Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Magiliw na nagkekwentohan si Yana at Tita Cassie sa harap ko habang ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa likuran nila katabi si Chase. Hindi pa rin talaga ako masanay sanay na tawaging Tita Cassie si Mrs. Rodriguez, tsk. Ngayon na, sa wakas ang araw na magkikita kami ng pinakamalapit na kaibigan at bagong kasosyo sa negosyo ni Tito Chaz— ang mga Perez.

The plan to meet them was pushed to a later date because of me— knowing that Elena is there. I was hesitant to meet her. Alam kong mangingibabaw ang kuryusidad sa pagkatao ni Josephine at Elena sa akin pero nitong mga nakaraang araw, napansin kong madalas na nanghihina na si Chase at nababahala na rin ako sa huling pangitain ko.

Naramdaman ko ang malambot at mainit na kamay ni Chase nang i-interlock niya ang mga daliri niya sa daliri ko. Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng malawak na ngiti kaya tipid akong ngumiti upang masuklian ang ngiti niya. 

Madiin na binilin sa akin ni Yana na huwag na ungkatin pa ang sumpa kapalit ng pagpayag niyang magsama pa rin kami ni Chase. Napagkasunduan nilang dalawa na kalimutan na nag paghahanap sa lunas ng sumpa kaya kahit ang art room ko ay kinandado nila at hindi ko alam kung saan nila tinago ang susi.

"That's your eighth sigh of the day, wife," aniya't nag-aalalang tinitigan ako. "Is something bothering you? Are you feeling unwell?"

Tipid akong ngumiti at itinuon ang tingin ko sa labas ng bintana at napaawang ang aking bibig. Huminto kami sa harap ng isang malaki at magarang mansyon. It was a two-storey contemporary mansion exuding elegance, comfort and ultimate luxury which I only see in movies. 

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko sa sasakyan. Maliban sa hindi ako sanay sa suot ko ay 'di din ako sanay makipagkilala sa ibang tao mas lalo na isa sila sa maimpluwensyang tao. Ang makita ang kanilang mansyon ay sapat na upang manaig ang takot sa dibdib ko. 

Importate sila sa pamilya ni Chase at ngayon lamang sila muling nagkabati. What if I messed up? What if I ruin their partnership? What if they won't like me? What if I become the reason they lose contact again? What if—

"Hey, there's no need to be so nervous. The Perez is just a close friend of Dad, and do you remember Elena?" Humigpit ang hawak ni Chase sa kamay ko. Napansin niya ata ang pagkabalisa ko. "You wanted to meet her, right? This is an excellent opportunity for you to formally meet her."

Napalunok ako sa sinambit ni Chase. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya bakit gusto kong makita si Elena. Oo, gusto kong makausap si Elena noon dahil sigurado akong konektado siya sa sumpa at sa mga pangitain ko. 

Alam ko na ang balak kong paghahanap sa lunas ng sumpa ay labag sa hiling ng dalawang taong importante sa akin... tatlo kung isasama ko si Mama ngunit... malapit ko ng masagot ang palaisipan sa pakikipagkita kay Elena. 

I can't just ignore it anymore. Ilang beses ko na nakita si Elena sa mga pangitain ko at hindi ko alam kung bakit. Naramdaman ko ang pagpisil ni Chase sa kamay ko.

"H-hindi ako handa." Mahinang napatawa si Chase sa sagot ko kaya hinampas ko sa braso niya ang bag na dala ko. Once I meet her, I will betray Chase. I will start looking for the cure again. "Ano namang nakakatawa?" 

Inayos ni Chase ang buhok ko na nakaharang sa mata ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lamang ako. I can't afford to lose you. Alam kong tinatago mo lamang sa amin lahat ang nararamdaman mo pero hindi ko na kayang ipagsawalang-bahala ang pagbabago mo.

"You're usually very quiet and shy." Inilapit nya ang mukha niya sa akin. "I like it... you showing this side to me... But, don't allow anybody else to see this part of you..." Hinaplos niya ang aking pisngi bago nagpatuloy. "It should be exclusively only for Chase Rodriguez, wife. I don't want any other guy falling for your charm."

A-anong? Bago pa ako makapagsalita ay biglang huminto ang sasakyan. Unang bumaba sila Yana saka sumunod kami ni Chase. Nakalambitin ang mga kamay ni Yana sa braso ni Tita Cassie at Tito Chaz.

Nagulat naman ako ng biglang ipinatong ni Chase ang kamay ko sa braso niya. Sinalubong kami ng pitong mga katulong at inihatid kami sa isang malaking silid-kainan. Marami siguro ang mga Perez, napaka laki din kasi ng silid-kainan nila at mahaba rin a ng lamesa. Mas malaki pa ata 'to sa kwarto namin ni Yana sa lumang bahay.

"I believe this is the second time we meet again." Bungad ng isang ginoo na may malawak na ngiti.

Napatitig ako sa lalaking sumalubong sa amin. Napaka maginoo at gwapo ng dating niya. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita dahil napaka pamilyar ng mukha niya. 

Iniabot niya sa akin ang kamay niya. "I'm Luke Javier."

Tatanggapin ko na sana ang kamay niyang nakalahad pero bigla namang nakipagkamay si Chase sa kanya.

"She's Malia, my wife. There's no need for the handshake," seryosong sambit ni Chase.

Napatawa naman si Luke sa kanya. Hindi ko mapigilang humanga sa kagwapohan at napaka lalaking tawa niya. Pumukaw naman sa aking pansin ang dumating na dalawang magagandang dalaga na napaka pamilyar din ng mukha. Sandali akong napatitig sa mga bagong dating.

"Afraid I might snatch her away?" Rinig ko ang pang-aasar sa tono ni Luke. Sabay mapaklang tumawa. "Don't worry, even if she is physically no longer around. It would always be her. I can never replace her... she's just too irreplaceable."

Sandali kaming natahimik. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nilang lahat. Sinong tinutukoy nila?

"I know," mahinang sagot ni Chase. "She is, indeed, impossible to replace."

Sa sinambit ni Chase ay parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nila, ang babaeng pinangakoan ni Chase. Sa tono palang at lungkot ng mukha ni Chase ay alam ko na. Siya lang naman ang kayang magpalabas ng ganitong emosyon kay Chase. 

Teka, akala ko ba si Elena ang fiance ni Luke? Bakit parehong— ay, ang gulo! At bakit hindi ko makita si Elena? Nabasag ang katahimikan nang may nagsalita.

"Oh! You're that lady before. Small world," sambit ng dalagitang may dalang manika.

Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang mukha niya, saan ko ba sya nakita? Saan— ah! Naalala ko na! Naging kliyente ko sila noong nagtatrabaho pa ako sa perya. Napakagat labi ako... alam na nila. Hindi ba't makasama 'to sa imahe ni Chase?

"Save the small talks in the dining. Come on, have a seat," sambit ng babaeng may kulay pula sa dulo ng buhok niya.Sa huling pagkakaalala ko ay kulay asul ang kanyang buhok noong una kaming magkita.

Pilit kong inaalala ang pangalan nila ngunit mahina talaga ako sa pangalan kaya naman tumahimik na lamang ako at sumunod. Umupo kaming lahat sa dining table nila at sabay-sabay kaming napatingin sa maganda ngunit may pagka striktang matandang babae dahil sa malakas na tunog ng utot.

"Misty!" Galit nyang singhal.

Isang malakas na tawa lang ang isinagot sa kanya ng babaeng may pulang buhok.

"Oh, come on old hag. Loosen up a lil' bit. You're scaring our visitor." Lumingon siya sa akin "Don't get too intimidated. She might look scary which is true but yeah, she's turning a new leaf so I gotcha back. I'm Misty and I feel like we'd get along, and this here." Tinuro niya ang lalaki sa tabi niya "Is my sweetheart, Jake Javier."

"I told you to stop calling me that," inis na bulong ni Jake.

Napaka ngiti na lamang ako. Ang cute kasi nilang dalawa. Bagay na bagay pa sila. Napapalibutan talaga ako ng mga magaganda't gwapo dito. 

"Pasensya na at nalate ako."

Napalingon ako sa babaeng bagong dating. Napatulala ako sa ganda niya, napaka sopistikada ng dating nya kahit na isang napaka simpleng white knee length dress lang ang suot niya. Umupo sya sa tabi ni Luke.

"Let's start," nakangiting sambit ni Mr. Perez.

Ang daming pagkain ang nakalatag sa lamesa. May pyesta ba sa lugar na 'to? Parang isang baranggay na ata ang kakain nitong mamahaling pagkain. Karamihan pa sa nakahain ay ngayon ko lamang nakita.

"So, when will we receive the invitation for the wedding of the Chase Rodriguez?" Biglang pagtanong ni Jake bago sumubo sa pagkain niya. "Everyone is anticipating the wedding of the year."

Napatitig ako kay Jake, hmm. Medyo may pagkakahawig sila ni Luke. Teka... si Elena ang babaeng hinihintay niya sa nakalipas na buhayniya ngunit ang kasintahin naman ni Elena ngayon ay si Luke. Hmm, mukhang hindi pa rin sila sa panahong ito.

"Yeah, it was too boring that all the reporters were going crazy trying to find this mysterious girl," ani ng dalagitang may hawak ng manika. Sino nga ulit siya?

"And yeah!" Isang malawak na ngiti ang ibinigay ni Misty sa akin na kita ang ngipi niya. Excited na sumigaw ni Misty. "Your proposal was epic! I like you already, Malia!" 

Muli kong naalala ang balita na nakita ko. Wala talaga akong maalalang ginawa ko 'yon hanggang ngayon pero naramdaman ko pa rin ang pag-init ng pisngi ko

"When's the wedding, Chase?" Tanong ng matandang lalaki sa tabi ni Elena

Biglang hinawakan ni Chase ang kamay ko at ipinakita ang singsing naming dalawa. "Well, I'm married."

Sabay-sabay silang lahat napasigaw. "What?!"

"It was just a simple wedding. With our family," kibit balikat na sagot ni Chase.

Nanlalaking matang napatakip sa bibig niya si Misty. "You? Chase Rodriguez? The guy who loves attention?"

"Hey!" Napanguso si Chase. Tila nagtatampo at nasaktan sa mga pahayag niya. "What do you mean by loves attention?" 

"You know..." biglang pagsingit ng dalagita habang nilalaro ang hawak na tinidor. "The cameras are all over you, and you enjoy being in the spotlight. Don't even try to refute it! You loooove being the talk of the media and enjoy being the center of attention."

Umirap si Chase at nanggigigil na kinagat ang steak sa tinidor niya. "Shut up, you brat!"

Hindi makapaniwalang sagot niya. "I am not a brat!"

"Yes, you are."

"I am NOT!"

"Whatever you say."

"I'm telling you! I am not a brat!" 

Nagkibit balikat lang si Chase at nakitang umiiling sila Tita at Tito. Mukhang sanay na ata sila sa pagtatalo ng dalawa. Mukhang malapit pala talaga ang pamilya nila.

"Well anyway, my wife here..." Ipinulupot ni Chase ang kamay niya sa beywang ko saka hinila ako papalapit sa kanya. "Doesn't want attention, I wouldn't do something she dislikes."

Sa sobrang init ng pisngi ko ay pakiramdam kong pwede na paglutoan ito. Mahina ko siyang tinulak at bumalik sa upuan ko. Wala talagang pinipiling lugar 'to si Chase.

"Still the same old Chase Rodriguez, still a smooth talker," sambit ng matandang babae habang umiiling.

"Don't be fooled by that face, Malia. I tell you, he's an ass," nakangising sambit ni Misty. "He was going crazy over that May Gonzales who was actually Ele—" napatigil siya na tila ba napagtantong hindi maaaring banggitin ang sinabi niya. Napalingon siya sa paligid at nag-peace sign. "Oops, my bad."

Kinamot niya ang batok niya at ngumiti. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Bakit ba tuwing nauungkat ang pangalan o ang usapan tungkol sa babaeng pinangakoan ni Chase ay nagbabago ang tensyon sa paligid?

----

Wala na talagang atrasan to 😂 Comments are highly appreciated 💕 To the person reading this, thanks and hope you enjoy this chapter 💗 And take good care sa health niyo 'wag ako tutularan uso ata trangkaso ngayon, candidate na naman this kid 💔 bff talaga kami ni sakit ayoko naaa 😭

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro