tsaka na yung tono
isang maikling kanta para sa kaibigang
hindi magawang kaibiganin ng makata
gusto kitang kausapin
gusto kitang tanungin
"ano ba ang iyong kwento?"
gusto ko lang marinig
gusto kitang kamustahin
gusto kitang yakapin
"napakatapang mo,"
gusto ko lang iparating
ngunit ano ba ito
ano ba ang hangarin?
ano ba ito
bakit gustong sabihin
na nandito lang ako
at kayang ayusin?
ano ba ito
bakit handa akong suungin
ang dagat ng pagkakamali
at ang gubat ng pighati?
ano ba ito
bakit gustong sagipin
sa sariling kadiliman
at malungkot na nakaraan?
ano ba ito
bakit gustong gusto kitang maging. . .
. . . maging kaibigan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro