Chapter 04
Red Eyes
"Amira, ano na naman ba 'tong narinig ko na nadapa ka raw sa labas ng Kompyuter Lab?" Tanong sa akin ni Eliza nang makabili na kami nang meryenda sa Canteen.
Napabuntonghininga nalang ako. Bagsak ang aking balikat na naglalakad pabalik sa mesang ginamit namin. Bitbit ang kulay kahel na bandeha na may nakalagay na makaroni salad, at inumin.
Pagod man ang aking katawan, pinilit ko nalang na maging aktibo. Pasado alas tres na nang hapon at katatapos pa lang namin na mag-p.e. Paglalangoy ang aktibidad namin kanina kaya nakaramdam ako ng matinding pagod pagkatapos no'n. Idagdag pana wala sa kondisyon ang pareho kong tuhod.
"Saan mo na naman nalaman ang tsismis na iyan?"
"Aba nga naman, Amira. Kalat na kalat na sa buong Campus ang nangyari sa'yo kanina. May pa poise-poise ka pa raw na nagpupunas ng pawis. Ano ba talaga ang nangyari?
"Tch. Nangalap ka na nga ng balita, hindi mo pa sinagad."
"Paano ko sasagadin, takot na takot na magsalita iyong napagtanungan ko kanina. At h'wag mo nga ako'ng barahin ng taktika mo'ng paliguy-ligoy dahil hindi ako natutuwa."
Tinikom ko nalang ang aking bibig, at inunahan siya sa paglalakad. Kahit na kumikirot pa ang magkabila kong tuhod, hindi ko ito ininda. Nagmamadaling pumunta ako sa mesa. Tahimik kong nilapag ang mga nabili ko, at marahan na umupo. Hindi rin naglaon ay dumating na rin si Eliza, at kaagad na umupo.
Parang hangin na hindi ko siya pinansin, at nagsimula na rin ako'ng kumain. Ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga nang dahil sa aking inaasta.
"Hindi mo na naman sasabihin?"
"Ang alin?"
"Stop fooling around, Amira Creana Fontana."
Pabagsak na nilapag ko ang tinidor na hawak at napapikit ng mariin. Marahan na minamasahe ng aking kanang kamay ang noo ko. "Wala lang iyon."
"Sasabihin mo kong ano'ng nangyari o makakarating na naman ito kay Tita."
Napapikit ako ng mariin. Dala ng pagsuko, napilitan ako'ng sabihin sa kanya ang totoo. "Sariling katangahan ko iyon, Eliza. Hindi ko nakita ang nakausling bato sa dinadaanan ko kaya natapilok ako, at nadapa."
"Kaya payag ka na lang na api-apihin ka at pagtawanan nang nakararami."
"Dahil nakakatawa naman talaga ang nangyari."
"Pero hindi ako natutuwa," seryosong sagot niya sa akin, at tumitig ng mariin. "Katangahan man o sinasadya, hindi pa rin nararapat na ika'y pagtawanan."
"Ano ba'ng inaasahan mo? Na tutulongan nila ako sa pagtayo at patahanin? Na kahit ganito ang itsura ko ay may lalapit pa sa---
"Iyon naman talaga ang nararapat na gawin," Pagputol niya sa aking sinabi.
Natahimik ako, at nagbaba ng tingin. Nawalan ako ng ganang kumain pero pinilit ko pa rin lunukin, at nguyain ang mga binili kong pagkain. Natahimik kaming dalawa pagkatapos no'n.
"At mas lalong hindi ako natutuwa na iuugnay ka nila sa nilalang na Cheetah,at Butanding. Hindi porket nagkalat sa buong katawan mo ang itim na talumtum na iyan ay may karapatan na silang laitin ka, at bigyan ng bansag," mahabang litanya nito.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Puno ng tanong ang mababanaag sa aking mukha. "Akala ko ba hindi mo alam ang lahat ng nangyari kaya nagtanong ka sa akin?"
"Hindi nga lahat. Iyon lang ang nalaman ko. Magtatanong pa ba ako sa'yo kung alam ko na?"
Hindi na ako tumugon. Tahimik na kinain namin ang aming meryenda. Walang nagtangkang bumukas ng usapan sa aming dalawa. Bagay na kinagugustuhan kong mangyari sapagkat ayaw ko sa lahat ang palagi akong inuusisa.
Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ako'ng kumain. Tahimik na nagpunas ako ng dumi sa gilid ng aking labi gamit ang tisiyu (tissue). Nang bigla ay tumigil si pagkain si Eliza, at may kinuha sa nakasalansan nitong dalawang polder sa mesa.
"Oh!" biglang sambit nito, at nilapag sa harap ko ang isang papel. "Pasulit mo sa Pre-lim Akownting. Hindi ka nakapasok kanina kaya binigay nalang ni Propesor. sa akin."
Napakunot ang aking noo na kinuha ang test paper. Hinanap ko kung saan nakasulat ang nakuha kong puntos. Napako ang aking mata sa kanang bahagi ng papel na nasa itaas. Mas lalong napakunot ang aking noo nang makita ko ang iskor.
'Ninety-seven? Only three mistakes?' Tanong ko sa aking isipan.
"I got ninety -two out of one hundred. Alam ko naman na hindi ka nagtatanong pero sinasabihan pa rin kita," untag niya sa akin na patuloy pa rin sa pagkain ng ispageti.
Hindi ako sumagot. Matapos tignan ang resulta, maingat ko itong nilagay sa loob ng dala kong plastik enbelop, na nasa loob naman ng dala ko na plastik polder. Nasa laker (locker) ang iba ko pang dala kanina . Nadala na ako sa nangyari kanina kaya minabuti ko nalang na iwan doon ang iba.
"Siya nga pala, sabi ni Jinn kanina. Antayin nalang daw natin siya sa Mitania Cafe mamayang uwian. Ihahatid niya pa raw si Catarina. Nakakailang na rin kasi na palagi tayo'ng nakikisakay kay Jinn na nandoon ang nobya niyang pusa. Nakakaasiwa ang katahimikan."
"Buti alam mo," tipid kong sagot sa kanya.
"Tch. Ang sarap mo kausap," sarkastikang usal ng aking pinsan.
Hindi ko nalang siya pinansin. Nagamadaling isinuot ko ang bag. Iniwan ko kay Eliza ang dala ko na polder. Napakunot ang noo nito nang makita niyang isinalansan ko iyon sa mga polder niya.
"Aalis ka?" Tanong nito.
Tumango ako sa kanya. "D'yan lang sa labas, may bibilhin lang. Huwag ka nang sumama. Babalik din ako kaagad," paalam ko, at mabilis na nilisan ang Kantina.
May pagkamabagal ang ginawa kong paglakad noong una. Nagdududa kasi ako na hindi niya susundin ang pakiusap ko. Mahigpit kasing paalala ni Mama na bantayan akong mabuti, at huwag akong iwanan mag-isa.
Nang masiguro ko na hindi siya sumunod, mabilis akong naglakad. Tiyak ang direksiyon patungo sa malaki, at matayog na tarangkahan ng Unibersidad. Bawat tapak ng aking mga paa ay pawang hindi nakadiin sa lupa. Kung pwede lang na lumipad papunta sa kinaroroonan ng aking pakay, kanina ko pa sana ginawa.
Nasa bukana palang ako ay nakita ko na ang puwesto na may paninda na pagkaing pangkalye. Kaagad na bumalatay sa aking mapupulang labi ang isang masayang ngiti, pero kaagad din iyon napawi.
"Magandang hapon po, Manong," bati ko sa tindero na abala sa pagpiprito ng mga paninda nito'ng fisbol, at tempura.
Nagtama ang paningin namin nang humarap ito sa'kin. Mababakas sa mukha nito ang pagkaaliwalas nang makita niya ako. Nakakunot kasi ang kilay nito habang nagpiprito kanina. Tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na mukhang masama ang timpla nito ngayong araw.
"Oh Amira! Napadaan ka?"
Ngumiti ako sa kanya ng tipid bago sumagot," Oho e. Namis ko kasi kayo, at itong paninda niyo."
"Naku! Ikaw talagang bata ka. Aba kung gano'n, ikaw ba ay bibili nitong paninda ko?"
"Opo, Manong."
"Aba'y matutuwa ako kung gano'n, hija. Siya, ilan ba ang sa iyo?"
"Limang fisbol po tapos lima na rin po sa tempura."
"O sige, mag-antay ka nalang sandali. Uunahin ko muna itong naiprito ko na. Inaantay na nila Bossing e," pahayag nito. Tumango ako sa kanya.
Matapos magsalitan ng diskusyon, abala ulit si Manong Tindero sa pagpiprito ng paninda nito. Kagaya kanina, balik na naman ito sa pagbusangot. Liningon ko ang dalawang kostumer na masayang nakukuwentuhan, nang masiguro ko na walang problema ay nagsalita ako.
"Kamusta na po kayo, Manong? Nitong mga nakaraang araw, hindi ko po nakita na nagtitinda kayo rito ah?"
Saglit na sumulyap sa akin si Manong." Ok lang naman, hija. May kunting aberya lang," tipid na tugon nito sa akin.
"Gano'n po ba," maikli kong sagot, at pinagmamasdan si Manong sa ginawa nito.
"Oo."
Hindi na ako nagbukas ng panibagong paksa. Napaghalataan ko kasi na tipid lamang sumagot ang may edad na Ginoo ngayon. Bagay na ginagawa lamang nito kapag problemado siya at wala ito sa hulog.
Matiyagang nag-aabang ako sa aking pagkain. Mahigit limang minuto ang ginawa kong paghihintay. May sira pala ang gas istob ni Manong na gamit at ngayo'y nagloko.
Mayamaya pa ay binigay na ni Manong ang inorder ko. Takam na takam na pinagmamasdan ko hawak na karton na may lamang fisbol, at tempora. Napangiti ako ng binudbuhran ko ng sauce ang hawak ko na karton.
Naglalakbay ang aking paningin habang ngumunguya ng pagkain. Gawain ko na iyon para aliwin ang sarili kapag napagpasiyahan kong kumain ng pagkaing pangkalye. Na naging dahilan ng pag-usbong ng pagkakaibigan sa'min dalawa ni Manong Tindero. Minsan kasi, roon kami tumatambay ni Eliza, at nakikipag-usay kay Manong. Isa kami sa mga suki niya pero ngayon lang ako kumain dito na walang kasama.
Abala pa rin ako sa paglibot ng tingin, nang bigla ay napako ang atensiyon ko sa tatlong estrangherong lalaki na nasa kabilang kalsada. Mataman ko silang pinagmamasdan. Nakakalusaw ang mga tingin nila, at nakakakilabot. Bigla ay nakaramdam ako ay kaba, at nalunok ko ang kinain na fisbol na walang nguya.
Tumunog ang aking selpon kaya naputol ang ginawa kong pagtitig. Napabaling ang atensiyon ko sa bag na nakasabit sa likod ko. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat iskren ng selpon. Kaagad ko ito'ng sinagot.
"Where are you, Creana?" Eliza angrily asked me as her introductory.
"Nasa labas ng Kampus. Nandito ako kay Manong."
"Fudge!" bulyaw niya sa akin, at pinutol ang linya.
Napangiwi ako sa inaasta ng pinsan ko. Siguro, nagalit ito dahil umalis ako, at hindi ko siya isinama. Isinilid ko sa bag ang aparato. Gano'n nalang ang gulat ko nang nasa harapan ko na ang tatlong lalaki.
'Ang bilis naman ata nila?' Nagtataka'ng tanong ko sa aking isipan. 'Ni hindi ko man lang sila nakita na tumawid sa kalsada'
Ang naputol na pagtitigan kanina ay naipapagtuloy. Bigla ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig sa tatlong pares ng mga mata. Palipat-lipat ang ginawa kong pagmamasid sa kanila. Lahat ng kanilang mga mata ay walang emosyon. Ang kanilang mga panga ay pawang nangangalit. Gumagalaw ito ng pakanan, at pakaliwa.
"Amira!" Pagtawag ng boses babae sa pangalan ko, na siyang dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nabungaran ko si Eliza, tumatakbo papalapit sa akin.
"Buwesit ka. Sa susunod na umalis ka na hindi ako kasama, malilintikan ka na talaga sa akin," panenermon niya sa akin na nakasalubong ang kilay.
"Oo na, oo na. Tumahimik ka na."
Nilatandakan ko ulit ang hawak ko na pagkain. Ninanamnam ang anghang halu-halong lasa dulot ng sarsa. Napansin ko na hindi umimik ang kasama ko na nasa aking gilid.
"May problema ba?" Inosente kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot, kaya sinundan ko ng tingin kong saan siya natulala. Sa hindi inaasahan, nagulat ako sa aking nakita. Ang kaninang kasagupa ko sa pagtitigan kanina, may dumagdagdag.
Si Eliza, nakipagsukatan ng tingin sa tatlong estranghero.
At ang tatlong pares na mga mata, napalitan ng kulay pula.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro