CHAPTER 1
CHAPTER 1
One month later.....
Isang buwan na rin simula ng mangyari ang trahedya pero heto ako nagmumukmok na akala mo'y maibabalik pa ang buhay ng taong mahal ko. Ni hindi ko na matandaan ang dahilan ng pagbaril sakanya
Nakinig dapat ako sakanya. Hindi ko dapat minadali ang kasal namin para lang makasama agad sya sa iisang bahay.
Kasalanan mo ang lahat Athenia!
Muling namalisbis ang aking luha. Tila ba hindi nauubos kahit magdamag na akong umiyak. Napahikbi ako lalo ng maalala kung gaano syang kasaya ng sagutin ko sya.
Sana nakinig nalang ako, buhay pa sana sya ngayon. Sana'y naging mapagpasensya ako, masaya sana kaming nag uumagahan ngayong oras.
Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bagamat nakatalikod ako ay alam kong ang kapatid ko iyon.
"Ate.. Gising na, kakain na tayo" malungkot na aniya
Hanggang ngayo'y iniintindi nila ako dahil alam nila ang pinagdadaanan ko.
Bagama't hindi naman ako natulog magdamag ay lumingon nalang ako sakanya at umarteng bagong gising.
"Susunod na ako" sabi ko at tipid na ngumiti
Muli kong inalala ang mga lugar kung saan kaming magdalas magpunta. Sa park kung saan namin idinaos ang una naming anniversary.
"Happy Anniversary mahal!" nakangiting ani Rence habang naka dipa ang kamay sa branket at mga pagkain
Napangiti ako at agad syang niyakap.
"Thank you, i thought you already forgot it" ngiting ngiti na ani ko
"I love you" nakangiting sagot nya
"I love you too" sagot ko bago sya gawaran ng magaan na halik
Nagtuloy tuloy ang mga memoryang naaalala ko. Tila isang pelikula na ang bida ay ako at si Rence.
Pelikulang nakakalungkot dahil sa huli'y namatay ang aking sinisinta.
Bago pa man ako muling lamunin ng lungkot ay naligo na ako at nag-ayos. Nilagyan ko ng make up ang mukha ko upang matakpan ang maitim na ilalim ng mata ko. Maging ang pinaka magandang damit ay isinuot ko.
Nakapag-desisyon akong puntahan lahat ng lugar na mayroong memorya naming dalawa, nag aasam na makikita siya.
Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin at tipid na ngumiti.
"Oh? Ate saan ka pupunta?" nagtatakang aniya
Bumuntong hininga pa muna ako bago nakasagot.
"Magpapahangin lang" sabi ko at pilit na ngumiti
Papalabas na sana ako ng malingunan ako ni Mommy. Agad syang lumapit saakin at yumakap.
"Anak.. Please don't let your emotions control you" mahihimigan ang sobrang pag aalala sa boses nito
Duon pa lamang ay nangilid na ang luha ko ngunit pinigilan ko.
"I'm alright mom" sabi ko at ngumiti
Hinaplos nya ang pisngi ko at ngumiti saakin.
"I know i'm not a best mom but you can open up on me anak. Makikinig ako para mailabas mo ang sakit na nariyan sa puso mo" sabi nya
Ngumiti ako at tumango.
"Yes mom, i'll go ahead" sabi ko at minsan pa syang niyakap bago tuluyang umalis
Nang makasakay ako sa kotse ay pinatugtog ko ang paboritong kanta ng mahal ko na syang ginamit nya ng magpropose saakin.
"Mahal? I know this is corny but i want you to experience this kind of surprise" he said while straightly looking in my eyes
"You know how much i love you. Athenia Callope... Will you marry me?" sabi nya habang ang mga mata ay puno ng pagmamahal na nakatingin saakin
Agad na nag unahan sa pagbagsak ang luha ko at mabilis na tumango tango
"Really?" bakas ang sobrang tuwa na aniya
"YES!!" Sabi ko
Kung hindi pa bumusina ang sasakyan ay mababangga ako agad kong iniliko ang kotse sa isang tabi at napahawak sa ulo ko.
"How can i forget you? Kung ikaw na mismo ang dipinesyon ng buhay ko" muli akong naiyak habang nakakapit sa manobela
Nang maya maya ay kumalma na ako nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Mabilis ko iyong pinaandar papunta sa park na pinagdausan ng date namin noon.
Nang makarating ay napatitig ako sa mga batang naglalaro. Sa mga magkasintahan na masayang nagtatawanan, sa mga pamilya na masayang nagsasalo-salo.
Muli kong naipikit ang mga mata at pinaandar ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan tutungo.
Tuloy tuloy ako sa pagmamaneho ng matanawan ko ang isang lugar na pakiramdam ko'y ginawa talaga para saakin.
Mabilis kong inihinto ang kotse at bumaba upang pumunta sa lugar na iyon.
May kataasan iyon at talaga namang mamatay ka kapag nahulog don dahil sa kakahuyang nasa ibaba non. Maganda ang lugar kung tutuusin ngunit hindi ko magawang pagtuunan ito ng pansin.
Napabuntong ako bago mapait na ngumiti. Inihakbang ko ang paa ko paakyat sa bakal na nagsisilbing bakod non.
Tumingala ako at matamis na ngumiti sa mga ulap.
"Paparating na ako mahal ko" sabi ko at tuluyang bumitaw sa bakal
Ngunit ang inaasahan kong pagkahulog sa ibaba ay hindi nangyari ng may dalawang pares ng kamay ang sumambot saakin.
"You don't need to do that" hinihingal na aniya marahil ay tinakbo ang pagitan naming dalawa kani-kanina.
"Let me go" naiiyak na ani ko
"No, god gave you that life for a reason and you'll just end it now? Without his permission?" halos pagalit ng aniya
Natigilan ako at nilingon sya. Kitang kita ko ang kaputian nya. Ang itim na itim nyang buhok ay tila kaaya-aya lalo na kung hahawakan.
Napatawa ako ng mahina. May lalaki pa palang grabe ang pananampalataya.
Dahan dahan nya akong binuhat at inilapag sa kabilang bahagi.
"Kailangan mong tanggapin ang mga problemang ibinigay sayo dahil wala namang ibang magsusulusyon don kung hindi ikaw." maya maya ay aniya
Muling nagtuluan ang luha ko ng maalala kung bakit ko nga ba sinubukang kitilin ang buhay ko.
"Paano kong haharapin at tatanggapin ang problema, kung ang kaisa isang taong pinanghuhugutan ko ng lakas ay wala na" matapos sabihin iyon ay napahagulgol ako
Bumuntong hininga ang lalaking kaharap ko bago muling nagsalita.
"Hindi porque wala na sya ay tatanggalan mo na ng karapatan ang sarili mong mabuhay. Tandaan mo lumaki ka ng wala siya. Nalagpasan mo ang ibang problema ng wala sya. Marahil ay isa sya sa mga instrumentong ginamit ng panginoon upang mapatibay ka" mahabang aniya
Napalingon ako sakanya at napatitig sa maamong mukha nya. Gwapo sya at may katangkaran, maputi at nakakaakit ang mapupulang labi, may matangos at manipis ring ilong.
Nagbaba akong muli ng tingin at napaghawak ang dalawa kong kamay.
"Kung gusto mong mabawasan ang sakit ay isigaw mo iyon sa hangin ngayon din" nakangiting aniya ng malingunan ko
Lumingon ako sa gawi ng dapat ay tatalunan ko saka naghandang sumigaw. Inabot ng halos ilang minuto ang pagsigaw ko. Nakatulong iyon upang huminto ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Here" sabi nya at inilahad ang kamay nyang may hawak na panyo
"Thank you" tanging nasabi ko at ipinunas iyon sa pisngi ko
Nang malingunan ko sya ay nakangiti na syang nakatitig saakin napatigil ako at nahihiyang nagsalita.
"Uhh hindi ko muna ibabalik ito since hindi ko pa nalalabhan. Ano... Uhm salamat" sabi ko
Hinawakan nya ang kamay ko na ikinabigla ko.
"Tandaan mo palagi lang akong nasa tabi mo" nakangiting aniya
Bago ko pa man matanong ang ngalan nya ay nakaalis na sya.
Wala sa sariling napahawak ako sa kaliwang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok niyon tila may nagtatambol.
Damn! Ano ba kasing pangalan nya?
Saka anong palagi syang nasa tabi ko eh ni hindi ko nga siya kilala?
"Kailangan mong tanggapin ang mga problemang ibinigay sayo dahil wala namang ibang magsusulusyon don kung hindi ikaw. At wala kang ibang kakampi kung hindi ang sarili mo"
Itutuloy....
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro