Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

[Note: The relevant characters are purely fictitious based on some historical event and figures. It is certainly not historically accurate.]

Wala akong nagawa ng tuluyan na akong hinila ni Yana palayo sa gitna ng nagkukumpulang tao. Nanghihina man ay sinubukan kong sabayan ang bilis ng takbo ni Yana. Ngunit isang nakakabinging tunog ang nagpatigil sa akin kaya napasubsob ako sa mabatong daan.

Naramdaman ko ang paglapit ni Yana pero wala sa sariling naitulak ko siya sabay ng pagdilim ng paligid ko. Nabalik ako sa ulirat nang naramdaman kong isang magaspang at malaking kamay ang humawak sa braso ko.

"Papa, maawa ka kay Ate Malia! Tama na!"

Napatingin ako kay Yana na luhaan. Anong nangyari? Inilibot ko ang aking paningin at lalong napakunot ang noo sa pamilyar na scenario.

Anong ginagawa namin dito? Mariin akong napapikit nang maramdaman muli ang isang matalas na pagsakit sa kaliwang bahagi ng aking ulo.

"Rafael," wala sa sarili kong sambit sabay hawak sa kamay ng lalaki sa aking harapan bago muli mandilim ang aking mundo.

***

IMINULAT ko ang aking mata at nakita ko muli ang isang pamilyar na pigura ng isang babae na nakikipagtalo sa isang matikas na matandang babae na nakasuot ng elegante ngunit simpleng Maria Clara. Pilit kinukuha ng matanda ang isang kahon na hawak ng babae na puno ng liham.

"Leonor, itigil mo na 'to," ani ng babaeng matanda, "sa ayaw o sa gusto mo ay ikakasal kayo ni Henry."

"Paano mo nagawang suholan ang mga kartero upang hindi ipadala ang mga liham ni Rafael sa akin?" umiiyak na sumbat ni Leonor. "Saksi ka ng pagmamahalan namin, Ina, dapat naiintindihan mo ako, dapat nasa akin ang suporta mo. Mahal namin ang isa't isa."

"Ginagawa ko 'to para sa ikabubuti mo, alam ko na ang totoong pagkatao ng lalaking tinatawag mong Rafael. Hindi niya pa rin ba inaamin sa 'yo?" frustrated na paliwanag ng matanda.

Tinitigan ko si Leonor, ngayon ay nakaklaro ko na ang kanyang mukha. Hindi na ito malabo at 'di ko maiwasang mamangha sa kanyang angking maladiwatang ganda.

Hanggang beywang ang kanyang itim na malambot, at kulot na buhok, makinis din ang kanyang kayumangging balat, at higit sa lahat ay ang kanyang malalim na dimples ang nakakaagaw pansin.

"Nangako siyang magbabalik siya rito, hindi mo ako maaaring ipagkasundo sa iba. Inaayos niya lamang ang problema ng pamilya nila pero babalik siya, Ina," tugon ni Leonor bago tumalikod.

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga matang mala-almendras. Punong puno ng emosyon na tila kahit ikaw na tinitingnan lamang siya ay masasaktan.

"Siya ang sumulat sa Noli Me Tangere at alam mong nailalagay sa piligro at ilalim ng pagsisiyasat ang sino mang malapit sa nagsulat nito." Hinawakan ng matandang babae ang balikat ni Leonor. "Nang magbalik ang kanyang alaala sinabi ba niya sa 'yo ang kanyang totoong pagkatao? O ang kanyang pangalan man lang?"

Naestatwa sa kanyang kinatatayuan si Leonor. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao bago huminga ng malalim. Wala akong makitang emosyon sa kanyang inosenteng mukha.

"Wala akong pakialam sa kanyang nakaraan o kung aling pamilya siya kabilang, Ina. Mahal ko siya at mahal niya ako, 'yon ang mahalaga," matigas na tugon ni Leonor.

"José Rizal, 'yan ang totoong katauhan ng lalaking tinatawag mong Rafael."

Paulit ulit na umiling si Leonor at 'di makapaniwalang lumingon sa kanyang nanay. Inabutan naman ng isang maliit na papel ng matandang babae si Leonor.

"Sinasabi mo bang si Rafael ay ang bagong kasal sa pamilya ng mga Rizal? Si José na nagtungo sa ibang bansa? Matagal ko nang ibinaom sa limot ang pag-ibig ko sa kanya, aalam mo 'yann, Ina. Kailangan mo bang humantong sa kasinungalingan para lamang hadlangan ang bsgo kong pag-ibig, Ina?" mapaklang turan ni Leonor.

"Sinasabi ko lang sa 'yo ang katotohanan, Leonor. Ang tanging hiling ko lamang ay ang masiguro ang kaligtasan mo. Pero kung ito lamang ang paraaan para magising ka sa katotohanan ay ipapahatid kita sa Tiyo Felipe mo. Hahayaan kitang puntahan siya ngayon pero ito na ang una at huling pagkakakataong papayag ako Leonor."

Pagkarinig niya sa tinugon ng kanyang ina ay agad lumabas sa kanilang mansyon si Leonor at sumakay sa kalesang nag-aabang sa labas. Para akong nanonood ng isa pelikula sa TV at si Leonor ang karakter na aking pinapanood.

The next thing I knew Leonor was standing in front of a two-story building, rectangular in shape. Gawa sa adobe stones ang ibabang portion ng bahay at sa kahoy naman ang ikalawang palapag, at ang bubong ay gawa sa pulang tiles. Hawak hawak pa rin ni Leonor ang isang sobre sa kanyang kamay.

"Hindi ako naniniwalang hindi mo tutuparin ang pangako mo, Rafael. Hindi ikaw si José na bigla na lamang hindi nagoaramdam sa akin. Magkaiba kayo. Sigurado akong plano lang lahat ito ni Ina para paghiwalayin tayo. Hindi kita pinagdududahan pero gusto ko lang makasiguro," mahina niyang sambit sa sarili bago siya sumunod sa isang katulong upang makapasok.

Ginabayan siya ng katulong patungo sa sala ng mansyon. Inilibot ko ang paningin at namangha sa mga bintana nilang gawa sa kapis. Napaka lawak rin ng sala nila, umupo si Leonor sa isang magarang kahoy na sopa. Nakita ko ang kaba sa mata ni Leonor habang kinakalikot ang mga daliri niya.

"Don José, Doña Josephina mayroon po kayong bisita," magalang na pagtawag ng kasambahay nila.

Nakangiting lumabas sa isang silid ang isang lalaki at babaeng buntis na magkahawak kamay. Pinagmasdan ko ang malalaking butil na luha ang bumagsak sa mga mata ni Leonor at ang paglaho ng ngiti sa labi ng lalaking tinawag nilang José.

"L-Leonor?" gulat na sambit ng lalaki.

Napatayo si Leonor sa kinauupuan at nabitawan ang hawak na liham. Ilang beses siyang kumurap na tila umaasang isang malaking bangungot ang nasaksihan, at 'di makapaniwalang napaupo sa sahig na tila nanghina ang tuhod sa nakita.

***

Napasinghap ako ng bigla akong nagising. Panaginip... Sino sila?

Pinakiramdaman ko ang paligid ko, nakahiga ako sa isang hindi pamilyar na malambot na kama. As far as I can remember I've been living in a wooden bed my whole life, nasaan ako? Napahawak ako sa mukha ko ng mapagtantong may luha sa aking pisngi, agad akong bumangon at pinunasan ito.

Isang mahabang panaginip o isa ba iyong alaala ng babaeng nagngangalang Leonor? Ito ang unang beses na naranasan ko 'to, kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng ganitong pangitain.

"Ate!" Bigla akong sinalubong ni Yana ng yakap. "Sabi ko naman kasi sa 'yong tumakas na tayo pero ayaw mo makinig sa akin, pangako 'yon na ang huling beses na masasaktan ka pa ulit ni Pap-"

"Ayos lang ako, Yana." Pagputol ko sa mahaba niyang lintanya. "Nasaan ba tayo?"

Inilibot ko muli ang aking paningin at nasa isang hindi pamilyar na silid nga kami. Maliit lamang ang silid at tanging itong double deck lamang na aking kinahihigaan ang laman ng kwarto.

Nakita ko din ang mga maletang dala ni Yana sa may paanan ng higaan. May narinig kaming tumikhim kaya sabay kaming napalingon ni Yana. Mabilis na tumayo si Yana at lumapit sa lalaking kakapasok pa lamang sa silid. Ang lalaki sa aking pangitain, si Rafael.

"Maraming salamat po sa pagtulong sa amin at sa paghatid na rin dito, nakakahiya na po talaga sa inyo Sir," magalang na pasasalamat ni Yana.

†No need to be formal, call me Chase, and please know that you're safe with me. Don't hesitate to tell me anything you need. I won't let anyone hurt you both again." Nakangiting sambit nito.

"Naku po, kung sa tutuusin ay marami na po kayong naitulong sa amin at hindi na namin alam kung paano kayo susuklian," sagot ni Yana habang nakangiti.

Naramdaman ko ang pag-lundag ng puso ko habang pinapanood siyang kausapin si Yana. Kamukhang kamukha niya ang lalaki sa aking pangitain... si Rafael. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kaniya, ramdam ko na sa una at ngayong pagkikita namin ay may kakaiba.

It's like we are tied in an invisible thread. Hindi ko siya kilala, ni pangalan niya ay 'di ko alam pero may parte sa akin na parang matagal ko na s'yang nakilala dahil ba 'yon sa pangitain ko? Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ko nabasa ang alaala ni Leonor. Dapat alaala ni Rafael ang nakita ko dahil siya ang kaharap ko.

"By the way, I've been meaning to ask." Lumingon siya sa akin at tinitigan ako. "That night, bakit ka bumalik? It was your chance to escape and you've been calling me Rafael. Do I look like your ex or something?"

Halata sa tono ng pag-tanong niya ang bahid ng pang-aasar.

"Never pa po nagkajowa si Ate Lia, mailap nga 'yan sa tao. Kung sa totoo nga lang OTP ko na kayo ni Ate Lia eh 'yon ay kung 'di ka pa taken Kuya pero syempre joke lang," pagsingit ni Yana, sabay kindat. "Pero sino nga ba si Raffy? Rafael? Ah, basta sino ba 'yon?"

Here goes Yana and her nonsense again. Madali lang kay Yana ang pakikipagkaibigan kaya 'di na ako magtataka na informal na ang pakikipag-usap niya sa lalaking 'to. Sandali akong napaisip sa tanong nila.

Bumalik ako noong gabing 'yon? Bakit wala akong maalala? May kinalaman ba ito sa sumpa niya? May kinalaman ba 'to sa nakita kong alaala?

Maraming kakaibang nangyari sa kakayahan ko simula ng magdampi ang balat namin. Why does he sound like a trouble? Hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabi sa aking isipang dapat 'di magtagpo ang aming landas.

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa 'yong mamamatay ka oras na umibig ka?"

Pareho napatigil si Yana at 'yong lalaki. Kung totoo ang pangitain ko, kung totoong isinumpa s'ya ni Leonor ay darating ang oras na pag magmahal siya ay maaaring mamatay siya kung muling mapapako ang pangakong pag-ibig.

Aand this nagging feeling, why do I have this strange feeling that he will be the answer to my question?

Was Leonor also reincarnated in this life? Muli bang magtatagpo ang landas nila? Dapat bang magtagpo ang kanilang landas?

"Are you trying to put a curse on me?" manghang tanong niya. "Well, that's an interesting way to get my attention."

Mahina siyang napatawa at mangha pa ring nakatingin sa akin. Lumapit si Yana at palihim na kinurot ako sa tagiliran. Mahina akong napadaing saka sinaman siya ng tingin.

"Ate Lia naman eh. Ano ba," bulong niya.

Hindi ko siya pinansin at nakipagtitigan sa lalaki na tumulong sa amin. The somber look in his eyes sent chills down my spine. May kakaiba sa mga mata niya, itago niya sa man mapaglaro niyang ngiti ay bakas dito ang lungkot.

For the first time after that incident. I want to do something. Gusto kong kalabanin ang tadhana. I want to change his fate, I want to help him, I want to save him. Napahawak na lamang ako sa ulo ko, ano ba 'tong iniisip ko?

"That's a weird way to say thank you to your savior, strange woman." Malakas niyang tawa.

"Hindi na kita kailangan isumpa kasi matagal ka ng isinumpa," seryoso kong sagot.

Hindi niya ako sinagot at tanging malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin. Ipinatong niya sa isang bilogang lamesa ang dala niyang plastic bag bago lumingon muli sa akin.

"I know." Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. "It's taking longer than I expected. I should've died two years ago too... along with her. That's how it always ends."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong ibig nyang sabihin? Bakit parang nasasaktan din ako? I mentally slapped myself. No, I'm feeling this way kasi tinulungan niya kami ni Yana, oo 'yon nga. Tinulungan niya kami. Utang na loob itong nararamdaman ko

"Bakit? Bakit ka naniniwala sa akin?" Hindi ko mapigilang itanong.

I'm just really surprised na naniwala siya sa sinabi ko. Ang inaasahan kong reaction ay katulad nalamang ng babaeng sumugod sa akin noong isang gabi.

"There's something in you that I can't explain but you're right, a Rodriguez can only love once at kung hindi ito magtatagal ng panghabang buhay ay buhay namin ang kapalit," paliwanag niya na nakatitig sa kawalan. "It's been going on for decades. We don't know how or when it happened. But I have no regrets. Loving Elena was the most beautiful thing that ever happened to me. Wala akong pinagsisihan. Dying loving her is not too bad either."

Elena... why does that name sound familiar? Pero ibig sabihin ba ay nagmahal na din sya? Anong nangyari sa babaeng tinutukoy niya? Anong nangyari kay Elena?

"Isinusumpa kong tulad ng iyong pinangako ay ako lamang ang una at huli mong iibigin. Kung sakaling hindi mo ito matupad ay buhay ang kapalit."

Parang kinurot ang puso ko ng maalala ko ang pangitain. Ibig sabihin ay kung sakaling muli siyang magmahal ay maaari siyang mamatay?

Teka...

Lia! Ano ba?! Ano bang iniisip mo? Ano naman ngayon kung 'di na siya pwede magmahal? Ano ba 'yon sa 'yo? Urgh, this is frustrating!

"I can already guess what you're thinking. I'm telling you to give up as early as now." Humugot siya ng malalim na hininga. "Stay away from me. That curse, it's meaningless I've been long dead since she left me. I admit you're interesting but I am not capable of loving anyone other than Elena anymore. I hope this is the last time we meet; I hope you two would live peacefully now. Away from the chaotic world, you two have been involved in. You can live normally now," patuloy niya bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro