Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Mahigpit akong napahawak sa damit ni Chase habang yakap yakap sIya. Hindi ko pa rin mapigilan ang iyak ko. Naramdaman ko ang paghalik ni Chase sa ulo ko.

"Nothing bad will happen to you or come close to you again, wife." Malambing na bulong niya. His voice was soothing that was even more effective than a calming pills. "Because I'm next to you."

Mas lalo kong ibinaon ang ulo ko sa dibdib ni Chase. Hindi pa rin mawala ang naghalong emosyon na nararamdaman ko. Pero tiyak akong napapakalma ako ng pintig ng kanyang puso. For some reason... I feel calm and safe wrapped in his warm embrace.

"Anong gusto mong kanta?" Bigla niyang tanong.

Nagkunot ang aking noo sa kanyang biglaang tanong. Kanta? Bakit umabot siya sa kanta? Hindi na lamang ako sumagot at makalipas ng ilang segundo ay narinig ko ang mahinang pagkanta ni Chase sabay ng malambing niyang pagsuklay sa buhok ko.

Hindi ko napigilang mapatawa ng malakas. Napasimangot siya sa reaksyon ko dahil napaupo pa ako sa kakatawa. Hindi ko akalain na ang dakilang Chase Rodriguez na kinahuhumalingan ng kababaehan at iniidolo ng kalalakihan ay may ganitong side sa kanya.

Nabuo ang isang banayad na kurba sa kanyang mga labi. "Kinantahan kita kahit alam kong panget ang boses ko. Do you know why?"

Bigla akong nailang sa mga titig ni Chase. Iniwas ko ang mata ko dahil naramdaman ko ang pag-wawala ng mga paruparo sa tiyan ko at ang pag-tatambol na naman ng puso ko na tila ba nasa isang karerahan ako.

"Because you look prettier when you smile."  Maamo niyang wika. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "And one more thing you look really ugly when you cry," dugtong niya.

Napairap nalang ako sa pang-aasar niya. Okay na sana eh, dudugtongan pa pero may punto naman kasi siya. Anong oras na kaya? Napadako ang aking mata sa nedside digital clock at nakitang ala singko na pala ng umaha.

Hindi ko na lamang pinansin ang komento ni Chase at tumayo papuntang pinto para mag-umagahan. Hahawakan ko pa lamang ang doorknob ng marinig ko ang mabibigat na yapak ni Chase na tila nagmamadali, mukhang sinundan niya ata ako.

"Hey, wife. I'm sorry, I didn't mean it that way," panunuyo niya. "It's just that you have this expression that surprises me a lot, you make me want to see the different sides of you I am not aware of. It's interesting and I just had too much fun teasing you, I'm sorry, wife."

Bakit siya nanghihingi ng tawad? Akala ba niya ay galit ako? Alam ko naman na hindi ako kagandahan kaya wala lang 'yon sa akin. Nagulat ako ng maramdaman ko ang pagbalot ng braso nya sa beywang ko. Napasinghap ako, napamura ako sa isipan ko. 

Para akong sinasakal sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Ipinatong niya ang baba nya sa balikat ko. Hindi ko magawang lingonin siya. Kaya para kaong estatwang nakatingin lamang sa harap.

"You just remind me so much of her," bulong niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Her? Ang babaeng pinangakoan niya ba ngayong panahon ang kanyang tinutukoy? Malalim akong napabuntong hininga, bakit parang ang sakit? 

Hindi pala parang... masakit talaga. Kung kanina ay parang sinasakal ako sa nag-uumapaw na kaligayahan na nararamdaman ko, ngayon naman ay napalitan ito ng sakit. Sana ako nalang siya, sana ako nalang siya na mahal mo ng sobra.

"Huwag mo masyadong pakiligin ang puso ko Chase," ani ko at kumalas sa kanyang bisig. "Hanggang dito lang naman ang kwento ng ating relasyon."

Alam kong katangahan ang ginagawa ko. Wala eh, mahal na kita ng sobra Chase. Huli na para umatras ako. Alam kong sa pagmamahal ko sa'yo ay sakit lang ang naghihintay sa akin. Naramdaman ko ang paghiwalay ni Chase sa akin.

"Malia—"

Hinarap ko siya at ngumiti. Nakita ko ang pag-alala, pagsisisi at... awa? Sa mga mata niya. Huwag mo akong kaawaan Chase, pinili ko 'to. Pinili kong mahalin ka, alam ko namang pinipilit mo ang sarili mo.

"Chase, huwag mong pilitin ang sarili mong mahalin ako. Huwag mong pilitin ang sarili mong suklian ang nararamdaman ko sa'yo," mapakla kong ngiti sa kanya. Pilit binabalewala ang kirot na nadarama." I'm not expecting you to love me right away or even come to love me at all. Masaya ako at sinusubokan mo pero if you force yourself to love someone, that's not love at all."

"Nasabi ko na ba sa'yo Malia?" Sinuklay niya ang mga kamay niya sa buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko. "That my life has been better since the day I met you. Thank you."

Hinawakan niya ang pisngi ko at malambing itong hinaplos. Napasinghap ako ng hawakan ni Chase muli ang beywang ko at inilapit ang mukha niya sa akin.

"This is one of the many reasons I like you, Malia. You're selfless, understanding and extraordinary," sambit niya bago ipinikit ang mata niya. "Strangely enough, I am drawn to your indecisive yet honest heart."

Napapikit ako at naramdaman kong isang pulgada nalang ang layo ng labi niya sa labi ko. Salamat Chase... salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon makaranas ng pag-ibig na ni minsan hindi ko naisip na mararanasan ko. 

Naitulok ko si Chase ng may marinig kaming tumikhim. Nanlalaking mata akong napatingin sa magulang ni Chase na sumisilip galing sa kwarto nila bago tuloyang lumabas.

"They are just getting at the good part! Bakit kailangan mong sirain ang moment nila?!" Pagmamaktol ng mama ni Chase. "Hindi ba't gusto mo na rin magkaapo?"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ako mapakali kung saan ako pupunta o ano bang gagawin ko sa sitwasyon na 'to.

"Well, I want to have my grandchildren but I don't want them to be made here in our hallway, Hon," sambit ng Papa ni Chase na kumakamot pa sa ulo niya.

Inakbayan ako ni Chase at pilyong ngumiti sa magulang niya. Pilit ko siyang patagong pinapagalitan pero binalewala niya lang ako

"You're making my wife uncomfortable Dad. You're very welcome to go back to your bedroom with Mom kung naiinggit ka sa amin ng asawa ko," ani niya't hinalikan ang aking pisngi.

Napailing na lamang si Tito sa kapilyohan ni Chase. Samantalang ako ay gusto ko ng lamonin na ako ng lupa para makaalis na dito. Sabay sabay kaming pumunta ng kusina at nakahanda na ang pagkain sa lamesa. 

Nag-uusap tungkol sa business nila si Chase at ang papa niya. Hinawakan ni Chase ang kaliwang kamay ko na nasa lamesa at patuloy na nakikipag-usap sa dad niya nang isang pangitain ang muling sumakop sa aking isipan...

Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa kalagitnaan ako ng isang makapal na gubat. My attention was drawn to the aroma of subtle floral woody overtones. It has a distinct scent with notes of musk, vanilla, and bright fruits.

Hindi ko man alam kung nasaan ako ay napagdesisyonan kong maglakad at hanapin ang pinanggagalingan ng mabangong halimuyak na ito. Hindi nagtagal ay nadatnan ko ang sarili sa harap ng isang malaking puno...

Nakarinig ako ng maliliit na boses sa malapit kaya naman tumongo ako roon. "... ay ang nagsisilbing ugnayan sa nakaraan at hinaharap."

Anong ibig niyang sabihin? Ugnayan sa nakaraan at hinaharap? Nagtago ako sa likod ng isang puno at pinagmasdan ang dalawang estrangherong nag-uusap. Napaawang ang aking bibig ng mamukhaan ang pinagmumulan ng kaaya-ayang amoy... Hunter?

Inialay niya ang kanyang mga kamay at isang malaki at kumikinang na buto ng Lipahan ang lumutang sa kanyang palad. "Ito ang magsisilbing patunay sa pangako kong tutulungan ka laban sa kanya. Gamitin mo ang aking  similya upang lumikha ng susi upang ganap na mabuksan ang lagusan."

"Hindi ba't importante ito sa iyo?" Nag-aalalang tanong ng kausap niya. Bakit napaka pamilyar ng boses niya? "Handa ka ba talagang isuko ang buhay mo bilang isang engkanto—"

"Kung ito lamang ang tanging paraan upang mapatunayan ko ang aking purong nadarama sa iyo ay handa ako," nakangiti nitong wika. "Kaya tatandaan mo... kahit na nasa ibang panahon ka, hahanapin kita... hahanapin kita at gaya ngayon ay poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Gagawin ko ang lahat upang tulongan ka muli."

"Patawad," sagot ng babae sa kanya. "At... salamat."

Bago ko pa man makita ang mukha ng kausap niyang babae ay kinuha na nito ang ibinigay sa kanya ni Hunter at tumakbo papalayo ng isang anino ang lumabas. Sa isang iglap ay nakita ko ang likod ng babaeng kausap ng kamukha ni Hunter habang hawak hawak ang pamilyar na susi na papatakbo sa isang pulang pintuan...

Nabalik ako sa reyalidad matapos ng pangitain ko. Sino ang babae na 'yon? At si Hunter... isang engkanto? Anong ibig sabihin noon? May kinalaman ba siya sa lunas ng sumpa? Ngunit... tao siya. Magkamukha sila ni Hunter pero hindi... imposible. At pulang pintoan?

Inis akong napakagat sa labi ko, hindi ko pa nasasagot ang ibang katanungan sa mga naging pangitain ko tapos ngayon may bago na namang misteryo.

"Wife? Are you okay?" Tanong ni Chase na nag-aalala. "Don't you like the food?"

Napakurap ako at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo dahil seryoso silang nakatingin sa akin. Why do I always make everyone around me worry? Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit may ganoon akong pangitain ngunit hindi ito ang tamang oras para isipin iyon.

Pilit akong ngumiti at hinarap sila. "A-ah, oo, ayos lang ako. May iniisip lang ako."

Nagkibit balikat si Chase. "If you say so."

Napangiwi na lamang ako bago nagpatuloy kumain para hindi na nila ako pagdudahan. Napabuntong hininga na lamang ako, salamat naman at hindi na sila nagtanong pa. Hindi mawala sa isipin ko ang bagong pangitain ko. Isa pang pulotong ng misteryo ang bumalot sa kaing pangitain.

Kailangan kong malaman kung ano iyon. Pero paano? Napaka raming katanungan sa bagong pangitain ko ngunit oras na masagot ko ang mga iyon ay sigurado akong mahahanap ko na nag lunas. At si Hunter ang tulay ko upang mahanap ang pulang pintuan at ang misteryosong babaeng may hawak ng susi.

Hindi ko man lang naramdaman ang kinain ko sa dami ng tumatakbo sa aking isipan. Nagliligpit ako ng pinagkainan namin ng magsalita muli si Tito.

"Oh, by the way. Get ready tonight." Ngumisi siya na nagpalabas ng dimples sa kaliwang pisngi niya."Elandro has invited us to a dinner tomorrow because they were unable to attend the wedding; since we have sorted everything on our end, I felt it's time and consented to their appointment... We are meeting the Perez."

---

Because I miss the Perez ✌ Comments are appreciated 😍

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro