lahat nagtatapos, hangal
pabalik, humakbang ng isang milya
at napagtantong nakausad na pala
hindi naman sa ayaw nang kitain si gwapong bungo
may mga oras pa rin kasing nakikipagkita sa kaniya
ngunit malimit na lang ngayon.
napakagulo pala, isa pa ba itong akda?
ni ang iba ay sobra na ang lala
hindi maintindihan,
siguro kasi ay naagusan na ng luha
o baka natural na para sa isang nilalang
na bumabangon sa walang isang ihip ng hangin;
paiba-iba, walang eksaktong direksyon.
halos dalawang taon na pala
simula nang nagsimulang sumuko
ngunit tinupad niya man ito
tinutupad niya man ang panalangin kong
sumama na sa kaniya
sa huli, nakikita ko ang sariling nagpapaiwan.
"tsaka na. tsaka na ako sasama.
bukas nalang, kahit sobrang hirap na.
wag muna ngayon, baka may himala pa."
kabaligtaran noon na bawat gabi ay naghihintay na lang sa kaniya
na baka sa susunod na gabi ay kunin na
ngayon, kahit papaano, gusto nang masilayan ang araw
o kahit sabayan ang ulan sa kaniyang himig at galaw
dahil hindi kagaya noon, natuto na akong makipaglaro
—hindi na ako ang nilalaro.
at ngayon, sa isang sulok makikita ang pagkakaisa nila gwapong bungo,
buhay, at makata hanggang sa walang...
... katapusan.
[012722]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro