Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06

Questions

Questions may lead you to confusion.
For it lead you to curiosity.

***

Pumasok ako sa loob ng kampus. Parang may sariling buhay ang katawan ko na naglalakad sa daan. Gulong-gulo nang dahil sa nasaksihan kanina.

Hinanap ko si Eliza. Wala akong ideya kung saan siya nagpunta. Iwanan ba naman ako ro'n? Hindi man lang niya ako inaalala.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumahak papuntang Kantina. Nagbabasakaling doon ko siya matatagpuan.

Hindi nga ako nabigo. Nasa pintuan pa lamang ako ay nakita ko na siyang nakaupo sa inuupuan namin kanina. Wala masyadong estudyante na tumatambay roon sapagkat oras pa ngayon ng pagkaklase.

Mabilis ang hakbang na nagtungo ako sa kanya. Pawang mga kabute na biglang sumulpot ang nararamdaman kong inis. Inis sa kadahilanang hindi siya nagbigay ng eksplinasyon ukol sa tao na aming nakasalamuha kanina. Idagdag pana iniwan niya akong mag-isa na nakatayo roon.

Padabog na umupo ako sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan. Salubong ang aking kilay na tumitig sa kanya. Umangat siya ng tingin at nagtama ang aming mga mata.

Umabot pa ng ilang segundo bago ako kumurap-kurap bunga ng pagka-asiwa. Naninibago ako sa kanya. Hindi ko makayanang tumitig sa kanyang mga mata. Paano ba naman kasi, nakakatakot ang awrang bumabalot sa kanya ngayon. Pawang anumang oras ay bigla nalang sasabog. Walang kaemo-emosyon ang kulay matingkad na pula (auburn) niyang mga mata.

Minsan, nakakaramdam ako ng inggit sa itsura ng aking pinsan. Ngunit hanggang doon lamang iyon, at wala ako ibang intensiyon. Napakaganda kasi nito na maikukumpara sa mga sinaunang prinsesa na namumuhay noon.

Tanda ko pa iyong narinig ko sa aming mga kaklase na lalaki dati sa sekundarya. Nakakatameme raw ang labi nito dahil bukod pa sa mamula-mula pa ay pawang masarap pa raw itong halikan dahil sa maganda na nga ang kurba, mala-kissable pa ang labi nito.


Ang kilay naman nito na kulay kayumanggi ay hindi man lang nadapuan ng puller ay nakadepina naman ang hugis nito. Na pinaresan naman ng mala-kayumanggi, at mala-pilantik na pilik-mata. Pawang naman hinubog ng isang sikat na iskultor ang ilong nito na bukod sa matangos na nga ay napakaliit pa. Na maikukumpara sa ilong ng isang manika o manekin. Idagdag pa ang mala-rosas na kulay ng balat nito, at tuwid at bagsak na kulay madilim na kayumangging buhok nito. Talagang nakakahalina at nakakabighani ang kagandahan nito. Tanging kulay lamang ng aming mga mata ang magkakapareho sa amin, isang natural na kulay olandes (auburn) na mga mata.

Ikanga nila, kapag ang tao tinamaan ng kyuryosidad. Hindi ito magdadalawang-isip na sumuong sa kapahamakan.

"Sino sila, Eliza?" Walang gatol na tanong ko sa kanya.

Huli na para bawiin. Saka ko palang napagtanto na wala sa hulog itong pinsan ko ngayon. I gulp after I spoke. I spell out the beans without thinking twice.

Hindi ito sumagot. Nanatili itong tahimik at nakatitig sa'kin. Pawang tinitimbag pa nito ang kanyang sasabihin.

Napabuntonghininga ako. Mas lalong bumalatay sa akin ang inis, pero pinilit kong magpakahinahon. Kaya nagtimpi ako.

"Why don't you tell me?"

"Because it's nothing," matipid niyang sagot.

"Nasa ganoong eksena wala lang iyon?"

"You are just paranoid," she replied using her cold tone.

Hindi ko nakayanan, hinampas ko ang mesa. Napatayo at napataas ang aking boses," The hell with nothing, Eliza! Alam kong may mali pero ayaw mong sabihin!"

Naglapat ng mariin ang kanyang labi. Gumala ang kanyang paningin sa loob ng Kantin. Hinila niya ang kaliwang kamay ko at pilit akong pinaupo. Kaagad naman akong tumalina tanda ng pagsuko. May mga mata kasing nakatingin sa'min.

"Masyado kang mainitin," anas nito sa akin.

"Uusok ang takure kapag nalakasan ang apoy, Eliza."

Natahimik ito. Wala pa ring emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Habang ako naghihintay na magpapaliwanag siya at pinapakalma ang sarili.


"At iniwan mo lang ako roon? Paano kung kantiin nila ako?"

Pero ang magandang dilag na ito ay wala atang balak na magsalita. Pawang pinaglihi ata ito ng kanyang ina sa manika, walang imik at walang emosyon. Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong narinig na boses na nagmumula sa kanya

"Tatahimik ka nalang ba?"

Napahinga ito ng malalim," Amira, h'wag muna natin pag-usapan iyan."

Napapikit ako ng mariin. Wala na ata akong mahihitang sagot mula sa kanya. Itinikom ko nalang ang aking bibig bilang pagsuko.

Para hindi na makapag-usisa ay hinalungkat ko sa bag ang librong Filipino. Nang makuha ko na ito ay marahas kong nilapag ang bag pak sa mesa. Lumikha iyon ng ingay dahil sa bakal nito na kandado.

Inabala ko nalang ang sarili sa pagbabasa. Hindi ko pinansin si Eliza na tahimik pa rin. Naiinis pa rin ako sa kanya. Bahala siyang mapanisan ng laway riyan. 'La akong paki.

Kasisimula ko palang magbasa ay wala na ako sa huwisyo. Pinilit kong magpokus pero ang utak ko mismo ang nagta-traydor. Kaya ang kinalalabasan, wala ako ni isang naintindihan sa aking inaaralan.

Sinubukan kong iwaglit ang mga eksenang nakita ko kanina, pero binabagabag ako ng mga tanong. Paulit-ulit iyon lalong-lalo na ang sinabi ni Manong Tindero. Tuloy ay hindi ako nakapagpigil. Gusto ko lang alamin kong tama ba ang suspetsa ko.


"May naka-akbay ba sa iyo nang pumasok ka sa Kampus?" Tanong ko sa aking pinsan habang makatuon pa rin ang mata ko sa binabasang libro. Kung pagbabasa nga ba talaga ang tawag dito.

"Anong akbay?"

Sinara ko ang libro na hawak at nakikipagtitigan sa kanya. "Tinatanong ko kung may naka-akbay ba sa iyo kanina? May nakapagsabi sa'kin na may kasama ka raw na naglakad sa loob ng Kampus."

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Sagutin mo nalang ang tanong ko!" Napipikang ungot ko sa kanya.

"Eh may sira pala sa mata iyong nakakita eh. Saan ka ba nakatingin kanina, ha?"

"May hinalungkat lang sa bag," pagsisinungaling ko.

"Tch. Wala akong kasama," pinal na sagot nito na may bahid ng pagka-irita ang boses.

Damn! I knew it.

***

06:20pm

"Alam niyo ba na makapangyarihan ang Wika?" Tanong ni Bb. Morieta, ang Propesor namin sa asignaturang Filipino.

Lahat kami na kanyang mga estudyante ay tahimik na nakikinig sa kanya. Napakapandak niya sa edad na kuwenta'y siyete ngunit kabaligtaran naman ang kanyang boses. Daig pa nito ang naka-mikropono. Nakakabingi ang boses nito na bukod sa malakas na ay napakatinis pa. Na kung minsan ay nakaririndi na lalong-lalo na kung sisigaw siya. Kulang nalang ay magtalsikan palabas ng tenga ang tutuli namin.

Gayunpaman, wala ni isa sa amin ang may lakas na magreklamo. Hindi biro kung magalit ang Propesora'ng ito. Marahil ay hanggang ngayon ay wala pa rin itong napapangasawa, kaya masyado itong bugnutin.

Ang sinumang sumubok na makipagtsismisan ay tiyak na hindi magugustuhan ang magiging parusa. Isang parusa na siyang iniiwasang mangyari ng aking mga kaklase.

"Wala ba sa inyo ang sasagot?" Pukaw nito sa aming atensiyon. Umaalingawngaw ang boses nito sa loob ng silid-aralan. Natitiyak ko na maging sa labas ay maririnig ang boses nito.

Walang sumagot sa kanyang tanong kaya nakakunot ang kilay nitong tumingin sa amin. Nasa bewang nito ang kaliwang kamay habang ang isa naman ay ginawang panukod sa mesang katabi nito. Mababakas sa mukha nito ang galit. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin. Tinignan ko ang katunggali namin, kahit siya ay ayaw magsalita, nakakapanibago. Samantalang buhay na buhay ang diwa nito kapag may resitasyon.

"Simpleng tanong lang? Hindi niyo pa masagot? Ano? Makapangyarihan ba ang Wika? Oo o Hindi?"

"Oo!"

"Hindi!"

"Por Myeho! Anong hindi? Hindi na naman kayo nagbabasa ng aklat? Para saan pa't binili niyo iyan? Aba! Naglulustay lang ba kayo ng pera? At sino ang dapat magbasa niyan? Ang daga ninyo?"

Walang sumagot sa amin kaya mas lalo itong nainis. Sa 'di inaasahan ay nagsimula na itong magtawag ng pangalan.

"Ginoong Castillo, tayo!"

Napilitang tumayo ang kaklase ko. Kung kanina ay malakas ang loob nitong mang-asar sakin, ngayon ay para na itong maamong tupa. Hindi nito alam kung yuyuko ba siya o makipagtitigan kay Propesora. Siya iyong nangungutya sa akin nang madapa ako sa Kompyuter Lab kaninang tanghali.

"Sagutin mo ang tanong ko, kung gusto mong makaupo."

"P-pero---"

"Bakit makapangyarihan ang Wika?"

Napakamot sa ulo ang kaklase ko. Palinga-linga pa ito sa kanyang katabi na mga katropa niya. Nanghihingi siguro ng tulong para may maisagot. Nagkibit-balikat lang ang nasa kanan nito, samantala ang nasa kaliwa naman ay nag-iwas ng tingin. Napapitlag pa ito ng ulitin ni Propesora ang tanong. Nang sabihin nito na hindi niya alam ang sagot ay hindi ito nagustuhan ng Guro namin. Tila umusok ang ilong nito sa inis.

"Hindi ka puwedeng maupo," pinal na pahayag ng Tagapagturo. Napatingala nalang ang kaklase ko at napabuga ng hangin. Walang ibang magawa kung hindi ang sumunod.

"Bb. Amira, ikaw ang sumagot!"

Nagulat ako at hindi ko inaasahan ang pagtawag ni Propesora sa akin. Napabalingin ako sa aking harapan, kung saan may nakaupo na babae. Narinig ko na humagikhik ito. Naisip niya siguro na masasabon ako ng Propesora namin.

Palinga-linga ako sa paligid, may mangilan-ngilan akong nakita na lihim na napatawa at napangiti.

"Bb. Amira Creana Fontana," tawag ulit ni Propesora.

Lumingon ako kay Eliza, na siyang nasa kaliwa ko. Magkatabi kami ng upuan. Tumango lang siya sa akin. Tumayo ako at humarap kay Propesora. Kapagkuwan ay sinagot ko ang tanong.

"Makapangyarihan ang wika sapagkat ito ang instrumento ng komunikasyon at sagisag ng pambansang pagkakaki---

"Magbigay ka ng buod ukol sa iyong nalalaman, Binibini. Humarap ka sa mga kaklase mo. Doon ka sa gitna tumayo."

Nagpakawala ako ng isang malalim ng hininga. Ako pa talaga ang tinawag, nandito naman si Eliza. Bakit hindi nalang siya? Sa trenta'y sais na kanyang estudyante, ako pa talaga ang kanyang pinili.

Ayaw ko mang gawin ay napalitan akong sumunod. Nagtungo ako sa mesa, kung saan nakalagay ang mga gamit ni Propesora. Nasa likod ko iyon nang humarap na ako sa mga kaklase. Nang mag-angat ako ng tingin ay bumulaga sa akin ang kanilang mga tingin, nag-aantay na ako'y magsalaysay. Maging ang guro namin ay nagsadya pang pumunta sa may bintana. Nasa likod iyon ng lahat ng mga kaklase ko.

Hindi ito ang unang beses na humarap ako sa gabundok na tao. Maraming beses ko na nagawa ito, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Lalong-lalo nasa itsura ko.

"B-bagamat na-nasasa---

"Ulitin mo iyong sinabi mo kanina," utos ni Propesora. "Nang hindi naka-utal."

'Lagot!' usal ko sa aking isipan.

Bago ako magpatuloy ay kinalma ko muna ang aking sarili. Paulit-ulit ang ginawa kong paglanghap at paglabas ng hangin. Hanggang sa makuntento, saka pa lamang ako nagsimula.

"Makapangyarihan a-ang wika sapagkat ito ang instrumento ng komunikasyon at sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Bagamat ito ay nagsisilbing komunikasyon, ito rin ay masasabing pinakaprominenteng behikulo." Pahayag ko at napatingin kay Propesora.

"Ipagpatuloy mo," atas niya sa akin.

"Sa anumang lipunan, kultura at lahi, o anumang estado sa buhay, kinikilala na hindi matatawaran ang kapangyarihan ng wika. Ayon sa mga dakilang mga manunulat, ito rin ay pinakaprominenteng behikulo (vehicle) ng tagapaghatid ng mga mensahe. Positibo man o hindi sa pandinig ng ibang tao."

"May alam ka ba na isang manunulat na may binigay na kasabihan tungkol sa Wika? Ano ang masasabi mo ukol dito?"

"Language is the dress of thought," makahulugan kong pahayag na nakatitig sa mga kaklase ko. "Nagmula iyon kay Samuel Johnson, na kinilala na isa sa mga kalus-lubusang manunulat sa larangan ng lexicograph.

"Wika ang nagdadamit sa ating kamalayan. Nabubuhay ang mga ideya dahil sa wika. Wika ang nagbibigay-katawan sa ating mga kaluluwa."

"Bakit iyan ang napili mo, Amira?" Tanong ng kaklase ko na babae na si Venus. Isa siya katunggali namin ni Eliza sa pataasan ng marka sa klase ni Propesora. Kung kanina ay pawang wala itong plano magsalita, ngayon ay pawang nabuhayan ng dugo."Paano mo naman nasabi na ang lengguwahe ang nadamit sa ating kamalayan? Bakit ka sumang-ayon? Paano naman iyong may mga kapansanan? Hindi lahat ay may kakayahang magsalita, Amira." mapagloko nitong tanong sa akin. Nasiyahan ako sa kanyang sinabi. Sabi ko na nga ba, may plano ito'ng pahiyain ako sa harap ng klase.

"Minamaliit mo sila, kung ganoon? Sinasabi mo ba na ang mga pipi at may kapansanan ay walang kakayahang magsalita ng lengwahe?"

"Paano nga iyon? Eh hindi nga sila makapagsalita 'di ba? Kaya nga pipi eh." Sabi nito at sinabayan iyon ng mga halakhak ng aking mga kaklase maliban kina Propesora at Eliza.

"Tahimik!" Sigaw ni Propesora. Dumagundong ang boses nito sa silid kaya naudlot ang masayang halakhakan ng aking mga kaklase.

"Akala ko ba matalino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, kaya nga palaging tayo ang magkakompetensiya sa pataasan ng marka eh."

"Kung gano'n ay matalino kalang dahil sa masipag kang magbasa. Hindi dahil malawak ang iyong pang-unawa at pananaw sa buhay." Walang preno kong sambit sa kanya.

Namula ito sa inis. Bago pa ito makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Pipi man sila o bulag. Wala mang parehong kamay o paa, nakakaya pa rin nilang ipahatid ang kanilang mensahe sa ibang paraan. Iyong pipi, sign language ang paraan ng kanilang pag-usap. Ang bulag naman ay kinakapkap ang mga bagay upang magkaroon sila ng ideya kung ano ang nangyayari sa paligid. Bukod pa roon ay matalas din ang kanilang pandinig. Iyong mga bingi, kung wala silang hearing aid, ginagamit nila ang kanilang mata. At saan hahantong ang lahat ng kanilang nalalaman? Ginagamitan nila ng Sining. Maaaring sa paraan ng pagsusulat, pagpipinta, paglilok o anopaman. Iyon ang paraan nila upang maghatid ng ideya sa mga tao. Doon nila inilalabas ang kanilang mga hinaing. At ang mga hinaing ay binubuo ng letra, kahulugan, maging mga lengwahe. Iyon ang paraan ng pakikipagkomunikasyon para sa kanila."

"Sa sinaunang panahon pa lamang, sankatutak na paraan na ang umuusbong upang mailaganap ang Wikang kinagisnan nila. Kaliwa't kanan ang pamamaraan nila upang makapaghatid ng mensahe sa kanilang mga kausap. Isa na roon ang pag-ukit at pagguhit ng iba't-ibang larawan sa mga bato. Ang paglilok ng mga tao sa kahoy gamit ang matutulis na bato ay maaari ring isang paraan ng pagpapahayag ng kanilang hinaing. Baliktarin mo paman ang mga iyon, hanapan mo man ng butas, isa pa rin ang kahulugan no'n. Ang palaganapin ang mga ideya at Wika upang magbigay ng mensahe sa susunod na henerasyon sa kung paano sila mabuhay, paano sila makikipag-ugnayan at paano sila nakikipagkomunikasyon."

"Minsan pa nga ay ginagamit ang Wika upang makalaya sa pananakop ng mga Banyaga. At isa na roon si Jose P. Rizal. Ang paglikha niya ng Noli Me Tangere at El Felibusterismo noong panahon pa ng pananakop ng mga Kastila ay isang patunay. Ginamit niya ang Wikang kinagisnan natin upang manghikayat at magbigay aral sa kanyang mga kababayan na nagnanasang matuto ng Wikang Kastila, kahit na alam niyang kapahamakan ang magiging kapalit."

"At hindi naging sagabal para sa kanila ang kanilang mga kapansanan o kakulangan upang hindi makapasaglita ng iba't-ibang lengguwahe. Nakahanap pa sila ng paraan upang mapalago ang kanilang mga sarili at makatulong sa nangangailangan. Diyan umuusbong ang kapangyarihan ng Wika. Ang magbigay ng ideya sa mga taong may bahid ng kyuryosidad, magmulat ng mata tungo sa kapayapaan at magbigay leksyon upang makalaya sa kapaitan ng buhay." Pagtatapos ko sa aking pagsalaysay.

Lahat sila ay natahimik. Maging si Propesora ay tila natameme. Tila pinoproseso pa nito ang lahat. Mayamaya pa ay ngumiti ito at pumapalakpak. Naglakad ito palapit sa'kin. Maging si Eliza ay napangiti rin.

"Nakakahanga ang iyong lohika, Binibini. Napakatahimik mo sa klase pero napakalawak at napakaganda ng iyong mga pananaw at pang-unawa. Hindi ko inaasahan na ganito ka kung mag-isip, nakakagulat." Papuri sa akin ng Propesora at may ngiti sa labi. Ito ang kauna-unahang nakita ko siyang ngumiti sa akin.

Tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid. Kapagkuwan ay nagsimula na rin ako'ng naglakad papunta sa aking upuan. Dama ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko nalang ito pinansin at tahimik na umupo.

"Binibining Amira, maaari ka ng umuwi," anunsiyo ni Propesora. Nagtataka ang tumingin ako sa kanya.

"Nasisiyahan ako sa iyong sinalaysay, kaya pinapauwi na kita ng maaga. Maaari ka ng lumabas."

"Eh?"

"At kayo'ng natitira, kumuha ng kalahating pahabang dilaw na papel, ngayon na! Ikaw G.Marcus Castillo, isandaang item, at ikaw rin Bb. Venus Acosta, isandaang item. Masyado kayong mayabang! Ang iba sikuwenta, bilang isa!"

"Bakit biglaan?" Pabulong na tanong ni Eliza habang nagsusulat ng kanyang pangalan.

"Wala sa hulog," pabulong kong sabi at sinukbit ang bag pak ko. "Aantayin nalang kita sa labas."

Hindi na ako nag-antay ng kanyang sagot. Dale-dale akong lumabas sa silid. Baka magbago ang isip ni Propesora, mahirap na. Buti nalang nasagot ko iyong tanong. Nakakatulong pa rin pala iyong binasa ko kanina kahit wala sa kondisyon ang katawan ko.

Nang makalabas ay ang bangko'ng nakahilera sa kahabaan ng pasilyo ang una kong nabungaran. Umupo ako roon at doon naghihintay kay Pinsan. May kadiliman na rin ang mga pasilyo ngayon dahil mangilan lang ang may pasok sa oras na ito.

Para maiwasan ang pagkabagot ay hinalungkat ko sa bag ang selpon ko. Mabilis ang aking kamay na nagtipa ng kontrasenyas (password) at naghanap ng mapaglilibangan. Nahagip ng paningin ko ang Clash of Clans kaya binuksan ko ang mobile data ng selpon. Nang maayos na ay pinindot ko ang logo ng laro at inantay ito.

Dahil sa kabagalan ng internet ay nakaramdam ako ng inis. Isinisayaw ko pa ang ulo ko nang pababa't pataas dala ng pagkainip. Nang bigla ay may dumaan sa kanang bahagi ng ulo ko na isang bagay. Nagulat ako kaya iniwasan ko ito. Nahuli ang ginawa kong pag-ilag kaya nadaplisan ng kunti ang buhok ko. Pawang sinadya ang pagdaplis nito sa akin para mapansin ko ang pagdaan nito.

Sinundan ko ng tingin ang bagay na iyon. Napako ang paningin ko sa isang palaso na nakatarak sa nakaharap ko na bangko. Gawa sa kahoy ang bangko kaya kaagad ito nakabaon doon.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagmasdan ko ang tunod. Napalunok ako ng laway. Tiyak na malalim ang pagbabaon nito sa kanang mukha ko kung tinamaan ako nito. Napakatalim ito na pawang sinadya pa ng may-ari na ipabahid ng mabuti ang palasong ito.

Nagtindigan ang aking balahibo sa takot. Napatayo ako at luminga-linga sa paligid upang hanapin ang may kagagawan nito. Ngunit wala akong nakita. Tanging mapusyaw lamang na ilaw na nanggaling sa okupadong silid-aralan ni Bb. Morieta ang aking naabutan.

Tinanaw ko ulit ang palaso. Napansin ko na may nakapulupot dito na kulay puting papel. Nagdududa ako kaya patakbong umupo ako sa bangko at walang kimeng binunot ang tunod.

"Bilis, bilis," naiusal ko dahil sa taranta at takot. May nakasintas kasi na manipis na lubid ang papel kaya natagalan akong buksan ito. Nang makuha ko na ang lubid ay mabilis kong binuklat ito.

Amira,

Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganiyan ang iyong itsura?

Pulang Mata

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro