tumango na kasi
ang hirap kapag love ang usapan
talagang nakakabobo, talo kahit walang kalaban
sa mga salita at pagsinta, nangangapa ng kasagutan
dapat pa bang ipagpatuloy kahit ang puso'y walang katiyakan?
ang pagsuko ng dalawang puso ay kakayanin nga ba?
kung sa bawat pagtatagpo ng mga mata ay pagkabuo ng tuwina
na tila siya ang araw ng mga rosas ngunit isa lamang akong ligaw na damo
hindi kaaya-aya, naghahanap nang pagsamo.
pero tama na ang sa pangalan niya'y pagpapabango
dumito ako upang sana'y makakuha ng lakas upang tumango
sa kaniyang tanong na: "huwag na natin itong ituloy, ano?"
written this one while waiting for my lola to have her hair fixed in a parlor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro