ganito ba 'yun, nene?
'tila ibang katauhan
sa tuwing siya'y kaharap
na para bang kumukulot
ang tuwid na linya sa labi
at ang pagtingin sa buhay
ay nagkukulay bahag-hari
nene, ganito ba?
ganito ba ang tinatawag nilang
... tutang pag-ibig?
na kahit wasak na ang umaga
at ang mga langit ay nagwawala na
makita lamang ang kaniyang anino
kusang nabubura ang mga itim at asul
at napapalitan ng dilaw at pula.
nene, ganito ba?
ganito ba ang tinatawag nilang
... tutang pag-ibig?
kung ganon na nga;
kadiri pala.
pasensya. masayang mahulog pero may parte pa ring "yikes" sa akin haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro