Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

[A/N: Some following scene contains disturbing content that some readers may find offensive and/or traumatizing. May not be suited for sensitive readers. Discretion is advised.]

Napahilot ako sa aking sintido, anim na oras na akong sunod sunod na nakakakita ng pangitain ng iba’t ibang tao. Marami na akong nakasalamuha pero hindi nawala sa isip ko ang nauna kong kustomer. 

Pagod na pagod na ako pero dalawang oras nalang at magsasarado na ang perya. Konting tiis nalang, napadako ang aking tingin sa mga collections of scented candles ko. This really helps me calm down. Napansin kong wala nang apoy ang isa sa tatlong scented candle kaya agad kong kinuha ang lighter sa drawer, at sinindihan ito kaagad.

Sabay ng pagsindi ko ay ang pagpasok ng isang babaeng may itim na kulot na buhok na naka puting sando at maikling itim na shorts. Bakas sa kaniyang mukha ang galit. Napaatras ako ng mabilis siyang sumugod papalapit sa akin. Bago pa man ako makapag-react ay nagulat ako nang isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

Mariin akong napapikit nang isang pangitain ang sumakop sa aking isipin sa pagdampi ng aming balat...

Napalinga-linga ako sa paligid at natagpuan ang sarili ko sa gitna ng isang madilim na gubat. Tanging tunog lamang ng insekto ang aking naririnigNapadako ang aking paningin sa isang babaeng magulo ang buhok, may punit punit na damit, at maraming sugat sa katawan. 

Patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang singkit na mga mata, puno rin ng pasa ang kanyang mukha. Who would do such a horrible thing to her?! Nanlaki ang mata ko nang may biglang humablot sa buhok niya at nilapit ang hawak na patalim sa leeg ng babae.

Parang awa mo na. Pakawalan niyo na ako, hindi ba sapat ang paghihirap na naranasan ko sa inyong lahat?! Ninakaw niyo ang aking puri ng paulit-ulit.” Nanghihina siyang napasandal sa isang puno. “Pangako hindi ako magsusumbong. Gusto ko lang umuwi, gusto ko ng magpahinga. Gusto ko lang makita ang mga magulang ko. Ayoko na! Pagod na ako! Tama na!

Nakita ko ang pag-ukit ng nakakakilabot na ngiti ng lalaking may hawak sa kanya bago tumawa ng malakasNapakagat labi ako ng makita kung gaano pilit siyang ginahasa ng lalaki. Pilit pa rin nanlaban ang babae kaya hindi nagtagal ay sinuntok siya sa kanyang sikmura na naging dahilan upang mapaubo siya ng dugo. 

Nakita ko ang galak sa mata ng lalaki habang pinapanood siyang patuloy na umuubo ng dugo. Muli nitong inilabas ang maliit na patalim na nakatago sa kaniyang bulsaPinanood ko ang pagmamakaawa at pagsigaw ng babae ngunit wala, walang dumating na tulong.

Walang awang pinagsasaksak ng lalaki ang katawan ng babae. Matapos ay pinunasan niya ang mga dugo na tumalsik sa mukha niya saka pinunit na ng tuluyan ang damit ng babae gamit patalim niya.

Puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata na tinitigan ang hubo’t hubad na bangkay sa kanyang harapan. Nagulat ako ng sinimulan niyang tanggalin ang  sinturon niya.

Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko, pandidiri  sa kahayopang ginagawa ng lalaki sa kanya, at awa sa babae, sobra na ’to. Tama na! Ayokong makita ’to! Ilabas niyo ako rito! Bakot kailangan ko pa ’tong makita?!

Nabalik ako sa reyalidad at napatakip  sa bibig dahil parang gustong lumabas ng kinain kong pandesal at sumuka sa nasaksihan. Akala ko ay wala akong makikitang nakakatakot na pangitain ngayong araw pero nagkakamali ako. 

I really can’t let my guard down. Pinagmasdan ko ang babaeng sumampal sa akin, puno ng galit at luha ang kaniyang mala-tsokolateng singkit na mata. Nanlaki ang mata ko sa relayisisyon. Siya nga, siya nga ang babae sa pangitain ko.

You had a rough life before. You didn’t deserve that.

I can’t... hindi ko kayang magbulag-bulagan sa nasaksihan.

Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa aking isipan, basta ang alam ko ay hindi maaaaring magtagpo muli ang kanilang landas. Dali dali kong kinuha ang sketch pad ko at nagsimulang gumuhit. Please help me help her.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” galit niyang hasik at hinawakan ang magkabilang braso ko.

Agad kong iwinakli ang kanyang kamay at nagpatuloy sa pag-guguhit. Pilit kong inalala ang mukha ng lalaking pumatay sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan o saan pero ayoko pa ring maulit ang trahedyang nangyari sa nakaraang buhay niya kahit pa na hindi ko alam kung mababago ko nga ba. 

I know this is hopeless pero umaasa pa rin akong baka sakaling mabago ko nga ang kapalaran niya. Kahit ngayon lang, bigyan niyo ako ng pagkakataong mailigtas siya. Bigyan niyo ako ng rason na hindi kamuhian ang kakayahan kong ’to. Bigyan niyo ako ng rason na magpatuloy. Napatigil ako sa pagguguhit ng hilain niya ang aking lapis at itinapon sa sahig.

“Kung sino man ang lalaking kilala mo na may malaking peklat sa mukha, matangkad at singkit din ang mata ay layuan mo siya—”

Inabot ko ang sketch na aking iginuhit pero malakas niya akong itinulak saka sinipa ang upuan na nasa tabi ko. Walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay ko sabay hinila ng marahas papalabas ng tent at itinulak sa mabatong daan.

“You crazy wench! Pati ba naman ako isusumpa mo?! Hindi pa ba sapat na napahamak si Rosa dahil sa ’yo?!”

Naramdaman ko ang paghapdi ng aking tuhod at palad. Tiningnan ko ang aking kamay at nakita na may mga galos na ito. Mabilis na nagkukumpulan ang mga tao sa perya.

Sari’t saring bulungan ang aking naririnig na tila ba parang mga bubuyog, napalunok ako ng ilibot ang aking mata. Sumalubong ang mapanghusgang mga mata ng nanonood sa amin tila ba isang telenobela ang kanilang nakikita.

“Gusto ko lang malaman niyong lahat na ang babaeng ito ay isang salot! Siya ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ng kaibigan ko at ngayon ako naman ang isinusumpa niya!”

Nanginginig kong tinakpan ang aking tainga. Nagbabadyang tumulo ang mga luha sa aking mata. Ramdam ko ang malakas na pagtambol ng aking dibdib, masyadong madaming tao. Ayoko nito, ayoko.

“Mukhang may show ata ang perya ngayon.”

“Hindi ba’t sobra naman ’yan? Totoong sugat na ata ’yan eh.”

“Ang dami talagang pakulo ng peryang ’to.”

“Mag Facebook live ka! Masaya ’to!”

Napadaing ako sa sakit ng hablutin muli ng babaeng sumugod sa akin ang buhok ko.

“Hindi ’to isang palabas!” malakas niyang sigaw, nanginginig pa ang kanyang buong katawan sa galit. “Ang babaeng ’to ay hindi manghuhula, isa siyang mangkukulam! Kung hindi dahil sa sumpa niya ay hindi mag-aagaw buhay ang kaibigan ko ngayon sa hospital!”

Pilit akong nanlaban at kumawala sa kaniya. Ramdam ko ang lamig ng ihip ng hangin sa aking balat. Hindi ako sanay na lumalabas at mas lalo ng pinagkukumpulan ng tao. 

“Wala akong kakayahang isumpa ang kaibigan mo o kung sino man! Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko, wala akong kontrol sa kung ano man ang nakatadhana sa inyo,” pagtanggol ko sa sarili.

“Aba’t sumasagot ka pang hayop ka! Wala ka talagang konsensya!”

Muli niyang mahigpit na hinila ang buhok ko sabay marahas akong sinabunutan, at pinagsasampal. Natatakot ako, natatakot ako sa kung anong magagawa ko kung mawalan ako ng kontrol sa sarili ko.

Gusto kong lumayo, tumakbo sa isang lugar na walang tao, walang nakakakilala sa akin at sa aking kakayahan. Gusto ko ng umalis sa lugar na ’to. Napahiga na lamang ako sa mabatong daan sa pananakit niya sa akin. Sabay ng pag-upo niya sa aking tiyan ay ang isang pamilyar na tunog ng pito.

“Anong kagulohan ’to?!”

Nanigas ako sa takot nang marinig ko ang tinig ng lalaking pinaka kinatakutan ko—Tito Isme.

“Ikaw na naman?! Pang-ilan mo na ba ’to ngayong linggo?! Ito na nga lang ang silbe mo papalpak ka pa!” Ismid niya at matalim na tiningnan ako bago inilipat ang tingin sa kustomer na nag-wawala. “Ako na ang bahalang magparusa sa kanya, iha. Huwag mo na dumihan ang kamay mo sa isang tulad niya. Hayaan mo akong turuan ng leksyon ang walang utang na loob na ’yan.”

Naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa aking braso dahilan para ako ay mapaupo sa pagkakahiga. Hindi ko magawang itaas ang aking tingin sa takot. Naramdaman ko na lamang ang hapdi sa aking balat nang paghampas niya ng kaniyang latigo. 

Napakagat labi na lamang ako sa sakit sa bawat lapat ng latigo sa balat ko. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking labi. Hindi ako maaaring umiyak kung hindi ay mas lalong magagalit sa akin si Tito Isme.

“I just want to make sure. You are aware that what you are doing right now is a human rights violation, right?”

Napahinto si Tito Isme ng may isang baritonong boses ang umawat sa kanya mula sa nagkukumpulang manonood. Narinig ko naman ang masayang paghihiyawan ng manonood tila ba natutuwa, at may bagong karakter na pumasok sa nakakaaliw nilang pinapanood na programa.

“Huwag kang makialam, trabaho kong disiplinahin ang mga empleyado ko,” pasigaw na sagot ni Tito Isme sa lalaking humahawak sa pulso niya.

Nanlalabo na ang aking paningin at hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaking pumipigil kay Tito Isme. Natatakot ako sa p’wedeng gawin ni Tito Isme sa kanya.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Nagulat ako nang isang pangitain na naman ang biglang sumakop sa isip ko kaya agad akong napabitaw sa lalaking tumutulong sa akin. This is not the right time to be seeing visions...

Isinusumpa kong tulad ng iyong pinangako ay ako lamang ang una at huli mong iibigin. Kung sakaling hindi mo ito matupad ay buhay ang kapalit.

Nahanap ko ang sarili ko sa isang burol kasama ang isang babaeng na may katamtaman ang tangkad na suot ang simpleng puting baro’t saya

Malabo ang kanyang mukha, wala akong makita ngunit ramdam ko ang galit, sakit, at lungkot ng babae sa aking harapan. Nagulat ako ng bigla niyang saksakin ang sarili niya sa aking harapan.

Leonor!’’ Mangiyak iyak na sigaw ko patakbo sa kanya.

Leonor? Teka, hindi ko boses ’to, ah. Anong ibig sabihin nito? Wala akong kontrol sa katawan ko? Sinalo ko ang babae at nanginginig kamay na hinawakan ang duguan n’yang tiyan

Bakit ako nasa katawan ng ibang tao? Ang panoorin lamang sa malayo ang tanging nangyayari sa tuwing may pangitain akong nakikita pero ano ito?

Tandaan mong ikaw ang simula ng lahat, Raf

Ano ’tong nararamdaman ko? Pagsisisi? Sakit? Wala akong nagawa kung hindi panoorin lamang ang babaeng nasa bisig ko na nag-aagaw buhay. Sabay ng pagkamatay ng babae sa aking harapan ay ang unti-unting paghina ng tibok ng puso ko.

“Anong pulis?! Huwag ka masyadong mayabang, baka nakakalimutan mo akin ang peryang ’to at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin!” nanggigigil na sumbat ni Tito Isme sa binata.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang galit na asik ni Tito Isme. Napahawak ako sa dibdib ko na tila hinahabol ang aking paghinga. Alaala lang iyon pero bakit? Bakit parang nararamdaman ko ang nararamdaman niya?

“Miss, are you okay?” nag-aalalang tanong ng lalaki. “You’re okay, you’re safe now.”

Lumapit siya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko para alalayan patayo nang isang panibagong pangitain na naman ang nasaksihan ko.

Leonor, hindi man ikaw ang mapapakasalan ko ay tandaan mong ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Pangako iyan, mahal.

Mahigpit kong hawak ang malalambot na kamay ng babaeng tinatawag kong Leonor. Malabo pa rin ang kanyang mukha pero nakikita ko ang patuloy na pagpatak ng malalaking butil ng luha ng babaeng kaharap.

Muli kong natagpuan ang sarili sa kasalukuyan. Isang pangako, anong mayroon sa pangakong iyon? Sino ang pinangakoan niya? Lalong nanlabo ang aking paningin sa mga sunod-sunod na pangitaing sumakop sa isip ko. Isa itong sumpa? Isang napaka lakas na sumpa. Nasabunutan ko ang aking ulo ng panibagong pangitain na naman ang lumabas...

Nangako ka sa akin, Rafael! Nangako kang ako lang pero bakit? Paano mo nagawa sa akin ito?”

She’s the same girl but her face. It’s still blurry. Hawak ko ang dalawa niyang kamay na humahampas sa dibdib ko. Anong ibig sabihin nito?

Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa kanya. Patawarin mo ako,” paliwanag ko sabay iwas ng tingin sa dalagang luhaan.

Nakita ko ang mahinang pagtaas baba ng balikat ng babae sa aking harap dahil sa paghikbi. Galit na itinapon ng dalaga ang isang singsing sa daliri nito sa akin. Tangging galit at poot ang nakikita sa mga mata nito. 

Naikuyom ng dalaga ang kanyang kaliwang kamao at binigyan ako ng malakas na sampal gamit ang kanyang kanang kamayRamdam ko ang pagmanhid ng aking pisngi pero mas nangingibabaw ang lungkot na nadarama.

Agad kong iwinakli ang kamay ng lalaki sabay atras. Ito ang unang pagkakataon na may makita akong pangitain na sunod sunod sa isang katauhan at ang malala pa ay sa aking pangitain ay nasa katawan niya ako. 

This has never happened before. My ability only allows me to see their past life like I’m just a spectator, not like this. Nararamdaman ko ang lahat ng kanyang nararamdaman. 

“Hey, it’s okay,” malumanay niyang bulong sa akin.

Napatitig ako sa magaganda niyang malalim na mga mata na tila ba inaakit ako nitong mahulog sa walang hangganang kailaliman. Nakangiti man ang kanyang labi ay blangko ang kaniyang mga mata. 

Matang pagod ng mabuhay, matang sumuko na, matang kamatayan na lamang ang hinihintay.

Parang kinukurot ang puso ko sa ’di malamang dahilan. Nakita ko ang paghawak ni Tito Isme sa kanyang balikat, dahilan para mapatayo siyang muli at harapin si Tito Isme.

“Sinabi ko na nga sa ’yong huwag makialam. Perya ko ’to at pag-aari ko ang lahat ng naninilbihan sa akin!”

Hindi sumagot ang lalaki saka inilabas ang cellphone sa bulss at mukhang may tinatawagan. Nakita ko ang lalong pagkainis sa mukha ni Tito Isme. Lalo akong kinabahan sa naging ekspresyon ni Tito Isme.

“Javier, I’m at Loca Loco Carnival in Aurora. I might need your assistance here’

Magsasalita na sana ako para pigilan ang pag-aaway ni Tito Isme at ng estranghero nang may biglang humila sa kamay ko. 

“Ate Lia, tara na. Habang busy pa si Papa sa pakikipagtalo. Umalis na tayo, parang awa mo na,” mahinang bulong ni Yana.


[A/N: I dedicate this chapter to @MoonShineWorld thank you so much for supporting my stories ❤ love lots from weakdreamer salamat at pinakilig mo ako ng maraming beses.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro