CHAPTER 5
CHAPTER 5
NAGISING AKO mula sa huni ng mga ibon. Agad lumibot ang mga mata ko, hindi maalala kung nasaan ako.
Napatigil sa unti unting pagbangon ng may mahulog na towel mula sa ulo ko. Mamasa-masa ito at may katamtamang lamig.
Pinakatitigan ko ito bago wala sa sariling sinipat ang sarili. Iba narin ang damit ko.
"Gising kana pala Athenia" isang pamilyar na tinig ang nagpalingon saakin
Naroon sya sa hamba ng pinto at nakangiting nakatingin saakin.
"Mine, nasaan tayo?" nagtatakang tanong ko
Bagamat kasi na maganda ang ayos ng kwarto ay mahahalatang walang naninirahan dito. Dahil ang ilang mga libro ay pulos alikabok.
"Hmm my house, pasensya kana at ganito ang ayos madalang na kasi akong umuwi dito madalas akong naghohotel" nakangiwing aniya habang dahan dahang lumalapit dala ang tray ng pagkain
"Pwede ba akong magtanong?" kakamot-kamot sa ulong aniya
"Oo naman ano ba yun?" tanong ko
"Ano bang nangyari at— umiiyak ka nanaman?" bakas ang pag aalala sa mukha nya habang sinasabi nya yun
"S-Si dad k-kasi" yun palang ang nasasabi ko ay nangingilid na ang luha ko
Agad syang lumapit at niyakap ako. Bagay na sobrang nakakapagpagaan ng loob ko.
"G-Gusto nya akong ipakasal sa taong... Hindi ko manlang mahal" sabi ko at tuluyan ng nagtuluan ang mga luha ko
Napahikbi ako at napakapit ng mahigpit sakanya.
"A-Ayoko Mine h-hindi ako.magpapakasal" umiiyak paring ani ko
Agad nya akong inalo at hinimas himas ang likod ko.
"Shhhh Athenia don't cry okay? Matatag ka you should know that. You can fight those tears. Hindi pwedeng palagi kang iiyak kailangan mo ring umisip ng sulusyon" sabi nya
Napatingala ako sakanya.
"H-hindi ko kaya. M-mahina lang ako" umiiyak na ani ko
"Lahat ng tao may kahinaan at alam mo ba kung ano ang kahinaan ko?" tanong nya
Agad akong napatingala sakanya at umiling.
"Ang makitang umiiyak ang babaeng hinahangaan ko" sabi nya habang ang parehong mata ay nasa akin
Napatigil ako sa pag-iyak at napatitig sakanya ng nakamaang ang bibig.
"H-hinahangaan? S-sinong tinutukoy mo?" nauutal na ani ko
"Ikaw" mabilis na sagot nya
Muli akong napamaang at hindi malaman ang sasabihin.
"Eat now Athenia. Pagkatapos ay gagala tayo so you can think what you need to do" nakangiting aniya
Dahil sa walang masabi ay sumunod ako. Kumain ako ngunit nagtaka ako ng hindi nya ako sabayan.
"Bakit hindi ka din kumain?" alok ko
Agad naman syang umiling
"Kumain na ako kanina" nakangiting aniya
Tumango-tango nalamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Naiilang man sa titig nya ay naubos ko ang pagkain dahil narin sa gutom.
"Gusto mo pa?" tanong nya ng makitang naubos ko na
"Hindi na, busog na ako" nakangiting ani ko
Akmang aalis sya ng hilahin ko sya pabalik.
"May itatanong ako" sabi ko habang nakahawak sa braso nya
"Ano yon?" nakangiting tanong nya
"I-ikaw ba ang— nagbihis saakin?" pahinto hintong ani ko
Napakamot sya sa batok at nahihiyang tumango.
"P-Pero hindi ako tumingin! A-ano kinumutan ko muna ang buo mong katawan bago ko binihisan" namumula nang aniya
Hindi ko napigilang matawa dahil sa itsura nya. Para syang pusa na nagiguilty sa pagnanakaw ng ulam.
"HAHAHAHA nakakatawa ka" tatawa tawang ani ko habang nakaturo sakanya
Nakangiwi syang umalis habang ako naman ay hindi napigilang mas matawa.
NANG MAGHAPON ay isinama nya ako sa paborito nyang peryahan. Ngayon lamang ako nakapunta rito kaya naman labis labis ang saya ko.
"Wow! It's a good place huh?" mangahng komento ko
"Close your mouth insects might go there" panunukso nya
Napanguso ako at ipinulupot ang braso ko sa braso nya. Nakita kong nagbaba sya roon ang tingin bago ako tinignan.
"Saan mo gusto?" nakangiting tanong nya
"Doon!!" masayang turo ko
Magkasukbit ang mga braso namin buong maghapon. Naghihiwalay lang sa tuwing mag cr ang isa o kali naman ay kakain.
Nakangiti kong pinagmasdan ang tanawin sa baba habang nakasakay kami ngayon sa papataas na ferris wheel.
"It's beautiful!" masayang ani ko
"Yeah, it is" halos bulong na aniya
Mabagal akong lumingon sa gawi nya at nahuli kong nasaakin ang paningin nya. Agad ko syang dinurot sa tagiliran.
"Ikaw ha!!" natatawang sundot ko pa sa tagiliran nya
"Hey stop! Nakikiliti ako!" natatawang singhal nya
At dahil makulit ako ay paulit ulit ko syang dinurot sa tagiliran hanggang sa mahuli nya ang parehong kamay ko. Hinawakan nya 'yon ng mahigpit at ibinaba ng mabagal.
Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Dahil wala akong maatrasan ay unti unti na lamang nanlaki ang mata ko.
Ngumiti sya ng sobrang tamis saakin. Halos gahibla nalang ng buhok ang pagitan ng mga labi namin.
" I love you Athenia" sabi nya na syang dahilan ng pagkabigla ko
Naramdaman ko nalang ang mga labi nya sa labi ko. At masasabi kong tila perpekto yon at saktong sakto saaming dalawa. Tila ginawa ang araw na 'yon upang magkatapatan kami kahit ang totoo ay palang ang umaamin.
NATAPOS ang araw na 'yon na pareho kaming may ngiti sa mga labi. Inihatid nya na rin ako.pauwi saamin.
Bago pa sya tuluyang umalis ay ninakawan pa ako ng halik bago tatawa tawang umalis.
Nakangiti akong pumasok sa kabahayan. Bagamat wala pa sa tapat ng pinto ay rinig ko na ang sigawan.
Anong nangyayari?
Binuksan ko ang pinto at lahat sila ay nagsilingunan tila ba nawawala ang aking ulo.
Agad lumapit saakin si mommy at niyakap ako.
"Where have you been anak?! Nag aalala ako sayo!" halos mangiyak ngiyak ng ani ni mommy
Agad ko syang ginantihan ng yakap.
"See? I told you! Babalik at babalik 'yang anak mo!" singhal ni daddy at padabog na nagtungo sa taas
Humiwalay saakin ng yakap si mommy at iginaya ako papaupo sa sofa.
"Ate san kaba kasi galing?" tanong ni Aleih
Ngumiti ako sakanila at nagkwento tungkol sa mga pinagagawa ko. Nakamaang silang tumingin saakin.
"P-Pero sinong kasama mo anak?" nagtatakang tanong ni mommy
Napatigil ako at nag isip. Sasabihin ko na ba? O patuloy itatago ang koneksyon ko sa lalaking hindi ko naman kilala?
"I know how hard to fight even though you're tired. But please always remember that GOD is always with you"
Itutuloy...
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro