Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Isang Upuang Pagitan


Isang Upuang Pagitan

( Naisulat ko ito dahil sa isang senaryong nangyari while watching TTIBS)

    Bahagya akong napahikab bago napalibot ang tingin dito sa quadrangle.
Alas-kwatro na pala, isang oras na 'kong naghihintay.

As usual, ako na naman ang nauna dito kay Tristan.
Knowing that guy, busy na naman 'yon sa iba't-ibang extra-curricular activities, karir 'yong mokong na yun eh!

That's why I can't help but wonder how does he manage to watch a movie with me with all of the things he needs to attend to?

Isa sa dahilan kaya nang makiusap sa'kin si Tristan na panoorin namin on it's full run ang isang movie para sa special proj. na binigay sa kanya ni Prof. Kai, pumayag ako sa kagustuhang makasama siya, kahit ilang oras lang.

"Erika, sorry! Kanina ka pa ba dito? Madaming pending works ngayon sa student council dahil sa hellweek kaya na-late ako."

"Naku wala 'yon, ano ka ba?" sabi ko sa kanya sabay bulong na,
"Sanay naman na kong naghihintay."

"Ha? Pasensya na talaga. Ganito, babawi ako sa'yo. Pagkatapos nating manood, treat kita ng dinner. Kahit samahan mo pa ng dessert."

"Sus! Kahit di na." pagtanggi ko.
Pero sa loob-loob ko, kinikilig ako sa sinabi nya, hindi na lang movie date bes, may dinner date na rin!

"So, tara na?"
"Sige."

Habang naglalakad, napapansin ko ang pagsunod ng tingin sa kanya ng ibang babaeng estudyante habang tumatawid kami patungo sa katapat na mall at irap naman sa'kin.

Sorry na lang girls, ako ang kaklase niya hindi kayo.

Pagkarating namin sa ticketing booth, sumaludo sa'min 'yung ticketing officer at kumindat.

Ikaw ba naman panoorin ang movie mula nung first day hanggang ngayon na last showing na? 'Di ka ba makilala?

Kahit tuloy 'yung seat namin naka-reserve na.
C10 C11 C12.

Siya sa C10 ako sa C12, basta laging tatlo.
Laging may upuan sa pagitan namin, parang sa mga puso namin, laging may nakapagitan sa'ming dalawa.

Pagkaupo namin, saktong iba't-ibang upcoming movie trailers pa lang pinapakita sa screen.

Mayamaya pa'y nagsimula na nga ang movie, This Time I'll Be Sweeter.
Nung una kong napanood 'to, hindi ko siya na-enjoy.

Bakit?
Kapangalan kasi namin ang mga bida.
Tristan Luna at Erika Gallardo.

So, kapag may mga eksena sila na nakakakilig, halimbawa 'yung kulitan nila sa may pool, their kissing scene at awayan slash sumbatan nila sa bubong, nagkakatinginan lang kami ni Tristan at napapatawa ng bahagya, awkward kasi.

But after watching it for the third time, unti-unti ko na siyang na-appreciate.

Mas nakita ko na 'yung lalim ng pinaghuhugutan ng mga karakter, oo medyo maraming loopholes at halatang minadali ang ending, but I can't deny the fact na may potential siya.

Sa bawat araw na napapanood ko sya, mas nagugustuhan ko ang kwento, kasi may nakikita akong 'di ko nakita sa mga unang araw.

Sa dalawang linggo rin na yon, madami akong mga natuklasan kay Tristan.

Mahilig pala syang mangalumbaba kapag nanonood.

Tapos ang lakas niya palang kumain! Dalawang hotdog sandwich at isang large tub popcorn nauubos nya in one seating, kulang pa minsan.

Kapag natatawa sya, halos nakapikit na 'yung mga mata nya, lalo tuloy lumalabas ang resemblance nila nung bidang lalake sa movie, mga chinito.

Hindi rin sya nahihiya kahit na napapaiyak siya sa scene kung saan namatay ang kakambal ni Tristan sa plane crash.
Tapos pag natetense sya, nginangatngat nya yung kaliwang hinlalaki nya.

Magkaklase kami simula highschool, pero ngayon ko lang nakita ang mga side niya na 'yon. Nasanay akong seryoso siya kapag sa klase, achiever at focus palagi.

The film was already on the last scene, where Tristan was proposing to Erika, nang magpaalam siyang lalabas muna.

"Ha? Sama na lang ako sayo, " nasabi ko sa kanya.

Pero marahan lang siyang ngumiti sakin at tumanggi,
"Hindi, saglit lang ako."

Kahit nagtataka, nagpaiwan ako.
Tama rin siguro 'to para mabawasan ang kaba na kumakain sa dibdib ko ngayon.

Last day na ng movie.
Ibig sabihin, huling araw na rin na makakasama ko nang ganito si Tristan.

Simula pa lang hinahanda ko na sarili ko dito, na parang panakip-butas lang ako sa sinabi niyang pagtanggi sa kanya ni Ella, ang queen bee sa university na pinsan ko.

I should wake myself up from my made-up dream na kaya niya 'ko niyaya, kasi gusto niya ko.

Because Tristan, being the student council's president, will never notice a plain Jane like me.

Kahit pa first year pa lang, siya na talaga gusto ko.
Siya na lang tinitingnan ng mata ko.
Siya na lang ang sinisigaw ng puso ko.
Pero siya? Iba at iba ang magugustuhan, hindi ako.

Di ko namalayang umiiyak na ko, kainis.
Ano ba namang malay ko kung dahilan lang ni Tristan na lalabas sya kuno, yun pala iiwan na ko dito?

Nang walang anu-ano'y bumukas ang ilaw, teka hindi pa naman tapos ang movie ah?

Mayamaya pa'y pumailanlang ang themesong ng movie,

🎵Darling can't you see?
What losing you has done to me?
Im not the same guy I used to be.🎵

Nasa gitna si Tristan ng movie house, holding a single stemmed red rose on his right hand, while holding a mic on his left, nakatingin sa'kin.

"Tristan, anong ginagawa mo dyan?" wala sa loob kong naibulong habang nakatingin sa kanya.

"Erika Gallardo, ano kasi. C-can I officially court you?" napuno ng malakas na hiyawan sa loob ng sinehan sa sinabing yon ni Tristan.

Pero imbes na matuwa, napailing ako sa kanya't tumakbo palabas ng sinehan.

Ano bang kabaliwan ang sinasabi nya?
Ako, liligawan nya? Husay nya, kinarir na sa paggawa sakin na panakip-butas.

"Erika, sandali!" humahangos na tawag sakin ni Tristan pero lalo ko lang binilisan ang lakad ko, oo na tanga na'ko't nag-iinarte dahil nagpapahabol ako sa taong gusto ko, pero sino matutuwa di ba?

"Bakit ka umalis?"

"Kasi tapos na ang movie, ano pa ba dapat gawin?"

"Di mo man lang pinakinggan muna yung sasabihin ko,-"

"Tapatin mo nga ko, Tristan. Balak mo bang gumanti kay Ella through me? Para ipakita na madali lang din sa'yo na makahanap ng bagong liligawan?
Kung ganon, gago ka, 'di ako panakip-butas ungas ka. Sinamahan na nga kita dito tapos,-"

"Hayaan mo muna kong magpaliwanag pwede ba? Hindi ako naghihiganti kay Ella. Hindi ka rin panakip-butas. Erika, I want to court you because I like you."

"I like you mo mukha mo. Kung gusto mo ko bakit ngayon mo lang sinasabi?"

"Dalawang linggo ko nang gustong sabihin sayo, kaso natatakot ako, naduduwag. Sa unang araw ng panonood natin, magtatapat na dapat ako, kaso mali ang lumalabas sa bibig ko."

"Wala akong gusto kay Ella. First year highschool pa lang tayo, ikaw na. You caught my heart with your simplicity, your savage wit, you for being you.

Kaso wala akong maisip na dahilan para mapalapit sayo kung hindi magpanggap na gusto ko ang pinsan mo.

Alam ko ang tanga ng ginagawa ko, pero natotorpe ako sayo Erika. Nagpapasalamat ako sa dalawang linggo nating panonood ng sine, at nakita ko ang mga dapat kong iwasan kapag nagtapat na ko sayo." he cautiously grab my hand and hold it right next to his chest.

"Ayokong dumating pa tayo sa punto na kakailanganin mong lumayo para malaman ko kung gano ka kahalaga sa buhay ko."

"Mahal kita Erika, at gusto kong patunayan at iparamdam yun sayo."

Hindi pa rin ako kumbinsido.

"Kung totoo yang sinasabi mo, bakit kailangan may upuan sa pagitan natin pag manonood ng movie?"

Namumulang napakamot si Tristan sa kanang pisngi niya,
"I-i just don't want to end up kissing you senselessly without formally asking you first."

Napatitig lang ako sa kanya, habang unti-unting nagsisink-in sa utak ko lahat ng sinabi niya.

Universe, kung panaginip 'to, wag niyo na 'kong gisingin, please?

"So, Ms. Erika Gallardo, can I official start courting you now?" ani niya habang matiim na nakatitig sa'kin.

'Pwede kayang oo na lang kami na agad, wag na siyang manligaw?' nakakahiyang saad ko sa sarili ko.

"Erika?" muli niyang untag sa'kin.

"Oo." saad ko bago niya ko niyakap sa gitna ng mga taong naroroon sa mall.

---
"Erika?" naalimpungatan ako sa biglaang pagyugyog sa balikat ko bago tinapunan ng masamang tingin ang kung sino mang Herodes ang sumira sa ending ng panaginip,-

Napatuwid ako ng upo nang makitang si Tristan pala ang gumising sa'kin!

Agad akong tumalikod sa kanya at kinapa ang gilid ng labi ko.
Jusme, baka may laway pala ko, nakakahiya!

"Suot mo 'tong jacket, malamig na." saad niya bago ipinatong sa'kin ang jacket niya, kinikiliti ng pabango niya ang ilong ko.
Puwede ko kaya iuwi 'tong jacket niya walang balikan?

"By the way, may gagawin ka ba next week?"
bigla niyang tanong sa'kin.

Nag-isip naman ako bahagya, next next week pa naman ang hell week, so medyo petiks pa 'ko.

"Wala naman, bakit?" sagot ko sa kanya.

I saw how he supress his smile, before he asks me,
"Can you watch a movie with me?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro