Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


Napasabunot ako sa buhok ko. Urgh, ano ba 'tong gulong napasukan ko?! Andito ako ngayon sa bahay na tutuloyan namin ni Chase.

Hindi man lang nila ako pinagsalita at nagdesisyon nalang sila ng biglaan at sumabay pa 'tong si Yana. Hays, ang gulo! Hindi naman ako ang nagpropose sa kanya eh!

Tinitigan ko ang mukha ni Leonor na iginuhit ko, ikaw ba ang rason kung bakit may kakayahan akong ganito? Bakit mo ginawa 'yon Leonor? Gusto mo ba talaga mamatay muli si Chase?

Si Rafael na lalaking minahal mo? Hindi ba't mahal mo siya? Bakit ako Leonor? Kasalukoyan kong nililigpit ang mga gamit ko sa bago kong kwarto ng biglang magbago ang aking paligid...

Inilibot ko ang mata ko. Nasaan ako? Paano ako napunta dito? Napalingon ako sa pamilyar na boses sa likoran ko at nakita kong may kausap si Leonor.

"Ako po ba ang iyong kinakausap?"

Nakaupo lamang ang matanda sa gilid ng kalsada. Puti ang mata nito at marumi rin ang suot niyang pulang balabal. Puti na rin ang kanyang buhaghag na buhok.

"Iha, ihanda mo ang sarili mo," sambit ng matandang babae kay Leonor na ngayon ay nakatingin sa kanya.

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad patungo kay Leonor. Hindi nagsalita si Leonor at pinagmasdan ang matanda na iika ikang lumapit sa kanya.

May kinuha ang matanda sa kanyang maruming lagayan ng gamit at ibinigay kay Leonor. Gustohin ko mang lumapit para makita ay 'di ko naman magalaw ang katawan ko.

"Masasaktan ka ng lubusan sa muling pagbalik ng kanyang nakaraan. Ang pangakong pag-ibig ay malilimutan at ang pagmamahal sa iyo ay maglalaho oras na sila'y magkita muli," aniya't ngumiti ng nakakatindig balahibo.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ni Leonor, bakas sa kanyang boses ang kaba.

I felt chills ng lalong lumawak ang ngiti ng matandang bulag sa kanya. May kakaiba at nakakakilabot sa matandang bulag. Sino siya? Hinawakan niya ang kamay ni Leonor bago muling bumalik sa pagkakaupo.

"Darating ang oras na kakailanganin mo iyan. Gamitin mo yan, iha. Kung ayaw mong mawala siya sa iyo."

Nabalik ako sa reyalidad matapos ng pangitain ko. Sino ang matandang babae na 'yon? Ano ang bagay na ibinigay niya kay Leonor?

Inis akong napakagat sa labi ko, hindi ko pa nasasagot ang ibang katanungan sa mga naging pangitain ko tapos ngayon may bago na namang misteryo. Kailangan kong mahanap iyon baka 'yon ang maging sagot sa lahat.

Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit nagawang isumpa ni Leonor ang lalaking pinaka mamahal niya?

"Hey, did you see something again?"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Chase. Kunot noo ko siyang tiningnan. Anong ginagawa niya rito? 'Di ba dapat ay nagtatrabaho siya ngayon? Kailan pa siya dumating at nakapasok sa kwarto ko?

"I've been calling your name but you were just staring blankly at me. And regarding that little question in your head. I can work and leave anytime I want, Malia," sagot niya sa katanungan sa aking isipan. "Did you forget? Your husband is no other than Chase Rodriguez and I own the company, that means I own my time too, anyway is that Leonor?"

Bakit ba parang mind reader 'tong lalaking 'to?

Inagaw niya ang papel sa akin. "I'm not a mind reader, wife. Your expression are just easy to read."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Expression? Ang hirap niya talaga intindihin.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang atensyon ko sa hawak hawak niyang papel. Nakita ko ito na nakatago sa kahon ng mga luma kong artworks.

"So, is that the supposed to be woman na pinangakoan ko noon?"

Tumango ako bilang sagot. Matangos na ilong, mahahabang pilik mata, manipis na labi, napaka maamo at magagandang mata.

Hindi ko lubos maisip na ang maamo niyang mukha ay makakayang isumpa ang buong angkan ni Rafael dahil sa pangakong hindi natupad. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hanggang ngayon ba ay dinadala mo pa rin ang galit at poot sa puso mo Leonor?

"I'd expect nothing less from my handsome self. She's indeed a beauty," sambit ni Chase na tila natutuwa pa sa nakita.

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Chase. Oo, gwapo siya pero nagbubuhat talaga ng sariling bangko? Tinanggal niya ang suot niyang necktie at masiglang umupo sa tabi ko.

"Okay, I've decided! Try making me fall in love, Malia," sandali siyang nag-isip saka tumingin sa akin. "But don't fall in love with me. Hindi ko mapapangakong masusuklin kita."

Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi ni Chase, ang yabang talaga. Alam ko namang may maipagyayabang siya pero kailangan talagang isampal sa mukha ko?

At inis pa rin talaga ako kung gaano kabilis ang nangyari at napunta kami sa kasalan. And one more thing, this is not a joke! Buhay niya ang nakasalalay!

"Hindi mo na ako kailangan pagsabihan. Huwag kang mag-alala hindi kita bibigyan ng sakit sa ulo at hindi lahat ng babae mahuhulog sa 'yo. Hindi porket habolin ka ng mga babae ay lahat na ng babae magkakagusto sa 'yo," inis kong sagot.

Inis pa ako sa bagong set up namin. Why can't I just say no? Kung pinanindigan ko lang sana ang desisyon ko, e 'di sana hindi ako nakasal kay Chase.

Ang laking bagay kaya ng kasal pero buti nalang talaga napapayag ko silang private wedding lang. Haaays, napadako ang tingin ko kay Chase at nakita ko ang paglaho ng pilyong ngiti sa labi niya.

"Yeah, I know. She said the same thing," mahina niyang sagot.

May kakaiba sa boses niya bakas sa mukha niya ang kalungkotan at sakit. Bigla akong nagsisi sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay napaka sensitibo na usapan 'yon kay Chase.

"I know how it feels to love someone you can never have, I don't want you to experience that kind of pain. Don't love me, Malia," makahulogan niyang sambit. "Don't love me until the day I can be sure that I'll be able to love you back."

Huminga ako ng malalim bago seryoso siyang tiningnan sa mata. Why are you so scared Chase? Sinabi ko na nga sa 'yong hindi ako magkakagusto sa 'yo at alam kong kailan man ay hindi mo ako magugustohan.

Who would like a freak?

"Look Chase, hindi mo kailangan sumugal. Pinapangako kong hahanap ako ng lunas para sa sumpa," sambit ko bago tumalikod. "Mahahanap natin ang lunas ng walang masasaktan at walang mamamatay. Tandaan mo may tatlong kondisyon at ikaw palang ang hindi pa tinatablan ng mga kondisyong iyon. Hindi natin pwede isugal ang huling kondisyon at ginagawa ko din 'to para sa sasrili ko, gusto kong makawala sa abilidad na ito at ikaw ang sagot doon."

Ayon sa mama ni Chase ay may tatlong kondisyon ang sumpa. Una, kung ang babaeng iibigin nila ay hindi kayang suklian ang pagmamahal nila ay onti-onting hihina ang pagtibok ng puso nila hanggang sa mamatay sila.

Pangalawa, kung mawawala o mamatay ang babae tulad ng nangyari sa kapatid ni Chase at ang huli ay ang hindi pagtupad ng pangako, ang magmahal ng iba tulad ng nangyari kay Rafael.

"Andito ako para humanap ng lunas at malaman kung bakit may kakayahan akong ganito. Hindi natin kailangan-"

"I'm challenging Leonor, Malia. I'm doing this for myself too. Love against love and I need you with it." Hinawakan niya ang pulsohan ko saka hinarap ako sa kanya. "I'm not Rafael, she should know that. I'm Chase Rodriguez and no one messes with me. I can win against that thousand years of curse but I need you with me on that battle, my wife."

Love against love? Pag-ibig laban sa pag-ibig? 'Yan din ang sinabi ni Johnny sa akin.

"Chase, hindi ito laro. Hindi laro ang pag-ibig at malaki ang kapalit nito sayo, buhay mo ang kapalit," pagrarason ko.

"It's not that bad to try Malia and with the way I am right now, I can't call this living. Mom's right," seryoso niyang sambit saka sinalubong ang mga mata ko. "If it's you... I'd take the risk of falling in love again."

How stubborn can you get Chase? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung mamamatay ka dahil sa akin. And it's impossible, walang matinong taong magkakagusto sa akin. Hindi ako maganda, hindi din ako normal. There's nothing likable about me at all.

"Nasisiraan ka na ba?! Isantabi mo muna ang pride mo at hindi ako ang tipo na babae na mamahalin ng isang lalaki, Chase. Alam mo iyon, I'm not worth the risk Chase." Iwinakli ko ang kamay niya, ramdam ko ang pagsakop ng takot sa dibdib ko. "Hindi ko kakayanin na maging rason ng paghihirap ng ibang tao. Habang buhay kong pagsisisihan kung sakaling mamatay ka ng dahil sa akin!"

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko kaya naman napa-aray ako at nagreklamo.

"Haven't you heard? Chase Rodriguez is different," natatawa niyang sambit. "And you pass Change Rodriguez's standard. So let's give it a try, okay? And who told you I'm going to die? It takes more than a curse to kill Chase Rodriguez, Malia."

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakakurot sa pisngi ko at umiwas ng tingin. Ayoko, natatakot ako. Iba ang dating sa akin ng isang Chase Rodriguez, hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong hindi sya maganda para sa puso ko.

"Show me, show me that love is stronger than any curse," pursigudo niyang sagot.

Ang daya mo naman Chase, wala akong tiwala sa sarili ko. Ngayon palang na 'di ko maintindihan ang sarili ko.

Hindi ako handa, Chase. Hindi ako handang isugal ang puso ko sa laban na alam kong malabong manalo ako.

Naramdam ko ang biglang paglakas ng tibok ng puso ko. Halo halong emosyon na hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Labis na pagmamahal? Galit?

"Kahit sampung taon o mahigit isang dekada man ang lilipas ay hinding hindi kita magagawang patawarin, Rafael."

Malakas kong naitulak si Chase. Bakit parang naaapektohan na ako ng mga pangitain ko? Boses 'yon ni Leonor.

"You don't have to push me away like that," gulat na sambit ni Chase. "Rude strange woman. One moment you're cute then the second you'd be an amazon," Napahilamos sya sa mukha niya. "God, I can't seem to play the nice guy here."

"Shut up! Isa kang malaking gago!"

Hindi ko din alam kung ano ang ikinagagalit ko. Tumakbo ako palabas ng bahay nang biglang nanghina ang tuhod ko. Mariin akong napahawak sa ulo ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

Isang imahe ni Leonor at Rafael. Napahawak ako ng mahigpit sa ulo ko. Ano 'tong nakakabinging tunog?

"Miss, ayos ka lang ba?"

Bigla akong nabalik sa reyalidad ng maramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. Parang biglang naglaho ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. Anong nangyayari sa akin? Napatitig naman ako sa estranghero, hindi ko alam kung bakit. But for some reason, he give me a sense of comfort and peace. He is different.

"Hunter?" rinig kong tawag ni Chase "Dude! Just when did you arrive? I didn't know your new house was here too."

Sinundan pala ako palabas ni Chase. Tiningnan ako ng lalaking tinawag ni Chase na Hunter. Mukha atang may lahi siyang Koreano dahil maliban sa makinis at maputi niyang balat ay may bilogang singkit na mata rin siya.

His oval face shape also emphasized his sharp jawline. Hindi lang pala lahi ni Chase ang gwapo pati ang mga kaibigan niya ay may itsura rin.

"And she is?" Tiningnan niya ako tila naghihintay ng sagot.

"Malia..." I awkwardly introduced myself. "Malia Rivera."

Kung kakilala siya ni Chase ay dapat maging magalang rin ako sa kanya. Ayokong makasira sa pangalan ni Chase and he did help me.

"Nice meeting you, I"m Hunter Natividad." Inabot niya ang kamay niya sa akin. "Chase's best friend."

Matagal kong tinitigan ang kamay niya. Tatanggapin ko ba? Hindi pa rin ako sanay na makihalubilo sa ibang tao. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang maramdaman ko ang paghawak ni Chase sa beywang ko.

"Too bad, Hunter."

Nagulat ako ng bigla nya akong hilain papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

"This lady is already mine." Seryoso akong tiningnan ni Chase. "And it's not just Malia Rivera. It's Malia Rivera-Rodriguez. Don't you ever forget that, wife."

"Eskandaloso," galit kong sigaw saka tinalikuran siya at naglakad papasok ulit sa bahay.

Ano 'yon lumabas lang ako para mahalikan ni Chase in public? He have no sense of personal space! I wanted to run away from him! Bakit ba kasi andito siya?! Mahina kong tinampal ang pisngi ko. Bakit ba ang init?! Wala sa sarili kong nahawakan ang labi ko.

The touch of Chase's tongue, napaka lambot at napaka init. Napasigaw ako at napaupo habang ginugulo ang buhok ko, hindi mawala sa isipan ko yung pakiramdam ng labi ni Chase. Nakakalimutan ko ang lahat at parang nagiging illogical ang lahat ng dahil kay Chase. Iniisip ko palang ang halik ni Chase ay parang nilalamon na ako ng hiya. Mababaliw na ata ako.

***

chickenshin nagtatampo si Chase sayo, you don't trust him daw 😂

The kiss part is so awkward to write to be honest.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro