CHAPTER 10
CHAPTER 10: I LOVE YOU BUT GOODBYE TO YOU.
"Now ask me one truth" sabi nya habang nakayakap saakin
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya. Alam kong ito na ang pagkakataong mas makikilala ko sya.
"Who are you? What is your name?" tanong ko habang hawak hawak ang magkabilang pisngi nya
Bumuntong hininga sya at napayuko.
" I can't answer you" naluluhang aniya naguguluhan man ay agad akong nainis kaya pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib
"But why?!" inis na sabi ki
" 'Cause i don't want to lose you!" umiiyak na aniya
Napatigil ako at napatitig sakanya. What did he mean?!
"Then tell me the truth.." mahina at naiiyak ko nang tanong dahil sa kagustuhang malaman ang pangalan nya, ang pagkatao nya.
Napapikit pa sya at niyakap ako bago mahinang bumulong.
"I'm Haru.." bulong nya
Umawang ang labi ko sa gulat. Bakit itinatago nya ang pangalan nya samantalang napagando niyon? Ano nga bang meron sakanya?
"Yung araw na una tayong nagkita... Hindi totoong niligtas kita..." umiiyak sa balikat kong aniya
"Yung araw na bigla akong sumusulpot... Hindi totoong nakatadhana ang ating pagkikita.." dagdag nya
"Yung mga araw na nakasama kita... na naka date kita—" tuluyang nabasag ang boses nya na syang ikinaluha ko na rin
"—H-Hindi totoo a-ang lahat ng 'yon... D-Dahil ako ay h-hindi taong kagaya m-mo.." sabi nya
Duon bumuhos ang buong luha ko tila ba nakisabay sa iyak nya.
"Athenia l-lahat ng mga nangyayaring m-magkasama t-tayo ay m-mali... Lalo ko l-lamang pinahahamak ka.." umiiyak na patuloy nya
Dahil sa sakit na nararamdaman ay naitulak ko sya.
"A-Ano bang gusto mong sabihin?! Sino kabang talaga?! Bakit yung simpleng pangalan mo ay ngayon mo lang sinabi? Bakit ayaw mong magpakilala?!" sigaw ko habang patuloy sa pag iyak
Sinubakan nya akong lapitan ngunit nagpumiglas ako.
"Bakit ka ganyan Haru?!" may pagdidiinang ani ko
"Bakit tinago mo saakin ang totoo?!" sumbat ko pa
Muli syang sumubok na hawakan ako ngunit hindi muli syang nagtagumpay.
"Athenia... I-Im Haru y-your hallucination.." malungkot ang ngiting aniya
Natigilan ako at napatitig pa lalong sakanya.
"A-ano?" nauutal, naguguluhang ani ko. Napahawak ako sa ulo ko
"H—Hallucination?" naguguluhan paring banggit ko
"I-ikaw ang bumuo saakin Athenia.." bulong nya
"Ang masakit... nabuo ako dahil sa labis mong pangungulila.. Pangungulila sa namatay mong kasintahan" umiiyak na aniya
Dahil sa sobrang gulo ng isip ko ay nagtatakbo ako papunta sa kwarto ko.
"H-Hindi totoo to!" sigaw ko at ibinato ang bag ko
Napaupo ako sa kama ko at duon ibinuhos lahat ng luha ko. Guni guni ko lang sya? Imagination?! H-hindi!!
Napasabunot ako at napatigil lang ng may humawak sa kamay ko.
"Please, stop doing it to yourself. Pakawalan mo na ang sarili mo sa hawla ng sakit Athenia" malungkot na ani ni Haru
Napatigil ako at napatitig sakanya. Kitang kita ko ang pagkawala ng mga paa nya.
"A-Anong nangyayari sa paa mo?" natatarantang ani ko
"Alagaan mo ang sarili mo Athenia. Please? Kailangan mong maging maayo. Now that you know the truth. Mas makasasama kung patuloy pa akong magpapakita sayo. I'm sorry" lumuluhang aniya
Ang kaninang kamay nyang nakahawak saakin ay unti unti ng naglalaho.
"H-Haru? No! N-No! You can't leave me!" sigaw ko
Bago pa man sya tuluyang maglaho ay niyakap ko sya hanggang sa ako nalang ang mag isang bumagsak sa sahig.
"H-haru... H-hindi b-bumalik ka" umiiyak na ani ko
"K-kasalanan ko. D-dapat hindi ko pinilit na sabihin mo ang pangalan mo! Haru comeback!!!" lumuluha, puno ng hinanakit na sigaw ko
Muli kong inalala ang mga panahong kasama ko sya.
Flashback..
Tumingala ako at matamis na ngumiti sa mga ulap.
"Paparating na ako mahal ko" sabi ko pero imbis na bumitaw ay bumaba ako ron
Kinausap ang sarili na tila ba mapapagaan non ang aking dibdib.
Mula park, sa date, at sa bahay na aming pinuntahan, lahat ay imahinasyon lamang lahat ay halusinasyon lamang. Gawa ng sakit na aking nararamdaman na ni minsa'y di nabawasan.
End of flashback..
Mariin akong napapikit matapos namnamin ay dobleng sakit saaking dibdib.
Tila ba umiikot ang aking paningin at may tumatawa saakin paligid. Tinatawanan ako sa kasawiang aking tinamo.
"T-Tama na! H-Haru tulungan mo ako!" humahagulgol kong sigaw
"Wala ka kasing kwenta kaya ka iniiwan" isang bulong mula saaking kanang tainga at ito ay humalakhak pa
Agad akong umatras at napasabunot saaking buhok.
"Please! T-tama na! H-hindi ako iniwan ni Haru, diba?" natatawa na ring ani ko tila ba nahahawa sa mga halakhak nila
Ngunit napawi iyon ng may muling bumulong saakin. At dahil sa galit na aking naramdaman ay lahat ng madapuan ko ng tingin ay ibinato ko.
Humarap ako sa salamin at 'yon ay binato ng vase na hawak ko.
Tatawa tawa akong luminga linga.
"A-ayaw k-kona!" sigaw ko ng muling may bumubulong sa aking tainga.
"H-hindi! H-hindi! Anjan na si Haru!" sigaw ko pa
Muli kong sinabunatan ang aking sarili at hirap na hirap maglakad. Nang mapadapa ako ay nakita ko ang isang bubog. Agad akong ngumisi at pinulot ito.
"Haru, haru nasaan kana? Mahal kita alam mo ba?" kanta ko habang ang talim ay nilalaro
Dahil sa halo halong emosyon na aking nararamdaman ay itinarak ko ang bubog saaking hita.
"Ahh!!" napahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ang hapdi non
Tinanggal ko 'yon at muling nagtatawa na parang sira.
"Haru, Haru parating kana ba? Don't worry i'll wait yah here" kanta kong muli at muling ibinaon saakin ang patalim
"Ahhh!" muling hiyaw ko
"Tapusin mo na ang kanta katulad ng pang iiwan nya sayo" bulong muli ng isang tinig
Dahil saaking narinig ay nangibabaw muli ang sakit saaking damdamin.
"H-Haru.. Haru i love you" umiiyak na kanta ko
"Kasalanan ko nanaman... Kung bakit nawala ang aking mahal.." usal ko bago tuluyang itinarak ang patalim saaking pulsuhan
Bago pa man ako bumagsak sa sahig ay narinig ko pa ang sigaw ni mommy.
"Athenia!!!"
Untill everything wents black.
" Please don't keep your pain. I'm here just message me and i'll listen to you. God is good so if you feel alone just talk to him and he will help you"
Itutuloy....
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro