saktan mo 'ko
sana may dumating
para sirain ako
tao, ayoko ng sitwasyon
tao para naman makaramdam ulit
mga pantaong pakiramdam kasi
nakalimutan na yata
puro kasi sitwasyon
hindi ko naman kayang maghiganti
kung sitwasyon ang kalaban
kapag tao, pwede pa
kaya sana may dumating
tapos dapat sasaktan niya ako
para sa sobrang galit ko
magagawa ko ulit bumangon
at makita 'yung halaga ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro