kumaway nalang para di masakit
hindi mo responsibilidad
matutong man sa kabibilad
hindi makita ang abilidad
kahahanap, sa'yo napadpad.
hindi mo kailangan
bilangin ang hangganan
presensya ko'y haharangan
ika'y aking hinahangaan.
hindi mo kasalanan
ginawa kang kasiyahan
panakip, ayaw tanglawan
ipagpatuloy ang kaarawan.
huwag na akong lingonin
luha lang ang 'yong mapapansin
sige, lakad ng matulin
malungkot man, ika'y panonoorin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro