Chapter 07
Appearance
Dedicated to: Sunnyvone
Amira,
Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganiyan ang iyong itsura?
Pulang Mata
Napakunot ang aking noo sa nabasa. Alam kong kakaiba at pangit ang kaanyuan ko pero kailanman ay hindi ako nagtataka sa aking itsura. Ipinaliwanag sa akin ni Ina kung bakit ganito ang aking sinapit. Sapat na dahilan iyon upang siya ay aking paniwalaan.
Ngunit kakaiba ang aking nararamdaman sa mensahe na ito. Hindi ko mapigilang magtaka at mangamba, dahil hindi galing sa kung sino ang sulat na ito. Kung hindi sa aming nakasalamuha kanina na may kakaibang itsura.
Napadesisyunan ko na itago ang palaso, at ang sulat. Mabilis ang aking mga kamay na binuklat ang dalang bag. Kinuha ko ang makapal na sulatan (binder) at binuklat ito. Inipit ko roon ang sulat sa gitnang pahina ng sulatan, sinisiguradong hindi ito mahuhulog o mawawala. Saka ko isinilid ulit sa bag ang sulatan at kinuha ang palaso.
Yari sa bakal ang patulis nito pero ang katawan nito ay yari nasa kahoy. Nang magawi ang paningin ko sa buntot nito ay nagtaka ako. Ang buntot nito, ay hindi pangkaraniwan lamang. Yari ito sa sinulid. Manipis, makintab, at kulay pula.
"Ah!" Daing ko nang hinawakan ko ang sinulid.
Umagos ang malapot kong dugo at pumatak ito sa suot ko na itim na palda. Isang patak, dalawang patak hanggang sa naging tatlo at tumaas pa. Naguguluhan ako sa sinulid na ito.
Hindi ko inaasahan na ang kaakit-akit at kakintab-kintab na buntot ng palaso ay nakakasugat. Marahan ko lang itong hinawakan ngunit naglikha na ito ng daplis sa aking hintuturo. Bigla ay sumagi sa akin na napakatibay ang sinulid na ito at pawang din itong patalim. Hinuha ko'y hindi basta-basta mapuputol ang sinulid. Kahit na manipis ay napakatibay naman ang tela na ginamit sa paghabi. Bigla ay sumagi sa akin na ang sinulid na ito ay parang din isang patalim. Isang patalim na hindi puwedeng maliitin dahil sa kakayahan nito.
Kinuha ko sa bag ang nakatago kong panyo. May bahid na itong dugo dahil ito rin ang ginawa kong pamahid kanina sa galosan kong tuhod. Pinahid ko ang dugo sa kanang hintuturo ko gamit niyon. Nang bigla akong natigilan sa aking ginawa. Nag-angat ako ng tingin.
Lumingon ako sa kaliwang bahagi ko. Wala akong nakita na kahina-hinala sa pasilyo. Maging sa kanang bahagi ng pasilyo ay wala rin akong nakita.
Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Maybe Eliza was right, I am just paranoid, but I can't myself to be skeptic. Alam kong may nakatingin talaga sa akin.
Parang tinambol ang aking puso nang biglang sumigaw si Propesora. Dinig na dinig ko ang pagsigaw nito, at maging sa labas ay umuulyaw pa ang boses nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Napahinga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili, at yumuko.
Sa aking pagyuko ay may nahagip ang aking paningin.
Katabi lamang ng bangkong inuupuan ko ang hagdanan. Sa ibaba nito, may tao na nakatayo. Tiyak ko na tao ito dahil may nabubuong anino sa pagtayo nito. Hindi masyadong madilim dahil nabahagian pa rin ng kaunting ilaw ang hagdanan; dahil sa nakabukas na pintuan sa silid-aralan na pinagtuturuan ni Bb. Morieta. Kung pagbabasehan ang anino, walang dudang lalaki ito. Sa kalkula ko ay nasa ika-anim o ikapitong baitan ito nakatayo.
Pinilit kong patatagin ang aking presensiya. Nagpanggap ako na parang walang nakita. Kinuha ko ang isa ko pang binder at nilagay ko ito sa nakadikit ko na hita. Maingat ko naman ipinasok sa bag ang isa ko pang binder na may laman na sulat. Sinara ko kaagad ito at isinukbit. Nang matapos ay marahan akong sumipa sa sahig gamit ang kaliwa kong paa upang mag-iba ng posisyon. Kung kanina ay nakaharap ako sa kaliwang pasilyo habang nakaupo, ngayon ay iniba ko na ang puwesto.
Nasa timog-kanluran ng gusali na ako nakaharap. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpanggap, nagpahid ulit ako sa hintuturo, naghahanap ng tiyempo.
Gamit lamang ang pagkilos ng mata, tinanaw ko siya na nasa kanan, na nasa gilid ko mismo mga ilang dipa lamang ang layo. Hindi pa rin ito kumilos, kaya isinilid ko nalang sa bulsa ng blusa ko ang panyo. Nagpasya akong magbuklat ng binder kaya kinuha ko ito sa hita ko. Nagpapanggap na may binabasa roon, palipat-lipat ang tingin ko. Sa anino at ang binder na hawak ko. Sana lang hindi niya maaninag ang galaw ng mata ko.
Namataan ko na kumilos ito, bumunot ito ng palaso sa likod nito at inunat ang hawak na pana. Itinutok nito ang palaso sa akin kaya bago paman niya iyon mabitawan ay humarap ako sa kanya at ibinato ang hawak na binder.
Kaagad na ibinawi nito ang pagtutok sa akin ng pana at palaso. Mabilis niya itong isinukbit pero huli na ang lahat.
Hindi na nito naisauli sa lagyanan ang palaso at nahulog ito sa sahig. Nataranta ito at yuyuko na sana nang napahawak ito sa kanyang mukha dahil natamaan sa ibinato ko na binder. Tumayo ako at tumakbong papalapit sa kanya pero kaagad itong nakabalik sa ulirat. Tumakbo ito pababa ng hagdanan kaya kinuha ko ang bag na nasa likod ko at ibinato sa kanya. Nahirapan akong ibato iyon dahil sa bigat. Tatlong makapal na libro ang nasa loob niyon at isang makapal na binder. May mga abubot pang nakalagay roon.
Natamaan ito sa batok kaya nadapa ito sa hagdanan. Mabilis ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang likod ng kanyang kwelyo at tinulungan itong tumayo. Sa hindi inaasahan ay may nakaabang pala na patibong sa aking pagtulong. Nakaamba sa akin ang kanyang kanang kamay na nakakuyom. Kaagad akong umiwas pakaliwa at itinulak ko siya. Nagpagulong-gulong ito pababa ng hagdan habang ako ay nakasunod sa kanya.
Napaungol ito dala ng sakit at pagkahilo. Lumapit ako sa kanya at ipiniko ang kanan niyang braso sa kanyang likod. Maangas na inutusan ko siya na tumayo, sumunod naman ito kahit na nanghihina. Mas lalo pa itong napaungol nang idiniin ko sa pagpilipit ang kanyang kanang braso.
"H'wag kana lang umangal, kung ayaw mong mapuruhan," pagbibigay ko ng payo sa kanya at itinulak ito. Isang senyas na mauna itong bababa ng hagdan.
Sumunod naman ito. Gamit ang kaliwang kamay, sinabunot ko ang kanyang buhok kaya bahagyang nakaangat ang ulo nito habang lumakad. Tanging pag-ungol lamang ang nagawa nito.
Sinubukan nitong manlaban, kaya mas malakas ko pang hinila ang kanyang buhok. Mas lalo ko pang ipinilipit ang kanyang braso kaya sumuko rin ito. Nagpatuloy kami sa pagbaba habang ako ay nasa kanyang likod, nakasunod.
Gusto kong hablutin ang nakapiring sa kanyang ilong at baba na itim na panyo. Gusto kong makita ang kanyang itsura, ngunit nahihirapan ako. Nakakasagabal sa akin ang nakalaylay na lagyanan ng palaso at pana sa likod nito. Hinahayaan ko na lamang ito.
Sa aking paglapit, nalaman ko na kulay itim lahat ang suot ng binata. Itim na sando, itim na dyaket at itim na pantalon. Sinipat ko ang kanyang sapatos, itim din ito. It is a black combat boots, not bad after all.
Hula ko ay mas matanda lamang ito ng ilang taon sa akin. He is muscular, yet, skinny. He had a skin of, fair or pale? It makes me think he lives in a big cave for a long year. Napakaputla kasi ng balat nito na hindi ko maipaliwanag dahil hindi ko nakita ang kulay ng kanyang labi.
Nagulat ako nang makatapak na kami sa ika-anim na palapag ng gusali. Umalma ito. Masyado akong nagpakampanti. Nakalimutan kong lalaki siya at mas malakas siya sa akin.
Libre ang kaliwa nitong braso. Iyon ang ginamit niya pang-opensa sa akin. Siniko niya ako, napabitaw ako sa kanyang buhok at sinangga ang kanyang pagsiko gamit ang kaliwa kong braso. Napangiwi ako dahil sa lakas niyon.
Ngunit bigla niya inatras ang kanyang siko. Napatangay ang kaliwang braso ko dahil nakasandal ito roon. Mabilis niyang inipit ang aking kaliwang kamay gamit ang kanyang tagiliran at siko. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil idiniin ng siko nito ang mga daliri ko nang sinubukan ko itong hilahin.
Tiniis ko ang sakit at nagtagumpay akong makawala sa pag-ipit nito, pero umatras siya papuntang pader. Agad kong nabasa ang kanyang galaw kaya binitawan ko ang kanyang kanang braso. Nabitawan ko man ito, nahawakan naman niya ng mahigpit ang magkabila kong braso at hinila iyon. Para akong nakayakap sa kanya dahil nakayapos ang magkabila kong braso sa kanyang bewang.
Mahigpit niyang hinawakan iyon. Naramdaman ko na tumama sa pader ang likod ko.
Napaigik ako ng bumalatay sa aking likod ang sakit. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya ulit ako't umatras kaya lumagapak ulit ang likod ko sa pader. Inulit niya iyon ng pang-apat na beses. Agad akong nanghina dahil doon.
I gasped for air. My eyes are in bit close due to my backpain. I know that he is moving for my both hands now were pinned in the cold wall. I slowly open my eyes. I found out that he is already facing at me, staring.
Nag-aagawan ang dilim at liwanag sa palapag ng gusali na iyon. Nasa dulo lang kasi ng pasilyo ang may nakabukas na ilaw. Subalit naaninag ko pa rin kahit papaano ang kanyang itsura dahil sa aking sikap. Maliban nalang sa ilong at baba nito na natabingan pa rin ng itim na tela. Bahagya pang nakatagilid ang mukha nito pakaliwa. Pawang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng aking mukha.
Narinig ko ang paghabol ng kanyang hininga. Tila hinabol ito ng kamatayan sa bilis niyon. Ngunit ako ay wala man lang ginawa at para pa akong naestatwa. Masyado siyang malapit sa akin kaya nawala ako sa katinuan nang matitigan ko ang kanyang mga mata. Parang hinihigop nito ang konsentrasyon na mayroon ako. Napatameme ako habang nakatitig sa kanya.
His face is too close to me. Too close that I can manage to reflect the feature of his face.p
Deep set of black cold eyes, thick-curled eyelashes, brown hair. I knew his eyebrows are thick. I am not sure about the color. Black? I don't know, but, damn! I can't help myself but to stare at him.
Mas lalo pang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Dahan-dahan niyang ginawa iyon. Hindi ko pa rin binawi ang aking tingin, hanggang sa makalapit ang kanyang mukha sa aking leeg. Napasinghap ako sa gulat. Napapikit ako ng mariin.
Hindi lamang ang pagrinig ng kanyang hininga ang aking nagagawa ngayon. Nararamdaman ko na rin ang kanyang paghinga sa aking leeg. Mainit, nakakakuryente, at... nakakakiliti.
"Feisty and clever, eh? However, your combat skills aren't enough for keels," anas nito sa aking tenga.
Napalunok ako ng laway nang marinig ko ang kanyang boses. Mahina iyon, malalim. Hindi ko masyado marinig ang timbre na kanyang boses dahil sa nakatabing na tela sa kanyang mga labi.
"Open your eyes," he commanded to me.
Napadilat ako ng mata dahil sa gulat. Napatitig ako sa kanya.
Napalunok ulit ako ng laway nang maanalisa kong masyado siyang malapit sa akin. Kunting lapit niya pa sa akin ay magkabanggaan na ang aming mga labi. Nakabaling pa rin sa kaliwa ang kanyang mukha. Nakadipa rin ang mga kamay nito sa pader dahil sa kanyang pagpigil sa aking mga kamay.
"I miss staring in your auburn eyes. It's been a long time then," he muttered. My forehead and my eyebrows crinkled.
"Who are you?" I asked him.
He did not answer. Instead, he keeps staring in me. Leading me to confusion and skeptical.
"Katulad ka rin ba ng mga taong nakaharap namin kanina? Iyong mga lalaki na may mga pulang mata?" Sunod-sunod kong tanong.
"I miss you," he said.
Namilog ang aking mga mata sa gulat. Nagtindigan ang aking mga balahibo sa narinig.
"Gago ka pala eh!" Angil ko. Sinapok ko ang kanyang ulo. Nabitawan niya ako at napahawak sa napuruhan niyang ulo.
Nainis ako dahil wala akong makuha na matinong sagot. Hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa kong pagsapok sa ulo ng lalaki.
Hindi na ako napatumpik-tumpik pa. Kaagad akong umamba sa kanya ng suntok gamit ang kaliwang kamay. Natamaan nito ang gilid ng kanyang labi. Nagpakawala ulit ako ng suntok sa kanan. This time, it hit to his right eye.
Napaluhod ang lalaki, ngunit bigla nitong tinuwid ang kanan nitong binti. He swayed it to my both feet . I jump immediately to parry his attack .
When my both feet landed in the floor. Unexpectedly, he did an enormous attack. He reversed, both of his arms are propped on the cold floor. Then, he kicked me in the abdomen.
Napahawak ako sa aking tiyan, at napangiwi. Bigla akong nanghina at kinapos ng hininga. Napamura ako dahil sa sakit.
"I'm sorry, Amira," he said and run as fast as he could.
Napapikit ako ng mariin. Halo-halo ang aking nadarama. Nasasaktan, naiinis, naguguluhan, at nanghihinayang.
Sa huli, wala akong ibang magawa kung hindi ay pagmasdan na lamang ang dinadaanan ng lalaki kanina. Naiinis ako dahil masyado akong mahina. Masyado akong nagpadala. Dahil sa aking katangahan at kapabayaan, nakatakas ang lalaki. Ni wala man lang akong nakuha ni katiting na impormasyon.
Napagpasiyahan kong tumayo at umakyat pabalik sa ikapitong palapag. Mahina akong humakbang. Humawak ako sa rehas ng hagdanan upang masuportahan ko ang aking bigat sa pag-akyat. Nakasapo naman sa tiyan ko ang kaliwa kong kamay.
Umabot ng ilang minuto saka ko pa lang natagumpayan sa pag-akyat ang hagdanan. Kaagad akong umupo sa bangko na inuupuan ko kanina nang marating ko ito. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit, inaasam na kahit papaano ay mapawi ang kirot.
Yumuko ako, nahagip ng aking paningin ko ang aking kanang kamay.
Napulot ko ito kanina sa hagdanan nang umakyat ako. Ito iyong nahulog at hindi na magawang pulutin ng lalaki kanina. Itinaas ko ang aking kanang kamay.
"Ano bang klaseng katauhan mayroon ang taong iyon?" Naisambit ko habang pinagmasdan ang palaso.
***
Fontana's Residence
Nine-thirty in the Evening
Nakatayo ako sa harap ng tokador. Titig na titig sa nakaharap na salamin. Sa tulong nito, malaya kong napagmasdan ang aking repleksiyon.
Kulot at mabuhaghag na kulay kayumangging buhok, na hanggang likod ng tadyang ang haba. Isang pares na matingkad na kulay pulang mata (auburn) na tinernuhan ng kulay itim na pilik-mata. Katamtamang tangos ng ilong, at kulay rosas na labi. Isang pares ng kulay kayumanggi na makapal na kilay. Kayumangging balat na maihahalintulad sa natotostang tinapay, at sankaterbang talumtum na nagkalat sa aking mukha at katawan.
Napabuntonghininga ako sa aking itsura. Isa akong halimbawa na tinatawag nilang pangit. Napabuntonghininga ulit ako nang maaalala ko ang nakaraan.
Ilang beses ko ng sinubukan na ayusin ang aking sarili. Ilang beses na rin akong lumapit sa mga espesiyalista. Palihim ko iyong ginagawa dala na rin ng hiya na lumapit at humingi ng tulong sa aking pamilya. Ngunit kahit anong rekomendasyon ang kanilang ibinigay, bumabalik ito sa dati nitong kaanyuan. Na pawang hindi ito nadaanan o nahaplusan ng isang kemikal.
Ilang beses na rin ako nagulat tuwing mapaharap ako sa salamin noon. Naging ritwal ko iyon dati sa umaga, at hindi ko iyon nakakalimutan. Sa tuwing sasapit ang gabi, kapag sila ay nalulong na sa pagtulog, palihim akong nagbubunot ng kilay. Pangatlong beses ko iyong ginawa, at lahat ng iyon, tuwing sasapit ng umaga, kaagad na tutubo ang mga buhok nito at pawang hindi nadaanan ng puller. Bagay na kinaguguluhan ko.
Maging ang aking balat, samu't-saring lotion at sabong pampaputi ang aking ginamit, ngunit lahat ng iyon ay walang epekto sa akin. Lahat ng iyon ay hindi tumalab sa akin. Kaya sa huli, sumuko nalang ako at hinayaan nalang ang aking sarili.
Walang alam ang aking pamilya tungkol doon, lahat ng iyon ay aking inilihim. Ngunit duda ko'y nakakahalata sila, dahil napakaobserbatibo nila, pero ayaw lamang nila pag-usapan at ungkatin. Marahil ay takot silang masaktan ako.
Napayuko ako. Nakaramdam ng lungkot at pagkalito. Hanggang sa nahagip ng aking mga mata ang dalawang palaso at sulat na nasa mesa, na nasa kanan ng aking tokador. Kaagad akong lumapit doon.
Pinulot ko ang mga ito, pero wala roon ang atensiyon ko. Kung hindi nasa kamay kong sagutan at namamaga. Bigla ay naaalala ko na naman ang lalaking nakasagupa ko kanina. Namumutawi na naman sa aking isipan ang kanyang mga sinabi.
"Kilala niya ako," pahayag ko, kinakausap ang sarili habang pinagmasdan ang hawak na palaso. " At kung makapagsalita siya, pawang matagal na kami magkakilala."
Ibinaling ko ng patalikod at paharap ang hawak na palaso. Wari'y hinahanapan ko ito ng isang kasagutan na alam ko naman na wala akong mapupulot. Habang ginawa ko iyon, nakita ko ang sugatan kong kanang kamay. Napakunot ang aking noo nang makita ko ng malapitan ang itsura nito.
Namamaga ito, at bumubuka ang sugat. Bahagya rin itong nangingitim, bagay na ipinagtataka ko. Bakit naging ganito? Daplis lamang ito ng palaso ngunit kung titignan ay napakalaki ng sugat nito.
Natigilan ako, nabitawan ang hawak na palaso. Kasabay ng paglabo ng aking paningin ay ang pagrinig ko ng malakas na pagtibok ng aking puso.
"Dugdug! dugdug! dugdug!" Umuulyaw sa aking pandinig ang tunog nito. Nasapo ko ang aking dibdib.
"A-anong n-nangyari sa'kin?" Naguguluhan kong tanong at napapikit ng mariin.
Author's Note:
Hindi biro ang magpaliwanag ng action scene. Sana lang talaga, na-deliver ko iyon ng maayos.
May nagbabasa pa ba nito? Kung mayroon man, sana magparamdam kayo. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro