sana hindi na failed 'to
tamang tao, maling segundo
maaaring ikaguho ng mundo
kung sa kaling isa na namang kabiguan
sapagkat mapait na karanasan
ay hinihiling na maiwasan.
tamang salita, maling minuto
maaaring ikabuo ng pagsuyo
hindi man nilinaw, alam ang kasunduan
sapagkat sa mga tinginan
kita na ang tunay na nararamdaman.
tamang panahon, maling tao
sawa nang sambitin ng bigo
labis na umaasa na matupad ang kahilingan
sapagkat susuko na sa kasinungalingan
at aamining nakuha na ang kalooban.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro