bumangon ka na
kagabi lang iniisip
nalayo na nga ba kami?
tila tinanggalan ng mga salita
para kami'y magkaugnay
kanina lang iniisip
may dumating na kagaya niya
siguro ay tama lang ito, hindi ba?
puso ko mismo ang sumalungat dito.
ngayon ngayon lamang
tayo muli'y nagkabungguan
ako'y nagulantang
dahil ito ang unang pagkakataon
na ikaw ang unang naglahad
ng kamay para ako'y makabangon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro