Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Tumikhin lamang ang matandang babae na napagkaalaman kong Granny Diane pala ang tawag sa kanya. Walang imik na nagpatuloy kaming kumain pero randam ko pa rin ang tensyon sa paligid. Kahit si Yana ay natahimik rin. 

Tanging ingay lamang ng aming kubyertos ang naririnig sa malawak na hapag-kainan. Obviously, lahat naman sila ay apektado sa nasabing tao. Hindi lang si Chase... Ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib nang lalong mapagtanto kung gaano ka importante si Elena sa kanya. Wala akong lugar sa puso niya at tanging panakip butas lamang ako...

Nagitla ako ng sabay sumigaw si Misty at Yana. 

"I can't take this silence anymore!" Sigaw ni Misty

"Hindi ko na kaya ang katahimikang ito!" sambit ni Yana kasabay ni Misty.

Nagkatinginan ang dalawa at sandaling natulala bago sabay na tumawa at sumunod naman ang iba. Muling napuno ng halakhak ang hapag-kainan at sa isang iglap ay tila nakalimutan na nila ang nanagyari.

"Oh, wow. Misty found her match, this is going to be absolute chaos." Napa-facepalm na lamang si Winter, ang dalagitang may manika.

At matagumpay nilang binasag ang katahimikan. Matapos noon ay nagsimula ng mag-usap ang mga Perez at sila Chase tungkol sa negosyo nila. Habang si Chase ay abala sa pakikipagkwentuhan sa mga Perez. Tahimik akong lumabas para magpahangin. 

Habang nagmumuni muni ay namataan ko ang isang pamilyar na anino... Leonor? She was wearing a long simple white dress with flowing sleeves... I instinctively followed her. Bakit andito siya? Anong ginagawa niya dito? 

Pagkatapos ng mahabang paglalakad na sinusundan si Leonor sa hindi pamilyar na lugar na ito, nakita ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ng isang napakalaking maze garden. Manghang inilibot ko ang aking mga mata sa malawak na hardin na natagpuan. 

Isang boses sang nagpatigil sa aking pagpasok sa maze garden. "Narinig ko galing kay sir— ibig kong sabihin kay Chase tungkol sa kakayahan mo. Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na ito? May kinalaman ba ito sa kakayahan mo?"

Hindi ako sumagot at tumango na lamang. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko habang seryosong sinalubong ang mata ko. Hindi ko maintindihan... kung andito si Elena. Sino ang babaeng kamukha niya sa mga pangitain ko? Sino ang babaeng nagligtas sa akin? Imposebleng may dalawang Josephine sa panahong ito.

"Nagulat siguro kita. Pasensya na kung sinusundan kita pero..." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Kita ko sa mga mata niya ang desperasyon. "Malia, maaari ba akong humingi ng pabor sa'yo?"

Lagi kitang nakikita sa mga pangitain ko Elena, sino ka ba talaga? Bago pa man ako makasagot ay isang pangitain ang biglang sumakop sa aking isipan—


"Lola! Lola!" sigaw ng isang dalagang tumatakbo papalapit sa isang matandang babae. 

Nakatalikod ang matandang babae sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tinitigan ko ang hindi pamilyar na bata... hugis-itlog ang kanyang mukha at ang kanyang mga mata... Napaka-expressive ng mga mata niya. Nakangiti siya sa kanyang mga mata, umiiyak siya sa kanyang mga mata tulad na lamang ng Elena na nakita ko ngayon.

"Lola nakita ko si Peter na sinasaktan na naman si Pedro! Sinubukan kong tulongan si Pedro pero masyadong malakas si Isko," umiiyak na sumbong ng bata.

Teka... nakita ko na ang mga pamilyar na mata na iyan... Anong ginagawa niya dito? Siya 'yong babae sa secret album ni Chase na nakita ko na pinamagatang 'My beloved Promise'. Kamukhang kamukha ng dalagang ito ang pinangakoan ni Chase. Siya ba? Siya ba ang pinangakoan ni Chase?

"Tahan na, apo." Hinawakan niya ang mahkabilang balikat ng bata. "Isang hiling lang apo, humiling ka lang at matutupad ang hiling mo." 

Nagulat ako ng biglang lumingon sa gawi ko ang matandang babae Para akong nawalan ng hininga nang mabuo sa kanyang labi ang isang malademonyong ngiti. Siya... siya ang matandang babae na nakita ni Leonor noon!

Inilahad niya ang kanyang palad at may iniabot sa bata."Gamitin mo 'yan, apo. Makakatulong 'yan."


Pilit kong hinahabol ang paghinga ko dahil pakiramdam ko ay inaagaw ang aking hininga. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakakakilabot na tingin ng matandang babae. What's with her? What's her connection to the curse and to Elena?

"What the f*ck happened?!" Narinig ko ang galit na boses ni Chase.

Hawak ko pa rin ang dibdib ko dahil nahihirapan pa rin akong huminga. Gusto ko man siyang pigilan pero pakiramdam ko talaga ay parang may sumasakal sa leeg ko.

"H-hindi ko alam! Bigla nalang siyang natulala tapos nangyari 'to," natatarantang iyak ni Elena.

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. "I'm going to take her to the hospital." 

Napakapit ako sa damit ni Chase at umiling. Pinagpapawisan na rin ako pero ayokong pumunta ng hospital. May kailangan pa akong malaman. Kailangan kong malaman kung bakit nandito si Leonor at bakit ibang tao ang nakita ko nang magdampia ng balat namin ni Elena.

"Wife, I need to—"

"K-Kaya ko Chase," mahina at putol-putol kong sambit. Hirap man ay pinilit kong magsalita. Walang hospital ang makakatulong sa kondisyon ko. Sigurado akong may kinalaman ito sa sumpa at pangitaing nakita ko. "P-Please."

Napabuntong hininga na lamang siya ng medyo kumalma na ako pero hindi niya pa rin ako ibinaba kahit pilit ko siyang tinutulak.

"What happened?" Rinig kog tanong ni Tito Chad.

"Where's your guest room?" seryosong tanong ni Chase na nakatingin sa bagng dating na Granny Diane. "My wife needs to rest."

"Come, I'll show you the room," ani niya't naglakad papasok sa mansyon.

Pumikit na lamang ako dahil sa panghihina ng katawan ko. Hindi ko maintindihan ang epekto ng babaeng matandang babaeng iyon sa akin. Ang dami pa rin talagang katanungan sa isipan ko pero pakiramdam ko ay malapit ko ng makuha nag kasagutan.

"And one more thing, stay away from my wife, Elena," puno ng diin na wika ni Chase. And for some reason, the way he stated her name was weird and full of hatred. "I feel like when you're around—"

"Not another word," maawtoridad na putol ni Luke. "That's below the belt, Rodriguez."

Magsasalita pa sana ako pero wala akong lakas. Sino ang matandang babae na iyon? At sino si Elena? May kakaiba sa pangitain kong iyon, iba ang itsura ni Elena doon. Anong kinalaman niya sa matandang babae? Lalo akong nahihilo sa mga katanungan sa isip ko. Hindi nagtagal ay nilamon na ako ng kadiliman...


"Are you okay now?" Napalingon ako kay Chase. Inalalayan niya ako na umupo ng pilit kong bumangon. "You made me so worried, wife."

"Ayos lang ako, may..." mahina kong sambit. Sasabihin ko ba sa kanya? Napabuntong hininga na lamang ako. "May nakita lang ako."

Sandaling natahimik si Chase bago nagsalita muli. "Wife, stop forcing yourself. I don't care about that curse anymore. All I want is to be with you, to create memories with you, to spend my time with you. I don't want you to get hurt anymore. I just want to love you—"

Why is he acting this way? He's making a fool of me. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang totoo niyang nararamdaman. Pilit man niyang lokohin ang sarili niya ay hindi niya ako maloloko.

"Chase, tama na. Hindi mo ako mahal," lumingon ako sa kanya. Irritation was slowly creeping into my soul. "Stop faking it."

Hindi ko alam pero matapos ng pangitain ko at tuwing naaalala ko ang secret album niya na aksidente kong nakita noong naglilinis ako sa bahay ay naiirita na ako sa kanya.

"Hindi naman sa ganun," pagrarason niya habang kinutkot ang likod ng ulo niya.

"At hindi maganda ang pakikitungo mo kay Elena, bakit parang sinisisi mo pa siya sa—"

Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko ay lumakas na lamang bigla ang boses si Chase na nagpagulat sa akin. "It's because she is NOT Elena!" 

Napatigil ako sa sinambit ni Chase, anong?

"Elena's life was taken by her... She should not have passed away. She stole the life of the woman I love deeply! Elena should still be here if it weren't for her! If it—"

Napahawak ako sa kamay kong isinampal ko kay Chase. Alam ko naman, alam ko pero masakit pa rin kung ipapamukha niya sa akin. Tama na ang sakit na nararamdaman ko sa pagmamahal ko sa kanya ngayon na hindi naman nya masusuklian.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan o bakit sinisisi mo si Elena sa pagkawala ng babaeng pinangakoan mo pero ganyan na ba kakitid ang utak mo kapag siya na ang pinag-uusapan?" hindi makapaniwalang sumbat ko.

Mapaklang napatawa si Chase sa sinabi ko. Puno ng lungkot, galit at sakit ang mga mata niya. Bagay na minsan ko lang nakikita, bagay na ang babaeng pinangakoan niya lang ang nakakagawa. She's no longer here but he still brings out the emotions in him even I couldn't.

"You don't know anything Malia," walang emosyon niyang sagot. Ramdam koa ng kirot sa dibdib ko. So,t his is what it feels like to be competing with someone who is not even around anymore. It's harder and much more painful. "I love her more than anything, if not because of that, if not because of her—"

Nakakuyom ang kamao niya na para bang pinipigilan niya ang sarili. Hindi tinapos ni Chase ang sasabihin niya dahil tinalikuran niya ako at naglakad palabas ng kwarto. Nakita kong nakasilip si Winter at Misty. Sumipol si Misty at palipat lipat ang tingin sa akin at sa papalayong si Chase.

"You know, boys can be an assh*le," panimula ni Misty.

Pumasok silang dalawa ni Winter at sinarado ang pinto. 

"Specially that Rodriguez." Inilagay ni Winter sa lamesa ang dalang baso ng tubig. "If you're looking for our sister... well, she can't get near you because of that Rodriguez."

Kibit balikat na umupo sa tabi ko si Misty. "But you know, we can't blame him. He loved Elena so much."

Ha? Bitter ba siya kay Elena? Dahil may Luke na si Elena kaya bitter siya? Pero 'di ba ibang babae ang pinangakoan niya? Bakit galit na galit siya kay Elena?

"Your face is so transparent," maarteng sambit ni Winter.  "Oh, man. This was supposed to be just a friendly gathering of our parents who would've known who could have predicted how dramatic things would turn out?" Sinamaan nya ng tingin si Misty. "And this is all because of you."

"I know, I know. That's why I'm doing this, right?" Nakanguso niyang ani bago lumingon sa akin. "Okay, let me tell you the whole story."

Humiga si Winter sa higaan yakap-yakap ang manika niya. She really love that doll, don't she?

"Why don't you just look into our past instead?" Suhestyon ni Winter sabay tumingin sa akin. "You have that ability, right?"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Misty. Excited siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Check mine."

Napakamot nalang ako sa batok ko. Kailangan bang sagotin ko din sila sa wikang English? Eh hindi naman ako masyadong magaling mag-English eh. Ah, bahala na.

"Ah, wala akong kontrol kung kailan ako makakakita ng pangitain eh," nakangiwi kong ani.

"I think you forgot the main topic here, Misty," pagtataray ni Winter. "Stop acting like a kid."

"Oh, yeah! Where was I?" Nag-iisip na tanong ni Misty bago sinamaan ng tingin si Winter. "And you're the kid here."

Umirap lang si Winter at mas hinigpitan lang ang yakap nya sa manika niya.

"Since you already have a ridiculous ability, I doubt you'll not believe this. I'll just tell you the story since the kid here still hates talking about it." Kinagat niya ang ibabang labi tila nag-iisip kung paano niya ipapaliwanag ang sunod na sasabihin niya. "Well, the Elena here is not Elena."

Mas lalo akong nagulohan sa paliwanag ni Misty.

"Your face looks so confused, so I am gonna summarize this. You know like in the movie? Soul switching? Hilarious right?" Tawa ni Misty pero kahit na tumatawa siya at mukhang nagbibiro ay ramdam mo ang mga lungkot dito. "Been two years but things still remain surreal. Don't know why or how but things just ended up that way." 

Nalulungkot akong makita na pilit niyang pinapatatag ang sarili nya. Kahit na itago pa niya ito sa mga biro nya ay tulad ni Chase ay nangingibabaw ang lungkot sa mga mata nila. Nakikita ko kung gaano ka importante si Elena sa kanila.

"My older sister" tumingala sya sa langit bago muling nagsalita "She have been through a lot of unbelievable things and right now, she might be physically right here but she's long gone"

Mukhang unti unti ko ng naiintindihan ang mga katagang binitawan ni Winter noon at ang pangitain ko kanina. Napaka swerte mo pala Elena, ang rami pa ring nagmamahal sayo... mas lalo na ang lalaking mahal ko.

-----
Comments are highly appreciated! Share your thoughts and violent reaction 😂✌ Hopia like this to the person reading this asdfghjkl

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro