ito na naman siya
nablanko ang papel na nais sanang paglabasan ng sama ng loob nang walang ibang iniisip kundi ang makahinga. ngunit pumalya. ang inaakalang kalayaan ang siya pang dumagdag sa kalungkutang papatay sa akin kinabukasan. o baka mamayang kinagabihan. hindi ko rin malalaman sapagkat ang epekto ng dalawang salitang "mahal kita" ay hindi na kagaya ng dati. nadungisan na ito dahil sa paulit-ulit na pagkakamali.
nais sanang humingi ng tulong. kahit daliri lang ay kakapit na parang buhay ko ito dahil tama naman. nais sanang mapag-isa ngunit hindi maipagkakaila na oo, kailangan niya ng sandigan. ngunit ang nakalulungkot ay kahit yata may kumaway ay wala pa ring maidudulot dahil mukhang huli na ata.
bangkay na nga pala siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro