Chapter 18
Hinawakan ko ang susi na misteryosong nahanap ko sa pagkakagising ko. Ikinabit ko ang susi sa isang bead silver necklace chain na ibinigay sa akin ni Yana bilang regalo sa paghingi ng tawad niya.
Hindi ko pa rin alam kung saan galing o para saan ito pero ayoko ng matagal na hanapin kung saan ang susi na ito ulit, muntik ko pa mawala kahapon.
Asan ba talaga galing ang susi na ito? Saan ko ba pwede gamitin 'to? Ang kakaibang disenyo... ang orasan na may paatras na numero sa ulo nito, may kinalaman ba ito sa sinabi ni Mama na baguhin ang nakaraan?
"Kuya Chase bakit ba andito ka pa rin?!" Inis na sigaw ni Yana na naging sanhi ng pagkaputol ng aking malalim na pag-iisip.
"Obviously I'm taking care of my wife, sister-in-law," balewalang sagot ni Chase.
Simula kahapon ay wala ng ginawa si Yana at Chase kung hindi magtalo, parehong pareho silang matigas ang ulo at ayaw magpatalo. Ito rin ang unang oagkakataon na hindi magkasundo ang dalawa.
Kahit ilang beses kong ipagtabuyan si Chase ay bumabalik at bumabalik pa rin siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang susunod kong hakbang.
Haharapin ko ba ulit si Leonor o tuluyang lumayo kay Chase upang hindi mapahamak. I want to face her, she's my purpose in life now. Pero hindi ko naman kayang balewalain ang huling hiling ni Mama at ang hiling ni Yana na lumayo ako kay Chase at kalimutan na ang sumpa... anong gagawin ko?
"Wife, come on. Talk to me, I miss your voice, I miss talking to you, hanggang kailan ka pa ba magpapamiss, it's really effective wife. I miss you so damn much. Stop doing this to me," malambing at puno ng pagsusumamo na wika ni Chase
Hawak hawak niya ang kanang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga mata, inilapat niya ang labi niya sa kamay ko saka muling tumingin sa akin, ramdam ko ang malakas na pagtambol ng puso ko.
Agad kong binawi ang kamay ko at iniwas ang aking mga mata. What's this weird flatters in my stomach every time I look into Chase's eyes?
"Ba't ba kasi 'di ka pa umuwi—" hindi naituloy ni Yana ang pagmamaktol niya ng biglang bumukas ang pinto.
"Why are you two so awkward?" pambungad nito.
Napalingon ako sa pinto at nakita ang bagong dating na si Hunter. Napalingon siya kay Yana na nakatulalang nakatingin sa kanya.
Naging madalas rin ang pagbisita ni Hunter ngunit hindi ko magawang makipag-usap sa kanya dahil sa matatalim na tingin na ipinupukol ni Chase sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na sigaw ni Yana nang makabawi sa pagkagulat.
Napatitig siya kay Yana na tila naubusan ng mga salita at naputol ang dila. Agad naman siyang nakabawi sa pagkagulat saka lumapit kay Yana at ginulo ang buhok nito. Napakunot noo ako sa ginawa niya. Ngayon ang una nilang pagkikita...
"So, you're her sister. That's why you look familiar," tumatawang sambit ni Hunter. "Long time no see, Bata."
Bata? Kilala niya ba si Yana? Agad kong napansin ang pagkunot ng noo ni Yana. That's a first, does she not like Hunter?
"Magkakilala kayo?" Wala sa sarili kong tanong.
"Why are you talking to him when you just ignore me here?" Rinig kong pagmamaktol ni Chase.
Napatawa nalang si Hunter saka ipinatong ang braso niya sa ulo ni Yana. Lalo namang nagkunot ang mukha ni Yana. Salubong ang kanyang kilay at nakabusangot siya habang pilit pinagtatabuyan ang kamay ni Hunter na nakapatong sa ulo niya. Hindi naman halatang ayaw niya kay Hunter, ah.
"Well, to make the story short. Akala niya ako ang ex-boyfriend ng kaibigan niya," napatakip sa bibig si Hunter na para bang pinipigilan ang pagtawa, "bigla nalang galit na sumugod sa akin ito saka sinipa ako sa tuhod ng buong lakas niya."
Napahagikhik na lamang ako ng makita ang mukha ni Yana na parang kamatis. Hindi ko mawari kung sa kahihiyan ba o sa inis kay Hunter. Itinulak niya si Hunter at sinamaan ng tingin. I've never seen this side of Yana.
"She got the wrong person," pagpapatuloy ni Hunter na bakas ang pagkaaliw sa tono niya.
Hunter is...special in a way. Yana always gets along with everyone pero kay Hunter ay kulang nalang ay sakalin niya ito sa inis. He's something else to get on Yana's nerves. Hindi magkasundo si Yana at Chase ngayon subalit alam kong gusto niya si Chase at kung hindi dahil sa akin ay magkaibigan pa rin sila.
"Nag-sorry na nga ako 'di ba?! Ang tanda tanda mo na nagtatanim ka pa rin ng sama ng loob. Hindi ka ba aware sa forgive and forget?" Inis na sambit ni Yana saka lumapit sa akin at pilit inilalayo si Chase. "Kaya mabilis ka tumatanda eh."
Hinawakan ni Hunter ang likod ng damit ni Yana at hinila ito. Walang laban si Yana sa tangkad at lakas ni Hunter kaya hanggang tili na lamang ang nagagawa niya.
"Huwag kang disturbo sa mag-asawa bata. Nadidisturbo ang tulog ko dahil sa'yo eh."
Anong ibig niyang sabihin na nadidisturbo ang tulog niya? Tumingin sa akin. "I'll just borrow your sister for while."
Bago pa ako makaangal ay mabilis na hinila ni Hunter si Yana at naiwan kami ni Chase. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Kinuha ko ang kumot ko at akmang hihiga nang hawakan ni Chase ang braso ko.
"Wife, let's talk," seryoso niyang sambit. "Please."
I really don't think it's a good idea to talk to him when I haven't made my decision yet. Pero wala rin namang naitutulong ang pag-iiwas ko sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata niya. And here goes the invisible force pulling me closer to him again.
"Forget about the curse."
Anong sinasabi mo Chase? Why are you asking me to forget about it? Hindi ba't ang sumpa ang rason kung bakit tayo nagpakasal?
"Forget about Leonor, all I know is..." hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinahiran. "I want to protect you. I don't want this to happen again, I won't let it happen again. I don't care about the cure, don't pry into it anymore. Ayokong mapahamak ka ulit dahil sa akin o sa sumpa. I didn't marry you to find the cure of the curse. I wanted to protect you, wife."
"Nakausap ko si Mama, Chase. I was born to stop the curse," tangka kong paliwanag. Sigurado akong magababgo ang isip niya kapag malaman niya ang nalaman ko. "Ako daw ang huling pag-asa para matapos ang sumpa ni Leono—"
"You're wrong, wife. You are born to live your life, you are born to see the beauty of this world. I am not your responsibility," ani niya't tinakpan ang aking mata gamit ang kanyang kamay. "I want to be with you until the end of my life. Stay with me Malia not to find the cure but as my wife. You should rest, wife."
Naramdam ko ang pagdampi ng labi ni Chase sa aking mata. Si Yana, Mama at ngayon si Chase... they are all asking me to forget the curse. Should I? Should I really forget it? Ngayon pang may progreso na at may kaunti na akong nalalaman? Hindi nagtagal ay dinalaw na din ako ng antok...
Nagising ako at naramdaman ko na may humahawak sa hibla ng aking mga buhok na nakaharang sa aking mukha. Pinakiramdaman ko muna ito, isang tao lang naman ang makakapasok sa kwarto ko. At kanina lang ay naka upo ako sa lamesa pero eto ako ngayon. Nasa higaan ko na.
"You know that I don't have the capability to love someone else besides Elena, but I don't know why, there's just something in you that just pulls me towards you" rinig kong bulong niya. "Just, what the hell are you doing with me, Lia?"
Naikuyom ko ang aking kamao, ayan na naman ang nagkakarera kong puso. Chase, ano bang ginagawa mo sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Yan ang tamang tanong. Naramdaman ko ang labi nya sa noo ko.
"Goodnight, wife. I don't mind risking my life," sambit niya saka inayos ang kumot ko. "I hope you could make me fall for you and teach me how to love again." At lumabas ng kwarto.
Agad kong binuksan ang mga mata ko, nabibingi na ako sa pagtambol ng puso ko. Idagdag mo pa na parang may mga nagliliparang dragon sa tiyan ko, hindi ata ako makakatulog ngayong gabi. Tatlong oras na akong tulala lamang sa higaan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Yana
---
May naulit na ba akong banat? Hahahaha nauubusan na ako ng mga banat eh. Kaeyak, mamigay naman kayo oh 😂 dedicated to iamMIAmia because I don't know how to do the dedication thingy I'll just mention you ❤ Thank you for your kind comment when I was down 😊 that really helped a lot
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro