paasa ka, buhay
bumawi ang tanga
pinasaya sa umaga
pinakanta sa tanghalian
habang nagkekwentuhan
bumawi ang tanga
nabawasan ang bara
paghinga'y umayos na
liwanag kasi'y nakita
bumawi ang tanga
sunod-sunod ang tawa
labi ay hindi na matikom pa
katuwaa'y nasa langit na
bumawi ang tanga
hanggang hapo'y masigla
mamayang gabi kaya
ako'y makakahinga na?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro