Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CHAPTER 2

"ATE SIGURADO kabang papasok kana sa opisina? Baka masigawan ka lang ni Dad kapag nakita nyang umiyak ka" nakanguso, nag-aalalang ani ng kapatid ko

Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y gumaan ang loob ko sa mga sinabi ng lalaking nakausap ko.

Parang binigyan nya muli ako ng dahilan upang ipagpatuloy ang buhay.

"Nah, i'm okay sis. What do you want? Pasasalubungan kita" sabi ko ng may natural na ngiti sa labi

"Ayos ka lang ate? Bakit parang ang saya mo na?" nagtataka nyang tanong napabuntong hininga ako bago nakasagot

"Oo.... naman" mabagal na ani ko

Hindi na sya sumagot pa. Alam ko na din naman ang gusto nya. Nang papunta na ako sa kotse ay natanawan kong nakasulyap saakin si Mommy. Nginitian ko sya at kinawayan bago tuluyang nagmaneho papunta sa kompanyang pagmamay-ari ng aking ama.

"Hindi kana dapat pumasok. Alam kong maghapon ka lang ring iiyak dito" naiinis na bungad saakin ni Daddy ng makapasok ako

Bumuntong hininga ako bago simpleng ngumiti.

"I'll work hard dad, promise" sabi ko

Alam kong sa nagdaang isang buwan ay nainis talaga sya saakin. Masyado raw akong maarte na hindi matanggap ang pagkamatay ng ni Rence.

Hindi ko alam kung bakit ganon sya para saakin pero hinayaan ko nalang tutal wala naman akong ganang makipag-away.

Sa maghapong iyon ay tutok ako sa trabaho. Lahat ata ay naisa isa ko, hindi nakakaramdam ng pagod. Kung hindi pa ako lapitan ng kaisa isa kong kaibigan ay hindi ako makakapag tanghalian.

"Caren, pasensya kana talaga nung nakaraan" ani ko habang sabay kaming kumakain

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa.

"Sis, ayos lang. Naiintindihan kita, ayos kana ba?" nag aalalang tanong nya

Ngumiti ako bago mabagal na sumagot.

"Unti-unti natatanggap ko na" sabi ko bago muling bumuntong hininga

"Basta tandaan mo Athenia lagi lang kaming narito para sayo." ngiting aniya

Tumango ako at ngumiting pabalik.

"Osya kumain na tayo"natatawang nagpatuloy muli sya ng pagkain

Nang matapos kaming mananghalian ay muli kaming bumalik sa trabaho. Ganon nalang ang pagtutok ko sa mga papeles na nasa harapan ko.

NAGLALABASAN na ang ilan sa mga katrabaho ko ng mapasandal ako sa upuan ko. Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang orasan.

5:47 pm na pala kailangan ko ng umuwi. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ng opisina.

Habang nagmamaneho ay naisipan kong pumunta sa park na pinupuntahan namin ni Rence. Mahirap man lalo na't nagsisimula palang akong tanggapin ang nangyari ay ginawa ko.

Bumaba ako sa kotse at dumeretso sa isa sa mga bench. Naupo ako ron at tumitig sa kawalan hindi ko namalayang may mga luha na palang nagdaluyan sa aking pisngi.

Napatigil ako may humarang sa paningin ko ng isang panyo.

"Umiiyak ka nanaman?" isang pamilyar na boses ang nagpalingon saakin

Agad akong napaangat ng tingin dito. Ngumiti sya at naupo sa tabi ko .

"Here, wipe your tears" sabi nya habang iniaalok parin saakin ang panyo

Nagugulat man ay inabot ko iyon at ipinampunas sa luha ko.

"Paanong... napunta ka rito?" nagtatakang tanong ko

Mahina syang natawa bago ako muling hinarap.

"Syempre ginamit ko ang paa ko" biro nya

Agad nalukot ang mukha ko na ikinatawa nya ng malakas.

"Kidding, i like this place so... refreshing" sabi nya at nagbaba ng tingin saakin

"What?" natatawang tanong nya

Nag iwas ako ng tingin at hinalungkat nalang ang di kalakihang bag ko upang kunin ang panyo nyang ipinahirap saakin.

"Ano.. Uhh eto yung panyo.. mo" mabagal bago ko nabuo ang salita

"Nah, just keep it para kapag naiiyak ka may panyo kana" sabi nya ng nakangiti

Pinilit kong ngumiti ng natural sakanya ngunit hindi ako nagtagumpay. Bumuntong hininga sya bago nagsalita.

"Yes you can hide your pain with those fake smiles and laugh but... Your eyes wouldn't lie." seryosong aniya

"Sorry" napapayukong ani ko

"Sorry for?" naguguluhang aniya

"For faking my smiles and laugh" nakababa paring ani ko

Narinig ko ang buntong hininga nya bago akong hawakan sa magkabilang balikat.

"Look, kung hindi mo pa sya kayang kalimutan, kung patuloy kang pinahihirapan ng nakaraan. Tandaan mong lahat ng ito ay may dahilan. Lahat ng ito ay matatapos din." mahabang aniya

Natawa ako ng mahina bago nagbiro.

"Galing mo mag advice pwede ka ng mag apply bilang taga advice sa mga kabataang brokenhearted" natatawang ani ko hindi man ganon ka lakas ay ramdam ko ang kuryente ng saya na umabot hanggang sa puso ko

"Oh? Tumawa ka!" tila excited nyang sabi

Natawa muli ako ng mahina.

"Wala eh sarili kong joke syempre tatawanan ko kesa mapahiya sayo" natatawang ani ko

Natawa rin sya bago muling magsalita.

"Friends?" tanong nya at inilahad ang kamay nya

Nakangiti ko iyong inabot.

"Gusto mo more than friends pa eh" biro ko

"Joke lang" habol ko

Napangiwi syang kunwari bago tumango tango.

"Ah, I'm Athenia by the way and you are?" nag aabang na sabi ko

Nang biglang tumunog ang teleponong nasa bulsa nya. Nawala ang ngiti bago nag excuse at medyo lumayo pero rinig ko parin kahit papaano.

"What happened? Yeah?— oka— wait what?!— okay— i'll be there" yun lamang ang naintindihan ko

Nakangiwi sya ng bumalik sa gawi ko.

"Sorry Athenia i need to go." sabi nya tumango nalang ako bilang sagot

Tumalikod na sya at akmang aalis ng muli syang humarap saakin.

"Uhh let's meet here tommorow at 6 pm" nakangiting aniya

Tumango ako at handa na sanang itanong ang ngalan nya ng magtatakbo na syang palayo.

Bakit kaya? Hindi ko malaman laman ang pangalan nya? Bakit din kaya sa tuwing kausap o kausap ko sya nagagawa kong tumawa iyong totoo at hindi peke?

Napabuntong ako at umalis na sa park. Habang nagmamaneho pauwi ay hindi ko parin naiwasang mag isip.

Bakit palagi nalang sya sumusulpot sa kung saan? Bakit parang alam nya na kung saan akong pupuntahan?

Nagtataka man ay hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi.

Nang maihinto ko ang sasakyan ay napatitig ako sa kawalan bago muling naalala ang kanyang huling tinuran

"Uhh let's meet here tommorow at 6 pm"

"Uhh let's meet here tommorow at 6 pm"

"Uhh let's meet here tommorow at 6 pm"

Ilang beses iyon nagpaulit ulit sa pandinig ko bago ako wala sa sariling napangiti.

Halah! Anong nangyayari saakin?!

"Yes you can hide your pain with those fake smiles and laughs of yours but... Your eyes wouldn't lie"

Itutuloy....

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro