CHAPTER 3
CHAPTER 3
"ATE MABUTI at nakauwi kana" bakas ang pag aalala sa mga mata ni Aleih ng makapasok ako sa bahay
"Bakit? May nangyari ba?" nagtataka kong tanong
"Kanina kapa hinahanap ni Daddy" sabi nya
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kawalan.
"Nasaan na sya?" tanong ko
"Nasa library ate" sabi nya
Tumingin ako sa mukha nya at nakangiting hinaplos ito.
"Sorry Aleih, nakalimutan ni ate yung pasalubong" sabi ko
"Okay lang ate ang makita ka lang na ngumiti ng totoo sapat na saakin" masayang aniya
Napangiti ako ng todo dahil sa sinabi nya.
Nakakatouch!
"Sige puntahan ko na si Daddy" paalam ko muli pa kaming nagtanguan bago ako tuluyang pumunta sa library
Ilang beses akong kumatok bago ko narinig ang istriktong boses ni Daddy.
"Come in."
Agad akong pumasok ng nakayuko.
"Have a sit Athenia." pormal na aniya tila hindi anak ang kaharap
Sumunod ako at nakayuko paring hinintay ang kanyang sasabihin
"Are you okay now?" sabi nya
Hindi ko inaasahang itatanong nya 'yon kaya agad akong napaangat ng tingin sa kanya.
"On the process dad" sagot ko
Tumango-tango sya bago inilagay ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesang pumapagitan saamin.
"That's good. Now go to your room and rest so you can focus on work tommorow" aniya
Nagugulat man ay sinunod ko sya. Matapos kong maghalf-bath ay nahiga na ako sa kama. Hindi pa man nag hahapunan ay nakatulog na ako.
Nagising ako sa isang malakas na kalabog mula sa bintana ko. Pupungay-pungay man ang mga mata ay nakilala ko na kung sino ang taong tumalon makapasok lang sa kwarto ko.
Si Mr. Advice boy!
Hindi ko alam ang pangalan nya kaya naman yun nalang ang itinawag ko sakanya.
"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal sa kabang sabi ko
Nagkamot sya sa ulo at tumingin saakin na tila ba hiyang hiya sya sa ginawa.
"Sorry, i just feel like going here... In your room" pahina ng pahina na aniya
Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. Sa isip ko'y paano nyang nalaman kung saan ang bahay ko.
"P-pero paano mong nalaman na dito ako nakatira?" gulong-gulo na ani ko
Nagbaba sya ng tingin at dahan-dahang naglakad papalapit sa kama ko.
"Ano kasi sinundan kita k-kagabi. Hindi totoong may emergency nahiya lang talaga ako sa pinagsasabi ko sayo kagabi." sabi nya
Natawa ako ng mahina.
"Nakakatulong kaya saakin yung mga iniaadvice mo" nakangiting ani ko
Sandali syang napatitig saakin kaya naiilang akong nagbaba ng tingin. Nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ate! Breakfast na!" sigaw ni Aleih yun mula sa labas ng kwarto ko
Natataranta akong tumingin kay Mr. Advice boy.
"Baka makita ka ng kapatid ko! Magtago ka! O kaya.... uhm umuwi kana sa inyo" sabi ko habang itinutulak sya at pabalik-balik ang tingin sakanya at sa pinto
"Sige aalis na ako. Mamaya ha?" nakangiting paalam nya
Akala ko ay aalis na sya ngunit nagulat ako ng muli syang humarap saakin at hinalikan ako sa pisngi!
Mabilis syang nakaalis sa kwarto ko ng tanawin ko sya sa baba ay patakbo na syang umalis!
Nagugulat akong napabaling ng tingin sa pinto ng tuluyang bumukas 'yon!
"Ate? Bakit parang nakakita ka ng multo?" nagtatakang tanong ni Aleih
Pasimple akong lumingon sa baba bago sumagot sakanya.
"Wala hehe sige susunod na ako" sabi ko
Tumango nalang sya kahit bakas parin ang pagtataka sa mukha nya.
Nang makalabas sya ay napahawak naman ako sa aking pisngi.
B-bakit nya ginawa 'yon?
Kahit lutang sa ere ay nagawa kong maayos ang sarili lalo pa't may pasok ako sa kompanya ng aking ama.
"Ayos kana ba anak?" tanong ni Mommy habang kumakain kami
"Unti-unti po mom" nakangiting ani ko
Napangiti sya at hinaplos ang buhok ko bago nagpatuloy sa pagkain.
Nauna ng pumasok si Daddy dahil marami pa syang gagawin.
"Pasok na po ako mom" maya maya ay ani ko ng matapos kumain
"Take care sweetie" paalam nya
Minsan pa akong humalik sa pisngi nila ni Aleih bago ako tuluyang umalis.
Habang nasa daan papasok ay muli kong naalala yung halik ni Mr. Advice boy. Hindi ko napigilang mapangiti hanggang ata makarating at makapasok ako sa opisina ay hindi na mapuknat ang ngiti saaking labi.
Sana ay magtuloy-tuloy na to. Sana ay sya na nga ang nakatakba para saakin.
"Ganda ng mood ah" nakangiting saakin ni Caren
Isang matamis na ngiti ang lumabas saaking labi.
"Sobra, Caren pakiramdam ko'y buong buo na ang araw ko hindi pa man nagsisimula" nangingiting ani ko
"Teka alam ko yung mga ganyanan mo teh. Umamin ka! May nagugustuhan ka noh! Sa wakas naka move on kana!" masayang wika nya
Ngumiwi ako bago nagsalita
"Hindi pa naman ako tuluyang nakaka move-on sis." agad binalot ng lungkot ang kabuuan ko matapos maalala si Rence
"Sorry, o sya magtrabaho na tayo" biglang aya nya
Napapabuntong hininga akong nagtrabaho. Simula ng maalala ko si Rence ay hindi ko na nagawang ibalik ang ngiti ko. Ni hindi ko nga namalayang tapos na ang oras ng trabaho ko kung hindi pa ako tinapik at sinabihan ni Caren na uuwi na sya.
Nang makaalis sya ay agad kong inayos ang mga gamit at umalis na.
Habang nagmamaneho ay naalala ko ang usapan namin ni Mr. Advice boy. Magkikita nga pala kami.
Agad kong inihinto ang kotse ng matanaw ko ang park. Bumaba ako at hinanap ng paningin ko si Mr. Advice boy ng hindi nakita ay napabuntong hininga ako.
Akama na akong papasok sa kotse ng may pumiring sa mga mata ko.
"Hinanap mo ako" bulong nya at inalis ang piring saakin
"Mr. Advice boy!" sabi ko ng tuluyan syang makilala
Agad nangunot ang noo nya natatawa naman akong tumingin sakanya.
"Bakit yun ang tawag mo saakin Athenia?" tanong nya, naguguluhan.
"Becuase i don't know your name" nakangiti kong sabi
Nakita ko kung paano syang matigilan bago pilit na ngumiti.
"Ano bang gusto mong malaman tungkol saakin?" mabagal na aniya
Nag isip pa ako kunwari kahit pa alam ko na kung anong nais kong malaman tungkol sakanya.
"Ang pangalan.... mo" mabagal kong sabi
Napatitig sya saakin bago ginulo ang buhok ko.
"Halika kumain na tayo!" masayang pag iiba nya ng usapan
Bakit ba ayaw nyang magpakilala? Pangalan na nga lang nya ipinagdadamot pa.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nag-iisa ka tumingin ka sa paligid mo at may matatagpuan kang isang tao na handang makinig sa lahat ng problema mo."
Itutuloy...
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro