paminsan lang naman
paminsan lang sipagin
ang mga letra'y pagtugmain
ang nakakahilong damdamin, napakahirap intindihin
paano pa kaya kung ilalagay na sa isang sulatin
paminsan hindi naman talaga ako malungkot
gutom lang kaya nakabusangot
hindi ko rin alam kung bakit buraot
eh ang katawan nama'y kakarampot
paminsan hindi ko na rin alam ang patutunguhan
dapat pa bang magpatuloy para sa kinabukasan?
ang hirap lang kasing makaranas ng kasiyahan
kung alam mong ang susunod nito ay katarantaduhan
paminsan lang sipagin
ang pagmamahal sa sarili ang hirap gawin
pwede bang ako nalang ay maging isang bituin?
para naman maranasan ko ang gawian ng manghang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro