Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 02

Dedicated to: Miss_Jedinima

Rarca

  Alas nuwebe na nang umaga at nandito ako sa aming hardin. Nasa kanang bahagi ito ng aming bahay matatagpuan. Madalas ako tumatambay rito dahil presko ang hangin. Kahit katirikan man ng araw ay hindi ako nakaramdam ng init. Sa halip, napakagaan ng aking pakiramdam na nakaupo at sumisilong sa ilalim ng puno.

Iba't-ibang uri ng rosas ang nakatanim dito sa ilalim ng puno. Ito ang pinagkaabalahan ng aking Ina kapag wala siyang magawa.

May nakapalibot na bakod sa puno upang mapanatili ang kagandahan ng mga bulaklak. May kalakihan din ang sakop ng bakod at may maliit na pintuan sa kaliwang bahagi ng puno. Sinadya ni Ina na dito itanim ang mga rosas sapagkat may pagkasensitibo sa sikat ng araw ang ilan sa mga ito.

Pinagmasdan ko ang siyudad. Natatanaw ko ito dahil nasa mataas na lugar nakatirik ang aming bahay. Naglalakbay ang aking diwa habang nakatanaw sa nagtataasang gusali ng siyudad.

Naging panauhin sa aking isipan ang napaginipan ko kaninang madaling araw. Hindi ko man maalala ang ibang parte ng panaginip, hindi pa rin sapat ang dahilan na iyon upang mawaglit sa aking isipan.

Hirap ako'ng bumalik sa pagtulog. Hindi ko man iyon inisip, pero malaki ang naging epekto no'n sa akin. Nakatulog nga ako pero alas kuwatro na nang madaling araw. Hindi ako nakapasok dahil matagal akong nakabangon.

Nabulabog ang aking pamamahinga nang may umupo sa aking tabi. Nabungaran ko si Ina na nakatitig sa akin. Pawang inoobserbahan ako nito sa paraan ng kanyang pagtitig.

"Bakit hindi ka pumasok, Anak?" Tanong ni Ina sa akin na masuyong hinaplos ang aking kayumanggi, at mabuhaghag na buhok.

Tipid ako'ng ngumiti sa kanya bago sumagot," matagal ako'ng nagising, Mama."

"Is it because of your dream last night?" Nagdududang tanong nito sa akin. "Sinabi sa akin ni Eliza kanina na binabangungot ka raw."

Marahan ako'ng tumango sa kanya, at iniwas ang tingin. "H'wag niyo na po'ng isipin iyon, Ina. Wala lang naman po iyon sa akin," pagsisinungaling ko rito.

Napabuntonghininga ito sa naging sagot ko. Tinigilan na rin nito'ng haplusin ang aking buhok. "Papasok ka ba mamaya?"

"Opo," magalang na tugon ko sa kanya pero hindi ako lumingon.

"Halika nga rito," utos niya sa akin at iginiya ang aking ulo papunta sa magkadikit nitong mga hita. Nakuha ko ang kanyang gusto kaya inabala ko ang aking sarili sa paghiga ng maayos. Ginawa kong unan ang magpares nito'ng mga hita, at humarap ulit sa mga matatayog na gusali ng siyudad.

"Dati, noong bata ka pa, hindi ka nakakatulog kapag hindi ko hinahaplos ang iyong buhok," pahayag nito sa akin na inaalala ang nakaraan. "Pero ngayon, nakakatulog ka na ng mahimbing nang wala ang aking tulong. Ni ultimo'ng mga haka-haka mo ay ayaw mo ng sabihin sa akin."

Humarap ako sa kanya,
"Ina naman, nagtatampo kana
sa akin niyan?"

Ngumiti ito ng magkahulugan bago nagsalita, "oo, at hindi ang aking sagot, Anak."

Napakunot ang aking noo. Ano'ng klaseng sagot naman iyon.

"Napapansin ko lang kasi sa iyo, Anak. Ilap ka na rin sa amin maging sa mga pinsan mo. Pati sa mga malalapit na kaibigan natin, ayaw mo'ng makipag-usap sa kanila."

Hindi ako sumagot. Nanatili ako'ng tahimik na nakatingin sa magandang mukha ni Ina. Nakagat ko ang aking labi ng makaramdam ako ng pagkakasala.

Aaminin kung tama si Ina sa parte'ng iyon, ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay nararapat. Ayaw ko'ng ibuka ang aking bibig kapag nakikipag-usap sa ibang tao. Maliban nalang sa kung kinakailangan. Pakiramdam ko kasi, kahit ano'ng sabihin ko ay hindi tama para sa pandinig nila.

"Minsan, Anak, hindi masamang ilabas ang ating mga saloobin," untag ni Ina.

Kagaya kanina, hindi ako tumugon sa pahayag nito. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Ina. Hinahaplos-haplos nito ang aking buhok, habang ako naman ay humarap ulit sa kaliwa upang mapagmasdan ulit ang matatayog na mga gusali. Naudlot lamang iyon nang maramdaman ko na umangat ang aking ulo. Napalingon ako kay Ina.

"Papasok na ako sa loob, Amira. Sabay na tayo aalis mamaya. Ako na ang maghahatid sa'yo."

"Papasok ka mamaya sa trabaho, Ina?" Tanong ko.

Tumango ito ng marahan sa'kin, at tumayo. Pinagpagan nito ang suot na pantalon bago magsalita, "maiwan na kita rito."

Pinagmasdan ko siya na naglalakad papunta sa aming bahay. Binawi ko lang ang aking tingin nang makapasok na ito sa loob. Napabuntonghininga ako.

Ngunit nabitin ito sa ere nang makarinig ako ng isang ingay. Palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang pinagmulan nito. Nang biglang may tumalon sa gitna ng aking hita. Napatayo ako sa gulat dahil dito. Parang tinambol ang aking dibdib dahil sa ginawa nito'ng panggulat sa'kin.

"Shit! akala ko kung ano,"saad ko at yinakap ang aking sarili.

Napatitig ako sa nilalang na kanina ay nilundagan ako. Napakalinis nitong tignan. Napakaputi ng balahibo nito.

Prente ito'ng nakaupo at nakatitig sa akin. Bahagya pang nakatabingi ang ulo nito, at nilabas ang kanyang dila pangmadalian. Isang paraan ng mga kauri nito kung paano tumitig. Ngunit mas may nakakaagaw-pansin dito kung ito ay titigan.

Dahan-dahan ako'ng lumapit sa kanya upang makatiyak sa aking nakikita. Ipinikit ko ang aking mata nang makaluhod ako. Nang ako'y dumilat ay wala pa rin'g nagbago.

"Totoo ba'tong nakikita ko?" Tanong ko sa aking sarili.

Kulay bughaw ang pares ng mata nito. Sa gitna ng mata nito ay may hugis bituin. Sa loob ng bituin ay may paliit na paliit na bilog. Kulay itim ang guhit na ito.

Nakakalunod kung ito ay pagmasdan. Nakuha nito ang aking atensiyon kaya napaupo ulit ako. Puno ng paghangang napatitig ako sa pusa.

Sinubukan ko itong tawagin, nagbabasakaling susunod ito sa akin. Ano'ng galak ko nang bigla ito'ng sumagot sa akin.

"Meow!" sagot nito at lumapit. Mas lalong lumapad ang ang ngiti ko nang humiga ito sa aking hita. Nagdagdagan pa iyon ng hindi ito nagulat na sinubukan kong haplusin ang kanyang balahibo.

"Kakaiba kang pusa ka. Hindi pangkaraniwan ang mata mo," sambit ko rito, at napa-iling. "Kailan pa ako naging baliw? Kahit pusa ay kinakausap ko."

"Meow!" Sagot nito.

Napatawa ako sa naging reaksyon nito. Napalakas pa iyon nang makaramdam ako ng kiliti. Dinidilaan kasi nito ang aking kanang kamay. Nakakadiri sa paningin ng ibang tao ngunit hindi ko makuhang mandiri. Natutuwa pa ako sa ginawa nito. Nabasa ko kasi sa Google na kapag dinilaan ng pusa ang kauri nito o ang nag-alaga rito ay nagpapahayag ito ng aruga, at pagkagusto.

"Teka, naligaw ka ba? Kung totoo man ang aking hinali, kukupkupin nalang kita. Hindi naman kita pababayaan," untag ko rito na may bahid na ngiti sa aking labi habang hinaplos-haplos ang kanyang balahibo.

"Mukhang nagustuhan mo ang ginawa ko," usal ko habang patuloy na hinimas ang kanyang balahibo.

"Simula ngayon, tatawagin na kitang Rarca," pahayag ko sa kanya na may nakasupil na ngiti sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro