pass muna
kung kaya't oo,
tula ang ginawang
sandigan
umaasang liliparin
patungo
sa iyong tahanan
umaasang magbibigay
ng kaliwanagan
sa buhay na sinasabi
mong puno ng
kalungkutan.
ngunit pasensya
mukhang hindi nakikisama
ang aking sarili
sa akin
mukhang ayaw muna niya
ng kahit na ano
sa ngayon
tuloy-tuloy na kasi
ang isiping
huwag nang ipagpatuloy
ang paggising
tuwing umaga
kaya ngayon
pasensya muna
mas kailangan ata
ako ng aking
sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro