kakahuyang tinatakbuhan niya ngayon.
Nawala siya sa kanyang pagbabalik-tanaw ng makarinig ng isang putok ng baril.
Halos takasan na siya ng kanyang puso nang sundan ito ng isang nakaririnding pagtawag sa kanya.
"Mahal kong manika, nasa'n ka na?"
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, napaisip.
Paanong nawala agad ang tama ng pangpatulog na inilagay niya sa inumin nito?
"Aking Mara, nasaan ka na?" muli niyang narinig na sigaw ng Paring mapang-abuso.
Mula sa kinatatayuan ay paunti-unti siyang umatras, hanggang sa hindi niya namalayang napadpad na pala siya sa isang mabanging parte ng kakahuyan.
Kung mahuhuli siya nito ay muling magpapatuloy ang kalbaryong pagdaraanan niya.
Muli siyang napatingin sa bangin, mula sa kinalalagyan niya ay hindi nya na maaninag pa ng husto ang kailaliman nitong natatakpan ng mga puno.
"Manika ko, lumabas ka na! Maglalaro pa tayo!" narinig niya pang pagtawag nito, na tila mula na lamang sa malapit.
Mariing napapikit si Mara, pagal na ang kanyang katawan, puso at kaluluwa upang tumakbo pa.
Kaya't pinili niya ang sa tingin niya'y tama.
"Isang atras lang.."
At narinig mula sa kakahuyang iyon ang isang matinis na sigaw ng isang babae, na sa wakas ay nakamit ang kalayaang kinuha mula sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro