sumasabog na ulo
parang lobo, sobra na ang hangin
o baso, umaaapaw na sa dami
bumitaw man o magpatuloy sa paghawak
sa huli ako pa rin ang talo
kahit anong piliin, hindi pa rin lalaya
mga walangya
hindi ako handa
teka, kailan ba ako naging handa?
isa kasing patak ng tubig
walang magawa kundi makibagay
sa agos ng mga alon
umayaw man
sa lakas ng kumpas,
walang makakarinig sa sumamo.
[022522]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro