Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P R O L O G U E

   Akala ko ay iyon na ang kahuli-hulihang kababalaghan na aking masasaksihan. Akala ko ay hindi na iyon mauulit pa, pero nagkamali ako, dahil simula palang ng lahat ng misteryong mangyayari sa aking buhay.

    Ang kabilugan ng buwan, at ang ibon na mala-adarna ang itsura. Ang kulay nito na kasing puro ng gatas at kasing tingkad ng bituin sa langit, ay isa palang palatandaan. Isang mensahe na hindi ko inaasahan. Isang mensahe na dapat kong malaman.

   Isang panaginip na para sa akin ay may ipinahiwatig na mensahe. Mga panaginip na kaakit-akit ngunit puno ng lihim. Mga lihim na palaging napapahantong sa akin sa malalim na pag-iisip. Mga lihim na may ipinapakita na pitong simbolo.

  

   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro